Episode 40

1018 Words
NASA sinehan na kami, at in fairness naman, kahit papaano e ayos na ang mood ko. Salamat kay Tristan James na nagmilagro na maayos ang mood ngayon. Sana ganito na lang siya lagi. "Ayos ba ang pelikula? Nasaan na pala ambag mo sa popcorn?" tanong niya habang papalabas na kami ng sinehan. Napataas ang kilay ko sabay masahe ko sa aking sentido. Vebs, nai-stress na naman ako. Binabawi ko na iyung sinabi ko kanina sa mind ko. "Kupal ka talaga," mahina ngunit gigil na chika ko sa kanya. Daming tao baka akala nila wala akong breeding, sa mall pa ako nagmura. "Sige, bayaran kita bukas sa classroom, pero asa ka naman na sasama pa ulit ako sa iyo, kainis ka!" ani ko sa kanya. Bumula sana bibig niya ng malala. Humagalpak naman siya ng tawa sabay sampay ng braso niya sa balikat ko. Ano ba itong unggoy na ito. Kay bigat ng braso kung makaganyan akala niya ata sampayan ako. Alam ko naman na sexy at perfect ako, pero shutanginamers, huwag niya namang ikumpara sa sablayan ang figures ko. "Biro lang! Masyado naman mainit ang butas mo, Sho," sabi niya. Hindi ko nga alam paano niya nalaman na Sho ang palayaw ko. Ay oo nga pala, iyung huling tumawag ng Protacio sa akin sa classroom, hanggang ngayon may trauma. Talaga naman, sinasabi ko talaga, subukan lang nila na tawagin ako sa pangalan ko, as in sa real name ko, ay, may huhukayin akong libingan in advance! "Siguraduhin mo lang ha? Sinasabi ko talaga sa iyo na lalaki ka," banta ko sabay pakita ko ng kamao ko sa kanya. "Magkakaroon ka ng tattoo sa kaliwang mata." Pero ang loko tawa lang siya nang tawa. Akala mo talaga ay nakikipagbiruan ako ng malala. Masaya naman siyang kasama, libre pa niya lahat kahit mag-request ako sa kanya. Sabi naman niya e wala naman kapalit ang libre niya, sana nga. Kasi kapag siningil niya ako, ipapasisingil ko na rin ang buhay niya sa Maykapal. Nang matapos kaming bumili ng french fries, and balak na namin na tumambay sa food court e halos manlamig ako. Daig ko pa ang binuhusan ng malala ng yelo sa nakita ko. Hindi ko alam pero para akong maiiyak na ewan nang makita ko na naglalakad si Mikyle habang may kayakap na babae. Siguro iyon iyung sinasabi nilang diwata ng nursing department. I mean wala naman akong magagawa. Ang ganda niya, babae pa. Minsan lang ako ma-insecure sa may kipay. Bakit ba kasi ako umaasa? Bakit kailangan ko pang maramdaman ang ganito? Deserve ko ba? Hindi ko alam pero para na akong maiiyak. "Tara," ani ni Tristan James saka ako hinila sa opposite direction kaya hindi kami nagkasalubong ni Mikyle. Pero hindi ko alam kung sadyang masokista lang ba ako o sadyang tanga lang. Kasi tiningnan ko siya habang papalayo na ako, at nakita niya rin ako. Gulat pa nga siya, pero hindi niya maiwan ang kasama niya. Hindi naman ako ganoon kahalaga para gawin iyon sa akin. "Damn that bastard!" ani ni Tristan nang nasa parking lot na kami. Natuyo na ang luha ko, hindi pa rin ako kalmado, hindi ata ako magiging kalmado. Grabe ang trauma, sumpain sana ang Mikyle na iyon! Mamaya at mamaya rin maghahanap ako ng bagong matitirhan. Tama na ang kalokohan at kahibangan ko. Hindi ko deserve paglaruan! "Alam ko ang pangit ng impression mo sa akin Sho. Deserve ko naman iyon, pero tangina gagu ata iyung lalaki na iyon. Kung makaakto at makabakod siya sa iyo e akala mo naman may gusto sa iyo, pero nagawa ka niyang iputan sa ulo!" ani niya na galit na galit. Nakatulala lang ako. "May magagawa pa ba ako? Tadhana naman naming mga bakla ang magkaganito. Wala na akong magagawa pa sa bagay na iyon." Bigla naman niya akong hinawakan sa kamay. Halata na worried siya sa akin. Hindi ko alam kung genuine, pero hindi ko kailangan ng awa niya. Kasi alam ko na kaya ko ang sarili ko. "Huwag mo ngang sabihin iyan, Sho! Lahat ng tao kamahal-mahal. Hindi ka nga babae, pero maganda ka, may mga bagay din na makikita sa iyo na wala sa iba," pampalubag ng loob niya sa akin. "Hindi mo naman kailangan an i-sugarcoat ang mga bagay-bagay na katulad nito. Tanggap ko naman na. Ang mahalaga e kailangan kong makatakas sa kanya, kay Mikyle. Hindi ko alam kung ano pa ang rason niya. Pero isa siyang dakilang red flag!" ani ko na biglang buhos na lang ng galit ko. "Mabuti nga na ganyan, Sho. Kailangan mo ba ng tulong? Nandito ako, pwede kitang tulungan!" ani niya sa akin. Nai-kuwento ko sa kanya kung saan ako nakatira ngayon at ang sitwasyon ko. Nasa kotse na niya ako at kasalukuyan kaming tamang gala lang. Mayaman ata sa gas ang loko e. "Gago pala iyon! Ah, mas gago pala siya sa akin. Huwag kang mag-alala, tutulungan kita na makahanap ng bagong titirhan. Ngayon din mismo dapat makaalis ka na sa loko na iyon ha. Taena non!" ani niya na galit na galit gustong manakit. Mas g na g pa ata siya kaya sa akin e. "Chill ka lang diyan, oo, salamat sa pagtulong mo. Hindi ko na rin naman na masisikmura na makasama sa iisang bahay ang gago na iyon. Pakihatid na lang ako, tapos text kita. Ayusin ko lang mga gamit ko,'' sabi ko sa kanya. "Samahan na kita na mag-ayos," offer niya sa akin na agad ko namang tinanggihan. "Apartment niya pa rin iyon. Ayaw ko naman na maging bastos at magpapasok ng walang permiso niya. Promise, tatawag ako sa iyo," wika ko sa kanya. Wala siyang nagawa at nahatid naman niya ako. Nang nasa apartment na ako e diretso ako sa kwarto upang ayusin na at mag-empake na ng mga gamit. Gusto ko na naman na maiyak, pero wala na ata akong maiyak. Lahat na lang ata ng mga lalaki manloloko! Biglang bukas ng pinto ng kwarto at nandito na nga si Mikyle na hingal na hingal pa. "Anong ginagawa mo sa mga gamit mo?" tanong niya na para bang siya pa ang galit. Ang kapal ng mukha niya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD