Episode 10

1007 Words
WALA namang bearing sa akin kung makikipag-jowa siya, landian, cantonan o kung ano pa man. I mind ny own business so good luck na lang sa kanya sa next life. Ang akin lang ay masyado siyang privilege boy. May mga taong tulad ko na ganda lang ang minana, hindi isang buong kompanya. Kailangan kumayod para sa branded na damit at pabango. Tapos siya tamang waldas lang ng pera at panahon. Bahala siyang mabulok sa college. Sabagay, sino ba naman siya. Itsura at mga gamit pa lang niya halatang mayaman siyang tao, o ang pamilya niya. Habang papaalis ako ay may nakabangga na naman ako. Napapikit ako at hindi agad nakita ang mukha niya. Feel ko lalaki siya dahil sa amoy niya. Oo! Malakas pang-amoy ko! May problema? Kaya ang sakit ng ilong ko kanina sa jeep, sabog na sabog sa nostril ko 'yung goobye Philippines na paputok. "Oh! Sho, ikaw pala iyan," sabi niya. Napatingala naman ako dahil matangkad na tao talaga si Rob. Ehe, Rob, pwede mo ba akong i-choke? Choke me daddy. "Akala ko ba may klase kayo?" tanong ko sa kanya. "Orientation pa lang, haha! Nakakainip iyon kaya nag-cut na muna kami," sabi niya habang naglalakad kami papunta sa isang bench. "Ganoon ba? O siya, alis muna ako at malapit na rin ang class ko niyan, iwan na muna kita," sabi ko rito. Hindi na maganda ang mood ko para landiin siya. Saka na. "E anong ginagawa mo ba rito? Malayo pa ang university natin dito a?" True, pero mas malapit ito sa boarding house. "Naghahanap ng trabaho. Hindi naman ako inire sa golden bathtub ng nanay ko. Kailangan para may pandagdag sa gastos. Kaso mga Imbyerna Padilla ang mga putcha, ayaw akong tanggapin! Eh overqualified na nga ako," inis na kuwento ko sa kanya. Napatango naman siya. "If then, my cafe is currently looking for a good barista ang cashier. Marunong mag-multi task, at siyempre with pleasing personality," sabi pa niya. Ay, gusto kong umatras, with pleasing personality raw. 'Yung personality ko nga hinahangaan ni Satanas. Masyado raw ako maanghang magsalita. "Naku! Oo naman! Keri ko iyan! Marami na rin naman akong working experience sa mga part time na iyan," sabi ko na tuwang-tuwa. Marunong naman akong makipag-plastikan sa ngalan ng trabaho. Tumango naman si Rob at saka itinuro ang Cafe na dadaanan ko mamayang pauwi. Mamayang 4 kasi ay tapos na ang dalawang klase ko. "See you later!" sabi ni Rob. Mabuti pa itong tao na ito may pakinabang sa buhay ko. 'Yung isa na kilala ninyo, wala ng ibinigay sa akin kung hindi perwisyo at sama ng loob. Sarap kagatin ang singit. Dahil mabait nga ako ay go na ako sa university ground. Pagpasok ko ay usual hahanapin ko na ang building at classroom. Medyo familiar naman na ako sa lugar na ito. Lalo na kung saan ako puwede na manlait. Huwag kayo mangialam, talagang hobby ko na ang pagiging judgemental. Pagpasok ko sa classroom ay nakakita na naman ako ng mga bwakanangina na tanawin. Ang daming maasim na kaklase ko. Ang ingay pa nila akala mo talaga mga totoong kaibigan. Baka 'yung jowa ni tropa nilalawayan pa niya. Pero hindi ko na sila pakikialaman sa bagay na iyon. Kung anong gusto nilang gawin sa buhay, bahala sila. Huwag lang silang lalapit sa teritoryo ko, talagang makakasampal ako ng pinatigas na tinapay. Kasing tigas ng babaerong si Mikyle. Naalala ko na naman siya. Kung kanina nasa one hundred percent pa lang 'yung pagkakabanas ko, nadagdagan pa ng around 3 million percent. Umupo ako sa harap kasi ayaw kong makita ang mga pagmumukha nila. Dapat ako ang tingnan nila para magkaroon sila ng inspiration na gumanda. Hindi 'yung maasim na sila, maasim pa ang nakikita nila. Sabagay, cooking class ito. Natural at may iba't-ibang spices ang nandito! Pero mukhang expired lahat! Opo! At hindi pa talaga sila tumigil sa pag-iingay kung hindi pumasok ang prof namin. Teh, nalaglag 'yung ininom ko na pills kanina nang makita ko si Sir! Sir! Baka naman turuan mo rin akong mahalin. Chareng. Oo! Ako lang! Mga hudas! Huwag niyo ng pakialaman ang target lock ko! Sasampalin ko kayo ng panty ni Clara! Amoy tinapa pa naman iyon na ibinabad sa gamit na diaper for three decades. "Good day class, I am your professor for this subject..." At nagsalita na siya. In fairness ang lalim ng boses niya, pwede na akong mag-dive. Tapos ang pangalan niya ay Winston, Professor Winston. Ano kayang kulay? Blue, red or green? Tapos ayon siyempre as expected ang landi ng mga kaklase ko! Akala mo maya napatunayan na sa buhay tapos kapag nabuntis bigla bunga ng grasya? Hindi bali sana kung sustainable living na! Ay nako. Matapos ng pangalawang klase ay next na agad ang second from namin. Babae naman ngayon at mukhang hindi gagawa ng maganda sa kapwa. Bagay ang pangalan niya. Siya si Lucia, pangalan pa lang kinanininigan na sa impyerno! Ang taas pa naman ng kulay tapos tuwid na tuwid talaga marecakes. Matapos ang pangalawang klase ay nakahinga lahat ng kaklase ko ng maluwag. Nag-amoy baktol tuloy ang classroom! Shuta, hindi ko kinaya kaya naman napalabas ako agad! Uso magsipilyo bago lumabas ng tahanan! Paglabas ko ng classroom ay inis na akong umalis. Wala man lang gwapo sa mga kaklase ko. Lahat sila mukhang may sama ng loob 'yung nanay nang iniri. Hindi naman sa requirements maging gwapo lahat ng kaklase ko, pero parang ganoon na nga mare. Hindi na rin ako nagsayang ng panahon at saka pumara ng jeep. Mabuti at walang gaanong pasahero. Bet ko pa naman mag music gamit ang earphone sabay patugtog ng kanta ni Yeng. Alam niyo 'yung Jeepney love story hindi ba? Alam niyo iyon! Kunwari pa kayo. Laging nasa playlist ninyo iyan tapos sakto may nakatabi kayong gwapo sa jeep. Ako pa uululin ninyo! Mga bwakanangina. Pagdating ko sa cafe na sinasabi ni Rob ay pumasok na ako. May nakita ako na babaeng medyo pretty naman, pero mas pretty ako. She is wearing uniform, so I therefore conclude na empleyado siya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD