Episode 20

2119 Words
MATAPOS ang ganap namin sa mall ay pinuntahan na namin ang boarding house, as in walking distance lang siya sa university, tapos malapt din sa sakayan papuntang work. Maganda ang location, hindi bahain at ang available na kwarto ay nasa second floor naman. Mabai ang land lady kahit kamukha ni Miss. Cherry Gil, mula kilay hanggang sa mata. “ANg ganda rito! Balak ko ng lumipat next week,” sabi ko. as soon as possible, dahil the sooner the better. “Tulungan ka na namin maglipat,” sabi ni Mae at Travis. “May lakad ako noon, sorry,” sabi naman ni Troy with his usual cold voice ko. “Okay lang iyon, ano ka ba,” sabi ko na lang kay Troy kahit nakatingin an lang siya sa cellphone niya. “Balik na ako sa kwarto ko,” paalam niya. Si Travis kasi ay ihahatid pa kami. Nasa 7 na rin kasi ng gabi. Actually balak ko naman na sanang maglipat that specific Saturday. Unang-una ay wala sa araw na iyon si Mikyle dahil may ganap sila ng mga classmates niya. If I am not mistaken ay out of town iyon, sa Baguio, kasama ang mga tropa niya at hindi ko alam kung anong klaseng kababalaghan ang gagawin nila roon, but that is enough for me na makalipat. I have no courage and bravery na sabihin nang harap-harapan na lilipat na ako kay Mikyle. Ewan ko ba, parang hindi niya rin ako papayagan e. parang kapag pinigilan niya ako ay natatakot din ako na hindi na tumuloy. If being scared is the only key for me to move forward, then go. Kung hindi ninyo maintindihan ang sinasabi ko, humanap kayo ng ibang kausap, ganoon lang kadali. HINATID naman na kami ni Travis. Una si Mae at huli naman ako. “Salamat sa araw na ito ha? Salamat din sa paghati! Asahan ko kayo sa Linggo,” sabi ko sa kanya. Travis smiled, and I know na medyo natulala ako roon. Ang gwapo naman kasi! Kahit kayo ang nasa kalagayan ko, baka nga maghubad pa kayo e. “Wala iyon, I am willing to help you, okay? I am just one call away,” sabi nito at saka na nagpaalam na aalis. Speaking of one call away. Kahapon pa lowbat ang cellphone ko. nasira kasi ‘yung power bank ko. kaya naman hanggang ngayon dead bat pa rin ako. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ko ay nakatapak na ako ng bote ng mga alak. Ano na namang bagyo ang dumaan dito! Apaka kalat naman talaga, juskolord apo ko. Tapos ayon lang, nasa higaan ko pa ang lalaki. “Sino maglilinis dito? ‘Yung walis?” inis na tanong ko sa kanya. Masaya na ang buong araw ko, utang na loob nawa’y hindi niya sirain. “Sino kaya ang hindi na umuwi kagabi, tapos maghapon pang wala at hindi ma-contact, tapos hinatid pa ng gwapo niyang manliligaw?” pasaring naman niya. “Baka ikaw. Kaso wala naman akong gwapong manliligaw. May sleep over kaya kami ng mga kaibigan ko, kasma rin namin si Mae at Troy buong maghapon para mamasyal.” Sana all nagpapaliwanag kahit hindi naman jowa. “Ah kaya pala,” sabi niya. Kumuha na ako ng damit para makaligo na ako. Kailangan ko ng mag-refresh. Kasi naglalagkit na ako sa inis. Habang nasa banyo ako ay kanta lang ang ganap ko. magpapasensya na rin ako. Total naman ay isang linggo na lang ang ganap ko rito. Pagbigyan ko na ang toyo ng lalaki na ito. Saka napapaisip ako sa pagiging over protective niya na hindi naman kailanga. Una ay ang OA niya, siya nga kung makapambabae, akala mo nagpapalit lang ng brief! Tapos ako gumala lang bawal na? as if naman araw-araw may banta sa buhay ko. sarap batukan ng walang pagpipigil ang lalaki na ‘to. Maatpos kong makaligo ay nasa kama ko pa rin siya. Anong purpose ng pagiging top niya? Charot! Bakit iba ‘yung pagkakasabi ko ng Top. Nahahawa na ako sa inyo! “Huy, doon ka na sa higaan mo,” sabi ko sa kanya. “Dito na muna ako, tabi tayo,” sabi niya na mukhang asar pa rin sa akin. Ako ba nilalabanan ng sumpong niya? Akala ba niya cute siya? Kurutin ko putotoy niyang 9 inches e. “Ha? Anong silbi ng kama mo? Kakalaba pa lang niyan nang isang araw, mabaho na? huwag mong sabihin na nagdala ka ng babae rito? Mayayari ka talaga sa akin,” sabi ko sa kanya na may halong gigil at poot. “Mabango iyan, hinder in ako nagdadala ng babe rito! Basta, dito tayo.” “O sige, diyan ka na, ako na ang nasa taas,” wika ko naman. Ano siya, gold? Kaso bigla akong wrintesler ng hinayupak. Inihiga sa kama at saka ako nilagay sa kama. Ang higpit ng kayap niya. Dama ko lahat ng laman niya sa katawan. “Ack! Gago hindi na ako makahinga!” reklamo ko naman sa kanya at saka na niya ako pinakawalan ng slight. Hindi pa rin ako makatayo. “Yakapin muna kita, ang bango mo e,” gigil na wika naman nito. “Sana okay ka lang!” Pero hinayaan ko na lang siya at hindi na ako nagpumiglas pa. Nakatulog naman siya na yakap ako. Kaya naman habang nakatagildi siya paharap sa akin ay kita ko rin ng libre ang mukha niya. Imagine niya kung gaano kaganda ang view ko. Ang define ng panga niya. Mahaba ang pilikmata niya. Ang kissable ng labi na pinapak na nang kung sino-sino lang diyan. Pasimple kong hinawakan ang mukha niya. Napapikit ako at ngumiti ng tipid. “Kaunting araw na alng.” KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Huling tanda ko ay wala ng gaanong laman ang fridge namin, and almost out of stovk na talaga. Pero anng buksan ko ang ref ay puno na ito ng gulay, karne at iba pang ingredients na kailangan namin. Imagine niyo na unang punta ko rito walang alam gawin iyang abno na iyan, pero ngayon nagiging responsible na tao sa siya. Kaya na niyang maghugas ng pinagkainan, kaya na niyang magsaing at magluno ng mga basic dishes, pati mga prito. Marunong an siya ng gawaing bahay, kaya naman kahit aalis na ako ay masasabi kong iiwan ko siya ng prepared. At dahil good mood ang gising ko, naisipan ko na magluto ng masarap araw-araw. Naisipan ko nab ago ako umalis sa boarding house na ito, bahay na naging parte kung paano nabuo ‘yung damdamin ko para sa kanya. Habang naggigisa ako ay naiiyak ako. Ang hirap niyang iwanan, nakakainis naman. Bakit kasi ganyan ang pakikitungo niya na sa akin. Mas matamis pa sa asukal, mas malambing pa sa pusa, mas guma gwapo siya sa paningin ko na hindi ko na ikinatutuwa. Akala ko rin kaya ko. hindi pa pala. Sakto na natapos na ako sa pagluluto ko nang magising an siya. Katulad ng nakasanayan ay yayakapin niya ako patalikod, pero ngayon ay hindi ako nagpumiglas. Sulitin ko na ito, mga bruha kayo. “Aba, mukhang good mood ka at masarap ang luto a?” sabi niya naman sa akin. “Lagi naman masarap ang luto ko, engot ka. Umupo ka na roon at ihahapag ko na ito,” sabi ko sa kanya. “Ako na,” pagkukusa naman niya. Siya na nga ang naglagay ng mga utensils and plates namin. Nang nasa hapag na kami ay sarap na sarap siya sa rice noodles na may siomai, ay fried rice, may spring rolls and ang paborito niyang adobo na pinatuyo. “ANg sarap naman ng gising ko! tama lang talaga na nag-grocery ako,” sabi anamn nito. “Magbaon ka, ilalagay ko lang mamaya sa baonan mo,” wika ko naman sa kanya. “Parang asawa na kita ?” sabi naman nito ngiting-ngiti. Sana… kaso malabo e. Habang iniaayos ko naman ang lahat ay tinanong ko siya. “Ayos ka lang ba na maging mag-isa rito?” tanong ko sa kanya. “Bakit? Saan ka ba matutulog mamayang gabi?” naguguluhan na tanong ko. “Hindi, I mean kunwari nag-drop ako sa college, ‘yung uuwi na ako sa amin ganoon,” sabi ko sa kanya. Para naman siyang nakakita ng multo sa sinabi ko sa kanya. “Kulang ba allowance mo? Tuition fee? Kulang ba pinapasahod ni Rob?” aniya na para bang nag-iisip ng malalim. “I can help you.” “Hindi nga, what if lang naman na aalis na ako rito. Pakiramdam ko magiging ayos ka na. hindi mo na kailangan mag-motel, solo mo na ulit ang kwarto. Okay na dahil marunong ka sa gawaing bahay, pati na rin sa pagluluto kaya naman hindi na ako mag-aalala,” sabi ko sa kanya habang nakangiti. Bigla naman niyang ibinagsak ang nakasarang kamao niya sa mesa na ikinagulat ko. “Tigilan mo iyang parang pamamaalam mo, Sho. Hindi na ako natutuwa. Hindi ka aalis dito! Susunduin kita mamaya paglabas mo ng trabaho,” sabi nito. Kinuha na niya ang baunan at saka na siya nag-ayos ng sarili niya at naunang umalis. Alam niya kasi na mamaya pa anman ang alis ko. Napapikit naman ako at saka tinakpan ang mata ko habang umiiyak. “Sorry, kailangan ko na rin kasi e,” wika ko sa hangin. Buo na ang desisyon ko kahit ano pa ang mangyari. Matapos ko na rin mag-emote dito ay saka na ako naglinis ng buong bahay. 9 am na ang pasok ko kaya naman maaga akong nasa klase. After ng 2 pm class ko ay diretso naman na ako sa trabaho ko. normal na araw ko naman. Wala namang espesyal pa. Kaya naman matapos ang night shift ko ay nandito na nga si Mikyle. Talagang parang bantay-sarado ako sa kanya at wala na ata akong kawala a? Nilapitan ko naman sya at binigay na niya sa akin ang helmet, pero hindi ako agad sumakay. “Galit ka pa ba sa akin?” tanong ko sa kanya na para bang sinusuyo siya. Ang hirap kapag malaking tao nga naman ang sinumpong ng toyo, hindi tatalab ang kendi rito. “Naiinis lang, buong araw sira ang mood ko,” sabi naman nito sa akin.. “Oh, sorry na kasi. Sabi ko naman sa iyo nagtatanong lang ako,”sabi ko nga sa kanya. Ngayon pa lang legit na nahihirapan na ako. Paano pa kaya kapag umalis ako ng tuluyan. Matitiis ko kaya siya? Kaya ko kaya siyang tiisin. “Basta huwag mo na ulit sasabihin iyan.” “Oo na.” I am a liar, oo na. Bigla naman siyang ngumiti ng napakalaki. Sumakay na ako sa motor niya at umuwi na kami. SUNDAY came so fast. Ayaw pa ngang sumama ng loko. Alas kwatro na at nandito pa siya. Natapos an siyang mag-impake at maligo, ngayon naisipan niya bigla na huwag na lang daw sumama. “Sumama ka na, Mikyle! Ang tagal niyo ng plano ito, tapos do-drawing ka lang! enjoy niyo lang ang bakasyon ninyo,” sabi ko naman dito. “Paano ka? Sumama ka na kasi,” pamimilit niya namansa akin. “Ayaw ko, ipapahinga ko na lang ngayon, at saka marami pa akong gagawin sa bahay,” sabi ko sa kanya. Mabuti at personal siyang sinundo ng mga kaibigan niya, at ng girlfriend niya ngayon na bitchesa marie. Nang makaalis na siya ay tinawagan ko naman si Mae at Travis. Mukhang ready na ang lahat? siyempre naman nagsulat ako ng note na mababasa ni Mikyle pag-uwi niya. Hindi naman ako marunong mang-ghost. Si Mae ang tumulong sa damit ko. sa mga mabibigat naman na gamit ko si Travis. Kausap ko ngayon si Big Mama. “Sure ka na ba na aalis ka na? nasabi mo na ba sa room mate mo?” tanong naman ni Big Mama. “Okay na po, tiyak na hindi naman po siya mahihirapan sa pagbabayad ng renta o paghahanap ng roommate,” sabi ko naman. “Ikaw nga lang ang tumagal sa bata na ‘yon. Sige, good luck sa bago mong boarding housem tiyak may rason ka naman. Basta laging kang welcome dito.” “Salamat po.” Oh! Baka kumain ng Upo iyan. Matapos ang hakutan na naganap ay mga bandang 5 pm na rin kami nakaoagpahinga ng bongga. Imagine na sobrang pagod namin. Hindi naman ganito kabigat ang lipatan nang una, pero ngayon mabigat. Maybe because of the emotion? “Salamat sa inyo ah? At dahil diyan ay naghanda ako ng masarap na dinner!” sabi ko sa dalawa. Mukha naman silang natuwa. Alam niyo ‘yung super thankful ako sa kanila. Super appreciated ko ‘yung tulongn na ibinibigay nila sa akin. At last, I am free… I hope, I am.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD