NARANASAN niyo na bang bangungutin ng gising? Kasi ganoon na ganoon ang pakiramdam ko habang pinapanood ko siyang may kahalikan na iba. Iba ‘yung sampal ng reyalidad sa akin nang makita ko siya na may kasamang babae.
Sho, gumising ka nga kasi. Kahit anong lambing ng lalaki na iyan, lalaki talaga iyan. I should not expect something, I should not assume everything.
Kaya naman mabilis kong binura ang simangot sa mukha ko at saka ipinalit ng ngiti. I should know better anyone else na bawal akong makiramdam ng kung ano para sa lalaki na ito.
Nilapitan ko naman siya kahit na may lintang mukhang uod ang nakapalupot sa kanya. Girl, hindi ko aagawin sa iyo ang lalaki na iyan, kahit lamunin mo pa ng buo! Go lang nang go!
“Congrats, mag-thank you master ka naman, ako ang nagpanalo sa iyo,” biro ko naman sa kanya,
“Haha! Tama, ikaw ang rason, hindi ko alam na matatanong sa akin ang ganoon,” sabi naman niya.
“Malamang… kung alam mo agad ang tanong, e ‘di disquaified ka na,” sabi ko naman. Utak tamerd talaga ang lalaki na ito madalas ano? Engot!
Dapat ganyan! Dapat iniisip ko lahat ng negative niyang traits, para naman paunti-unti ay ma-turn off naman na ako sa kanya.
‘Yung babae naman ang sama na nang kanyang tingin sa akin. Ayusin niya lang talaga ang pagtingin sa akin, ha? Talagang mapupunta sa masamang kalagayan ang buhay niya.
“Alis na ako, inaantok na riun ako,” paalam ko naman.
“Teka, mayroon pang party,” sabi nito sa akin.
“Required ba na sumama ako?” tanong ko na medyo irita na, hinihila na kasi siya ng kirida niya. Mukha naman talaga kasing problematic ang mukha ng babae na ito.
“Siyempre naman, sabi mo nga ay ikaw ang rason kung bakit nanalo tayo,” sabi naman nito. Bigla na siyang inaya na mag-picture taking. Ako naiwan lang ako na parang pinaggamitan na supot dito.
Nanalo na amputa, marunong pang mag-demand.
Balak ko naman na sanang umuwi kaso nalaman ko na maraming pogi ang sasama, libre pa naman ang alak at pulutan, e ‘di sasama na lang ako. Hindi naman siguro kailangan na nasa tabi ako lagi ni Mikyle.
Sakto na lumapit sa akin si Theo. “Sasama ka ba sa party?” tanong niya sa akin.
Tumango naman ako. “Oo, wala naman na akong gagawin sa boarding house.”
“Sa akin ka na sumabay ha? Ihahatid din kita pauwi,” aya naman niya sa akin.
Ngumisi naman ako. “Naku, sinasabi ko sa iyo Theo. Iuwi mo ako ng buo at 100 percent virgin coconut oil, talagang tatamaan ika sa akin,” sabi ko naman sa kanya.
Siyempre dahil laking may trust issue ako… nag-test din ako kay Lei at MM kung saan ako pupunta at sino ang kasama ko. Nagtanong pa sila kung ano ang problema ko at bakit gusto ko raw maglasing.
Ang problema ko ay ang sarili ko. Sana naman gumaling na ako sa pagiging marupok na ito. Hindi na rin ako natutuwa.
Buti nakakotse naman si Theo, kaya bongga talaga kami. At kung ihahatid niya naman ako na lango at lasing, at least safe ang beauty ko.
Habang nasa kotse kami ay tinanong naman niya ako kung ano ang gusto kong music sa kotse na ipapatugtog.
“Taylor Swift naman, ‘yung ‘All Too Well,” sabi ko sa kanya kasi gusto kong masaktan.
“Broken ka ba?” natatawa niya naman na tanong sa akin.
Umirap naman ako sa kanya. “Oo, broken ako at walang pera! Sejnd sugar daddy na lang,” biro ko sa kanya.
“Ako na lang, willing to pay,” biro naman niya pabalik.
“Alam mo ba ‘yung kumalat na picture natin?” tanong ko sa kanya na medyo nag-aalala. Akala ko nga ay mao-awkward siya sa akin.
Una siyempre straight siya, at matic na kapag ganyan ay lumalayo ang straight na lalaki nsa bakla kapag nai-issue na. Naku teh! Hindi ako ipinanganak kahapon. Legit.
“Haha. Ang ganda mo naman kasi e, kaya napagkamalan ka na babae at na-ship sa akin,” sabi naman sa akin ni Theo.
“Baka naman napipilitan ka lang na samahan ako ha?” sabi ko naman sa kanya.
Isa sa mga pinaka-hate ko ay ‘yung tipo na napipilitan na lang sila na pakisamahan ako. Aba at kung ganoon lang naman, feel free na lang sana na iwasan na ako, at iiwas na lang din ako.
“Ha? Alam mo ba na kung sakali man na ma-link ako sa iyo Sho, isa pang karangalan sa akin iyon. Maganda at matalino ka,” sabi niya naman sa akin. Naku, ang bolero naman, parang totoo.
“Sigurado ka na hindi awkward ha? Baka mamaya naasiwa ka na pala sa akin,” sabi ko habang iniisip na dapat masanay na ako. Kaya nga pasmado madalas ang bibig ko.
This is my natural defense. Kaya naman nasasabi nila na mataray ako, na pangit ang ugali ko, na pangit ang pananalita ko.
Bitch? Kilala ba nila ako? Alam ba nila ang kuwento ko? Sakalin ko sila ng very gentle e.
Nakarating naman kami sa event place. Isa pala itonmgh resort at mukhang may kalayuan naman ito. Ang bongga naman at may ganitong party pa. sabagay, ako pa ba ang magtataka? In the first place ay nasa iisang hierarchy talaga sila.
Sila ‘yung tipo na isang pitik lang may pera na. Hindi naman nila kasalanan na ipinanganak silang mayaman. Ganoon naman talaga ang mundo, suwertihan na lang kung saan na ipapanganak.
Lumabas naman kami ni Theo at sabi ko sa kanya ay kaya ko naman ang sarili ko. Hanapin na lang niya ang mga kaibigan.
“Kaya ko na ang sarili ko, dito na lang tayo sparking lot magkita, ayos ba?” sabi ko naman sa kanya.
“Sama ka na lang sa akin para safe ka. Nakakahiya man, madaming loko rito,” sabi naman niya na napapakamot na lang ng ulo.
Sabagay, may point naman kasi siya e. “Alagaan mo ako ng mabuti ha? Babatukan talaga kita,” banta ko naman sa kanya. Banta na malala.
Ang gusto ko naman sa party na ito ay ang daming seafood. Kung sa mga birthday party target lock ang mga shanghai, ibahin niyo kapag ganito ang ganap.
Target lock agad sa hipon, alimango, at tuluyan na nga na nagningning ang aking mga mata nang makita ko ang lobster!
Disappointment who? Depress who? Walang malulungkot ngayong gabi! Magpapakabusog ako hanggang mamatay. Ayaw ko na pala ng alak, nandiyan naman kasi ang pulutan, so solve na solve na talaga ako nito.
Kaya ang ginawa ko ay kumuha na ako agad ng plato at pinuno ng seafood na nakahain. Bahala silang unahin ang alak. ‘Yung red horse magkano lang ‘yan sa mga sari-sari store, itong mga seafood, magkano ang kilo sa palengke!
Matapos kong mapuno ng pagkain ang plato ko ay bumalik na ako sa mesa ni Theo. Wala siya rito at nakita ko naman na magkakasama silang tatlo ni Rob at Mikyle. Mukhang masaya naman sila, at bawat isa ay may kasamang mga babae. Saya, parang ginawa lang ako ng Poong Maykapal para pagmasdan ang ganitong nakaka grr na pangyayari.
So ang ginawa ko ay ikinain ko na lang ang nararamdaman ko na sama ng loob. Magpapanggap na lang ako na party crasher. Bahala ng ma-stress ang mga ugat sa batok ko. Basta ang importante at mahalaga, masaya ang tiyan at dila ko.
While savoring these buttered shrimp ay may lumapit naman sa akin. As a soon to be Gordon Ramsey, alam na alam ko ang mga familiar na amoy. Kaya naman medyo memorize ko na ang amoy ng mga taong nakakasalamuha ko ng madalas.
“Dami na niyan a? Buti hindi mo sinisipsip ang ulo?” tanong naman sa akin ni Travis.
Nandito pala siya, at ang pinsan naman niyang si Troy ay nasa dance floor. Nasa parang gilid kasi kami ng malaking infinity pool. So nakikita ko ang mga lalaki at mga lason sa buhay namin (babae) na lumalangoy sa tubig. Wala bang pating dito? Ako na ang magpopondo!
“Masama masyado sa kalusugan ang ulo ng hipon, baka maaga akong kunin ni Satanas,” sabi ko naman sa kanya.
Natawa naman ito saka lumagok ng alak. First timer ko siyang nakita na ganito ang ayos niya.
Imagine him wearing Floral na polo, khaki short, tapos naka-hat siya. Imagine-in niyo na, inuutusan ko kaya ng malala!
“Huwag kayo masyado maglalasing, baka mapano kayo,” sabi ko pa naman.
“Ha? Wala namang uuwi a?” sabi naman niya sa akin. Hanggang sa nalaman ko nga na pagmamay-ari rin pala ng rich kid na kaibigan natin na si Rob ang buong resort na ito.
“Sabihin mo nga sa akin kung may nakatakda na kay Rob, pakiramdam ko kasi ay ako na ang nakatadhana sa kanya. Hindi na maghihirap ang Pilipinas,” sabi ko nga kay Travis.
“Wala pang nakatakda roon, pero ikaw nakatakda ka na para sa akin.”
Sabay kurot pa nga niya sa pisngi ko! Kadiri! Malay ko ba kung pinangkamot niya sa itlog niya iyang kamay niya!
“Huwag naman ang mukha ko! Iyan na nga lang puhunan ko para makahanap ng sugar daddy,” sabi ko sa kanya. Mukhang lasing na ata ang lolo ninyo.
Bigla naman siyang nakatulog sa balikat ko. Grabe, kung hindi ko lang ka-close, and add ons na gwapo itong si Travis? Malamang nabatukan ko na siya ng walang history!
Kaso hinayaan ko na siya. Malay ko ba kung stress lang siya, may problema at nagpapakalango sa alak.
Habang kumakain ako ay naramdaman ko naman na medyo masakit na ang balikat ko, kaya naman ginawa ko ang best ko para naman sa lap ko na lang humiga ang kuya Travis ninyo.
Hindi ko naman namalayan na nasa harap ko na pareho si Theo at saka si Mikyle. Pareho pa silang naka-boxer lang, halatang mga naligo kasama ang mga danggit na babae nila. Hindfi ako bitter, take note lang ano. Nagpapaka-honest lang naman ako rito.
“Bakit diyan natulog iyan?” tanong sa akin ni Mikyle, halatang iritado. Anak ata ng sama ng loob ‘tong lalaki na ito e!
“Aba at malay ko! Lasing tapos nakatulog siya sa balikat ko, nangalay naman ako kaya sa lap ko na,” sabi ko naman. Bakit nga ulit ako nage-explain dito? Worth it ba?
Inis naman na binuhat ni Theo si Travis sa akin, ang ginawa niya ay pinadala niya kay Troy ang lasing na si Travis.
“Sa kuwarto na kita matulog?” aya naman sa akin ni Theo na ikinawindang ko.
“Walang uwian?” taka na tanong ko.
Umiling naman siya. “Masyado ng malalim ang gabi e,” dahilan naman niya. Naiintindihan ko naman. Alas dos na at ang energy level ng mga tao rito, daig pa nakaamoy ng fresh at kakasabon pa lang na betlog.
“Sa akin siya matutulog,” sabat anman ni Mikyle, halata na matalim ang titig niya sa kaibigan niya. May misunderstanding pa ba sila hanggang ngayon?
“Hindi ba at nagkakayaan kayong tatlo ni Mabel at Joanna?” ani naman ni Theo. Napakagaling! Grabehan naman na itong si Mikyle! Gagawin pa ata akong audience!
“Hay nako, Mikyle! Kung gogora ka sa gagawin mo, huwag mo na akong idamay. Madami naman atang kuwarto itong hotel ang resort na ito. Hindi ko pinangarap makapanood ng live action figure ng tilapia na tinutuhog ng hito,” sabi ko na medyo irritated na rin.
Nag-tsk naman si Mikyle. “Matutulog lang tayo, at wala akong isasama na babae, tayo lang dalawa. Ayaw ko lang na nag-iisip na baka may mangyari pa sa iyo rito. WALA pa naman akong TIWALA sa ibang mga LALAKI rito,” sabi naman nito. Anak naman ng tokneneng. So ang labas ay mas malaki pa pala ang trust issue niya kaysa sa akin? So sinasapawan niya pala ako? Kagaleng.
“Safe naman siya sa akin pare, mababantayan ko siya ng maigi, isa pa ay sayang naman ang usapan niyo kanina,” sabi naman ni Theo at hinila na niya ako.
Kaso hindi rin nagpatinag ang bwakanangina na si Mikyle at hinila rin ako. Napabitaw si pareng Theo at nahampas na lang ako sa malapad at malaking katawan ni Mikyle.
“Mukha ba akong unan? Ginawa niyo naman akong pang-pillow fight! Kayong dalawa ang matulog ng magkasama! Matutulog na lang ako sa ibang kuwarto.”
Pero alam niyo ba ang nangyari? Sama rin kaming natulog na tatlo. Jusko! I need a new haircut, asap!