"Bakit ba? Ano bang pakialam mo?" tanong ko naman kay Mikyle ng pabalik. Hindi ko alam pero nagtitimpi na lang ako sa kanya. Layas na layas na ako sa apartment niya. Ni ayaw ko ng makita pa ang pagmumukha niya. Na-realize ko na isa siyang naglalakad at nagsasalita na red flag. Hindi na ako papauto sa kanya. Kung gusto niya iba na lang ang isama at ibahay niya rito, huwag na lang ako!
"Sho, ibalik mo iyang mga gamit mo,'' sabi pa niya sa malalim niya na boses. "I am not joking here, Sho!"
Masama ko naman siyang tiningnan. "At ako ba e mukha rin na nakikipagbiruan? Mikyle, itigil mo na iyan, huwag mo na akong artehan. Hindi mo ako kailangan sa buhay mo. Hindi ko alam kung libangan lang ba ang tingin mo sa akin, pero ang tingin ko sa iyo, basta... Pakyu ka malala. Bahala ka na sa buhay mo, kanya-kanya na ito nagkakalinawan na ba tayo?" wika ko sabay sarado na ng maleta ko.
Siya naman e hinaharangan ako. Para siyang maiiyak na nagmamakaawa sa akin. Diyan siya magaling! Diyan sa expert! Wala akong masabi sa lalaki na ito.
"Sho, please, huwag mo akong iiwan." At bakit parang kasalanan ko pa ngayon?
"Mikyle, tama na ang arte at drama mo. I have enough! Itigil mo na iyan dahil legit na hindi na ako natutuwa. Sabihin mo nga sa akin kung bakit kailangan na hindi ako umalis dito? Kasi wala ka namang rason para i-keep ako rito. Wala ka ring karapatan na diktahan ang magiging takbo ng buhay ko!" sabi ko sa kanya na gigil na gigil. Sabi ko naman sa inyo hindi ba? Hindi na rin ako natutuwa sa lalaki na ito.
"I need you! Kailangan kita, hindi pa ba sapat na ikaw na lang ang nagpapasaya sa akin?" Parang gusto ko siyang sampalin sa part na iyon. Like seryoso ba siya? Aba ang kupal pala ng lalaki na uto e. Paki explain nga sa akin kung bakit ko na ba siya nagustuhan?
"Wow, napaka-specific naman ng rason mo. Kailangan mo ako? Huwag nga tayong maglokohan dito. Alam natin pareho na hindi mo ako kailangan, masaya ka sa akin, talaga ba? May mas mga babae diyan na kaya ka ring pasayahin at ibigay sa iyo iyung fulfilment na kailangan mo. Hindi ako iyon, Mikyle." Like seryoso ba siya?
"Dahil ba ito sa lalaki na iyon? Bilis mo namang nakahanap ng iba, dalawang araw at siya na ang iba mo? Bilib din ako sa iyo, Sho.'' Hindi ako makahinga dahil nanginginig ako ngayon sa galit na nararamdaman ko. So ang ibig sabihin lang pala non e malandi pala ang tingin niya sa akin all this time? Galing naman niya!
"At ngayon naman e trip mo akong akusahan? Bakit binabaliktad mo na naman, Mikyle? All this time wala akong ibang hinangad kung hindi maintindihan ka. Kahit minsan e nagugulo na lang talaga ang utak ko, dahil isa kang dakilang power tripper, manipulator na sad boy. Stop, Mikyle. I am so done with you. Huwag mong ibalik sa akin ang problema. Kung nakita mo ako kanina kasama si Tristan James, madumi lang ang utak mo. Pero nang makita kita na halos maghalo na ang balat mo kasama iyung babae mo na siyota mo na ata or whatsoever, alam ko na may namamagitan na sa inyong dalawa. Wala kang maririnig sa akin about that. Buhay mo iyan at choice mo naman iyan e. Pero tama na ang paasa moments mo, tama na ang pagbibigyan mo ng wrong signal. Tama ka na." At tuluyan na nga akong lumabas at siya e halos hilahin oa ang maleta ko.
"Send ko na lang upa ko sa apartment mo. Hindi ko kailangan ng bakod at tulong mo. Kaya ko ang sarili ko, sana ikaw rin. Sabagay, hindi ka naman mahihirapan na makahanap ng iba e. Pero ikaw hindi mo man lang naisip ang maramdaman ko. Because MIKYLE, aminin mo man o hindi, napaka selfish mo na tao. You are desiring to own me, you are showing me that I am important for you, pero in reality may iba ka naman talaga." Sa wakas e nakalabas na ako, at sakto na naghihintay si Tristan James sa akin.
"Tara na, baka habulin pa tayl ng baliw," sabi ko sa kanya. And speaking of e agad naman na nandito na si Mikyle.
"Bumaba ka diyan, Sho! I will not let you go with this f*****g bastard! Sho, go down there and let us talk more! I will compromise, papakinggan kita, sabihin mo lang at magbabago ako, pangako ko iyan sa iyo, kaya naman please lang," ani niya na katok nang katok pa rin sa salamin ng kotse ni Tristan James.
"Tara na, hindi na niya dapat tayong habulin pa," saad ko naman kay Tristan James. "At ikaw naman Mikyle, alagaan mo na lang ang sarili mo. Huwag ka sanang maka-disgrasya ng babae. Tigilan mo na ang mindset ba kailangan mo ako. Alam natin pareho na hindi naman talaga totoo iyon."
Sa wakas e pinaandar na ni Tristan James ang sasakyan at nakalayo na kami. Nakita ko pa na nakaluhod si Mijyle. Nais ko na maawa, pero kung lagi lang pala akong marupok, wala akong mahihita. Lagi na lang ba akong iiyak?
Aware na aware naman ako na may gusto na ako sa kanya. Pero siguro hindi pa naman huli ang lahat para magbago ang isip ko hindi ba.
"Iiyak mo lang iyan, nandito ako," sbabi ni Tristan James, kaya naman sa kotse na ako naiyak.
"Pasensya na ha. Ilang araw pa lang tayo na nagkakakilala pero natulungan mo na ako at nakita mo pa ako na parang ganito. All this time ang tanga ko, hindi ko dapat siya pinagkatiwalaan. At hindi rin naman dapat ako umasa masyado. Ganda lang kasi ang meron ako, wala naman akong usos at ukep di ba." At saka na naman ako naiyak ng grabe.
"Huwag mong sabihin iyan. Hindi ka lang basta. Hindi man kita gaano kakilala pero makikita mo rin iyung tao na magpapahalaga sa iyo." Grabe, ngayon ko lang na realize, swerte ng magiging jowa ni Tristan James.