Episode 6

1644 Words
UNANG araw ngayon ng college life ko. Masaya naman... Sana, sana lang talaga! Kaso ang pangit ng gising ko today. Akala ko talaga may lindol. Ang galaw kasi ng double deck... Nasa ilalim pa naman ako. Bottom nga 'di ba? Ka-stress kayong kausap! Kaya naman inis akong tumayo. Girl, natigilan ako. Tanungin niyo ako kung bakit! Dali! Teh! Sino bang hindi matitigilan, kung makita mong nagma-mariang palad si Mikyle! Gago! Buti na lang ulo lang nakita ko, hihi. "Bastos!" bulyaw ko sa kanya. Pero ang focus niya ay nasa pinapanood niyang porn. Clara... Please lang po. Alisin niyo na ako rito. Ito na ata ang karma ko e. Buhay pa naman ako, ina-advance niyo na yung impyerno ako diretso. Ano ba 'yan! Excited? Umalis na ako roon. Pumunta sa kusina at tulalang nagkape. Mapapakanta pa ata ako ng... Ibaon mo! Ibaon mo! Pero huwag na lang siguro. Alam niyo naman ano, kahit yumny si Mikyle. Hindi siya yung tipo ng lalaki na papangarapin ko. Mukha lang akong malandi na katulad ninyo, pero ang nais ko ay mga seryosohan. Seryoso nga. Hindi ako naghahanap ng fling! Hindi ko need ng fling para mag-enjoy. Kailangan ko yung tatanggap sa akin, at sa mga sikreto ko. Iyon lang. Basta ba sa huli ay hindi niya ako pandidirihan. Basta! Ang daming drama, nakakabwiset lang. Lalo na yung mga mukha niyo. Bwisit. So ayon na nga. Nagluto na rin ako ng almusal. Tapos naligo na rin. Nakalimutan kong maligo muna bago magluto. Kaya madalas akong mapasma sa kamay e. Kamay lang ba 'te? So ayon na nga. After ligo, bihis ay kumain na ako. Nagpasalamat pa ako sa tirang pagkain ng Mikyle na ito. Muntik na akong hindi tirhan. Muntik na akong magmura talaga. "Gago kang tangina ka a! Bakit mo inubos yung sangag at ulam? Anong akala mo diyan sa tinira mo? Aabot ba iyan hanggang sa lalamunan ko, hudas ka?! Anong akala mo sa akin! Pusa?!" Nag-iinit dugo ko! Sampalin ko kaya 'to ng kagandahan ko? Umangal, dugyot! Ngumisi lang siya. Bagong ligo kasi. Habang nasa banyo siya, pinagpaplanuhan ko na yung mga dialogues ko. Dapat may dating! Pero ang sama ng araw ko ngayon talaga! "Bakit ko naman iisipin na pusa ka? Do you have p***y?" ABAAA! Nang-insulto pa ang bwaka na 'to! "Eh kung sikmuran kita ngayon mismo? Nang maisuka mo lahat ng niluto ko. Laki ng ambag mo a!" Pero mas malaki ambag niya. May kupit pa ako. Huwag kayo maingay. Kung ayaw niyong masaktan! Ako na lang mananakit sa inyo. Kaysa sa maling tao pa, mga marurupok na hindot! "Tsk, ingay! Ayan na pera. Bumili ka na lang sa labas." Iniabot niya sa akin yung bente! Teh? Ano bibilhin ko rito? Chewing gum para abot hanggang hapon? Napakasaya naman pala kung ganoon ano? Umalis na siya matapos magbihis. Alam niyo yung may dormmate kayong walang pakiramdam man lang. Hello, Mikyle, inform lang kitang sugapa ka ha? Bakla ako! Tapos magbibihis ka sa harapan ko. Nakabuyangyang iyang t**i mo! Hindi ko na na-censored. Mga hipokrita! Alam niyo naman iyon. Tinatali niyo pa nga e. Na-stress talaga ako. Kaya todo ayos ako sa sarili ko. Siyempre dapat presentable tayo, para makapag-aura sa labas. Nakita ko naman ang jeep agad. Tinarayan ko pa yung isang lalaki. Ayaw umusog. Sabi nga ng kundoktor, kasya pa lima 'di ba? Naniwala naman kayo. SO pagkarating ko sa University, aba, lapot na lapot ako' te! Buti hindi ako agad nag-uniform. Nagbihis ako sa guard house. Pinapasok naman nila ako. Matalagal ko ng trinopa mga 'to e. Nadaan ko sa kape at yosi. Para may kapit ako. Mahirap na, kapag sinumpong pasma sa bibig ko, may nakaaway. E at least may matatakbuhan. Umalis na ako roon. Nagpasalamat ako sa mga guard. Pumasok na ako sa loob. Nakita ko naman sa harap ng registrar si bakla. Lukot ang mukha. Pero wala naman halos nagbago. Ganyan na talaga mukha niyan. "Bakla ka! Pa-vip ka ng taon ka 'mo! Tara na at malapit na ang orientation." Si bakla. Tahimik lang si MM, panigurado iniisip na naman niyan kung paano niya paglalaruan yung mga brutal na games niyan sa cellphone. Okaya yung mga alaga niyang phyton at snakes na iba-iba ang breed. Trip niya mag-alaga ng ahas. Ikaw nga, akala mo kaibigan mo, ahas din pala. Well, tumungo naman kami sa kanya-kanya namin na course. Magkakaibigan kami, pero iba-iba ang passion namin ano. Kinuha ko ay more on Tourism. Osige na! Pang Culinary Arts na ako, okay na ba? Masaya ka na ba? Bwisit. Si MM naman hulaan ninyo? About sa ahas din. Chos. Vet siya. Mahilig iyan sa pet, sadyang nasa pinaka bet niya lang ang mga snake. At si Lei naman, ang pambansang pampaumay. Kumuha iyan ng course na maraming gwapo. Engineering. Oh 'di ba? Akala mo naman ang galing sa Math. Para sa t**i gagawin ang lahat. Bwaka. So iba-iba kami ng course dahil. Wala sa bokabularyo namin ang salitang peer pressure. Ako? Mapi-pressure? Nino? Wala sa dugo ko iyang pressure-pressure na iyan. Bagangin ko pa 'yan e. Exception siguro yung mukha ni Lei. Ibang usapan na iyan. Nakakapressure talaga yorn. Legit. Bigla naubo si baklang Lei at saka ako sinabunutan. "Bakit ka nananabunot, impakta ka!" sigaw ko. Pakialam ko kung pinagtitinginan ako. Masyado lang akong attractive! Pwe! Sinamaan niya ako ng tingin. "Naubo ako bakla!" "So kapag naubo, required ng manakit? Deputa ka! Congrats sa iyo. Ilang months na pulmonya mo?" "Inis ka naman bakla! Alam ko kapag inubo ako. Sinisiraan mo na naman ako sa utak mo. Letse ka." Ay, huli pala ako roon. Eh sa nakakapressure e... "Maghiwalay na nga tayo ng landas! Sige na! Goodbye mga bilat." Iniwan ko na sila roon. Diretso na ako sa sariling hall ng aming Department. For first year ata ngayon. Bukas hanggang sa next week wala na kaming pasok. Itong week kasi na ito ay adjustment period pa lang. Ikaw? Ilang beses ka na bang nag-adjust sa relasyon ninyong palpak? Aminin! Aminin mo na! Wala ka pang naging jowa. Pilingera na 'to. So ayon na nga, kahit na nakakatamad makinig, nakinig na lang ako sa nakakabagot na orientation. Natuwa na lang ako kasi gwapo yung mga nakatabi ko. After ng orientation ng first day ay nagpunta ako sa block section namin para makilala namin yung mga kaklase namin, at saka yung mga anek-anek pa nila. Daming churva, uwing-uwi na ako e! Nakakainis naman. Kaya matapos ng aming orientation, naghanap ako ng makakainan. Literal na pagkain para masaya. After kumain ay hindi muna ako umalis ng school. Joke ko lang yung uwing-uwi na ako. Ano naman gagawin ko sa boarding house? Makikipagtitigan sa butiki? Paunahan ma-love at first sight? So ayon na nga, boy hunting ako as usual. Madami naman pogi diyan e. At saka hindi naman ako maglalandi. Pwera na lang kung pinilit ako, malay ninyo. Chozz. Nagpapabusog lang ako ng mata. Ewan ko ba. Matapos kong ma-satisfy, umuwi na rin naman ako. Iniisip ko kung ano nga ba ang mangyayari next week. Excited na talaga ako. Pangarap ko talaga maging chef. Mahilig kasi akong magluto. Actually kasing sarap ko yung luto ko, kung nakakalimutan niyo na na-sinabi ko na ito sa inyo. Mga ulyanin na kayo! Hoy! ON the other hand, habang papalapit ako sa dorm ko ay nakabukas ito ng kaunti. Kinakabahan ako lods. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko inaasahan na iyon ang madadatnan ko pag-uwi. Mayroon lang naman katalik si Mikyle sa kama ko mismo. Sa baba, ginamit pang patungan ng balakang ng babaeng ito, yung unan ko. Nakaramdam ako ng sobrang galit noon! Kaya naman sinugod ko sila! Mga walanghiya sila! Ayaw na ayaw kong nababastusan yung personal space ko, lalo na ang mga personal na gamit ko. "MGA PUNYETA KAYOO!" Girl hinila ko yung babae palabas ng kwarto namin. Akala niya ata makakaganti siya. Sinampal ko, nahilo ang gaga. Inilabas ko siya ng walang suot. Bahala siya kung anong mangyari sa kanya roon. ''Bakit ka ba nag-iiskandalo ha? Tanginang bakla! May gusto ka ba sa akin? Nagseselos ka ba? Bakit kailangan monh gawin iyon!?" "Ang kapal naman ng mukha mo Mikyle! Tangina mo. Anong pakialam ko kung may kalantariin ka man na iba diyan. Pero bakit sa kama ko pa, kwarto ko pa at ginamit niyo pa yung unan na paborito ko at regalo ng lola ko! Ang gago! Ang gago mo!" Umiiyak na ako nito. Hindi naman ako iyakin e. Naalala ko lang si ano, yung ex ko. Ganitong-ganito rin iyon e. Ang sakit lang. Pero yung ngayon siguro. Mas nagalit ako sa fact na hindi na ako nirespeto ng lalaki na ito. "Bakit ka umiiyak?" nauutal na aniya. Nakahubad pa rin siya. Akmang lalapit siya sa akin ng tabigin ko siya. "Huwag mo akong hahawakan ha? Nandidiri ako sa iyo. Hinding-hindi kita magugustuhan! Ang kapal mo! Sana sa motel niyo na lang ginawa iyon!" Binalot ko lahat mg gamit ko at saka ko tinawagan si Mama. Oo, kapag ganito, Mama tawag ko sa kanya. "Bakit ka napatawag hindot ka? Buntis ka na ba? Sinong ama? Panget ba?" "Ma..." garalgal na ang boses ko. "Anak, anong nangyari?" "Ma, alisin mo na ako rito. Hindi ko kaya Ma. Yung kasama ko rito," sabi ko habang naiiyak pa rin. Kinuha bigla ni Mikyle ang phone ko. "Usap muna tayo. Walang aalis." Seryoso siya diyan. "Ibalik mo ang phone ko Mikyle. Magkakatalo talaga tayo. Sinasabi ko sa iyo." Pero umiling siya. May suot na siya ngayon. Wala na sa labas yung pukinang babae na iyon. Nasaan na iyon? Babalatan ko pa ng buhay! "Wala tayong pag-uusapan. Sabi ko na e. Hindi talaga magandang plano na ikaw ang makasama ko sa kwarto na 'to. Napaka-insensitive mong lalaki. Wala kang respeto. Pasmado bunganga ko, pero tao kitang pinatunguhan..." Umiling siya at saka nag-squat para mapantayan ako. "Okay. I am sorry, hindi na mauulit iyon, ha? Huwag ka ng aalis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD