Episode 8

1649 Words
"SAKAY ka na," aya niya sa akin. Pinagsasabi ng Mikyle na ito? Akala ko ba susunduin niya yung naglalakad niyang bilat? "Bakit naman ako sasakay sa iyo? Sasakyan ka ba? Hintayin mo na lang si ate mong bilat. Bye..." Akmang lalakad na sana ako noong hawakan niya ang kamay ko. In fairness- ang kalyo ha! Imba, alam na alam mo yung mga jakolero. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante rito. Hindi ba talaga titigil itong lalaki na ito? Ang dami ng nanonood sa amin. Sinehan kami? Pelikula? Ganoon? "Sanaol maganda!" Buti alam mo, hindot. "Sanaol may jowa." Ito? Itong malibog na ito? Huwag na lang! Never mind I found! Someone like you! "Sanaol kahit hindi pukihan!" Tangina si Lei iyon a? Sumakay na ako. Alam kong sasabunutan ako noon. Ayaw na ayaw niyang may inaano ako na lalaki. Like duh, I am on a right age ano. Nanay ko ngang was paki may jowa or wit is me! Siya pa kaya? "Sasakay din pala. Daming arte!" sabi ni Mikyle habang inaabot sa akin yung helmet. "Paandarin mo na 'to. Hinahabol tayo ng kaibigan kong mukhang tahong!" Tawa naman siya nang tawa at pinaandar niya ang motor. Hindi ako nakayakap sa kanya ano. Bakit ako yayak- Putangina tehhhhh! Napayakap ako. Ang bilis niyang magpatakbo. Kailangan kong kumapit sa matigas. For an instance, itong gabakal na abs ni Mikyle. Hindi ko siya pinagnanasahan ano! Kung siya rin lang naman. Ayos na ang buhay ko. Hindi ko na kailangan ng lalaki sa buhay ko! Lalaki ka lang! Sinira mo ang buhay ko! Roberta ka girl? So ayon, mas mabilis akong nakarating sa boarding house. Buti hindi amoy tamerd. Pero nag-spray pa rin ako ng pabango. In case lang. Nagbihis ako sa sando at saka sa short ko at saka na ako humiga sa kama. "Wala bang thank you diyan, Sho?" tanong ni Mikyle sa akin. Nakaupo siya sa kama ko kaya sinipa ko siya paalis. Umalis naman siya. "Thank you," sabi ko with fake smile at saka umirap. Dinig ko na nag-sigh siya. "Look, bumabawi ako." Nginitian ko siya, fake lang din ulit. "Huwag na. Okay tayong dalawa. Huwag mo na ulit gagawin iyon. Salamat ha? Pwede, lumabayan mo na ako?" He pouted, halatang nagpapagwapo ito. Gwapo lang iyan Sho, maraming ganyan sa labas! Huwag kang papalinlang! Ukinam ka! "Galit ka pa rin sa akin e. Ano bang gusto mong gawin ko," tanong niya. Ikaw ba, Mikyle, sure ka na sa tanong mo? Wala ng bawian ba iyan? Echos. Ayaw ko nga! I am not interested with this meat. Ano ako? Easy girl, katulad ni pokpok kanina. Hindi ako ganoon 'te. Lalandi lang pero 'di luluhod. Bayuhin niya yung pader! Not me. "Wala." Iyan ang sagot ko. Maikli lang at saka ko na ibinaling ang sarili ko sa selpon ko. Inagaw na naman niya ito kaya ako napamura sa inis. Ano ba! Balak ko pang makipag-plastikan sa iyo Mikyle e! Kainis ka naman e! Eh! Eh! Eh! 2ne1. "May lahi ka bang snatcher!? Akin na iyang selpon ko. Dukot ka nang dukot e. Ano bang problema mo? May problema ka ba? I-talk to papa na!" Papa Dudut ka diyan bakla? He smiled naman. "That's what I like. Your smart mouth. Hindi yung nagpapanggap ka na okay tayo kahit hindi... look, Sho, we will be a roommate for a very long time. At least let us be more casual than this. Alam ko na may mali ako. Willing to fix, I really am. Can you give me a second chance?" Totropahin pa rin. Napasabunot ako sa sinabi niya. Double meaning kasi sa utak ko. Ano? Bumabawi ba iyan o nanliligaw? Wala pa kaming tatlong linggo na magkakilala. At saka hate ko rin yung fact na tama siya. Ang awkward naman kung entire na panahon, kami ay awkward sa isa't isa. Kaya it is a yes for me. "Fine! Pagtiisan mo itong pasmado kong bibig, kung talagang gusto mo yung totoong Sho. Akin na iyang selpon ko, pwede?" Ngisi naman niyang ibinigay ang phone ko. Sakalin ko ang puno ng anes mo eh. Umalis naman siya sa tabi ko at sumampa na sa ibabaw ko- obviously sa taas. Double deck 'di ba? Hello? Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Napagod ako siguro sa kakaisip kung gaano ako ka-fresh this past few years. Iba talaga epekto kapag hindi ko iniinda yung mga tulad ninyong panget! Panget na nga, single pa! Pagkagising ko ay napatingin ako sa orasan. Shete! Alas siete na talaga girl! Wala pang sinaing at ulam. Tumayo naman ako at saka ko nakita si Mikyle sa kusina. Naka-boxer lang siya at saka apron. Wow? Marunong magluto 'tong sugapa na ito? Ayos ah. Now ko lang na-knows. Nilapitan ko siya at saka na nakahanda sa mesa ang maraming putahe. May kare-kare, sinigang na hipon, sarsiadong isda at chicken barbeque. "Aba, himala at nagluto ka? Sarap ng ulam a. Sakto gutom na ako..." sabi ko sa kanya. Hindi na ako mahihiya. Magpapakatotoo na ako ano, at request niya iyorn, remember? "Bumabawi lang ako sa iyo Sho... At saka, hindi ako marunong magluto. Take-out lahat iyan... Pati kanin, hehe." Na-fake mo ako a. Assume ako kaagad kahit hindi naman dapat! Sabagay! Ano nga ba ang aasahan ko sa batugan at laki sa layaw na ito? Baka may tagahugas pa iyan ng pwet noon e. "Ganon ba. K-dot. Kumain na tayo." Habang nasa middle ako ng pagkain ay binigyan pa niya ako ng mamahalin na cupcakes. Sobrang saya ko. Pero ramdam ko yung hidden motives e. Aba! Hindi basta-basta mamimigay ng regalo 'tong lalaki na ito, kung alam ko lang. Lahat ng ito nagsusumigaw ng... Suhol! "Sabihin mo na yung gusto mong sabihin. Para kang ewan diyan." Mukha siyang problemado. Ayos iyan. Matakot ka sa aking unggoy ka. Ikaw rin! Unggoy ka! Ikaw na galit na galit, gustong manakit. Damay na 'to! "Pupunta mga tropa ko rito, Sho. Nasa ibang floor lang sila. Iinom kami. Hehe. Baka pwede? Dalawang oras lang naman." Sinamaan ko siya ng tingin. "Mukha bang beerhouse itong silid natin? Sabi nga ni TS, basta may sinabi siya! Doon sa kanta niyang Lovers. Kwarto natin ito, hindi pwedneg ikaw lang mag-benefit ano." Ngumuso siya. "Suhol naman iyan e. At saka para win-win. Pwede rin mga kaibigan mo rito minsan. At saka minsan lang ito. Sige naman na Sho. Dalawang oras lang e." "Isa't kalahati." "Sho, 2 hours naman." "Isang oras." "Sho, two hours. Please?" "Kalahating oras." "Fine! One and a half hour!'' sabi niya. Akala niya ha? Pansin ko kay Mikyle. As your very observant girl here. Barumbado siyang magsalita. Pero, kapag nag-English siya. May something eh. Tunog mayaman ganoon. E bakit nasa ganito siyang lugar? Dapat nasa condo siya? Baka isa talaga siyang runaway Prince, Mafia Lord, criminal sa Belgium. Basta ganoon siya! Charot lang. Masyado kayong utu-uto, mga impakta kayo. Natapos kaming kumain. So ayon na nga. Nag-tsaa muna ako sa kusina noong may kumatok sa pinto ng Dorm namin. Nasa banyo pa si Mikyle. "Nandiyan na sa labas mga tropa mo! Bilisan mo diyan! Nangingitlog ka ba?!" sabi ko sa kanya. Malapit lang ang kusina sa banyo 'di ba? "I am still dealing with my poop Sho! Papasukin mo muna sila." Dugyot mo talaga! Ukinam. Padabog akong tumayo. Nakakuha siya ng katulong ha! Ako pa ginawa niyang katulong! Binuksan ko na ang pinto, at napatigil ako. Binuksan ko ata ang pinto ng langit. Bakit ang gwapo ng dalawa na ito? Jojowain na po agad! Like yes or yes! "Pwede ba kaming pumasok?" sabi ng maputing chinito na matangkad at sobrang gwapo! Bet na bet! "Ahh, oo pasok kayo!" masigla na saad ko. Kakausapin ko na muna si Mikyle mamaya. Sasabihin ko. Kahit matulog na sila rito. Yung mga barkada niya. Baka ito na yung chance ko! Pero charot ko lang iyon. May pasok pa ako bukas ng maaga. Sayang. Pinaupo ko muna sila sa kama ko at saka ko inihanda ang alak nila, pulutan, yelo. Todo asikaso ako 'teh. Malay niyo naman. Ito na yung swerte ko. "Buti mas presko rito sa kwarto niyo a!" sabi ng moreno na lalaki. "Pero mainit pa rin." Ate! Naghubad siya ng damit. Kita yung abs niya na nangingintab sa tan niyang kulay na balat. Ako na po ang luluhod master, spank me. Lumabas naman sa kusina itong si Mikyle. Nakakunot ang noo niya na lumapit sa akin. "Nandito ka pa. Doon ka sa taas. Doon ka muna sa kama ko. Wala pa pala tayong gagamitin na upuan." No choice ako. Ayaw ko naman na tumambay sa kusina. Kaya sa taas ako ng deck namin. Hindi naman ako makatulog, ingay nila mag-usap. Imbyerna pa topic nila. Puro babaeng maganda! Pukehan mga ganoon! Pag-usapan niyi naman yung size ninyo. Para maka-relate tayo lahat! Shook na shook naman ako noong pinag-usapan nga nila! Ampota! Ang lalaki ng kanila. Siyempre, si Mikyle pinaka-daks. Pero bet ko rin yung seven inches ni Theo also known as kuyang moreno. Hindi na talaga ako makatulong. Kaya bumaba ako sa kama at sumali na ako sa inuman nila! Bahala na. "Nasaan tagay?" tanong ko. Iniabot naman ni Rob yung baso. Tinungga ko. Shet! Sarap! Kakamiss tumoma. "Sho, bakit ka naman umiinom ng alak?" sabi ni Mikyle. Umupo kasi ako sa tabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Pampaantok lang. Huwag kang masyadong KJ!" sabay irap ko. "Oo nga naman p're. Anong year at course ka na ba? Sho?" tanong ni Theo sa akin. Getting to know each other ba ito? "First year pa lang kuya Theo. At saka culinary arts course ko!" Kinuya ko na, yung malanding pagkakabanggit na kuya. "Wow, eh 'di masarap kang magluto?" tanong ni Rob. "Siyempre! Mas masarap ako!" Natawa naman kaming tatlo. Maliban kay Mikyle na umiinom na sa isang bote ng redhorsee. Natahimik ang kaninang bangka sa usapang babae? Narinig ko pa siyang bumulong. Problema niya? Ang sabi niya kasi sa bulong niya. "Kuya pa nga..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD