Episode 12

2089 Words
NAGISING na lang ako na may mahapdi na mata. Hindi ako agad nakatulog ng maaga. Paano ba naman ako matutulog ng maaga? E ungol nang ungol itong lasenggo na kasama ko sa kwarto. Tangama, panalangin ko na lang sana na hindi umabot sa ibang silid ‘yung ungol ng ukinam na ito. Umalis na ako sa pagkakahiga ko. Wednesday ngayon at maaga ang klase ko, habang ang shift ko naman mamaya sa trabaho ay pang-gabi. So it only means to say na hindi ko na aabutang buhay, este gising si Mikyle. G na G naman kayo diyan, mukha ba akong seriel killer? Baka rapist! Charot, no to rape joke tayo mga mare. That is not something to make fun though. Always remember that. Kahit anong mangyari ay walang nakakatuwa sa topic na rape, okay? Kahit na may pwesto na ako sa impyerno ay hindi ko ito-tolerate iyon. Nakita ko naman na bumangon na si Mikyle. Sapo niya ang ulo niya, at alam ko namang madumi ang naglalaro sa mga isip ninyo. Magsimba rin kayo, ha? Naiipon na mga kasalanan ninyo, bwakanang. “Sakit ng ulo ko, s**t!” reklamo niya. Ginusto niya iyan e. Iinom-inom akala mo naman matatag na masyado. Pumunta ako sa kusina upang magsipilyo at maghilamos. Hinihintay ko lang kumulo ‘yung tubig saka ko isasaboy kay Mikyle. Charot, magtitimpla talaga ako ng kape. Matapos kumulo ng tubig ay nagtimpla na ako ng black coffee. Pumasok naman sakto si Mikyle kaya naman iniabot ko na sa kanya ‘yung cup of coffee. “Inom ka lagi ha? ‘Yung inom na ikakahinga mo ng maluwag, ‘yung forever,” sabi ko sa kanya kaya naman nabura rin agad ang ngiti. “Grabe ka na talaga sa akin.” Hindi ko na siya pinansin, basta nagluto na ako ng pagkain namin. Siya itong masyadong matanong. Kulang na lang itanong niya magiging kulay ng singa ko mamaya e. “Alis na ako at may pasok pa ako,” paalam ko na sa kanya. At dahil medyo tanga ako, oo, at least aminado hindi katulad ninyo. Nadulas ako at parang magic na nasalo ni Mikyle. Hindi naman ako nag-feeling theater actress at umalis din ako sa pagkakasalo niya. Ngayon lang naman niya ako sasaluhin. Pustahan at sa susunod ay babaliwalain na niya ako. Charot, I am just talking with experience, mga gaga na ‘to. “Alis, ang agaaga pagpapawisan ako sa iyo,” sabi ko matapos maka-move on. “Ha? Ikaw na nga ang tinulungan e.” Hindi ko na siya pinansin, pero bigla niya naman akong pinigilan nang aalis na dapat ako. “Hatid na kita, sayang ang pamasahe mo.” Siyempre ako naman ay hindi na tumaggi. Grasya rin ito ano. Hinintay ko muna siyang magbihis at magpabango bago kami umalis. Siyempre ay ayaw kong kumapit sa abs niya. Ano ako? Hilo? Hell no! baka sabihin pa niya ako pa ang manyak dito. “Bakit ayaw mong kumapit?” tanong niya sa akin. “Basta, ayaw ko.” At dahil isa at kalahating gago itong kasama ko, talagang sinagad niya ‘yung bilis ng motor, no choice ang lola ninyo, ayaw ko naman ma cardiac arrest agad ng malala. Napayakap ako sa kanya, tapos napadasal ako kahit hindi ko pa ginawa iyon sa buong buhay ko. “Hayop ka! Papatayin mo ba ako?” angil ko sa kanya nang makababa na ako sa hayop na motor niya. Sarap sipain sa mukha. “Sa sarap ba?” nakuha pa talaga niya na magbiro sa lagay na ito ha? Paano kung tadyakan ko siya sa itlog? Pasalamat siya at nanghihinayang lang ako sa lahi niya. “Umalis ka na nga. Sa susunod kahit maghirap pa ako sa pamasahe ay hindi na ako sasakay sa motor mo! Kupal ka!” Talaga namang makakatikim talaga ako ng high-blood ng dahil sa iyo. Tawa lang siya nang tawa at umalis na rin siya sa wakas. Nakita ko naman an may mga estudyante na nakatingin sa akin, mostly mga babaeng galing dry land! Mga mukhang tagtuyo! Tapos halata na halata naman na ako ang pinag-uusapan nila. Akala mo naman kung sino silang fresh. Tinahulan ko naman sika. “Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Gusto niyo bang sumakabilang buhay na?” asik ko sa kanila. Huwag na nilang gatungan ang init ng ulo ko ha! Talagang makaka-sample ako ng wala sa oras. Pagpasok ko sa room namin ay as usual, ang ingay nila! Akala mo naman walang gc kung saan sila nagsisiraan ng buhay, kung saan pini-flex nila ‘yung mga nakaka-chat nila, na sa huli ay igo-ghost din naman sila. Naku teh, huwag ako. Alam ko na mga modus nila. Madalas mga ganyan na tao ang nakaka-chat ni Lei, miss ko an ‘yung dalawang plastic ko na kaibigan, saan kaya sila humihinga ngayon? Nagsimula na ang klase namin, normal naman ang lahat, maliban siyempre sa mga kaklase ko. Ang yayabang, ang haharot, ang kikire, hindi nila ako tularan. May pangarap sa buhay, ang makahanap ng AFAm. Hindi ko kailangan si Mikyle na pang-AFAM lang ang size. Kailangan ko ‘yung ich-cherish ako, at saka ‘yung wawasakin ang bu… buhay ko. charot! Sabi ko naman sa inyo maglinis kayo ng utak e. Matapos ang huling klase ko ngayong hapon, mga bandang 4:30 kasi may overtime ‘yung prof naming wala ginawa kung hindi ma-stress sa amin. Sa amin pa sinisi ang mga linya niya sa mukha. Papalabas na lang ako ng room namin anng may humarang sa akin na tatlong lalaki. Mukha silang sugpo, ang laki ng katawan pero lamang dagat ang mukha. “Problema ninyo?” tanong ko sa kanial. Maliban sa mukha nila ay wala na akong ideya kung ano ang probloema nila. “Kanina ka pa tingin nang tingin sa amin, may gusto ka ba sa amin? Mura lang naman ito,” sabi ni Unggoy, sabay pisil pa niya sa t**i niyang malaki pa ang hintuturo ko. Bakit hindi na lang ako mag-finger ‘di ba? “No thanks, mukhang panundot lang ng kulangot iyan e,” sabi ko naman sabay tayo kaso tinulak ako paupo ng unggoy! “Aba! Huwag mo akong lalaitin sa harapan ko ha! Makakatikim kang bakla ka,” sabi niya sabay duro sa mukha niya. Ang kapal ng mukha nito a? Hindi niya siguro inasahan na papatulan ko ang panggagago niya sa akin. Agad kong dinakma ang daliri niya at saka binali ito. Akmang tutulungan pa siya ng dalawang kasama niya. Pero agad kong kinuha ang ballpen ko at inilagay ang matilim sa leeg nitong bakulaw nito. “I am not the violent type of person, pero kapag pinilit niyo ako, hindi lang kamay ang mababali dito, pati pangarap nitong kasama ninyo. Papunta na rito ang mga kaibigan ko, huwag din ninyong subukan na mag-victim blaming, kanina pa naka-record sa phone ko at na-send din ito sa mga kaibigan ko.” Nang nandito na si Lei at MM ay umalis din ang tatlong mga lalaki. Agad naman akong yinakap ni MM at Lei. Mukha silang nag-aalala, mukha silang tanga. “Ano ba kayo, ang init na nga nayakap pa. Mabuti at nandito na kayo, baka may isang ulo ng gumugulong sa lapag,” sabi ko naman. Gusto ko lang takpan ng confidence ‘yung takot at kaba na nararamdaman ko na nga ngayon. Bigla naman akong nakatikim ng batok mula kay MM. “Sa susunod umiwas ka sa gulo kaysa sa hinaharap mo. Huwag ka naman ganoon masyadong matapang! Kapag ikaw andali na naman,” payo niya sa akin. At alam ko na nag-aalala lang naman ito e. “Hindi na ako katulad ng dati, okay? Kaya ko na ang sarili ko. Tara na nga sa labas at kumain na tayo ng kwek-kwek,” sabi ko na sa kanila. “Anong sabi mo? Pekpek? Girl kumakain ka na ng pekpek?” pang-aasar ni Lei sa akin. “Gusto mo bang dasalan ko ng sampong kamay iyang dila mo?” Lumabas na kami at kumain ng mga street food. Libre ko na dahil nakatulong naman sila sa akin. Siyempre nagpaalam ako na may trabaho naman ako kaya hindi ako pwedengh maki-bonding sa kanila ng matagal. NAKARATINg naman ako ng mabilis sa café. Since it is already a night shift, expected ko sana na wala ng gaano na customer. Kasi gonoon naman talaga dapat. Hindi ko naman expected na dadagsain kami ng customer. Mas madami pa namang take out, kaya mas pagod ako na nakatoka ngayon as barista. Mabuti na lang at nakakagana na magtrabaho dahil katabi ko si Travis. Si Travis na kahit pawis na pawis, amoy papa pa rin! Matapos ang dagsa na mga tao, bandang 9 din ng gabi ay medyo humupa na rin ng bahagya ang mga tao. Literal na naloka ako. “Ganito ba talaga kapag gabi rito? Aba, grabe naman uhaw nila sa kape,” reklamo ko ng pasimple kay Travis. Gwapo naman siyang tumawa. Siya ‘yung mga tipuhan ng lalaki na mahaba ang buhok, malaki ang katawan, as in buff na buff, tapos may dimples sa mukha. Shet, pigilan niyo ako, literal na makakakagat ako ng wala sa panahon. “Hm, madalas, kaya masanay ka na. Kaming tatlo lang matatag dito, mabuti nga at may nakasama na kami an sobrang sipag tulad mo.” At saka pa siya nagpakawala ng pamatay niyang kindat. “Oo naman, kailangan ko ng panggasta.” Pareho naman kaming natawa ni Travis, tragis na lalaki na ito ang gwapo masyado. May palibre namang pagkain si Rob kaya naman medyo hindi na masama ang loob ko. Matapos ang meryenda namin na iyon ay ako ang na-assign sa cleaning, kaysa naman sa ma-stress sa inventory. Matapos makapaglinis ay time naman para sa akin upang umuwi na. Alam ko na haggard na ako, 11 na rin ng gabi so hopefully talaga ay tulog na si Mikyle pagkauwi ko. So paglabas ko ng café ay nagpaalam na ako sa mga kasama ko. Masya naman silang mga kasama kaya wala akong problema. Nasabihan ko na rin na may pagkatabila ng dila ko at times, at least medyo aware sila kapag nag-burst na lang ako bigla. Heto ang mahirap. Mas rare pa sa love life ang pagdaan ng mga jeep. Kalaunan ay puro punuan pa. Nagsisisi naman ako at hindi ko pa tinanggap ang pag-aya nila Travis at Troy sa paghatid sa akin sa pag-uwi. Ang layo naman kasi ng dadaanan nila, kaya naman ako todo tanggi kanina. Medyo nawawalan na ako ng pagasa na makakauwi pa ako kasi masyado ng malalim ang gabi at talaga namang wala ng tao ngayon dito sa daan. Parang ito ang magiging unang karanasan ko na matulog sa daan a? Medyo natatakot na talaga ako. Napasandal na lang ako sa isang poste at napaupo na nakayuko. Gusto ko ng umiyak kasi uwing-uwi na ako. Ayaw ko anman magtagal sa madilim na langsangan na ito. Baka ito na pala ang huli na araw na mabubuhay ako. Paano kung may dumukot sa akin? Paano kung may adik na biglang nantrip na lang? As in wala na akong pagasa, wala rin naman akong pera na panghotel. Lowbat na rin ako as in, lahat na lang ata ng kamalasan ay kinain ko na ngayon. Pero nawala naman ang pangamba ko nang nandito na si Mikyle. As in ‘yung ngiti ko talaga nang nandito an siya ay sobrang laking ginhawa ko. “Bakit nandito ka pa? Kanina pa kita hinihintay sa boarding house natin a?” Mabilis akong yumakap sa kanya tapos nakakahiya man na aminin ay ang lakas ng iyak. Takot na takot na naman ako… hanggang kailan kaya ako mabubuhay sa takot? “Shh, ayos na ang lahat, nandito na ako, umuwi na tayo at magpapahinga ka na.” Tumango naman ako habang nakayakap sa kanya. Kaya naman nang ibigay na niya ang helmet ay dali na akong sumakay upang makaalis na rito. Nang makauwi na kami ay doon pa lang lumuwag ang dibdib ko. Siyempre hindi naman ako ungrateful type of b***h, kaya naman nag-thank you ako kay Mikyle. Baka kung wala siya roon, wala na rin akong susunod na kabanata! “Salamat at nandoon ka,” sabi ko naman. “Wala na kasing dumadaan na sasakyan,” dahilan ko naman. “Sana naman sa susunod ihatid ka ng mga kasama mo. Talaga bang iniwan ka lang nila? Paano pala kung may nangyari ng mamsama sa iyo?” Umiling naman ako. “Tinanggihan ko, nahiya kasi ako e.” He sighed. “Sa susunod tawagan mo lang ako. I am always one call away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD