"NANDITO ba si Rob?" tanong ko kay ate girl.
"Nasa office niya po. Sino po kayo?" Ako ang nawawala mong amo. Hindi ba aso kita?
Gusto ko sanang sabihin, kaso alam niyo naman na sa ngalan ng trabaho, more than willing akong maging plastic mga 35 percent.
"Kaibigan niya. Sabi kasi niya binigyan niya ako ng trabaho. Part time," sabi ko sa kanya.
"Sige, sabihin ko na sa kanya."
Napansin ko na siya lang ang babae rito. May dalawa pang mga worker at lahat sila mga gwapo! Hala! Mukhang nasa tamang direksyon ako a?
Parehong chinito, matangkad, maputi, gwapo! Mga papi!
Ay naku! Hayaan niyo na 'yung Mikyle na iyon. Akala mo naman palakihan ang kargada ang labanan sa puso ko! Naku! Basta marunong magbigay ng magandang buhay sa akin, tapos amoy mabango, gwapo! Iyon lang requirements ko. Saka dapat may talong pala!
So hindi naman ako tanga tulad ninyo na tatayo lang. Kahit hindi ako customer ay makikiupo ako. Ang sakit na ng paa ko, nangangati na kasi baka may matadyak ako mamayang pag-uwi ko.
Nakita ko naman na lumabas sa office nitong si Rob si Rob. Inulit ko lang pangalan niya, huwag niyo akong tarayan diyan.
Saka nakakamangha naman itong lalaki na ito. Hindi nalalayo ang edad sa akin pero may sarili ng negosyo. Baka siya talaga ang nakatadhana sa akin.
Baka panggulo lang talaga si Mikyle sa buhay namin. Oo, pinago-overthink kita.
"Oh, Sho... May gusto ka bang inumin o kainin? Papakuha ako ng meryenda natin," tanong niya. Mukha bang mago-overnight kami?
"Okay na ako, hindi naman ako gutom." Gusto ko lang umuwi. Parang excited na kasi akong manakal e.
"Okay, so kailangan ko lang ang 'yung mga basic requirements at saka 'yung schedule mo, para naman maayos natin 'yung set-up mo sa trabaho," sabi naman niya.
Kinuha ko na lahat ng needs niya. "Heto na, ready at complete na iyan," sabi ko sa kanya. Siyempre, girls scout ako dati.
"Mukhang handa na handa ka na a?" tanong naman niya na natatawa. Ayaw ko naman na kapag vacant ko ay nasa boarding house lang ako. Tapos mauumay pa ako kay Mikyle.
"So magsisimula na ako bukas?"
"Siyempre naman! Basta ba free kaming uminom sa inyo," sabi niya. At talaga namang may pa-condition pa ang lolo niyo! Kurutin ko ulo ng ibon nito e.
"Ay nako! Basta huwag niyo namang dalasan. Wala ba kayong condominium unit?"
"Basta!" Lah? Pa-mysterious iyan?
Siyempre may mga rules and regulations din sila. Bale little briefings lang naman kung ano nga ba ang gagawin. Mga ganoon bagay pa. Hindi mawawala siyempre kung magkano ang sahod.
Nang okay na ang lahat, bandang 7 na rin nang makauwi ako. Pakiramdam ko naman ay wala pa at hindi pa nakauwi si Mikyle. Bahala siya kung saan niya gusto matulog. May spare key naman iyon e.
Pagpasok ko ay himala na nandito na pala siya. Mukhang walang kasiyahan na magaganap sa lalaking ito a? O baka na-advance naman kaninang maaga pa. Basta huwag niya lang gagawing pugad s*x itong kwarto namin. Magkakatalo kami.
"Bakit ka ginabi?" Iyan ang unang bungad niya sa akin. Mga linyahan ng mga mag-live in iyan a?
"Kasi hindi pa umaga?" Balik ko sa kanya. Ang ayos kasi ng tanong niya, pang-grade two masyado e.
Nalukot naman ang mukha niya sa reply ko.
"Anong klaseng sagot iyan?" Nauurat na balik naman niya sa akin.
"Sagot."
Pumunta na ako sa ilalim ng double deck. Naglagay ako ng curtain so kaya kong magbihis ng hindi nasisilipan. Bakit ba? E sa may sanib ang dibdib ko, kunwari may boobs na malaki.
"Ahhh?" Napatili naman ako nang hawiin niya ang kurtina. Kaya naman kita niya ang katawan ko.
Nakita ko pa kung paano niya pasadahan ng malagkit na tingin ang aking maputi, makinis at magandang katawan. Napayakap na lang ako upang takpan ang aking kabundukan.
"Bastos! Umalis ka! Nakikita mo ang katawan ko!" Literal na sinipa ko siya sabay takip ng kurtina.
"Ha! E akin nga nakita mo na lahat, I did not say anything!" bwelta naman niya, akala niya ba mabebenta iyon sa akin?
"Gago! Iba iyon. Ikaw lalaki, ako lalaki na may pusong babae. Shutaka! Ulitin mo pa iyon ha? Talaga namang lilipad na ang kutsilyo sa kusina." Kagigil. Pagod na nga akong magpakitang tao, sinusubukan pa ng lalaki na ito ang katatagan ko.
"Sige na, sige na. Punta ka na sa kusina at may dala na akong pagkain." Share niya lang?
Pero kahit anong gutom ko ay hindi ako kumain. May tinapay pa naman ako. Bahala siya. Nakakaumay na naman si Mikyle.
Natulog ako na gutom kaya naman maaga ako nagising upang magluto ng kakainin ko. Maaga din ang alis ko para sa trabaho ko.
Maganda na siguro na mag-decide akong iwasan siya. Alam ko naman na ito naman talaga ang dapat na una kong ginawa. Mikyle is a bad news. Ayaw ko rin na lumaki 'yung possibility na ma-attract ako sa kanya.
I know myself. Madalas akong ma-fall sa lalaking pinaka-inaayawan ko. Ayaw ko lang maulit 'yung nakaraan. Been there done that.
Pagkatapos kumain, maligo ay nakita ko na tulog pa siya. Alam ko na hindi ako malaking kabawasan sa buhay niya. Kaya maganda na maaga pa lang maglalagay na ako ng boundaries sa pagitan namin.
Prevention is better than cure.
Paglabas ng boarding house ay naghantay na ako ng jeep papunta sa cafe. Maaga ako na nakarating kaya naman ako na ang nagbukas ng Cafe. Charot lang... Nakabukas na talaga.
Nagtaka pa nga si Mae kung bakit ang aga ko raw. Sabi ko ay baka abutan ako ng araw at masunog ako. May lahi akong bampira.
Tawa naman siya nang tawa, akala niya siguro nagbibiro ako. Kagatin ko siya ng lagari diyan e.
"Sige, ikaw na muna sa cashier habang maaga pa. Pero mamaya ay kuha ka na ng mga order at kalat sa lamesa. Medyo mahirap dito sa cashier, kaya naman hahayaan muna kita mag-adjust." Ay nako girl. Ako ata ang pinakamahaling mag-adjust. Lalo na sa kasama ko sa kwarto.
Sinimulan ko ng magtrabaho. May mga tulad ko naman talagang tao hindi ba? Tamad sa bahay pero de bateryang robot na unli-charge kapag nasa work na.
Kahit nakakapagod ay masaya naman. Lalo na at mukhang mga gwapong lalaki ang madalas na customer. Naks, tapos may dalawa pa akong katrabaho na pogi. Magpinsan sila actually. Si Travis at si Troy! Shet! Baka naman pwede mahingi Twitter account. Chareng.
So dahil medyo busy ako ng kaunti ay hindi ko napansin na may bago pala kaming customer na pumasok. Siyempre ako nakangiti lang. Nakakangawit ngumiti pero required sa trabaho. Kung ako lang ang mayaman dito, baka nanampal na ako ng mug.
"Good dar Sir! What is your order po?" tanong ko sa hindi pa nakikilalang customer. Nakatalikod kasi ako.
Kaya naman nang humarap ako ay nawala at nabura ng literal ang ngiti ko. Nakakabanas at nandito si Mikyle. Kung pwede lang na hindi ko muna makita ang tao na ito, juscolored, baka naman.
"Pwedeng ikaw na lang order-in ko?" tanong niya, ay banat pala iyon kaso hindi ko lang dama.
Naka-uniform siya, pero halata naman na hindi ito pumasok sa klase. Gusto pang magkape ng lalaki na ito, e hindi nga siya kinakabahan sa mga kagaguhan niya. Seminar ko nga itong tao na ito kung paano maging matinong mamamayan ng Pilipinas.
"Mukha ba akong nasa menu?" Masungit na sabi ko. Baka pwedeng pahinga muna ang plastik mode.
"Sho, masyado ka namang mainit. Baka customer ako rito?" Binigyan niya ako ng pamatay na ngiti. Okay, medyo uminit ang pisngi ko roon. Pero hindi pa rin siya abswelto.
"Namimili ako ng mabait na customer. Tatawagin ko na lang si Travis, siya na kukuha ng order mo,'' sabi ko sa mabangis na tono.
Akmang aalis na ako nang pigilan niya ako. Parang 'yung pagpigil ng leading man sa kanyang leading lady!
"Ano?!" angil ko sa kanya. Baduy naman ng lalaki na ito, sarap sampalin ng lamesa.
"Galit ka pa ba sa akin?" tanong niya habang nakapaskil sa mukha ang pagiging sad boy niya.
"Nasa trabaho ako, Sir. Kung gusto mo pag-usapan natin iyan, sa bahay na lang." Gusto ko lang ng mapayapang buhay e. 'Yung nilalait ko mga bilat diyan na padaan-daan.
"E paano nga kita makakausap, e iniiwasan mo nga ako?" Ay talaga naman.
"Mag-usap tayo mamayang gabi!"
Iniwan ko na siya roon saka na ako pumunta sa stockroom. Sabi ni Mae ay may mga aayusin pa naman doon, kaya feel free raw na roon muna ako. Mukhang nakita kami ng babae na iyon a?
E ang drama naman kasi ng Mikyle na iyon. Aba, nang nalalapit ako sa kanya coincidentally, galit na galit ang bwakangshit. Homophone ang gago. Tapos ngayon naman ang clingy. Aba! Magulo pa siya sa bulbol niya e.
Natapos din ang shift sa awa ng Maykapal. Anyway papasok pa ako sa klase upang makilala ang maaasim na kaklase ko.
Hindi pa naman gaanong active ang mga klase namin. More on lecture pa. Baka next sem or next year pa talaga kaming magiging hands on sa mga ginagawa namin.
Pag-uwi ko ay akala ko wala pa roon si Mikyle. Pero akala ko lang pala iyon. Nandito na kasi siya at naghihintay na sa akin. Wala pang damit naka-boxer lang siya. Akala ata niya ay madadala niya ako sa malupitan niyang s*x appeal.
Huwag ako. Okay? Huwag ako.
"Ano? Hindi ka ba nilalamig diyan?" Pasimple na tanong ko habang inaayos ko ang aking bag. Ang sakit ng katawan ko, mukhang nabigla na naman. For sure another adjustment na naman ito.
"Hindi, mainit ulo ko e." Sabay tungga niya pa sa alak niya. So Bea Alonzo, bakit parang kasalanan ko ba?
"Ah, o bakit naman mainit ang ulo mo boss?" tanong ko habang naglalakad papuntang kusina. Magluluto na ako ng dinner namin.
"Wala lang. Lagi mo na naman kasi akong tinatarayan e. Sabihin mo nga sa akin, may nagawa ba akong masama sa iyo?" tanong niya.
Bigla naman akong napasandal sa lababo nang i-corner na niya nga ako.
"P-Problema mo?! Lumayo ka nga.'' Pero dahil halata naman na mas malaki ang katawan niya sa akin. Hindi ko siya maitulak talaga.
"Hindi, mas may laman na pagtataray mo sa akin e," sabi pa niya. Amoy alak pa naman ang damuho.
"Lumayo ka nga! Amoy chiko ka!" saway ko sa kanya pero mas naging clingy pa ito. Parang bata kung lasing.
"Ayaw." Aba, demanding pa nga ang pota.
"Lubayan mo ako ha! Doon, humiga ka na sa kama mo at magpahinga. Kumain ka na ba?" tanong ko at sa wakas ay nakawala na nga po ako.
"Kakainin pa lang kita." Ay bet! Charot! Gago talaga itong lalaki na ito, walang pakikisama.
"Mikyle, alam mo itulog mo na lang iyan."
Padabog naman niyang iniwan ang kusina. Ako naman ay napasandal sa ref at napaupo naman ng padausdos. Hawak ko ang dibdib ko at ang namumula kong mukha.
Ang rupok ko ano? Nakaka-s**t lang! Hindi rin nakakatuwa 'yung fact na ganito e.
"Hindi, hindi puwede ito Sho! Kapag nahulog ka sa kanya talo ka na! Good decision na may work ka na. Less sight, less communication, less risk.''
Nababaliw na ata ako at kinakausap ko na ang sarili ko. Pero legit na nanganganib na nga ako. Gusto ko lang ng mapayapang college days ano!
Nagluto at kumain na nga ako. Matapos kong linisan ang kusina ay tiningnan ko naman itong si Mikyle. Mukhang init na init ito kahit bukas na ang aircon.
Ang hinawa ko ay pinunasan ko ang katawan niya, nilagyan ng pulbo para mas presko. Mukhang mabango na ulit siya, hindi na dugyot. Iinom-inom kasi hindi naman kaya.
Matapos noon ay natulog na ako na iniisip kung paano ako tatagal ng apat na taon na ganito ang set-up.
Napasampal ako sa mukha. Hindi ako makakatagal sa ganito. Next year, ay hindi! Next sem ay maghahanap na ako ng ibang boarding house.
Pangit ka-bonding ng lalaki na ito, nagiging pa-fall. Akala niya ba masaya ako sa ganoon? Gago never.
Kung alam lang niya 'yung trauma ko. I will never do the same mistake.