"Musta ang trabaho? May pumuporma na ba sa iyo doon?" tanong ni Mikyle. Sinisimulan na naman ako ng lalaki na ito. "Meron," walang gana na sagot ko naman sa kanya. Bigla naman niyang pinatunog ang kamao niya. "Sino, para makatikim sa akin," maangas niyang wika. "May pumuporma sa akin. Utos nang utos akala ko nga siya iyung boss ko e. Head baker lang naman, akala mo may titulo ng lupa ng bahay namin. Nakakairita," sabi ko. Nagulat naman siya. "Si Arlene?" Ay wow. Kilala pa nga niya. "At kilala mo pa ha? So aware ka na may gusto siya sa iyo?" sabi ko sa kanya na iritang-irita. "Oh, huwag kang magselos diyan, Sho. Alam mo naman na ikaw na lang ang tinitibok ng puso ko at itong junior ko e." Ang kalat po. "Ay, stop that pervert retorting muna! Ako e iritang-irita na nga. Mahaba ang pase

