Episode 13

2112 Words
MAMAYANG gabi pa naman ang klase ko, at sinabihan naman ako ni Rob na walang pasok ngayon sa café dahil nga sa hindi pa agad kami nakakuha ng stock, so alangan naman na may pasok nga, e wala kaming maititinda? Kaya naman hindi rin ako agad bumangon sa higaan. Hindi naman masamang maging tamad, lalo na kung pagod. Habang natutulog ako ay bigla naman akong ginising ni Mikyle. Gusto ko sanang mayamot sa kanya, kaso naalala ko na may utang na loob pa pala ako sa taong ito kagabi. “Bakit?” mahinahon na tanong ko sa kanya! Pak! Sino ka diyan Maria Clara? “Kain na tayo,” sabi naman niya sa akin. Mukhang nagugutom na nga siya. “Wala ka bang pasok ngayon?” tanong ko naman pabalik habang inaantok na tumayo sa aking kama. “Mamayang hapon pa. Pagluto mo na ako,” demand niya pa sa akin. Napakapaladesisyon talagang tao ng lalaki na ito kamo. “Sandali, huwag ka masyado excited pwede? Kalmahan mo muna pototoy mo,” sabi ko naman. Aksidente naman akong napatingin sa pototoy niya. Naku po! Ang machete! Tapos pag-angat ko naman ng tingin sa kanyang mukha ay todo ngisi siya. “Anong nakakatuwa? Gusto mo bang makatikim ng square?” Pumunta na ako sa kusina at saka na kinuha ang mga kailangan ko sa ref namin. Mukhang iluluto ko na rin ang pananghalian namin a? So nagluto muna ako ng pancakes para sa kanya. Baka kasi kapag nag-heavy agad ang kinain niya ay ma-upset lang ang tiyan niya. Medyo concern naman ako. At kung hindi niyo natatanong, galing talaga ang ganda ko mula sa Pampanga. Kaya naman magaling na nga ako magluto, maganda pa ang pagkakaluto sa akin. So habang iniihaw ko sa apoy itong karne at gagawa ako ng espesyal kong recipe ng tokwa’t-baboy sisig! O dzi va! Bigla namang lumapit sa akin si Mikyle. Ibinigay naman niya sa akin ang cellphone niya. “Ha? Hindi ako tumatanggap ng sangla! Anong akala mo sa akin? May pang-down ng Iphone13?” sabi ko sa kanya. Bigla naman niya akong binatukan. Mukha bang bullet proof ang ulo ko? Kabanas. “Bakit ka nananakit?” inis na tanong ko sa kanya. “Kukunin ko sana ang number mo. Ikaw lang ang may number ko, kaya fair na makuha ko rin ang number mo. Basta huwag mo lang ipapamigay sa iba,” sabi naman nito sa akin. Aba, sayang din iyon ano. Imagine kahit abnormal itong lalaki na ito ay maraming obsessed daw sa kanya. “Fine,” sabi ko sabay tipa ko na ng number ko sa cellphone niya. “Tatawagan kita kapag gabi na wala ka pa. Bumili ka na rin ng power bank mo. Huwag mong sayangin ang pera mo sa mga walang kwenta na bagay,” sabi naman niya. Aba? Sino kaya ang mature sa aming dalawa? Para pagsabihan ako ng ganito nitong lalaki na ito. “Opo itay, ang gamot po ninyo, huwag ninyong kakalimutan na inumin,” sabi ko naman sa as usual na tono ng boses ko. Bigla naman niyang pinisil ang mga pisngi ko gamit ang makalyo niyang palad. Kingina naghugas na ba ng kamay ang lalaki na ito? Baka mamaya pala ay pinangkamot niya ng singit ang kamay niay. How dare he touch my precious face?! “Mashakit!” Pinabalik ko na siya sa sala namin at sinabihan na gawing busy ang sarili niya. Huwag niya na sanang istorbohin ang buhay ko. Baka imbes na amsarap ang mailuto ko ay maglasa pang sama ng loob. Maya-maya pa ay ang bango na ng kusines. Siyempre proud na proud ang bakla. Ako lang naman ito, si Sho Juanito na may kakaibang kamay. Magaling sa pagluluto at pang-aano. Basta inaano ko ‘yung ano ni ano, tapos lalabas na rin ‘yung ano. Hindi niyo gets? Mga bobo kasi kayo, shete. “Luto na ba?” masayang tanong ni Mikyle habang sumisilip dito sa kusina. Muntik ko ng maibalibag ‘yung hawak ko ulam na nasa mangkok. Tangamang buhay ito! At talaga may audacity ang lalaki na ito na magpakita sa akin habang brief lang ang suot niyang saplot. “Jusko naman, Mikyle! Matuto ka namang magdamit!” Anak ba ni Grey itong lalaki na ito? Sinusubukan niya talaga ang pananampalataya ko e. “Ha? Wala namang masama roon a? Ikaw lang naman ang nakakakita,” dahilan pa niya. “Kung sa iyo wala, sa akin may problema okay? Kahit magsalawal ka lang naman! Utang na loob. Kumain na nga tayo.” Bago ikaw pa kainin ko, kainis. Hindi niya ba alam na kapag naka-brief lang siya ay inaabangan kong lumitaw ang ULO ng mga NAGBABAGANG balita. Ako ata ang kailangan magsimba a? DAHIL nga may utang na loob pa ako sa kanya, na mage-expired na rin bukas, ako na ang nagsandok ng kanin at ulam niya. Nagtimpla naman ako ng juice para sa aming dalawa. “May lagnat ka ba? O baka naman quack doctor na ang kailangan natin?” sabi pa ng lalaki. “Manahimik ka diyan, hanggang ngayong araw lang ako magiging mabait sa iyo,” sabi ko sa kanya. “Ahh, sige susulitin ko na ang kabaitan mo,” sabi pa nito. Siyempre naman ay pinanuod ko siyang kainin ang niluto ko, kita naman na nasasarapan siya sa akin, oo, sa akin nga! Kasia ko ang representative ng mga niluluto ko, may angal ba kayo? “Masarap a!” puri niya. Ang ikli naman! Ang haba-haba ng sa kanya tapos ang short message naman niya masyado sa akin. “Siyempre,” maikli ko rin na balik. Muntik ng walang natira sa niluto ko na dapat hanggang mamayang gabi na sana. Napakagasta talaga ng lalaki na ito, buti na lang at mas marami ang grocery niya kaysa akin. Kaya nga hindi na lang ako nag-talk ‘di ba? Matapos noon ay nagpahinga muna ako. Baka naman pasma ang abot ko kung kakatapos ng luto ay hugas agad ako. I mean, duh, obvious naman na malaki na ang pasma ng bibig ko, dadagdagan ko pa ba ng ibang parte ng katawan. Where is the sense? Ang ginawa ko habang nakababad ang mga plato ay gumagawa naman ako ng advance na pagbabasa ng mga lessons namin. Naku teh, hindi lang sa lalaki ako perfectionist, pati sa grades. “Nag-aaral ka pala ng maayos,” sabi agad sa akin ni Mikyle habang nanonood siya ng porn sa harap ko. Naka-loud at todo pa talaga ang volume ng pinapanood niya. Pa-yamate-yamate pa! Sarap sakalin ng ungas. “Hindi, hindi ako nag-aaral ng maayos. Gusto ko nga makipag-bonding sa iyo e. Ano iyan? Bold?” sarkastiko na sabi ko sa kanya. Iniiwasan ko naman talagang mambara, kaso nakakaumay ugali mo Mikyle. Anak talaga siya ng nanay niya. “Haha, akala ko ba magiging mabait ka ngayon sa akin,” aniya pa. “Ang kalat mo kasi, sa harapan ko pa talaga ikaw nanonood niyan?” inis na wika ko. “Nang anime?” Sabay pakita niya ng nagpe-play sa screen niya. Shotakels, ako ata ang may kailangan ng samba. “Ano bang nasa isip mo?” dagdag pa niya sa nararamdaman kong guilt. “Wala! Doon ka na muna at nag-aaral ako ngayon.” Kaso makulit talaga lahi ng lalaki na ito. Ang sikip na nga ng kama ko sa akin pa sumiksik. Wala bang lakad ng pambababae itong lalaki na ito? Akala ko pa naman after niyang mabusog ay para na siyang lobo na lilipad na lang. “Huwag ka masyadong sumiksik, ang init na nga e,” sabi ko, pero naka-AC naman kami, ayaw ko lang na masyadong malapit kami sa isa’t-isa. “Masyado kasi akong hot, pasensya na,” wika pa nito. Lakas ng fighting spirit! “Baliw ka na. Wala ka bang gagawin sa labas?” tanong ko naman sa kanya. “Wala, papanoorin muna kita maging mabait. Baka sa susunod hidni ko na maranasan ito,” dahilan niya. Anong klaseng rarity ba ang kabaitan ko? Daig pa mga extra-terrestrial na pangyayari a? Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na ako sa ginagawa ko. Mabuti naman at hindi niya ako iistorbo. Nakatulog na nga siya sa tabi ko. ang gwapo niya talaga kapag tulog, tapos hindi pa gumagalaw ang masamang bibig niya. Bandang three ay naisipan ko naman na magluto ng meryenda namin. Naisip ko ‘yung hindi sobrang matrabaho. Kaya naman nagluto ako ng donut na may powdered sugar, at saka na lang ako magtitimpla ng pandan juice. Sakto naman na nakahanda na ang lahat kaya naman ginising ko na ang alaga ko. Daig ko pa nakapangasawa nito a? Pero at least naman kahit ganyan si Mikyle, nakikita ko na may development naman ang utak niya. Alam ko na asiwa pa rin siya sa fact na isang bakla ang kasama niya sa kwarto, pero feel ko rin na ibinibigay niya ang best niya para intindihin ako, kung ano ako, kung ano ang mga sitwasyon ng tulad ko. Inilapag ko sa harap niya ang mga meryenda niya. “Kain ka na muna bago ka makipag cantonan sa labas,” sabi ko. “Akala ko ba mabait ka ngayon?” aniya sa mababang tono. Halatang inaantok pa ang lolo niyo. “Eme lang, kumain ka na. Gusto mo subuan pa kita e,” dagdag ko pa nga. “Sho,” he said on his dangerous voice. Para naman akong nanghilakbot sa boses niya. Alam niyo ba ‘yung mala-bedroom voice. Ganoon mare! “O-Oo na, kain na tayo…” Mukhang happy naman siya sa simpleng meryenda na gawa ko. Akala mo ay miss na miss niya ang lutong mga bahay. Hindi ko rin alam ang kuwento niya, at ayaw ko siyang husgahan sa bagay na iyon. I know that slowly I am gaining his trust, at ganoon din sa akin na lumalaki ang tiwala ko sa kanya. Pero alam ko ang limitations ko. I cannot let myself became an open book. “Mami-miss ko ito,” sabi naman niya out of nowhere. Taka naman akong nagtanong. “Ang alin?” Ngumiti naman siya. “Ito, pakiramdam ko kasi hindi mo na ako ita-trato na parang ganito,” wika niya. Para namang may kumurot sa puso ko. “Baliw. Kumain ka lang nang kumain diyan. Kapag may time naman ay ipagluluto pa rin naman kita.” Hindi kasi kami pwede na laging ganito. Kasi, oo! Punyeta na may halong pailaw, alam ko ang sarili ko. Sobrang rupok ko na tao. If hindi naman ako maglalagay ng distansya sa aming dalawa. Aba, ngayon pa nga lang attracted na ako sa kanya, what more kapag na-attach pa ako ng sobra-sobra. “Bakit hindi ka na lang umalis sa work mo? I will just pay you, para naman may mas time ka sa pag-aaral, tapos dito ka lang noon,” sabi niya. “Mikyle, hindi naman ako parrot o isda sa aquarium na ikukulong ang sarili ko rito. Magandang experience ang makukuha ko sa part time ko. Saka mas masarap sa pakiramdam na ang makukuha kong pera ay mula sa dugo at pawis ko,” dahilan ko naman. I am explaining in a very nice approach. “Bahala ka.” Biglang cold niya. Tumayo siya sa upuan at saka nilagay sa sink ang mga pinagkainan niya. Pinanood ko siya na mag-shower, magbihis at saka umalis na. Malapit ng mag 4 pm kaya naisipan ko na kailangan ko na rin naman na magbihis. Kaya naman ginawa ko na rin ang same routine ko. Tiyak na gagabihin ako ngayon sa klase ko. Pero habang nasa jeep ay hindi ko naman maiwasan na hindi mag-isip ng malalim. Minsan magulo talaga ang lalaki na iyon. Akala ba niya lahat ng gusto niya ay susundin ko? Hindi kami naglalaro ng bahay-bahay-an dito. Nang nasa klase na ako ay focus lang ako sa ginagawa ko. hindi ko na rin pansin ‘yung mga maaasim na kaklase ko especially ‘yung mga tatlong masasamang apes na humarang sa akin kahapon. It is already 9 pasado nang natapos ang klase namin. Palabas na sana ako nang naramdaman ko ang pamimigat ng pantog ko. Kaya naman nagbanyo muna ako. I am on the way back to the gate exit nang hinarang na naman nila ako. Hindi ako kabado dahil alam ko na kaya ko ang sarili ko. kaso may dala silang mga patalim. Kaya hindi na ako nakagalaw sa takot. Naiiyak na lang ako nang isama nila ako sa isang CR. “Maawa naman kayo sa akin…” “Ha! Ang tapang mo makahapon bakla ka. Ngayon pagsasawaan ka namin.” Hindi ko maiwasan na maiyak na lang ng malakas. Bakit ba ang malas ko? “Tumahimik kang bakla ka!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD