Episode 15

2089 Words
“PAPASOK ka na ngayon?” tanong naman ni Mikyle habang papalabas pa lang ako ng banyo. Fresh at bagong paligo kasi ako, hindi katulad ninyo na nilamig lang ng very slight, nagkaroon na ng valid reason para hindi maligo. “Oo naman, hindi ako papa-depress para roon ano. Isa pa ay babalik na rin ako sa work ko mamayang 4 pm,” sabi ko naman dito. Kung alam lang talaga niya, mas worst pa nga ang mga naranasan ko noon. Pero hindi ko na sasabihin iyon, hindi naman ako paawa na tao. If I will always be the victim, hindi ako makakalabas sa anino ng nakaraan ko ano. “Sabay ka na sa akin pumasok? Susunduin din kita mamaya,” wika nito na para bang hindi tinatanong ‘yung last statement niya. “Mag-commute na alng ako ngayon, baka ma-advance ang meet and greet ko kay kamatayan. Saka mamaya na pauwi ay si Travis at Troy na lang daw ang maghahatid sa akin pauwi rito,” sabi ko naman habang naglalagay na ng sapatos, sa mata, oo sa mata! Malamang sa paa! Pagkakita ko naman kay Mikyle ay mukhang nalukot na papel ang mukha niya. Maagang tatanda ang itsura ng lalaki na ito. Lagi na lang nakabusangot. “Bilisan mo diyan at ihahatid kita. Hindi ako nagtatanong, Sho.” Ay! Sino ka diyan? Para aaminin ko rin na medyo natameme ako sa paganon ni Mikyle. Masyadong high blood, ang agaaga. Wala naman akong sinabi na masama at pangit, hindi ba? Ayaw ko na nga siyang pahirapan e. Ayaw ko rin na isipin niya na obligasyon niya ako. Ayaw kong maging pabigat sa kanya. Pagkatapos kong magbihis at ayusin na lahat ng dapat dalhin ko ay sumama na ako kay Mikyle. Hindi ko alam kung dapat ba akong magulat dahil may kotse rin ang loko. Mukhang oks na rin kung ganito ang hatid sundo ko! Mukha akong nagka-jowa ng madatung. At ewan ko rin kung anong masamang hangin ang nasinghot ng lalaki na ito at sinaniban siya ng pagiging gentleman ngayon. Imagine siya pa ang nagbukas ng pinto. At sobrang ‘yung kaba at s****l tension sa pagiti naman. Lalo na nang ilapit niya ang mukha niya mukha niya sa akin. Ako na hindi na mapakali sa nangyayari. At ngayon nga ay nakarinig ako ng click. “Seat belt mo, hindi naman kita hahalikan. Ano ka, chix?” aniya. Alam mo iyon? nakakapunyeta ‘di ba? “Bakit? Papatulan din ba kita? Alam kitang gaga ka, manyakis ka kasi!” Maling desisyon ata na sumama ako sa lalaking ito. Nakalimutan kong konsumisyon pala ang dala ng lalaki na ito sa buhay ko. “Ha! Ang lakas kaya ng pagnanasa mo sa akin,” bulalas niya na ikinanganga ko naman. Like ano pa ba ang expected ko sa lalaki na ito? Ang lawak ng imagination, hindi ma-reach ni Vincent Van Gough! “Alam mo, ang kapal ng mukha mo parang encyclopedia sa kapal. Utang na loob at paandarin mo na sana itong sasakyan mob ago ako makagawa ng pagkakamali ngayon.” Like seryoso! Natawa lang siya as usual at saka pinaandar ang sasakyan. At least naka-aircon naman dito kaya nababawasan ang init ng ulo ko, balak ko sana na ngatngatin siya e. At least nakarating na kami sa school grounds. Dahil nga first year pa lang ako, may isang sumpa kaming subject, oo, may P.E kami. Mukha ba akong athletic? Sa kalandian lang ako Olympic medalist. Tapos tamad na tamad na nga ako na maglakad may pa ganito pa? Pagod na pagod na nga ako sa buhay e! Kaso nag-iba ‘yung paniniwala ko sa buhay ko nang makita ko na ang gwapo ng prof namin. Mukha siyang popcorn star. Tapos naka-sweatpants pa. Nakikita ko ang bakat na nagpamulat sa akin sa kabaklaan. “Now, sino ang gustong maging volunteer?” tanong naman ni Sir. Dylan Lucas. Mabilis pa sa alas quatro na itinaas ko ang kamay ko. Lahat ng babae na akmang aangal sana ay binatuhan ko na ng pamatay na tingin. ‘Yung tingin na alam na nila ang iakkasama nila. Kapag kumontra sila, diretso sila sa kangkungan! Mahinhin naman akong pumunta sa harap ng klase. Tinanong naman ni Sir kung ano ang pangalan ko sa sexy niyang boses. Shet, parang kinikiliti ang p***y ko. take noe na nandito kami ngayon sa gym kaya naman madami rin ibang department ang nagpi-PE ngayon mare. “Sho po…” Pwede namang honeybunch, cutiepie, baby16. Hindi naman ako choosy, ehe. “Okay, Sho… you will be my model for this day. So mind if you position on four?” tanong niya, hindi na ako nag-isip pa ng pangalawa sabay position for. Spank me, daddeh. So ayon naman, enjoy anman ‘yung mga moments namin ni Sir. Dylan. Mga simpleng touch my body lang talaga. Hindi ko lang expected na may laro rin ngayon ang basketball team. At nandito ngayon si Rob, Theo at Mikyle na ang sama ng tingin sa akijn. Bakit ba? Wala naman akong ginawang masama? Para rin ito sa edukasyon ko! ilang araw rin kaya akong walang exercise, kaya need ko ito. Mga punyeta! Hindi ako nagdadahilan dito ha! Ang sama ng tingin niyo sa akin, halatang insecure. Matapos ang PE na iyon ay masama na naman ang loob ng mga babaeng kaklas eko sa akin. Bakiot ba? Ganyan talaga ang buhay, unahan lang iyan. Gusto ba nilang mauna ng mawala sa mundo? Magsabi lang sila, willing to do the dirty job. So natapos na rin ang last subject ko mga bandang 4 pm na. About sa tatlong kaklase ko na akmang gagawan ako ng kasamaan ilang araw na ang nakakaraan, nasa preso na sila. Like I never tried to negotiate, kahit sa pamilya nila. Dahil walang excuse sa gusto nilang gawin sa akin nang gabi na iyon. kung ano man ang ginawa nila ay bumalik din sa kanila ngayon. At isa pa ay nalaman na gumagamit din kasi sila ng ipinagbabawal na droga. Kaya naman wala ring piyansa ang kaso nila. Nalaman ko lang ito kay Mikyle. NGAYON nga ay nandito na ako sa café at niyakap naman ako ni Mae. Medyo nandiri pa ako dahil nadikitan ako ng boobs niya. “Okay ka na bat eh?” nag-aalala na tanong sa akin ni Mae. Mukha ba akong damage goods. “Mas okay ako kung ilalayo mo iyang dede mo sa akin,” sabi ko na kinikilabutan ng malala sa ginagawa ng babae na ito. “Ay, sorry naman teh! E kasi ang mga ganoong manyakis na tao, talagang hm!” Binali ni Mae ang hawak niyang saging sa harapan namin. Parang nasasaktan na napahawak si Troy at Travis sa gitna nila. Buti na lang may immunity ako. Siyempre wetpaks ang puhunan ko, hindi iyang banana split ano. “Mag-work na nga tayo. Kailangan natin ng kuray!’ Nagsimula na nga ang bakbakan. Ang sarap lang sa pakiramdam na sa wakas ay balik na ako dati. ‘Yung tipo na nakakapagtrabaho na ako. Ang hirap na nasa boarding house lang ako, tapos may nakakagago pa ako na kasama. Inabala ko ang sarili ko sa pagtitimpla ng kape. Naging dagsa ang mga tao lalo na at may mga model at artista na pumunta ngayon sa café. Nalaman ko na model pala ang lima. Sinong lima? Siguro ako? Lima ako ‘di ba? Ang lima na tinutukoy ko rito ay si Rob, Theo, Troy, Travis at Mikyle. Hindi na rin naman dapat akong magtaka dahil itsura pa ang naman nila, cover na cover na ang datingan sa mga magazine. Sa sobrang pagod namin ay bandang mga 10 pa kami nakahinga ng maluwag. “Tubig?’’ offer sa akin ni Travis. Nakangiti pa rin siya kahit halata na pagod na pagod siya sa ginagawa niya. Nagtataka nga ako kung bakit silang nagtatrabaho sa café na ito kung model naman pala sila. Ang nalaman ko ay sobrang laki rin naman pala ng naitulong ng pamilya ni Rob kila Travis at Troy. Basically ay assistant at butler ni Rob ang dalawa na magpinsan. Talagang mabibigla ka na lang talaga, ako pala. “Salamat,” saad ko sabay kuha sa iniabot niyang baso ng tubig. Sarado na kami dahil again out of stock na rin kami ng mga ingredients. Parang araw-araw ay giyera rito. “Bakit wala masyadong trabahador dito? Ang daming work load. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero parang ganoon na nga. Charot, curious lang ako.” “Ayaw kasi boss ng basta-basta na tao. Malaki rin ang trust issue ni Sir. Rob. Marami na kasi siyang naranasan na betrayal at mga traydor. Kaya hindi ko rin siya masisisi. Itong coffee shop na ito, ini-scam siya rati ng ka-business partner niya sana. Tapos ‘yung mga nauan niyang employee ninakawan din siya.” Natahimik naman ako. Ang unang kita ko kay Rob ay puro pasarap lang siya sa buhay. Kaya ang hirap mag-judge agad e. ang hirap na mag-advance lagi tayo ng iniisip, without knowing na may mga pinagdaraanan o pinagdadaanan ang isang tao. Ang bait ko ano? Pero minsan wala rin akong pakialam sa nararamdaman ng iba, lalo na kung sila ang nauna na sirain ang mood ko. “Sabay ka na ba sa amin na umuwi?” tanong ni Troy habang sinasarado na ang café. Akmang tatango na sana ako nang may umakbay sa akin. Muntik pa akong matumba, like legit. Ang bigat ng braso nitong tao na ito! E ang petite ko lang e! “Sorry mga pare, sabay na kaming uuwi nito. Iisa lang naman ang uuwian namin e. Iisang kama nga lang e,” sabi ni Mikyle na dakilang papansin talaga! Narinig ko anmana ng tili ni Mae, akala mo nakalulon ng pito. “Ahh! Sanaol dinidiligan ng gwapo,” aniya na para bang iniipit ang kipay. “Shut up!” inis na wika ko. Wala na akong nagawa kung hindi pumasok sa kotse ni Mikyle. “Galing ka pa ata ng practice ng basketball e? Sana hindi ka na muna pumunta rio at nagpahinga ka na lang,” sabi ko naman sa kanya habang nilalagay ang aking seat belt. Baka mag-feeling attracted na anmana kos a kanya, makapal pa naman ng litera ang mukha niya. “Hindi ba at sinabi ko na ito kaninang umaga?” aniya na para bang naiinis na siya. Ang ikli pa naman ng pisi ng pasensya ng lalaki na ito. Tumahimik na lang ako at hindi ko na sasabayan ang init ng ulo niya. “Prof mo iyung Lucas na iyon? Layuan mo ‘yung manyakis na iyon,” sabi naman niya sa akin. “Bakit ko naman lalayuan ‘yung tao, ni hindi nga kami close. Ikaw huwag ka masyadong praning, okay? Kaya ko ang sarili ko, at saka ang tanda na non. Hindi niya ako papatulan, at hindi ko rin naman siya papatulan.” “Good.” NAKAUWI na rin kami sa wakas at gusto ko na talagang matulog. Kaso sabi naman ng lalaki na ito na nagugutom na raw siya. Gusto kong magdabog kaso siyempre, appreciated ko rin naman ‘yung fact na may taga-hatid sundo na rin ako. Pinagluto ko na lang siya ng mapilisang chicken wings. Nang naluto na ay hindi ko na kinaya. Bagsak na ako sa higaan ko. Hindi na ako nakapag-asiakso ng sarili, basta nag-pass out na lang ako. Pagkagising ko ay nakita ko na late na late na ako sa work ko. Buti at nag-message na day—off ko ngayon. Sakto at sobrang sakit talaga ng katawan ko. nabigla ata. Sino bang tanga ang may PE subject tapos may work pa. Ako lang naman, at least aminado, hindi ba? Mga bopols na ‘to. Tapos nakita ko anman si Mikyla na kakapasok lang sa room namin. May dala siyang take out mula sa isang fast food restaurant. “Kain ka na, halatang hindi ka pa kumain kagabi, hindi na rin naman na kita ginsiing dahil pagod ka na,” sabi naman nito. “Salamat,” sabi ko at saka muna nag-ayos ng proper hygiene bago humarap sa kanya ano. Hindi naman ako katulad ninyo na mema dugyot lang. Sinaluhan ko na siya sa pagkain at may gagawin daw siyang assignment. Ako lang ba o nakakain ata ng panis kahapon ang lalaki na ito? Legit na nag-aaral siya ng mabuti? Sabagay, himala nga naan. Hinayaan ko na muna siya habang ako naman ay gagawin na ang assignment ko rin. Parang may naisip naman ako. “Hoy, Mikyle,” tawag ko sa kanya. “Bakit?” “Gusto mo bang maging taste tester?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD