Episode 17

2101 Words
MAAGA pa lang ay gising na ako. Alam niyo naman siguro ang naging sagutan namin kahapon ni Mikyle, and those words still linger on my mind. Alam ko naman na baka nasabi niya lang iyon dala ng emosyon. He might be worried, pero hindi ko pa rin deserve ang mga sinabi niyang masasakit na salita kagabi. Mikyle tried to approach me last night bago kami matulog pero hindi ko pa rin siya nagawang pansinin. Malaki pa ang utang na loob ko sa kanya, kaya naman kahit papaano ay may katiting pa akong respect sa kanya, but kung sa huli ay magba-backfire din naman sa akin ang utang na loob na nakuha ko sa kanya, might as well stop taking all his offer. Minsan ako talaga ang hindi marunong madala e. Sa mga ganyang utang na loob ako nadadale. Siyempre kahit na gusto kong sungalngalin ng matindi si Mikyle gamit ang isang mahiwagang spatula, hindi ko ginawa. Himbing ng tulog, akala mo walang nagawang pagkakasala sa akin. Nagluto na ako ng almusal sakto pang dalawang tao. Matapos kong kumain at lahat na ay magsasapatos na lang ako at ready to go. May work ako ngayon sa café, mamayang hapon na lang ako dadalo sa sinumpaan an event na iyon. Waste of time. Kaso aalis na lang sana ako ay nagising pa ang lalaki. “Hatid na kita,” sabi naman niya sa akin. Kakagising pa lang niya at partida mukha siyang puyat. Saan na naman ba siya napuyat? Sa babae ba o sa panonood ng kababalaghan? Umiling ako. “Huwag na.” “Sho,” aniya sa hindi nagbibiro na tono. “Mikyle? Malinaw na ang sinabi ko sa iyo kahapon. Mula ngayong araw na ito hindi mo responsibilidad na ihatid sundo mo ako. Ayaw ko na, okay?” Penge ngang best actress awards diyan. Napayuko naman siya. “Sorry na kasi,” aniya na para bang bata na nagmamakaawa. Mabilis naman akong lumabas ng kwarto at saka tumakbo. Takbo, Protacio! Takbo! Baka maging marupok na naman tayo at saka na anman natin siya mapapatawad ng ganoon na kadali. Kung didistansya na ako kay Mikyle, alam ko na darating na rin ako sa point na magkakaroon na rin ng inner peace ang puso at isip ko. May puso ako, tanga! Kahit papaano ay may nasakyan na ako ngayong sobrang aga pa. Sa sobrang maaga pa ay naabutan ko pa si manong guard na nagbubukas ng shop. “Aga mo naman ngayon, Sir?” sabi ni manong guard na labis kong ikinaloka! Sir talaga? Gusto kong kumalma! Pero paano? “Grabe ka naman, manong! Ang ganda ko na ito tatawagan mo lang pala ako na Sir?” nawiwindang an sagot ko. “Ay, Ma’am ka po pala, hehe.” “Joke lang manong, kape po tayo sa loob,” aya ko naman. Mabait naman talaga ako, minamasama niyo lang madalas. “Sige po, sunod po ako sa loob.” Kahit papaano ay pak ganern an ako sa trabaho na ito. Gamay ko na ang abwat kilos na gagawin ko. ngayon ay ihahanda ko na lang muna ang mga gagamitin, para naman pagdating ng mga kasama ko ay ready to go na. At kahit pa-six pa lang ng umaga ay nagdadagsaan na ang mga tao. Mabuti naman at nandito an si Mae. “Aga mo naman, ate girl,” sabi niya sa akin. “The earlier the prettier,” sabi ko naman sa kanya. “Ay gusto ko iyang quotes na iyan! Tweet ko mamaya,” sabi ko sa kanya. Alter reveal, charot. Bakit alam niyo rin iyon? kayo ha! Mga mapupusok na talaga iba ngayon. So work hard lang kami hanggangs a dumating na ‘yung dalawang boys namin. Mukhang may hangover pa nga sila, naku! Babae pa more. Naalala ko an naman si Mikyle. Gusto ko sanang batuhin siya e. imagine siya pa galit, tapos baka reasoning niya lang na hinanap niya ako kagabi. Wala ngang text at call sa akin e. Bwisit na lalaki na iyon kumukulo na ‘yung… “Aray!” sigaw ko. Umandar na anman ang sumpa ng kagandahan ko. Kapag kasi extra beauty ako, mas nagiging tanga ako. Nahawakan ko pa naman ang kumukulo na tubig. Buti at hindi nalapnos ang kamay ko! Agad namang luampit si Travis sa akin upang tingnan ang namumula na kamay ko. “Ano bang iniisip mo at hindi mo napansin na nabubuhos na ang mainit na tubig sa kamay mo?” panenermon naman niya sa akin. Gusto ko sanang sabihin na s Mikyle. Siya lang naman ang nagbibigay ng kamalasan ngayon sa akin. He invades my personal life. “Wala, kulang lang ako sa tulog. Pagod din ako,” sabi ko naman. Dinala naman niya ako sa office at nandoon din si Sir. Rob. Muha rin siyang puyat, anong problema nila? Ahh, baka magkakasama sila kagabi, nambabae! Now the puzzle is already solved! Magagaling talaga, tapos ako pa masama ngayon. “Napano iyan?” gulat na tanong ni Sir. Rob sa akin. Nakita niya ata ang kamay ko, baka lang naman. Mind my sarcasm? Gusto ko sanang sabihin na nakagat ako ng isda kaya namamaga ang kamay ko, kaso baka mawalan ako ng trabaho. “Lutang boss e, napaso,” sabi ni Trave! Akala ko ba kakampi ko ito? Bakita ko nilalaglag. “Mag-ingat ka, baka sugurina ko ni Pareng Mikyle kapag napano ka,” sabi naman niya. Hayaan niyo si Mikyle! Tahimik lang ako habang nilalagyan ng ointment ang kamay ko. nakita ko naman ang flash ng camera ni Sir. Rob! “Sir! Issue na naman iyan! Issue na nga ‘yung kahapon e,” sbai ko rito. “Haha! Kaya nga, grabe ‘yung sama ng loob ni kumpareng Mikyle kahapon. Galit na galit kay Theo e,” sabi naman nito. “Bakit anamn siya magagalit? Ang liit na bagay pinapalaki,” sabi ko naman at saka na lumabas upang magkaroon ng ambag sa trabaho ko. Mga bandang 4 na ako nag-out sa work. Kailangan ko pa kasing mag-attendance e. Nang nasa university na ako ay nag-start na akong maghanap ng mga kaklase ko. Extra ang dami ng tao ngayon. Dahil ata sa maalamat na patimpalak! Ang dami rin kasing gwapo na lalaban mamaya sa Mr. and Ms. University. Kaya naman dadalawin talaga kami ng mga lumilipad na higad mula sa iba’t-ibang university. HABANG naglalakad ako ay nadaanan ko naman ‘yung pwesto kung saan ako niligtas ni Mikyle. Naalala ko ‘yung gabi na iyon, dama ko na talagang gusto niya akong iligtas. He genuinely wants me to be safe. At habang naalala koi yon ay para naman akong lumulunok ng sama ng loob. Nalilito na ako, na dapat ba ay hindi ko muna iwasan si Mikyle? Baka naman may good intentions talaga siya para sa akin. Napaupo naman ako sa isang bench matapos kong mahanap ‘yung ala Dora the explorer na class president namin. Ang hirap hunting-in para sa attendance. Bigla naman akong nakatanggap ng call kay Mikyle. Pero dahil beautiful stubborn ang lola niyo ay pinili ko na huwag sagutan iyon. Balak kong umuwi ng maaga ngayon, maagang matutulog, maaga na mgigising, and that will be our cycle. Kaso nakita ko anman ang isang Dean ng isang department ng university namin. Hingal na tumakbo papalapit sa akin. “Please, ‘yung manok namin sa Mr. university, he is so stubborn that he insisted na hindi siya makikipag-participate kung wala ka roon,” sabi naman sa akin ni Mr. Javier. “Po?! Sino naman po iyang manok ninyo? Nang maalisan ko ng itlog na pula?” Siyempre sa utak ko lang iyan. Baka hambalusin niya pa ako ng hawak niyang kung ano-ano. Nakarating naman ako sa backstage at sa pwesto ng mga estudyante kung saan nandoon ang trip na trip ako. “Ikaw,” sabi ko sa nanggigigil na tono. Sarap kutusan ng tao na ito. Todo ngisi naman siya. “Sabi ko naman sa iyo e, kahit anong mangyari ay papanoorin mo pa rin ako,” sabi ni Mikyle habang todo ngiti. Okay lang ba siya? Sana ayos lang siya. Alam naman niyang warla kaming dalawa. Kahit na anong pogi niya sa suot at ayos niya ngayon, gagong gupit pa naman siya, bugok na kay ganda. “Alam mo, sana nakauwi na ako ngayong panahon na ito,” sabi ko sa kanya at umupo an sa isang tabi. “Sabi ko naman sa iyo, ichi-cheer mo pa ako,” sabi niya na sobrang lakas ng loob. Hindi pa ata nakakatikim ng kaba at kape ang lalaki na ito. “Nababaliw ka na, Mikyle. At saka ano bang akala mo? Walang representative ang department namin? Tiyak na mas guwapo ang representative ng college namin,” sabi ko sa kanya na agad na ikinabura ng ngiti niya. Bigla naman siyang pumwesto sa tabi ko at mabigat na binigyan ako ng yakap sa bewang. Bumulong sa aking tenga na ikinakiliti ng aking kaibuturan. Do not lead me into temptation, nagbabagong buhay na ako o. baka naman… ilayo niyo po ako sa tukso. “Ha, mas masarap pa ako sa mga iyon, sadyang ayaw mo lang akong tikman,” sabi niya sa husky, sexy, bedroom voice niya. Tapos kitang-kita pa ng partner niya ang kalandian niya. Hindi na lang niya ako binigyan ng kahihiyan! “Mikyle!” saway ko sa kanya at tawa naman siya nang tawa. “Ako ang suportahan mo, para naman mawala na ang tampo ko sa iyo,” aniya pa saka na tumayo dahil tinawag na sila. Magsisimula na pala ang program. Gusto ko ng lumubog sa hiya dahil ang daming nakatingin sa akin, kaso naalala kong maldita pala ako. “Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Gusto niyo bang ibalibag ko kayo mala-Batista?” Agad naman silang nagsilayuan. Buti naman at nahulaan nila na hindi pala ako nagbibiro. Siyempre hindi naman ako makakapanood ng live kung nasa backstage ako. At dahil malakas ako sa Dean ay doon talaga ako sa harapan. Kaya naman kada kita sa mga pogi na nakikilahok, parang nasasabi ko na ayos din na hindi ako kaagad na umuwi. Ganito pala kasarap manood! Siyempre very impress naman ako sa charm, charisma at galing nila sa pagsagot. Confident naman ako sa looks ni Mikyle. Siya naman talaga ang nasa taas ng food chain. Kaya na kaya niyang kainin lahat ng contestant. Hindi ko lang alam kung sa question and answer talaga magkakatalo na. Kabado ako dahil ito na ‘yung top 5. Laglag ‘yung kalahok ng Cilary. Kaya naman no choice talaga kung hindi support Cromford malala na lang talaga, bakit ba? “So, Mr. Mikyle Lee, here is the question for you,” wika ng abbaeng emcee na ang lagkit ng tingin kay Mikyle, teh, hindi iyan pulutan. Sampalin ko ng mikropono ‘tong babae na ito e. Naghiyawan naman ang mga audience, alam na alam kung sino ba ang crowd’s favorite. Kahit ata ibang department napapaluhod ng lalaki na ito. Lakas yarn? “What is your perspective with LGBT community?” tanong ng lalaki. Kinabahan naman ako ng malala sa tanong ng emcee! Sino ba ang judge na angbigay ng tanong na iyan. Alam na alam ko ang kahinaan ni Mikyle. Dakilang Gay hater iyan noon pa man, and I think hindi pa ganoon kalakas ang tolerance niya sa mga kagaya ko na nasa mundo ng bahaghari. Pero nang makita ko naman na mukhang ayos lang naman ang mukha ni Mikyle, nawala na ang kaba ko, dahil alam ko naman na alam na niya ang dapat niyang isasagot. “I hate gays…” Natahimik naman ang mga tao, at maski ako ay muntik ng magkaroon ng heart attack. “Until I met my roommate sa aming boarding house. I have a bad past about gays, and now he is slowly making me realize that gays are not all the same. Masaya ako na nakilala ko siya, someone who slowly showing me the brighter side. I am someone who is slowly changing his perspective, because gays are not enemies,”wika niya na ikinahiyawan an ng maraming tao. Ako itong iyak mga lima rito. Bwisit na lalaki na ito, pinapaiyak an naman ako. Ang bigat sa puso, pero alam niyo iyung bigat na kapag nag-exhale kayo, biglang switch sa sobrang gaan na. Siyempre ninamnam ko muna ang bikini portion, at nang nalaman nan a si Mikyle ang tinanghal na Mr. University, sobrang saya ko rin. Sobrang proud ako sa kanya lalo na ang sagot niya kanina sa question and answer portion. The best lang talaga kasi. At nang akma ko na siyang pupuntahan ay nakita ko siya na may kahalikan na babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD