Episode 19

2108 Words
AKALAIN mo nga naman, parang kahapon lang ay problemado ako para sa isang nakakabanas na Mikyle, ngayon ay wala na. Tuluyan ko na siyang pinatahimik. Sangwoo ka ghorl? Kidding aside, masasabi ko naman na umandar na rin sa wakas ang tinatawag kong coping mechanism ng mga katulad kong bakla. Kami kasing nasa hanay ng makukulay na paro-paro, pwera na lang ‘yung maaasim na bakla, charot! Hindi ka naman siguro natamaan ano? But back to the topic, kaming mga bakla, parang hinahmapas lagi ng tite este reyalidad. We all know na kapag nakaramdam na kami ng kakaibang talbog sa puso namin sa isang straight na guy, naku day! It is already a red flag, I am telling you. At sa huli ay kailangan naming harapin ang katotohanan. Na sa huli ay ang may kipay pa rin ang panalo. Ito ang unang araw na ng semester. Kahit papaano ay memorize ko na ang mga pagmumukha ng mga kaklase ko. Kahit na napipilitan lang akong makisalamuha, no man is an island in this college life ano. Matapos ang morning classes ko ay agad kong iniligpit ang mga gamit ko. may text sa akin si Mikyle. Ang sabi niya ay hindi niya ako mahahatid ngayon sa trabaho. Okay naman para sa akin dahil kahit papaano ay casual pa rin naman ang pakikitungo namin para sa isa’t-isa. NGAYON ay nasa café naman na ako. Kausap ko si Mae kung ano na nga ba ang gagawin ko. Sabi niya ay sa counter na muna ako at totoka siya ngayon sa kusina upang doon maglinis. Habang nasa counter ako ay dumating naman si Mikyle at may kasama siyang bagong flavor of the month. Ito waking halong eme, kahit na ganyan iyan ay tanggap ko na magiging babaero at babaero siya. At saka ano bang magiging pakialam ko? Hindi ko naman siya jowa, tropa ko lang siya. “Order nga ako, Sho,” sabi niya. Hindi na nag-iba ang attitude ng lalaki na ito! “Ipapakuha ko na lang ang lahat mamaya, kamahalan,” sabi ko naman. ‘Yung babae na kasama niya ang sama ng tingin sa akin. Ewan ko ba kung bakit ganyan lahat sila makatingin sa akin. Dami talagang insecure sa Pilipinas, hindi pa kayo counted doon a? “Haha, salamat!” sabi anman nito at saka na ako bumalik sa ginagawa ko. Ipinasa ko na kay Troy at Travis ang pagtitimpla at saka ang paglalagay ng order nila sa mesa. Habang busy ako sa counter ay napapaisip ako. Paano ko kaya nagawang maiwasan na ma-fall ng tuluyan kay Mikyle ano? Masyado talaga akong magaling sa ikutan ng feelings. PATAPOS na ang shift ko ng gabi nang bigla naman akong inaya na lumabas ng magpinsan kasama na rin si Mae. Pumayag naman ako since wala naman akong gagawin bukas at day-off naming lahat. Alam ko naman na nambababae pa ng ganitong oras si Mikyle, kaya naman nag-ask na ako kay Travis kung pwede niya akong ihatid sa bahay ng kaklase ko. Tama, may sleep over kami ngayong tatlo ni Lei at MM. Para naman magkaroon ng exposure ang mga tulad nilang nawawalan an ng eksena. “Tara na?” aya sa akin ni Travis. Siyempre dahil masyado akong importante na tao rito, doon ako sa tabi ng driver nag-pwesto. Choosy pa ba ako? Ang gwapo ng tagamaneho ko. Sana ako rin pwedeng sumakay sa kanya. Eme lang mars, sabi nga ni Pipay. “May alam ka bang boarding house, Travis?” tanong ko sa kanya out of nowhere. Bigla kasi akong sinumpong at naisipan ang mga what if ngayon. Huwag niyo akong pakialaman, wala na akong maisip. Gusto ko namang mag-solo living. ‘Yung bang literal na solo lang talaga. Naisip ko lang kasi na mas tatahimik na ang buhay ko kung aalisin ko na lahat ng connection ko kay Mikyle. Pwera lang sa trabaho, juskoday, ang hirap kumita ng pera ngayon. Saka sayang itong si Travis, best boy ko kaya iyan. Sampalin ko kayo diyan e. “Ha? Bakit mo anman natanobg? Name-mistreatment ka ban i Mikyle sa apartment ninyo? May nangyari ba?” tanong niya naman na tila nag-aalala. Haba ng buhok ko ano? Naku teh, hindi mo kaya. “Wala lang, for the change lang. Gusto ko rin kasing mapag-isa sa buhay. Ang laki rin na ng sahod ko sa café, kaya ko ng i-shoulder ang mga bills and necessities ko,” dahilan ko naman. Tumango naman niya. “Sa totoo lang ay nasa iisang boarding house na kami nitong si Troy, kaya naman alam namin na may iba pang bakante sa lugar na iyon. the place is pretty good and deent, tapos kami pa ‘yung ka-floor mo. We can actually tag along kapag papunta ng work, pauwi ng work mga ganoon ba,” aniya naman. Para naman na-excite ako sa narinig ko! “Sige, sige! May gala naman tayo bukas e! Ipakita niyo na lang sa akin ‘yung building.” Pagkahatid sa akin ay nagpaalam na sila. Pansin ko lang na laging masama ang tingin sa akin ni Troy this past few days. May something ba sa kanila ni Travis? Pero hindi ba magpinsan sila? Anker! Issue na naman ito. Umaandar na naman ang pagiging Maritesa Marie ko. Pumasok na ako sa bahay nila MM dito. Nandito an si bakla na nakayakap kay kuya Mendez! Iba talaga itong kaibigan namin, nananalaytay ang kalandian mula sa dugo hanggang sa pagkatao. Hinila ko si bakla at ako naman ang yumakap sa hubad na katawan ni kuya! Mukhang kakatapso lang mag-work out! Ganyan ako kagahaman, bakit ba? Kapah inggit sabi ko pikit, hindi ba? “Mang-aagaw ka talaga!” asik sa akin ni Lei na halatang inis na inis. “Nililigtas ko lang si kuya Mendez mula sa traumatic experience niya. Imagine niyakap mo siya? Tama ba ‘yon? Paano kung ma-depress itong mga abs ni kuya.” Hinila naman ako ni Lei at saka na kami nagsabunutan. Buti pinigilan kami ni MM na galing kusina at may hawak pag patalim. “Tumigil kayong dalawa diyan, ha? Kung ayaw ninyong tagain ko kayo.” Ay mare, ibang magalit talaga iyang si Millenia. Sinisi naman ako kaagad ng bintangera na si Lei. “Napakagaham mo talaga hayop ka! Gwapo na nga ang kasama sa kuwarto, gwapo ang mga kaibigan at tropa ni Mikyle, gwapo pa mg aka-trabaho mo! Sister naman! Balatuan mo naman ako,” sabi niya. Natawa naman ako. “Paganda ka muna.” But we did not dare to be that loud. Baka kapag narinig kami ni MM ay literal niya nga kaming matataga… hindi na namin sinubukan ang pasensya niya mula nang makita naming nakipagbangasan siya ng ulo dati. Ay, kawawa talaga ‘yung mga kalaban niya. Matapos ng chikahan namin ni Lei ay tinawag na kami ni MM sa kusina upang mag-dinner na, para after noon ay Nekpliks and Chill na lang kami. “Asan si kuya mo, bakla?” usisa naman ni Lei. “Pinunahan niya ‘yung jowa niyang si Ate Kath, kaya naman huwag ka ng mangarap diyan.” Pangri-real talk agad ni MM kay bakla. “Aray naman! Mga babae talaga mga lason sa buhay natin!” inis na sabi ni bakla! Damang-dama ba? Try niya kaya mabuhay sa mundo ko? Kung alam niya lang ang pakiramdam na araw-araw at halos Linggo-Linggo na rin pala nagpapalit-palit ng ‘flavor of the week’ si Mikyle. “Sa totoo lang,” aniko na hindi maiwasang mag-agree. Well, after all alam naman dapat namin ang consequence kapag tumibok ang kipay namin sa mga straight na lalaki. hindi na kailangan pa na-spell. “Baka babae ako, kung makapagtulungan kayo diyan,” sabi ni MM with naninindak na tingin. Nagsalita pa si Lei. “Babae ka pala, Mare? Akala ko nagpapanggap ka lang mula nang high-school tayo,” sabi ni bakla. “Gusto niyo ipakita ko ngayon ang kipay ko?” Akmang tatayo pa ang gaga para maghubad. Talagang sabay kaming nasuka ni Lei. “Tanginamo sagad teh! Huwag mo ng uulitin iyon. Sasampalin talaga kita ng malala, ma-comatose kang hayop ka,” sabi ko naman sa kanya. “Huwag niyo rin akong hamunin.” Kung ako pasmado ang bibig, ang babae naman na ito pasmado ang pasensya. So ayon na nga, sa sala na lang kami matutulog na tatlo. Naglatag na kami ng comforter, nakaayos na lahat ng stock namin, okay na at nakasalang na ang papanoorin namin sa flat screen television na na sa sala, alangan naman nasa kabilang barangay ‘di ba? May ghad! The brain cells talaga. “May chika ako,” bulalas ko habang nanoood kami ng kalibugan ngayon! Si Lei may pakana niyang animal na pinapanood namin. “Ano? Dapat importante iyan ha?” ani Lei na akala mo kung makapag-demand may backer sa langit. “Mas mahalaga pa nga itong sasabihin ko kaysa sa ambag mo sa lipunan e,” sabi ko naman. “Magsisimula na naman kayong dalawa. Sabihin mo na ang sasabihin mo, Sho,” sabi ni MM. “Nagbabalak akong maghanap ng malilipatan. Balita ko dumami na raw mga vacant na boarding house.” Mukhang gulat na gulat ang itsura nila. Por que ba pogi ang kasama ko sa kwarto wala na akong say sa pagde-demand? “Ay? Nasa mabuting kalagayan ka na! Gaga! May savior ka na, may sweet best boy ka pa,” sabi ni Lei na para bang kung siya ang nasa kalagayan ko ay ‘di niya magagawa iyon. Natahimik ako bago ibulalas ang balita mula kay San Juan. “Bakla, napo-fall na kasi ako,” bulgar ko na. Literal na napatyo ang dalawa. “Ay, iyan ang huwag mo ulit gagawin!” sabi ni Lei na mukhang nai-stress. “Ano bang ginagawa mong bakla ka? Akala ko ba wala munang jowa hangga’t hindi pa stable ang lahat,” ani naman ni MM. “Kayo na nga ang nagsabi hindi ba? Sweet siya na tao, kahit madalas gago siya, siya pa rin ‘yung type na type ko,” sabi ko naman na napapahilamos ng mukha ko. “Hay nako! Kung bakit ka ba kasi lapitin ng mga problematic na lalaki! Sige, tutulungan ka na namin maghanap ng malilipatan,” sabi ni MM. “Swak ba ang budget mo bakla? Baha hindi mo naman kayanin,” paninigurado naman ni Lei. “May ipon at trabaho naman ako,” dahilan ko naman. “Mabuti na nga at lumarga ka na sa baler ninyo. Kaysa naman mahulog ka na naman, tapos ang bagsak mo it is either ibu-bully ka niya, ihe-hate ka niya or the worst part mauulit na anman na magamit ka,” sabi ni baklang Lei. “Gumaganti ka ba? Grabe ka naman mang-realtalk!” Putcha talaga itong bakla na ito. Anak ni Satanas. Kahit papaano ngayon na naibuhos ko naman ang nararamdaman ko, medyo gumaan naman na ang pakiramdam ko. Hindi ko kayang mag-pretend ng habang buhay, kailangan ko rin ilabas ang lahat. KINABUKASAN ay dito na rin ako naligo at lahat-lahat. Tapos sinundo naman ako ng tatlo na katrabaho ko. Happy lang dahil kahit papaano ay nagkaka-me time naman ako. Ang ibig sabihin ay nagkaka-space na ako upang mag-isip at magkaroon ng pagkakataon na libangin ang sarili ko. Baka gawan ko rin ng Album si Mikyle, kahit hindi na All too Well ang title, chareng. “Bakla! Musta sleepover ninyong magkakaibigan?” tanong ni Mae na as energetic as always. Anong almusal ng babae na ito? Para naman mailuto ko. “Ayon, napag-usapan namin ang lipat bahay ko as soon as possible,” sabi ko kay Mae. Kaming dalawa ang nas abcakseat. Ayaw ko muna sa shotgun seat, baka literal na akong birilin ni Troy. “Ha? Bakit? Warlabells ba kayong dalawa ni Mikyle?” taka na tanong niya. “Hindi naman. Gusto ko ng mag-solo living. Saka hindi na rin ako comfortable na may kasamang straight guy sa kwarto. Gusto ko ng mag-fully independent,” dahilan ko anman. Bakit? Valid naman ang reason ko a? Nang-aano ba kayo? “Ay sa bagay, baka nga naman ma-fall ka. Kilala pa naman natin si Mikyle, napaka-babaero kaya naman mas straight pa sa ruler!” well, ang ruler bendable naman, pero si Mikyle? Sagad na ‘yung effort ko para mabawasan ang ugaling homophobic niya. NAKARATING naman kami sa mall at mabuti magaganda ‘yung mga palabas ngayon sa sinehan, kaya naman Magana si bakla na maggala. Masaya rin pala ito ano? Saka I am so young to give up in a problem cause by love. Hindi pa naman ganoon kalalim ang lahatm kaya alam ko na may pag-asa pa ako para maipanalo ang punyetang damdamin na ito. Kapit lang ako ng malupit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD