Episode 16

2132 Words
HALOS dalawang buwan mahigit ko ng nakakasama si Mikyle. Well, mukhang okay naman maliban sa iilang beses na bungangera ako, habang siya ay dakilang moody, daig pa may monthly dalaw e. So iyon nga ang problema namin. Kung sino ang pinakamalapit na sumpungin ng toyo, siya ang panalo. Ngayon nga ay may 1 week kaming Founding Anniversary event. Masaya sana lalo na kung 1 week akong may full time na trabaho, ang kaso ay required akong pumasok. Bakit kasi nauso pa mga booths na iyan? Sino ba nakaisip niyan ng masakal ko na! So dahil maharot ang mga kaklase ko, at nasa culinary naman kami, naisipan nilang gumawa ng Maid Café Booths. Wala na ba silang maisip na iba? Seryoso? Wala na bang ipipiga na mas masustansya ang mga utak nila? Ako naman hindi na ako nag-say, basta sa kusina lang ako the whole time, bahala silang magmukhang tanga sa gagawin nila. Mag-suot sila ng pang-maid outfit nila all the way all out. Magmukha lang silang dugyot. Ngayon ay nasa boarding house pa kami. At dahil nga kasama ko si Mikyle ay nakausap ko naman siya kung ano ang booth ng block section nila. Ang sabi niya ay Nude Gallery raw! Napaka-bold naman nila para gawin iyon. “Siyempre ako ang reference nila,” pagmamalaki niya pa sa p*********i niya na malaki naman talaga. Napangiwi naman ako. Minsan naiisip ko na nawalan na talaga ng tuluyan ang hiya ng lalaki na ito. “Okay,” sabi ko na lang at saka na kami magkasama na lumabas ng kwarto namin. “Punta ka sa Mr. and Ms. University natin ha?” aniya naman. Ako naman natameme. “Kasali ka na roon?” tanong ko naman. Hindi naman dapat ako magtaka dahil siya talaga ‘yung itsurahan ng mga nilalaban sa ganyang mga competition. “Ha! Tinatanong pa ba iyan?” Ayan na naman ang kahambugan niya. So naka-motor na naman kami ngayon dahil coding ng kotse niya ngayon. Wala naman akong reklamo sana, nakikisakay na nga lang ako. Kaso kapag nagda-drive ang gago ng motor parang nakikipagkarera kay kamatayan e. Pagbaba pa lang namin sa gilit ng parking lot ay takbo ako sa halamanan sabay ibinuga ang rainbow. Siya naman ay tawa pa nang tawa. “Shot.” Tangina. Hindi ako lasing, baka siya kung makapag-drive daig pa ang lasing. “Ulol! Kung ganyan ka mag-drive sa susunod, mamatay na lang ako sa putok sa mini bus, inaka!” asik ko sa kanya sabay , mumog ng tubig sa water bottle at saka mouth wash. Anticipated ko na ito e. “Haha, masasanay ka rin! Paano kita mauuga kung nahihilo ka kaagad,” paramdam naman niya na may halong kaberdehan. “At feeling mo naman magpapauga ako sa iyo?” Naku, kahit siya na lang ang may natitirang talong sa kalawakan na ito, may patola pa naman. Naghiwalay na kami ng landas bago ko isuplong sa ikinauukulan ang lalaki na ito. Lagi na lang kasi siyang tawa nang tawa kapag kasama ko. Malay ko ba kung nakakatikim siya ng chongke. Nang nasa classroom na kami at ang mismong dressing room namin ay gusto kong magwala. “Ito naisip niya na booths tapos wala pa lang maninindigan na suotin ang mga yawing uniform na ito?” sabi ko sa kanila. Sa sampong dapat naka maid outfit, pito ang nag0back out tapos hindi pa pumasok. Kinausap na namin ang prof namin about this thing, at may punishment naman daw. Tapos sabi ay may additional grades daw ako kung ako raw ang gaganap na isa sa apat na maid. Para raw kompleto ang mga sanggre. Bakla kasi ‘yung adviser na block section namin. At dahil nga color coded kami, hindi naman ako pumayaga na sa akin ang blue! Gusto ko ‘yung red! Para pak! Uhh! Chikana! Kamukha ko na si Glaiza De Castro ng Munting Lupa. At talaga namang planado na ang lahat ha? May naka-set na red na wig para sa akin. Napakagaling! Pumunta na kami san aka-assign na booths para sa amin. Lahat ng tinda namin ay desserts at drinks. Karamihan ay own recipe ko pa ha. Ang laki ng ambag ko rito! So ewan ko lang ha? Pero dahil maganda ako ay napagkakamalan akong babae. Mas marami pa ang nakapila sa akin kaysa sa mga tunay na mga may kipay. Ako naman siyempre sossy na nakabababae Nakita pa nga ako ni Lei na inggit na inggit. Ang ganap niya kasi sa booths nila ay kapre. Deserve naman niya. Muntik pa akong sabunutan ni Lei, kasi inggitera ang shutangina. Buti at pinigilan siya ng mga boys na ba fan boy ko na! Pak! Sino nga ulit ang maganda, Cinderella? At dahil nga mabenta ako, mabilis na naubos ang mga tinda namin. Nasa classroom na ako at gusto ko na sanang magbihis ang kasi sabi naman ng prof ko, bakit hindi ko pa sulitin iyon. Ngayon na mukhang babae na babae na ako! Kaya naman lumabas na ako at saka naglibot dahil marami pa namang ibang mga booth ang nakabukas ngayon. Habang naggagala ako ngayon ay marami ang mga lalaki na lumalapit sa akin. Like bulag ba sila at hindi nila nahahalata na hindi ako babae! Muntik ko ng sabihin na. “Putcha naman, Pre, Protacio ang pangalan ko!” ‘Yung lalaki na lalaki ang boses ko. Habang naggagala naman ako ay biglang sumakit naman ang paa ko. Naalala ko na hanggang ngayon ay masakit ang paa ko. Imagine na parang mababali na ito. Kaya naman agad akong naghanap ng malapit na nech. Kaso ang layo pa at hindi ko na kaya. “Tara?” sabi ng pamilyar na boses. “Theo?” nandito na naman ang moreno, macho at papable na kaibigan ni Mikyle. Nahiya naman ako nang buhatin niya ako into a bridal style. “Ang ganda mo pala kapag nakababae ka na kasuotan! Akala ko nga si Erza Scarlet e.” Lah? Anime fan iyan? “Naku, hindi naman! Tabingi pa nga itong fake boobs na ibinigay nila sa akin e,” sabi ko naman dito. Iniayos ko nga itong boobs ko habang buhat niya ako. Siya naman ngayon ay kita kong namumula at nalulunok pa ng lawa. Hindi ko naman siya masisisi. Buhat niya ang pinakamatinding tukso ng mundo. Iniupo naman niya ako sa isang bench. Natakot naman ako nang bigla naman siyang lumuhod sa harap ko. Literal na nanlaki ang mga mata ko. “Huy, Theo masyado ka namang mabilis, hindi ka pa nga nanliligaw nagpo-propose ka na agad!” sabi ko sa kanya. Siya naman itong tawa nang tawa akala niya nakikipagbiruan ako sa kanya. Bakit kaya ganyan itong magkakaibigan na ito ano? Masyado silang masaya! “Hindi naman ako nagpo-propose. I know you are extra-beautiful for today, but I am just concern on your feet. Mukhang namamaga naman na kasi ng masyado.” Oh? Takbo, Protacio. Masyado ka na namang ilusyunada. “Sige, pagkatapos mo diyan magpapalamon na ako sa lupa.” Natawa naman siya, ‘yung tawa na mababang boses, nakakapogi, nakakakiliti ng c******s! Oo! Mayroon ako non, mga impakta kayo! Wala na kayong ibang ginawa sa akin kung hindi kontrahin lahat ng sinasabi ko! Pagkatapos niyang alisin ang heels na sinumpa na ito, ay mi-na-ssage naman niya ang paa ko. on a very gentle manner na ikinaungol ko ng mahina. Nakangiti naman siyang tumingala sa akin. “Please, stop moaning, or else I will walk on my home with a hard on.” Tinakpan ko naman ang bibig ko. Siya naman ay nilagyan niya ng band aid ang mga sugat ko, saka na umupo siya sa akin tabi. “Mukhang boy scout ka a?” sabi ko naman sa kanya. “Kumukuha langa ko ng pre-medical course para naman makapag-doctor na rin. I am inheriting our family business, ‘yung ospital na mga private na nadadaanan natin.” Nanlaki naman ang mata ko. “As in lahat ng iyon? Ang yaman mo naman pala.” “Ang mga magulang ko ang mayaman, ako estudyante pa lang.” “Ganoon din iyon! Masyado pang humble, magpapalibre lang naman sana ako ng milktea e,” biro ko sa kanya. “Milktea lang pala e, tara, libre kita,” sabi naman niya at pinatulan ang sinabi ko. Ano ako? Tanga? Siyempre naman at sumama ako sa kanya, libre rin ito ano. “Manong, pabili nga nitong Oreo Cheese,” sabi niya sa lalaki na nagtitinda sa booths. “Ikaw?” tanong niya sa akin. Thei with his flaring gaze, parang hinihigop ako ng kulay tsokolate niyang mga mata. “Akin? Dark Choco akin.” Matapos naman naming mag-order ay balik kami sa pwesto namin. Hirap pa rin ako maglakad pero mas bearable naman ngayon kaysa kanina. “Nasaan pala ‘yung dalawa? Si Rob at Mikyle?” tanong ko sa kanya. “Si pareng Rob baka nasa chix iyon, kasama si pareng Mikyle. Parehong babaero ‘yung dalawa na iyon,” sabi naman nito. Medyo may little or mild na kirot naman akong naramdaman. Pero oks lang, hindi naman masakit. “Sus, ikaw ba hindi babaero?” tanong ko naman sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko. “Well, I cannot say I am exactly not the same. Siyempre lalaki rin ako at may pangangailanga, but I can still handle my desire, not like those two.” Tumango naman ako.”Understandable naman iyon.” Matpso ng maikli namin na pag-uusap namin ay sinabihan naman niya ako na ihahatid na niya ako. Sabi ko ay samahan niya na muna akong magbalik ng damit sa section namin, and he agreed naman. Kaya naman nang nasa room na ako ay nakita ko naman ang mga malalagkit na tingin ng mga kaklase kos a amin. May halo pang hiyawan at kantyawan! Mga issue na naman sila. Kaya naman nang makapagbihis na ako ay hinila ko na paalis si Theo, nakakahiya. Nang nasa parking lot na kami ay kinausap ko na ang lalaki. “Pagpasensyahan mo na ang mga kakaklase ko, ha? Ganoon lang talaga sila, pinanganak na kulang sa timbang,” sabi ko sa kanya. Baka kasi ma-feel awkward siya. “Haha, ayos lang naman.” Akala ko talaga kay Theo ay dakila siya na manyak, lalo na ‘yung lababo scene. Pero kung magpapatuloy siya sa ganitong klaseng gentleman characteristic, I think masasabi ko na siya ang mas matino kaysa sa mga circle of friends niya. Kahit na amok o si Rob, at basically ka-live in ko si Mikyle. Bakit ba? E live in naman ang atwag sa dalawang tao na nakatira sa iisang bubong hindi ba? Mga echosera talaga kayo. Siyempre ay todo thank you naman ako sa kanya nang ihatid niya na ako bandang 7 an rin ng gabi. “Salamat sa paghatid ha? Ingat sa pag-uwi at pagmamaneho!” “Basta lutuan mo ako minsan,” sabi naman nito. “Siyempre naman! Ikaw pa ba, masyado kang malakas sa akin,” sabi ko naman dito. Pagpasok ko sa kuwarto ay wala pa siya, I mean, as expected. Kaya naman ang ginawa ko ay magluto na muna ng sinabawan ngayon. I think bulalo is a good choice, lalo na at biglang bagsak an ng ulan. Tapos 9 ay wala pa ang lalaki na iyon, kaya naman ang nasa isip ko ay baka hindi na siya uuwi ngayong gabi. Pero bigla namang bumukas nag pinto at iniluwa si Mikyle. “Akala ko wala ka pa e,” sabi naman niya sa akin sa may disgust na boses. Problema niya? “Ha? Pinagsasabi mo diyan? Kanina pa akong 7 nandito,” sabi ko sa kanya. “At hinatid ka ni Theo?” aniya. “Paano mo nahulaan?” natatawa na sabi ko naman. Pero mukahng masyado siyang seryoso at hindi nagbibiro. Iniabot naman niya sa akin ang selpon niya. Nabigla naman ako nang may kuha kami kanina ni Theo. ‘Yung isa ay para kaming bagong kasal na buhat niya ako. ‘Yung isa ay nakaluhod siya an parang inaalis ang heels ko, ang isa ay para kaming sweet na umiinom ng milk tea. “Teka, sinong kumuha nito?” Tumawa naman siya na parang ako pa ang masama ngayon. “Tangina, kanina pa ako naghahanap sa iyo sa campus, may text message ako sa iyo, akala ko napano ka na naman! Tangina may kalandian ka lang pala na iba. Kaya ayaw mo bang magpahatid at sundo sa akin?” Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi na lang ako nagsalita. “ANO! SUMAGOT KA!” Ang toxic niya. Naiyak na lang ako at pumunta sa kusina upang patayin ang apoy. Pinapainit ko lang naman ng sabaw. “MUla ngayon ay huwag mo na akong ihahatid. Hindi ko utang na loo bang lahat para atwagin mo akong malandi.” Natahimik naman siya sa sinabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD