MONDAY is a move on day. Yes mga bebs! Mga bebs na may amoy. Finally at nakalaya na ako sa tanikala. Siyempre sa una lang iyan masakit, parang virginity lang iyan. Luluwag din iyan kalaunan.
'Yung kalooban natin. Luluwag din iyan kapag tumagal. Matatanggap ko rin, chos. Ano-ano kasing mga iniisip ninyo! Hindi niyo try magsimba every day. Hindi kayo gaganyan, okay?
So as I was saying na nga, kahapon lang ako naglipat, so tambak nga ako ng miscalls at text kay Mikyle. Mukhang alam na niya na nagsibalutan na ako.
Gusto ko mag-voice message siya sa akin habang kumakanta ng...
'Ika'y biglang natauhan, umalis ng bigla ng hindi nagpapaalam.'
At wala kayong pakialam kung mali 'yung lyrics! Ganoon din naman kayo, mga vobo.
Minabuti ko ng ayusin ang mga gamit ko. May klase pa ako ngayon, pero wala akong balak na magtagpo ang landas namin ni Mikyle. The better the distance, the better the phasing of moving on. Oo! May move on na magaganap, mga s**t kayo! Dami niyong alam, rawr.
So paglabas ko pa lang ng kwarto ay nandoon na si Travis. Taka lang ako kasi wala 'yung pinsan niyang nilalabanan ako sa pagiging toyo-in. Tama, promoter ako ng toyo, tapos ang brand, Toyota. Hindi mo kaya!
So ayon na nga, as I was saying nilapitan ko na ang kuya Travis niyo na sobrang gwapo! Hmm! Ang bango pa like legit!
"Nasaan 'yung pinsan mo?" tanong ko sa kanya. Baka kasi bigla na lang akong saksakin e. May sama ng loob sa akin, I kennat!
"Hmm, nauna na siya sa cafè. Hindi ba at may klase ka muna tapos mamaya pa naman ang pasok mo?" tanong niya sa akin.
"Hmm yeah," sabi ko na mala Kim Kardashian! Hindi ka gaganon bebs! Dapat Taylor lang.
"Hatid na kita sa university?" aya naman niya sa akin! Hindi naman ako papakabog, pero shutangina magpapabebe muna ako.
Ang unang step para makapag-move on ang tulad kong maganda, maghanap ng mas better! Safe naman siguro ako kay Travis. He is actually as straight as pole, kaya naman tiwala ako na hindi siya mahuhulog sa akin.
Ay may trust issue pala ako sa sarili ko. Masyado akong maganda, baka mabaluktot ko na naman ang pagkatao ng lalaki na ito.
"Pereng shire! Sure ka ba? Ihahatid mo ako?" ani ko naman. Hindi ako malandi, judgmental ka lang!
"Oo naman, isa pa ay maaga pa," sabi niya. Maaga pa pala e, pwede pang maka-isa.
Ay hindi ka gaganon!
"Osige, halika na!" Halikan muna ako! Halik na malala!
Akala ko lason na halik. Naalala ko na naman mga times na may kahalikan na babae si Mikyle, tapos magnanakaw rin siya ng halik sa pisngi ko, medyo malapit na sa lips. Isipin mo, para na rin akong nakahalik ng lason! Ang huling natikman ko ay ang u***g ni Clara nang sanggol ako, please lang!
So ayon na nga, lumabas na kami at sumakay sa kotse niya. Siyempre chikahan lang kami. He is asking if I am just okay sa bago kong paglipat.
Sabi ko ay bet ko naman, medyo uncomfortable lang sa interior design, so I will ask the land lord if I can do a liitle bit of make-over sa new pad ko. Like I am so conyo, b***h.
"Mabait naman si Mr. Reyes, sure ako na papayag iyon. Isa pa kilala kita, napaka-artistic mo. Sa presentation pa lang ng coffee na ginagawa mo sa shop, halatang perfectionist ka na," sabi naman niti. I like the observation! Plus 5 direct to the card!
NAKARATING naman ako sa university at saka na siya nagpaalam. Ako naman ay nag-ala Ninja ng Konoha! Tago kung tago at baka bigla na lang akong sugurin ni Mikyle.
Not until I realized na nahahawa na ako sa katangahan ninyo. As if naman na hahanapin ako ni Mikyle. Siguro nainis lang iyon, but eventually he will also manage to forget me like they are all usually do.
Nang nasa klase na ako ay nawala na ang pago-over think ko. This is officially ny day one without him. Feels gooe, and it akso feels uneasy.
Hindi madali sa akin pero kakayanin! Kayo lang naman ang marupok dito, bakit ako idadamay?
Habang nasa gitna ako ng klase ay hindi ko naman maiwasan na mapatingin sa labas. Tabi pa naman ako sa window, tapos sa gilid lo lang ang corridor, so kita ko lahat ng mga lamang lupa at lamang tubig na dumadaan! Tatabang pa naman ng mukha. Hindi nakakaganda ng araw.
Tapos while nagpapa-activity ang prot namin, tapos tapos na rin naman na ako, nakita kong dumaan sa Mikyle kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin, but it is too late!
Nakita na niya ako, namamaga ang mata niya at ang sama ng tingin sa akin. Para namang naawa ako sa kanya.
Kaso agad ko ring iniwasan ang tingin niya! Tapos na! Nakapag-down payment na ako. Tigilan nanniya sana ako.
Matapos ang klase ko ay lunch muna bago ako gumora sa second subject ko. SIYEMPRE hindi ako tanga, ano ako, bobo? Alam ko aabangan ako ni Mikyle sa cafeteria.
Kaya naman may baon ako ngayon. Isisibat ko 'to sa library at saka ako roon kakain. Hindi ako mahahanap ni Mijyle doon.
Alam niya kasi na hindi naman ako palabasa ng libro, like duh. Ako pa ba, hindi niya ako mauutakan ano! Mag matigasan kami dito pero wala siyang mapapala sa akin. Man down! I repeat, man down!
So dahil gusto ko lang at share ko lang, natapos na ang class ko for today at saka na ako mag-commute papuntang work. Na-miss ko na 'yung aircon ng kotse
Oo, iyon lang na-miss ko!
Pagdating ko sa work ay ang weird lang ng tingin sa akin nj Sir. Rob, tapos naalala ko pala na best friend niya 'yung ex ko.
Ex roommates ko, bakit ba? Mga nangingialam!
Siyempre ako nag-log lang sabay work na. Keribels lang naman buhay ko ano. Mabuti ng hindi na ako magtagal doon, at paninindigan ko iyon.
"Sho, usap nga tayo, sa office ko."
Kahit na sabihin nating hindi nalalayo 'yung edad ko kay Sir. Rob. Mabait din naman siya na tao, plus the fact na close kami kahit papaaano, kabado bente pa rin ako!
Yes, tinatalaban pa rin ako ng kaba! Pakiramdam ko ay tatawagin na ako ni kuya para sa isang force eviction! Ganon!
Sumama na ako sa office niya at umupo sa harap ng kanyang mesa. Mukha siyang naguguluhan na ewan.
"Bakit ka naman agad naglipat bahay? Hindi ka man lang nagpaalam kay pareng Mikyle. Alam mo bang pag-uwi non, nagwala 'yung tao? Muntik pang manggulo sa bar," sabi nito sa akin. Bakit naman niya gagawin 'yung ganoong klase ng kalalaan.
"Ha? Bakit naman niya gagawin iyon? Saka isa pa ay nag-iwan naman ako ng sulat sa kanya. Okay, kung ang issue na ganoon ay makakaapekto sa work ko, tanggap ko naman kung aalisin mo ako sa trabaho na ito. Wait, hindi ko na hihintayin na alisin mo ako sa trabaho na ito, I will quit, I resign," sabi ko at saka inilagay ang cap ko sa lamesa niya.
"Thank you for your help and working experience, you know that I will be forever grateful sa mga naitulong mo sa akin," sabi ko.
After all ay nakahanap naman ako ng possible na pwede kong lipatan ng work. Siyempre na-predict ko na ito. Kaibigan ni Mikyle ang amo ko, natural saan ba kakampi si Rob?
Akmang tatayo na ako sa pagkakaupo nang pigilan ako ni Rob. "Sandali, masyado ka namang mainit, Sho. Hindi naman kita inaalis sa trabaho. I like how you are so consistent with your job. Gusto kitang kausapin ngayon bilang si Rob, at hindi bilang boss mo," sabi naman nito.
Nakahinga naman ako ng maluwag. Dapat lang, ako lang naman binabalikan ng mga customer niya sa shop e.
"I know I can trust you, so sana sa atin lang ito ha?sabi ko bigla at alam ko na umaandar na naman ang pagiging marites niya. Naku!
"Sige, gusto ko iyan," sabi naman nito na para bang excited na excited na sa sabaw.
"Napakatsismoso mong boss!"
"Dalian mo na," aniya pa.
"Pilitin mo muna ako?" Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Sige na nga. So as I was saying, eversince itinanghal na Mr. University si Mikyle, na-realize ko na nga na may nararamdaman ako para sa kanya." Parang tanga 'tong lalaki na ito, may patakip pa ng bibig na nalalaman.
"Naku, paano iyan?" aniya naman na para bang hindi pa maka-get over.
"Alam ko na nakaka-shock. Hindi pa naman love! Parang nasa stage pa lang na nahuhulog na ako. 'Yung tipo na kaya ko pang makaahon, basta lalayo muna ako. Distansya para hindi na mapadpad sa ambulansya!" sabi ko sa kanya.
"Eh paano naman pala kung may gusto rin sa iyo si parang Mikyle?" Naku, imposible naman 'tong sinasabi niya.
"Hay nako, kahit na magbalik pa ang mga Dinosaur sa mundo hindi mangyayari iyon. Kaya support niyo na lang ako. Alam ko na may bad past sa mga gay itong si Mikyle. I am just saving him for greater purpose na rin."
Tumango naman siya. "Payo lang, hindi ka rin basta pakakawalan ng kaibigan ko na iyon. Lalo na at mukhang na-attach siya sa iyo ng masyado. He will most likely follow you, until you gave up."
Napaismid naman ako. "Wala na siyang nagagawa. Hindi niya ako mapapatumba ano! Bato kaya ito."
Nginitian niya lang ako na para bang may gusto siyang sabihin. Magkaibigan nga sila ni Mikyle, pareho magulo ang buhay nila.
But as I was saying bumalik na ako sa work ko, and unexpected na nandoon si Mikyle at masama pa rin siyang nakatingin sa akin.
"Mag-uusap tayo pag-uwi natin," wika naman niya sa akin.
Napakunot naman ako ng noo. "Pinagsasabi mo boy? Iba na kaya inuuwian natin," sabi ko rito pero ismid lang siya nang ismid. Akala niya ata nakakatuwa na siya.
Medyo nagtaka nga lang ako nang pumasok na siya sa exchange room ng mga tulad kong nagtatrabaho rito.
Tinanong ko naman si Mae.
"Pst, may outsider ata sa locker room natin bakla," sabi ko sa kanya.
"Ha? Sino?"
At sabay pa ngang nahulog ang mga panga namin sa lapag nang makita ko si Mikyle na naka-uniform din ng Cafe. Putcha! Binabangunot ba ako ng gising? Kulang ata ako sa romansa!
"Anong? Paanong? Ha?" sabi ko kay Mikyle.
"I am employed here. Sabi ko naman sa iyo, hindi mo ako matatakasan, pero ginawa mo pa rin," sabi niti na para bang nakagawa ako ng malaking kasalanan.
Para akong nahilo na pumitik lahat ng ugat sa sentido ko.
"Mayaman ka na a? Hindi mo na kailangan magtrabaho," sabi ko sa kanya habang bumabalik sa duty ko.
"Kailangan, para mabantayan kita," dahilan naman niya na dumagdag pa sa mga iisipin ko.
"Bakit? Mukha ka bang guardian angel ko? Wala akong pambayad sa pagiging watcher mo sa akin," sabi ko sa kanya.
Kaso may magagawa pa ba ako? Si Mikyle iyan utang na loob! At anak naman nga naman ng tipaklong.
Hindi pwedeng maging sumpa ko si Mikyle! Ano siya, gold?
Basta! Okay lang anman siguro na maging katrabaho ko siya, ibang usapan lang kapag kasama ko na siya sa iisang tirahan.
Nilapitan naman ako ni Mae sa counter. "Iba ka mare, nilayasan mo na nga, sinundan ka pa. Ingredients reveal naman! Bakit ka hinahabol ng kuya mong mukhang Afam!" Size din ng Afam iyan.
"Tanong mo sa kanya. Ako rin naguguluhan anong ganap niya sa buhay. Unang tagpo namin pinapalayas ako sa boarding house, tapos ngayon para siyang ex na hinahabol ako! Duh, ano ako? Marupok? Never!"
Pumalakpak naman ang bruha! "I like the energy!"
"Bumalik ka na nga sa trabaho mo! Hayaan mo iyang monggoloid na iyan, magsasawa rin iyan kakasunod sa akin. Kapag nabawasan iyan ng time sa pangbababae, sa bisyo niya, sa gala niya, aalis din siya sa trabaho at saka na siya mawawala na parang bula."
Sa una lang naman sila magaling. Parang bagong bukas na kainan, sa una lang marami ang effort at discount! Mga scammer ng taon!