Episode 14

2089 Words
WALA na akong makitang pagasa ngayon. Para bang nawalan na ako ng lakas na lumaban. Naramdaman ko na lang na para bang tinakasan ako ng lakas. Para bang naulit lang ang nangyari noon, ang kaibahan ay mas marami na sila ngayon. Hindi lang isang tao ang gagamit sa akin, na para bang isang bagay lang. Para bang kusa na lang tumigil ang mga luha ko. Natahimik at wala ng malabas pa na salita sa akin. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagkapunit ng mga suot ko. “Ayan nga, maging mabait ka lang diyan.” Gusto kong magalit, gusto kong agawin sa kanila ang mga patalim na hawak nila, ibaon sa kanilang leeg at putulin ang mga ari nila. Akmang ipapasok na ng isang lalaki ang p*********i niya sa akin nang may sumipa sa kanya. “SHO!” Totoo ba ito o isang ilusyon na nandito siya? Nandito si Mikyle kasama ang ibang tao at binubugbog nila ang tatlong estudyante. Naramdaman ko na lang na binalutan ako ng kumot ni Mikyle. Siya na mismo ang nagbuhat sa akin papalayo. Maingay ang paligid. Mula sa mga estudyante na nais makita ang mukha ko. Mula sa alingaw-ngaw ng sasakyan ng mga pulis. “S-Salamat,” ang naibulong ko na lang sa hangin, hiling ko na marinig iyon ni Mikyle, bago ako mawalan ng malay. PAGKAGISING ko ay nasa ospital na ako. Alam ko dahil ilang beses na rin akong nagpabalik-balik dito. Dama ko na naman ang swero sa aking braso, ang pananakit ng aking ulo, ang pamimigat ng aking dibdib. Ngunit ngayon ay hindi na ako nag-iisa. Nasa tabi ko na ngayon si Mikyle na hawak ang akmay ko at natutulog ngayon na nakaupo sa tabi ng aking kama. “Gising ka na pala,” sabi ni Mikyle sa akin. Tumango naman ako habang hawak ang ulo ko. “Magpahinga ka na muna,” sabi nito sa akin. “Nandito na ba ang mga magulang ko?” tanong ko sa nag-aalala na tono. Umiling naman siya. “Alam ko na ayaw mong malaman nila ito. Choice mo rin naman iyon.” Tama naman siya, kaya nga wala akong nilagay na guardian at contact information. Alam ko naman nang una pa lang na hindi maiiwasan ang mga ganitong bagay, lalo pa at kulang pa. Kulang pa ‘yung tapang ko, kulang pa ang lakas ng aking loob. Wala pa rin akong silbi, hindi ko pa rin maipagtanggol ako sarili ko ng mag-isa. Nararamdaman ko ang bawat patak ng luha sa aking mukha ngunit pilit ko pa rin itong niyayakap. ‘Yung sakit at poot na nararamdaman ko, nilalasap ko lahat iyon. Kasi natatakot ako ngayon, natatakot ako na baka kung sakali na tanggapin ko na lang lahat ito, at saka pakawalan na animo ay walang nangyari, ang mangyari ay wala na akong mramdaman pa at tuluyan na maging manhid. Niyakap naman ako ni Mikyle, dama ko ang yakap niya na puno ng emosyon. Para bang kumalma na ako nang yakapin niya ako. Nagpapasalamat ako dahil kahit na lama niyang ganito ako ay lagi lang siyang nandiyan. At ngayon ay muli na naman niya akong niligtas, at nagpapasalamat ako na nandiyan na siya. “Salamat…” “Magpahinga ka na… pagbabayaran natin lahat ng may gawa nito.” ISANG araw lang naman ang itinagal ko sa lugar na ito, dahil ayaw ko rin namang magtagal sa ospital. Mas lalo alng sumisikip ang dibdib ko. I am also grateful kay Mikyle. Maliban kasi sa mga kaibigan ko, isa siya sa pinaka-concern at nag-asikaso sa akin. Hindi ko nga naisip na pati ang bill ko sa ospiatl ay siya talaga all in all ang nag-ayos. Hindi ko talaga imagine iyon. Pagkauwi naman namin ay pinagpahinga na ako ng lola niyo. Talagang naging tatay roles siya sa akin. Imagine niyo kung gaano siya mas naging overprotective sa akin. Nang akala ko nang una ay isa siyang lalaki na alam niyo na, mayabangm sutil, malibog, and to put the cherry on top, talaga namang homophobic, which is my pet peeve sa isang tao. Pero isa rin namang paniniwala ko na hindi forever ang first impression ko sa isang tao, lalo na kung obviously ay may nakikita naman akong character development sa kanya. I am happy na mayroon naman. At bilang utang na loob, kahit papaano ay babawasan ko ng permanent ang pagiging maldita, demonyita, bitchesa sa kanya ng about 5 percent. At least hindi ko na siya muurahin lagi, saka babatukan bilang freebies. Huwag na siyang magreklamo sana. “Gusto mo na bang kumain?” tanong niya naman sa akin. This past few moments ano, appreciated naman na lagi siyang may dala na pagkain para sa akin. Tapos proud pa ang gago na luto niya. Kung alam niya lang, siya lang ang masarap sa pagkatao niya, hindi ‘yung luto niya. Muntik na akong ma-food poison mismo sa ospital. Isipin mo iyon? hindi ba at nakakagago naman masyado? Sarap pektusan, akala ko na ay sa luto niya ako mamamatay e. ‘Yung scramble na itlog na niluto niya, may halong shell, muntik na akong ma-choke daddy. Tapos ‘yung adobo niya puno ng toyo. Hindi niya ba alam na ako lang ang may karapatan na toyoin dito? Last but not the elast, nakakagago ‘yung dala niyang ice candy, talaga nakalimutan niya na ang difference ng plastic yelo at condom ano? Sabi niya may flavoring naman ang condom, baka pwedeng alternatives. E kung sikmurain ko siya ng may maisip siyang alternatives sa buhay niya? “Ako na ang magluluto. Baka magsayang ka lang ng pagkain,” sabi ko sa kanya. Kalmado pa ako ngayon, partida. “Grabe, ganoon na ba kalala ang mga niluto ko?” Seryoso ba itong tao na ito? MALAMANG! Obvious na obvious naman. “Ako ang magluluto para makatikim ka naman ng pagkaing 5 star,” ang nasabi ko na lang para less harsh. Hindi pa expired ang ‘utang na loob bundle’. Kaya naman nag-avail na ako ng extra pasensya. “Sige, pero tulungan na kita at baka mabinat ka pa.” Ano pa bang magagawa ko? lahat na lang ata ng ulo sa lalaking ito ay matigas na literal. Hinayaan ko na lang siya kaysa magdabog siya sa akin. Tiningnan ko naman kung ano nga ba ang available na ingredients, at nang makita ko naman na okay ang mga sangkap ay diretso na ako ngayon sa pagluluto ko ng chicken ala coke! Hindi niyo alam iyon ano? Well, kung alam niyo naman kung bakit nilalagyan madalas ng carbohydrate drinks ang mga karne like baka, shrimp, baboy at iba pang meat, good luck! At least nagagana pa naman ang isip ninyo. Masaya ako at bumalik na ang pasmado kong bibig. I miss this demonic tongue. “Anong gagawin mo sa coke?” tanong naman niya na nagtataka. “Basta, watch and learn ka na lang muna diyan! Tiyak na hindi ka na mag-aasawa kapag natikman mo ang luto ko.” Ako na talaga actually ang habang buhay niyang sumpa. Siya na ang baala na magsaing. Kahit papaano ay tinuruan ko rin naman siya. Hindi siya nakakuha ng katulong sa pamamahay na ito, baka akala lang niya. Hindi pwede na wala lang siyang ambag dito. Hindi pwedeng puro strip tease lang ganapan niya rito, na kayo lang naman ang may gusto. Dahil iba ako. Ako ang pinaka-virgin coconut oil na makikita niyo sa buong lugar namin. Mas fresh pa sa bagong silang na sanggol. Ganon! Walang bahid ng kasalanan. Una ay hiniwa ko muna ang dapat na hiwain. Matapos ay gisa rito and there, tapon doon ng ganyan at ganoon! Then pak ganern, sa wakas ay amoy na amoy na ang kakaibang version ko ng adobo. My hint ng sweetness, nilagyan ko rin ng sili para may kick! Nang kumakain naman kami ay panay ungol si Mikyle. Hindi ko alam kung bakit sobrang pula na ng mukha ko, at hindi rin naman ako makakain ng matino sa kagaguhan ng lalaki na ito. “Shuta naman, Mikyle. Kumakain ka lang, wala ka sa shooting ng onlyfans! Anak ng tokwa talaga!” saway ko naman sa kanya. Ora miso na maka-recover ako sa mga natamo kong gasgas at sugat, talagang ihahalo ko sa gin ang holy water! Para naman madagdagan ang ligtas points ko. Pakiramdam ko mahihiya si Satanas kapag lumapit pa siya sa akin. “Maingay ba akong kumain?” tanong niya na halatang nag-aasar lang siya at alam naman niya talaga ang ginagawa niya. “Alam mo, kung nakakabuntis lang ang ungol, malamang buntis na ako ano.” Tawa lang siya nang tawa akala niya at joke time pa rin kami. At least ay umayos na siya sa pagkain. Todo puri naman siya sa luto ko, as should he be. “Masarap ka magluto. Dapat ay ikaw na lang ang nagluluto,” sabi nito na para bang amo na tinuturuan ang aso niya. “Ay nako, kahit ano pang pangsa-psycho mo sa akin ay hindi ako aalis sa work ko. Huwag kang mag-alala at sasabay naman ako kila Travis at Troy,” sabi ko naman sa kanya. Para hindi na ako dadagdag pa sa iniisip niya. “As if naman na papayagan kita. Ako na ang susundo sa iyo kapag gagabihin ka na.” Ang kulit talaga ng bulbol ng lalaki na ito, gawa ata sa marmol. “Bahala ka diyan, ikaw namana ng mapapagod, hindi naman ako.” Real talk lang. Habang naghuhugas siya ng plato, na dati ay hindi niya magawa at ma-perfect talaga, ngayon naman ay may improvement na siya with my supervision. Ana, paano siya makikisama sa ibang tao kung sarap lang ang ambag niya? Dapat may iba pa ano. Dahil nga naghuhugas pa siya at biglang may kumatok sa pinto ay ako na ang nagbukas. Nandito pala ang mga kaibigan kong medyo may depekto at deperensya. Okay lang kaya sila? I hope not, charot. “Bakit kayo napadalaw?” tanong ko sa kanila. Hindi ko talaga sila agad pinapasok, kasi bastos akong tao, bakit ba? “Tabi! Nandiyan ang asawa ko. Ang kapal ng mukha mong bahay siya!” arte ni Lei. Mukha siyang galunggong, bago iyon dahil madalas mukah siyang higad. “Hindi ko na kasalanan na ayaw ni Mikyle ng maasim na tulad mo. Amoy tuba ka pang gaga ka,” sabi ko naman. Pareho naman kaming nakatanggap ng batok kay MM. “Pareho na naman kayong sinusumpong ng pagiging abnormal.” Aray naman. Ang hiling mang real talk ng babae na ito. Wala naman akong choice kung hindi papasukin silang dalawa. At ang unang hinanap ni Lei ay si Mikyle. Shutang kaharutan at biglang yinakap ni bakla si Mikyle. Nakatanggap tuloy siya ng tulak maton. “Aray,” sabi ni Lei halatang nasaktan. E kahit tolerable na si Mikyle sa akin, hindi pa rin siya ganoon ka-comfy sa idea na medyo touchy ang isang shukla sa kanya. “Bakla ka! Bakit mo naman biglang yinakap,” saway ko kay Lei. “At ikaw lalaki ka? Huwag mo naman itulog masyado, pwede mo namang sungalngalin ng chopping board, mahina ka rin e,” sulsol ko naman. Peke namang umiyak si baklang Lei. “Huhu, ang sama mo talagang kaibigan!” Kaibigan ko pala itong mahadera na ito? Kinausap ko naman si Mikyle at nag-sorry ako sa kanya. At sinabihan ko rin siya. I am no siding anyone here, pareho silang may mali okay? “Bakit ikaw nahahawakan mo siya?” sabi ni Bakla na halatang sinusumpong ng inggit at pagiging immature. “Bakla, akala mo ba ganoon kadali ko lang napaamo ang lalaki na iyan? It took me not days! Isa pa at kahit na palagay na kami sa isa’t-isa ay hindi pa rin siya ganoon ka-komportable na may humahawak sa kanyang bakla!” Mukhang gets namans a wakas ni bakla kung ano ang sinasabi ko. “Sige, pero ang gwapo niya! Sanaol talaga mare! Tapos super concerned pa siya sa iyo. Siya pa ang nagligtas sa iyo e.” Alam ko, napakabait na lalaki. At least ngayon ay may nakikita na akong liwanag sa kanya. He is not just a guy, a proper fool, and man full of ego. “Ang mahalaga ay ligtas ka na. Huwag mong hahayaan na mag-isa ka lang sa gabi, lalo na at marami ka ring night class, alam mo namang magnet ka ng gulo,” katwiran naman sa akin ni MM. alam ko naman iyon e. “Sana ay mawala na ang mga ganyang salot na lalaki. Hindi lahat ng bakla tulad bg mga iniisip nila.” Sana nga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD