NAPAGOD ako sa lalaking ito. Ang tigas ng ulo niya. Hingal na hingal ako.
Oh, anong iniisip ninyo? Mga hangal!
Bale itong lalaki kasi na ito ay inalis lahat ng impake ko na damit. As in, siya nag-ayos ng kama ko. Pinalabhan ko sa kanya. Inayos niya talaga paglalaba, kasi yuyurakan ko pagkatao niya.
Tinawagan ko na rin si Clara. Akala mo naman totoong nag-aalala sa akin. Sinabi ko sa kanya na drama lang yung kanina. Alam ko rin na hindi siya kumbinsido. E ano magagawa ko? Basta sabi ko, okay na ako! Huwag na nilang pagurin ang sarili niya, nila ni Fausto, na hanapan ako ng matitirhan. Dami ko ng abala sa kanila.
Kahit ganito ako, prinsesa nila ako ano. Kaya naman nag-aalala sila sa akin. Kunwari pa sila. Pagsisisihan nilang ipinagtabuyan nila is me!
Nilapitan ko si Mikyle. Ewan ko ba kung maaawa ako sa lagay niya, na nasa cr siya at kinukusot ang kobre kama ko. Nakita ko na 12 na rin na eh.
"Wala pa bang pagkain diyan?" nagsusumamong tanong niya. Hindi na niya ako maloloko sa mga puppy eyes na iyan a. Bwisit na demonyong 'to.
"Bakit? Mukha bang hawak ko ang plato? Hindi ba at hindi?" mataray na sagot ko. Pout pa siya, akala niya cute siya. Inirapan ko siya.
"I am hungry."
"Eh 'di kumain ka. Ano ba iyang sinasabi mo. Parang one plus one."
"So may pagkain na?" umaasang sabi niya.
"Mayroon na. Nagluto na ako ng ulam, senyorito. Ako na lang magkukusot niyan. Palibhasa mukhang anak mayaman ka."
Totoo naman, para siyang walang buto kung magkusot, walang silbe muscle niya sa braso, pang display! Pwe.
Ayaw kong ipa-laundry iyan. Ano siya? Sinuswerte! Bumawi siya sa kagaguhan niya a. Hindi rin ako natutuwa sa kanya.
"Ako na, tatapusin ko na ito. Para makabayad ako sa ginawa ko sa iyo," sabi niya. Pinapakita pa ang complete set ng ngipin niya, gamit ang isang pamatay na ngiti.
Sorry, cannot be, barrow one. Walang epek sa akin iyan.
"Huwag mo akong ngitian. Bwisit pa rin ako sa iyo. Isa pang beses na gaguhin mo ako Mikyle, isa pa ha?" banta ko.
Aaminin ko na nawalan ako ng respeto sa kanya. Mapagbiro ako, minsan matalim din ang bibig. I can be misunderstood by everyone. Pero alam ng mga malalapit sa akin kung bakit ako nagbago isang araw.
If they cannot accept the new me? It is fine with me. Sorry sila at wala na yung mabait na Sho. Pinatay na ng ex ko.
Naging okay din naman ang araw ko na iyon. Natapos yung gusot. Pero hindi ko pinalampas itong si kolokoy. Akala niya ata e.
"Sadya iyon lahat hindi ba?" tanong ko sa kanya.
"A-Anong sinasabi mo?" utal na sagot niya- maang-maangan pa siya.
"Yung pagtitikol mo, yung mahuhuli kitang may ka-s*x, pati paggamit mo ng unan ng bigay ng lola ko bago siya namatay... Plano mo hindi ba?"
Natahimik siya, he nodded, he looks guilty.
"Sorry, alam ko hindi sapat ang sorry lang. Hindi ko rin alam na mahalaga yung unan na iyon sa iyo..." sabi niya.
"Siyempre unan lang iyon sa iyo. Sa point of view ko naman, mahalaga iyon, sentimental sa akin iyon. Ikaw ba? Gusto mong pakialaman ko gamit mo?" Umiling naman siya ng mabilis.
"Then respect each other's privacy. Alam ko na ayaw mo ako rito. Hindi rin kita feel na makasama. Hindi rin kita pagnanasahan. Maghubad ka sa harapan ko, pero never akong maglalaway. Kasi ang tipo ko ng lalaki, yung kayang i-respeto yung tulad ko na binabastos niyo lang! Kakalimutan ko ang araw na ito. Pero huwag mong aasahan na ibabalik ko yung respeto ko sa iyo. Good night."
Iniwan ko siyang tulala after ng speech ko. He should be anyway.
KINABUKASAN, hindi pa siya gising ay nagising na ako. Wala akong pakialam sa kanya ano. Nakakawalang gana siyang ka roommate sa totoo lang. Tirisin ko ata bayag niya, habang natutulog e.
Naligo na muna ako bago nagluto. Mabilis akong nakatapos para mabilis akong makaalis. Naabutan niya pa ako na palabas ng pinto ng dorm namin.
"Good morning," ani niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin.
Matapos ang hiwalayan namin ni ano, basta secret na muna, yung pinakamatagal at pinakaunang boyfriend ko. Yung nangyari kahapon na siguro, ang pinaka-jerkest na naranasan ko ulit.
Pagdating ko sa school ay hindi ko namamalayan na papalapit sa akin at saka nila ako hinawakan sa kamay. Pisting yawa!
"You really thought na hindi kita gagantihan," sabi ng babae kahapon. May dala pang alipores na mukhang aayawan na ng baby powder sa puti ng hindi pantay nilang pisngi!
Ngumisi ako at saka ko tinakdyakan yung dalawa kaya napabitaw sila. Nanlaki sila ng mata. Inilabas ko yung dala kong payong, folding, pamalo, panghampas ng mga putik!
"Tangina niyo a! Mali kayo ng hinarang!" sigaw ko. Nagsitakbuhan naman yung dalawang alipores ng babae.
"You cannot hurt us! Babae kami! Ipapa-guidance kita."
"Bago mangyari iyon. Pupuruhan muna kita. Isang lapit mo pa sa akin. Kita mo itong ulo ng payong ko? Isasaksak ko sa kipay mong pokpok ka!"
Natakot ata siya at umalis na rin. Mabuti naman sa kanya kung ganoon. Baka mapasama pa siya. Talagang hindi ko sasantuhin iyon!
Nagpunas ako ng pawis. Stress ng stress ako e ang aga-aga pa lang. Dahil lang sa bilat na iyon. Kaya naman pumasok na ako sa first period ng klase namin.
Mas lalong nasira ang mood ko. Kasi ang pangit ng katabi ko, tapos sinumpa pa ang ugali. Tinawag ba naman akong bakla! Bading! Beks! Halatang nang-aasar siya sa akin.
"Bakla. Papel! Penge!" Akala ba niya, siya ang bully ng story na ito? Umay ka namang shokoy ka!
"Ballpen ho ba?" tanong ko sabay ngiti. Ngisi naman siya ng ngisi. Mukha tuloy siyang unggoy na stress sa kaka-OT.
Kinuha ko yung ballpen ko at saka ko diniinan sa palad niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Yung diin na hindi nakakasugat.
"Ikaw, punyeta kang may sumpa sa mukha ka. Trip mo akong basagin e. Isa pa ha? Tatagos sa lalamunan mo 'tong ballpen ko..."
Wala pang isang Linggo Clara, ang dami ko ng kaaway. Masama mo ata talaga akong pinalaki e!
Natakot naman yung bully sa akin. Prince ang pangalan, mukha naman siyang anak ng demonyo. Ang pangit na nga niya! Pangit pa ugali niya! Sinalo na niya ata lahat mg kamalasan sa Pilipinas e.
Natahimik naman ang kaluluwa ko. May mga kaklase akong gusto akong lapitan, makipagkaibigan or something. Pero hindi ko sila pinansin. Wala ako sa mood makipagplastikan ano.
At saka sira na agad araw ko. Kaya ganito kapangit mood ko e. Pero anyways. Natapos ko naman yung dapat kong natapos ngayon. Iyon ang mag-aral.
Seryoso ako sa pag-aaral ko. Para sa future ko at sa magulang ko. Mukha lang akong sakit ng ulo at sakit ng lipunan. Pero may pangarap pa rin naman ako e.
Tumatanda rin si Clara at Fausto. Only child lang ako. Kaya ako lang aasahan nila pagdating ng panahon. At saka ate naman, ganito lang iyan e.
Kung hindi ko mahanap si Mr. Right... sa parents ko hahanapin yung pagmamahal na kulang sa buhay ko. Bungangera si Clara, pero mahal ko iyon. Hindi man ako kinikibo ng tatay ko, mahal ko iyon.
Hindi ko namalayan na natapos na ang huling klase ng araw ko. Pauwi na ako noon ng pumarada ang isang pamilyar na single na motor sa tabi ko. Anong ginagawa ng kampon ng dyablo na ito rito? Aga naman akong sinusundo ni Satanas.
Mikyle Lee
Sinadya ko iyon. Yung magagalit siya, yung mababastusan siya sa akin. Yung matu-turn off siya at mas importante, ang umalis siya sa boarding house na ito.
Hindi ako sanay na may ka-boardingmate. Kaso matakaw sa pera yung landlady. s**t lang talaga. Pero lahat naman ng naka-roommate ko. Nagagago ko naman. Napapalayas ko naman sila.
Yung ibang lalaki masyadong dugyot, pakialamero at lahat na. May naka-roommate naman ako na bakla. Muntik na akong pagsamantalahan. Sa ospital siya sinugod. Wala naman siyang magawa. Siya ang nangharrass.
Kaya nga hindi ko rin gusto yung si Sho. Ang talas ng dila, tapos madalas ay masungit pa. Parang nakaregla. E nahuhuli ko naman siya madalas na nakatingin sa akin, may pagnanasa pa nga.
Pero iba siya... Kasi masarap siyang magluto? He has that unique sense of humor at hindi rin siya pangit. Hindi siya nagdadamit pang babae. Simple nga lang siya e.
Pero tinuloy ko pa rin ang plano ko. Tinarantado ko pa rin siya. Planado lahat e. Yung sa umaga gigising siya nag-aano ako. Tapos mahuhuli niya akong may ka-s*x sa kama.
Galit siya noon. Akala ko magagawan ko na siya ng paraan para mapaalis. Pero naguluhan ako ng umiyak siya. Doon ako nagising. Hindi niya naman deserve iyon e.
Hindi ko kasi naramdaman na minamanyak niya ako. Iba siya... Iba siya...
Mabait naman siya, pasmado lang ang bibig niya. Pero ayos naman siya.
Kaya sinabi ko, hindi niya deserve iyon. Nag-sorry ako sa kanya pero ramdam ko na, umiiwas siya.
Dapat wala lang iyon sa akin e. Ang kaso ayon na nga. Hindi ako komportable. s**t mas gusto ko yung kausap niya ako. Kung kasama ko siyang titira rito ng matagal na panahon. Pangit kung awkward kaming pareho. Kaya dapat mag-sorry ako sa kanya.
Sinundo ko naman siya sa school niya. Mukhang okay naman ang lahat.
"Oh? Bakit nandito ka? Sinong dadaanan mo rito? Yung kahapon ba?" tanong niya kasi sa mismong tabi ko siya pinaradahan.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Pagsabihan mo iyang babae mo ha? Tangina nang bilat na iyon. Akala ba niya kaya niya ako! Akma pa nila akong pagtutulungan ng mga alipores niya!" s**t! Baka mas lalo akong ma-badshot nito.
"Ayos ka lang? Wala ba silang ginawa sa iyo?" tanong ko naman.
"Kung mayroon man. Hindi siya uubra sa akin ano."
I should have known better.
Hindi basta-bastang bakla si Sho. Kaya niyang putulin ang sungay niya para managa ng demonyong tulad niya.
I smirked.