OKAY, time para medyo ma-pressure naman tayo ng kaunti. Interview ko ngayon sa work, with my new boss. Nakakaloka at nakailang job na ako direk hindi pa rin ako nakakaahon sa kahirapan. Charot lang, wala naman kasing yunayaman sa working lang. Dapat may extra ka or business. That is how it really works. But anyway, hindi iyon iyung topic. Mwy interview ako ngayon, alam ko naman na may backer ako, pero mahigpit pa rin, kasi nga naman ang laki ng pasahod nila. "Kapag hindi ako natanggap dito, maghihintay na lang ako ng customer sa gilid ng daan," biro ko kay Mikyle habang nasa sasakyan na kami. Sayang pamasahe beh, hindi na ako nagreklamo nang nagpasya siya na ihahatid ako. "Bakit mo pa kailangan na maghintay ng customer, kung pwede naman kitang upahan ng panghabang buhay. Uupo ka lang,

