Epsiode 9

2076 Words
MINABUTI ko ng matulog na lang ako kaysa makipag chikahan sa mga boys. Nakakagigil talaga ang ugali ni Mikyle na ito, sarap manampal ng takong. Hindi naman ako agad nakatulog dahil tungkol na naman sa tilpya at tahong ang usapan nila. Alam na alam talaga nilang i-trigger ang anxiety level ko na pataas nang pataas. Pero dahil mabait ako kahit na malakas na ang pasma ng bibig ko, nagbasa ako ng mga bible quotes sa sss bago nga ako tuluyan na nakatulog. PAGKAGISING ko ay para bang ang bigat ng katawan ko. Dama ko ‘yung bigat kasi pukinginamers, ang hayop na Mikyle, kung makayakap naman sa akin akala mo kukunin na ang virginity ko! Pero in fairness namang tunay, kapag tulog ang otoko ninyo, mukha siyang hindi gagawa ng kasalanan. Mukha siyang boyfriend material na puwedeng irampa sa BGC kasi mukhang yayamanin ang mukha. Ang ganda ng shape ng panga niya dahil talaga naman define na define, puwede na ngang tayuan ng subdivision. Mahaba ang pilik mata niya, matangos ang ilong, makinis na mukha, tan na kulay ang balat. Para siyang hinugot sa Tiktik na tabloid ni Clara. Naku, tinatago pa niya iyon sa kwarto nila ni Itay, e dakilang malikot ang kamay ko. Ginagawa ko kayong lobo noon ‘yung condom nilang pinaggamitan. Siyempre charot lang, hindi naman ako kasing dugyot ninyo! Namalayan ko na lang na nakatitig na ako sa kulay tsokolate niyang mga mata. Ano kayang lasa niyan kapag sinupsop ko? Haha, shuta, ano iyon? Mata ng isda? Pero nang ma-realize ko na nga na nakamulat ang mata niya kasi shutangina gising na ang lalaki na ito ay napatili ako sa sobrang tinis, mahihiya si Momshie Mariah sa ginawa ko. “What the f**k, ang ingay!” “Gago! Sakit sa tenga!” “Bakit ka ba sumisigaw diyan?” inis na pabulong na sabi ng lalaki na ito… “Malamang natakot ako! Gago ka, huwag ka basta-basta nagigising, talagang tutusukin ko ng toothpick iyang eyeballs mo,” banta ko sa kanya. Hindi niya dapat ini-istorbo ang kagustuhan kong titigan ang mukha niya. Umismid naman siya at kinindatan ako ng lalaki na ito. Ang bilis magbago ampota, aba at kahapon lang homophobic ang gago na ‘to a? “Bakit ka ba dito natutulog, at hindi talaga umuwi ang mga tropa mo? Mukha bang ampunan ng lasing itong boarding house natin? Sakalin kita sa lungs e, ang aga-aga pinapainit mo ang ulo ko.” Hindi niya ako madadaan sa morning hotness niya, baka tadyakan ko pa siya diyan. Ang liit lang ng kama namin, pero sa ngalan ng red horse extra strong talagang hahamunin niya ako? “Hindi na makauwi ang mga mokong e. Napasarap na ang tulog nila, bagsak sa alak!” mayabang na sabi pa niya. Inaangasan talaga ako. Pasalamat siya at ang gwapo niya ngayon, ang sarap papakin. “Naku, huwag ninyong dalasan ang pag-iinom dito ha? Kapag nahuli tayo nila Big Mama, tatadyakan kita sa itlog,” banta ko naman sa kanya. Aba at tumawala lang ang mokong, akala mo naman ay talagang nag bibiro ako. Tatadyakan ko naman talaga siya sa itlog, with feelings pa nga e. “Sinong Big Mama? Fan ka ba ng One Piece?” tanong niya. Hindi naman ako ‘yung tipo ng tao na obsess masyado sa anime. Pero mas gusto ko na ng anime kesa sa mga love story an iyan. Baka magbasag pa ako ng flat screen kapag pinilit akong manood ng mga ganon. Hindi ako bitter. Nangri-real talk, puwede pa. “Naku, e ‘di iyang land lady natin. Huwag ka lang magsusumbong, hahabulin kita ng itak. Tumayo ka na nga at magluluto pa ako ng almusal natin. Mamaya pa namang tanghali first class ko, suwerte mo lang talaga.” “The best ka talaga!” compliment naman niya sa akin habang ginugulo ang buhok. Bwisit na pogi na ‘to! Tumayo naman na siya at wala na nga siyang suot na damit, at tanging brief lang ang suot niya. Hindi ko alam kung papaniwalaan niyo pa ako, pero wala rin naman akong pakialam kung plastikan ko ninyo akong mga hayop kayo. Hindi kayo nakakatuwa. Mas natutuwa ako nang lumusot ang ahas ni Adan sa brief ni Mikyle. Sayang nga at agad niya rin inayos ang brief niya. Napakadamot naman sa view! Ako naman ay ginawa ko na ang dapat kong gawin. Tumayo na ako at bumaba sa taas ng double deck namin na higaan. Nakita ko ang dalawa naming bisita na ang sarap pagmasdan. Kailan pa naging bakery itong silid namin? Umuulan ng pandesal! Hindi ko na muan sila in-istorbo sa pagtulog. Mukha pa silang masarap titigan habang nagkakape, pero ayaw ko naman na ma-weirdohan sila sa akin. Pero nakaisip naman ako ng kagagahan. Siyempre kailangan din mainggit ang bakla ko na kaibigan sa akin. This is my chance at kinuna ko ang sarili ko habang katabi ko ang mga lasenggo na ‘to! Nang matapos na ako sa kagagahan na naisip ko ay saka na ako pumunta sa kusina upang maghilamos at saka mag-toothbrush. Ang pangit naman na amoy pulutan ng isang buwan ang nakakaraan ang bibig ko! very hygienic kaya ako, not like you! Oo, ikaw na inggitera,single at walang love life. Matapos noon ay nagluto na ako ng almusal. Siyempre kailangan kong sarapan. Kahit mga kasing sarap ko lang. Mga nasa ganoong level lang. Today ay nagluto ako ng masarap na special na fried rice. Simple breakfast na may sunny side up na itlog, may bacons, cream soup. At naluo ko ito after a half hour! Siyempre at ano pa bang ganap kung ‘di ko kayang maging skilles, e culinary nga ang kinuha ko. “Hmm, ang bango naman niyan,” sabi ni Theo na nasa likod ko na pala. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango. Pero nang maramdaman ko ang banana niya sa aking chocolate hills ay agad ko siyang tinulak. Seryoso ko siyang tiningnan. “Keep your distance,” sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat naman siya sa inasta ko. I know na nagiging touchy rin ako at times, but I seems to set boundaries. Laging ganoon dahil ayaw ko ng maulit ‘yung dati. “Sorry, hindi ko sadya,” sabi naman niya at mukhang sincere naman siya. “Ayos lang, huwag mo na lang uulitin. Alam ko rin naman na kung ikaw ay mababastos, hindi mo rin magugustuhan iyon.” Kumain naman na kami at hindi naman naging mabigat ang atmosphere, ako pa ba? E ang galing ko kayang magdala ng sitwasyon! So basically umalis na rin sila. Huwag na kayong magtaka kung ako rin naman sa huli ang naglinis ng bahay. Mukha lang akong burikat na maganda, spoiled brat, anak ng CEO na may black card, pero ayaw ko ng makalat. Naiirita ako. Habang naglilinis ako ay lumabas naman sa banyo itong lalaki na ito. Ang lakas ng loob lumakad sa harapan ko habang nagwawalis ako ng sahid! Tapos ang suot lang niya naman ay tuwalya. Opo, nakikita ko anman ‘yung makasalanan na bakat. Kapag dito ako tumira ng buong college life ko, hindi na ako magtataka kung sa araw-araw na gagawin ng diyos ay susubukan ang katatagan ko! Alam kong super attractive ko! but can he stop seducing me? Ako lang ito, si Sho! “Ang lakas ng loob mong dumaan sa harapan ko a? Pwede ka namang magbihis sa loob ng CR! Bwisit ka talaga!” hinahamon kasi ang pagkabakla ko e! Gusto ba niyang masaid ang kanyang lakas? Charot! Kahit gaano kagwapo itong roommate ko, hindi ko siya papatusin ano. Kung akala niya lahat ng naglalakad na bagay sa mundo, magkakagusto sa isang katulad niya, ibahin ninyo ako! Mas mataas pa ang standard ko kaysa sa pride niya. “Bakit? Pareho naman tayong lalaki a? At saka kahit anong mangyari ay hindi mo rin ito matitikman, hanggang tingin ka lang,” sabi niya sa akin with mala-Cris Evans na ngiti. Umaandar na naman ang natural na pagiging hambog niya. Ang sarap sapatusin ng bibig e! Nanggigigil na naman ako nito. “Pinalaki ka bang kulang sa bitamina? Hoy! Isang sabihin mo pang maglalaway ako sa iyo, tatadyakan talaga kita sa bagang! Ang kapal ng apog mo!” irita na sabi ko. siya naman itong tawa nang tawa. “Masyado na namang mainit ang ulo mo?” panglalambing niya saka ako yinakap. Aminin ko na parang advance na sinusunog sa impyerno ang mukha ko na sobrang init. Opo, wala pong hustisya sa mundong ito. Kung mayroon man, when kaya darating sa buhay ko? “Lumayo ka nga! Basa ang katawan mo tapos makayakap ka, akala mo anak ka ng gobernador heneral! Magbihis ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo,” sabi ko sa kanya. Sana naman umalis na siya ano! Nangnganib ang pagkabirhen ko. “Haha, ano bang gusto mong pasalubong mamaya?” tanong naman niya sa akin. Naku, hindi na niya ako madadaan sa suhol! Baka sungalngalin ko pa siya sa ginagawa niyang ito. “Wala! Dahil walang iinom ng alak dito mamaya. Ano kayo? Gold?” inis na sabi ko sa kanya. “Next week na next session namin. Tapos magdadala ako ng chicks,” sabi niya sa akin! Sa harapan ko pa mismo ha? Nakakainit ng ulo itong lalaki na ito, sinusubukan na naman ang pasensya ko!” “Subukan ninyo, dahil ilalaga ko talaga iyang medyas mo na nasa ilalim ng kama, na nanigas na kaka-jabol mo! Ilalaga ko tapos ‘yung sabaw naman non ang gagawin ninyong chaser,” sabi ko naman dito. Ngumiwi naman siya. “Nagbibiro lang ako, masyado kang mainit,” sabi niya bago magbihis sa harapan ko. Buti at kahit naglalagay siya ng brief e nakasuot ang mahiwagang tuwalya na nagpo-protekta sa akin mula sa kasalanan ng mundo. Alam kong nakita ko na ang ahas niya, pero what the hell, kapag nakita niyo talaga, kayo na ang mato-trauma sa laki! Matapos niyang mag-ayos at uamlis na ay turn ko na para maligo at kailangan ko ng rumampa rin paalis. Saan ako pupunta? Pupunta ako sa kung saang lupalop ng mundo para makahanap ng trabaho. Alam ko naman na kaya akong pag-aralin ni Fausto at Clara, pero hindi rin naman kasi goods na habang buhay ay aasa na lamang ako sa kanila. Saka hindi naman ito ang unang beses na magta-trabaho ako ng part time. Paglabas ko ng room namin ay isinarado ko na ang pinto. Baka nakawin ang mga ginintuang panty ko sa loob, mahirap na. Paglabas ko ay para agad ako ng jeep. Akala ko ay hindi pa ako hihintuan e, talagang makakapanakit ako kapag ganoon na nga ang nangyari. Tapos kung sinu-swerte nga naman ako, ang nakatabi ko pa talaga sa jeep amoy maasim. Alam mo ‘yung ayaw ko talagang maging judgemental ngayon mga panahon na ito. Ayaw ko rin naman na husgahan si kuya baka out of stock sila ng sabon, pero utang na loob at labas, uso naman ata ang manghilod ‘di ba? Hindi naman sa utang na loob ko pang makiamoy sa kanya, pero partida ang lakas ng tama! “Kuya, pausog!” naiirita na talaga ako. Buti at bumaba na siya! Ayaw ko namang mag-inarte pero magi-iinarte na rin ako at wala kayong say doon! Nang makarating na nga ako sa mga pila ng mga establishments ay naglakas na ako ng loob na mag-apply. Siyempre ako ang pipili kung saan ako maga-apply. Hindi pwedeng sa kung saan-saan lang ako makakapasok ng trabaho, baka kung ano pang gawin nila sa akin. My virginity is at stake again. Hindi ko pwedeng ipagsapalaran ang ganda ko. Ang kaso mga walang taste ang mga manager! Hindi ako tinatanggap. Puro call na lang daw nila ako! They are wasting my time! Ako an anga ang nagkusa na lumapit sa kanila. At oo! Utang na loob nila iyon! Sinayang nila ang tulad ko na may magandang asset. Anong petsa na at malapit na ang first class ko for today. Kailangan ko ng bumalik sa school at baka ma-first blood agad ako. Hindi na nga ako sumamasa orientation kasi ulit-ulit lang naman iyon, nakasulat naman sa university manual. Nakakaloka na lang. At kung suswertihin ka nga ay ang makakabangga ko pa ay ang lalaki na ito. At mukhang hindi pumasok sa klase a! “Papasok pala sa klase ha?” bulong ko habang papaalis sa kanya. May kasamang babae kasi si Mikyle. Ano pa bang dapat na asahan ko sa taong iyon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD