Episode 23

1968 Words
I MANAGE TO multi-task and do whatever I can do to obtain what I want. I asked the landlord and offer him a huge amount just to let me stay on Sho's new room. And Mr. Ramos already agreed with me. Now the next thing is I asked Gerald to put all my things from the house, I contacted my old landlord and she agreed na lilipat na ako. Everything is settled. Kung kaya ni Sho na lumipat at iwan ako sa loob lang ng maikling oanahon, kaya ko rin gawin iyon. Sabi ko naman sa kanya, hindi niya ako maiiwasan, at mas lalong hindi niya na ako kayang iwan pa. Kaya naman pumasok pa rin ako sa university kahit na pagod, puyat at lasing ako. Naabutan ko pa nga siya nang recess na para bang nagtatago siya. Alam ko rin naman na nakita niya ako kanina na nakita ko siya. I was on the corridor, sinadya kong dumaan sa klase niya. Guilty siya nang iwan niya ako. Ngayon naman ay pumasok na siya sa trabaho. Alam ko na kinausap siya muna ni Rob. Lahat ay naaayon sa plano ko. Kung akala niya kakayanin niya akong iwasan, hindi niya alam na mas kakayanin kong sundan siya. Kahiy saan pa siya magpunta. Kung tatanungin niyo ako kung bakit? Bakit ko ba ginagawa lahat ng ito? Bakit ba gusto ko pa rin siya na sundan? Bakit ba hindi ko siya kayang bitawan? I myself do not know the answer. Basta ang alam ko lang ay ayaw ko ng maulit pa 'yung dati. 'Yung dati na iniwan ako at hindi na ako mulinoang binalikan. That mistake won't happen again. He may have his own reasons why he wants to escape from me, but I have my own reason to for keeping him beside me. I never want someone as close as me, not until I met Sho, and he made ne realize that he is worth to keep, all the way. Tinanong ako ni Sho kung bakit ako nandito? Kung bakit ako nakasuot ng uniform nila. I said that I will start working here, and maybe he did not expect the backfire from leaving me alone on our boarding house. He never expected this thing to happen. And his express is worth it all. Paano pa kaya kung malaman niya na hindi niya pala talaga ako natakasan? Natapos ang trabaho namin. Ngayon nga ay oras na ng closing. Talagang ang schedule ni Sho ay memorize ko na. Ako lang naman ang hatid sundo sa kanya. Alaga na alaga siya sa akin, tapos gusto niya pang sumama sa ungas na Travis na ito. Tangina, malibog ako. I know I ain't Saint, pero hindi ako kasing peke at tarantado ni Travis. I know how this guy play dirty with every gays that he became target. Before he can try to land his disgusting hands to Sho, sa akin muna siya dadaan. "Sabay na ako sa iyo, Travis," dinig ko na sabi nitong si Sho sa lalaki. Nasa parking lot na kaming lahat. Bigla namang nag-init ang ulo ko sa sinasabi ni Sho. Ako ba talaga ay sinusubukan ng taong 'to? He is f*****g testing my patience. Agad akong lumapit kay Sho at hinila siya. "Sabay ka na sa akin pauwi," wika ko rito. "Ano ba! Bitawan mo nga ako. Para ka na namang sira, Mikyle... Nabasa mo ba 'yung sulat ko sa iyo? Siguro naman malakas at strong ang reading comprehension mo kasi nakaabot ka naman ng college," pamimilosopo niya sa akin. Alam ko na dapat aking magalit sa kanya, pero hindi na rin ako sanay na walang naririnig na laut mula sa taong 'to. "Sho, kapag hindi ka sumama sa akin, alam mong aandar ang kabaliwan ko rito. Kaya ako sa iyo, sumama ka na sa akin," ani ko sa kanya. Sumabat naman ang kupal na Travis. "P're, hayaan mo na si Sho. Sabay na lang siya sa amin. Isa pa ay iisa lang naman ang daan namin," wika pa nito na para bang inosente. Basagin ko kaya mukha ng tado na 'to. "Alam ko, kaya nga inaya mo siya sa malapit sa inyo, hindi ba? Binabalaan kita, huwag na huwag mong gagawing biktima itong si Sho!" Hinila ko an si Sho at pinapasok sa kotse ko. "Anong pinagsasabi mo? Umaandar na naman ang kalawang ng utak mo ano?" aniya sa akin. Umismid lang ako. "Huwag kang basta-basta nagtitiwala. Katrabaho mo siya, pero ako matagal ko na siyang kilala. Hindi ka ligtas sa kanya," payo ko rito habang pinapaandar na ang makina. "Hindi mo alam kung saan ako uuwi. Saka isa pa ay kanino ba ako ligtas sa inaakala mo? Sa iyo ba?" aniya naman sa akin. "Oo! Sho! Sa akin ka ligtas. Kasi putangina kahit sino pang demonyo ang kakantiin ka, ililigtas kita! Kung sino mang manyak ang may balak na masama sa iyo, ako ang bahala sa kanila! Ganoon ka kaimportante sa akin," sabi ko rito. Nagpipigil ako ng galit, habang siya naman ay pinupunasan ang mga luha niya. Tahimik lang siyang umiiyak, habang ako naman ay tinutunaw ng konsensya ko. "Iyon na nga, masyado kang mabait sa akin, kaya napapasama ako." Hindi ko siya maintindihan. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang siya. Pero nang nakarating na kami sa boarding house niya ay nagulat naman siya. Nauna siyang bumaba ngunit sinundan ko na siya. Nang nasa harap na siya ng kwarto NAMIN ay hinarapan ko na rin siya. Tiningnan niya naman ako ng masama. Siguro ay naiinis na siya na hindi nagtagumpay ang plano niya. "Umuwi ka na, Mikyle. Hindi na magbabago pa ang isip ko. Hindi na ako babalik doon. Sana respect mo na lang ang desisyon ko," sabi nito. "Oo nga, uuwi na ako. Hindi mo ba alam?" ani ko sa kanya na para bang inosente. "Ha? Ako nga Mikyle tigilan mo muna. Pagod ako, gusto ko na munang magpahinga na, 'yung pahinga na may halong kapayapaan," ani to sa akin. Kinuha ko naman ang susi at ako na ang magbukas ng pinto para sa kanya. I have my keys anyway. "Bakit ka may susi ng kwarto ko?" At iginala na niya ang kwarto niya. "Bakit may mga gamit ka na rito?" tanong niya pa na animoy naguguluhan talaga. "Sho, simpleng sagot sa simpleng tanong mo. Isn't obvious? I am your new roommate," wika ko sa kanya. I dropped the bomb and he looks like horrified. Napaupo siya sa kama niya. Isang malaking kama iyon. Hindi na kami double deck. "Naalog na talaga ng malala iyang utak mo ano? Sino naman ang nagsabi sa iyo na gusto kitang makasama rito!" anito sa akin na para bang frustrated na frustrated na siya. "Bakit ba ayaw mo na akong makasama? Ayos naman tayo a? Okay tayo Sho! We are just fine, not until you decided to left me alone on that cold empty room! Sinanay mo ako na nandiyan ka? Tapos iiwan mo ako! No you can't, you can't f*****g escape from me," sabi ko sa kanya. "Huwag ka namang isip bata, Mikyle! May dahilan naman ako! Isang dahilan na ayaw kong sabihin kasi ayaw ko na magbago ang tingin mo sa akin. Tingin mo ba sa akin hidni nahihirapan? Gusto kitang makasama, pero hindi pwede e!" aniya sa akin na umiiyak. "Bakit? Ipaliwanag mo naman, Sho. Baka sakali nq maintindihan ko rin. Hindi 'yung parang tanga na maglilipat ka." Tumayo naman siya at matapang akong tinitigan ni Sho. "Gusto mo ba talagang malaman? Sige, sasabihin ko sa iyo! Pero huwag mong sabihin na hindi kita prinotektahan sa dapat na bagay na hindi mo naman dapat malaman." Inabangan ko ang sasabihin niya. ''Mikylez nahuhulog na ako para sa iyo. Alam ko na ayaw mo sa bakla. Nandidiri ka sa mga tulad ko. You are just tolerating me because you think I am different from the other. Na hindi kita magugustuhan. "Pero gago ka. Kasi naman naging mabait ka sa akin, tagapagligtas, sweet at malambing. Tanga ka ba? May puso ako! Alam mo ba ang ibig sabihin non? Ang inig sabihin non ay naaapektuhan ako sa mga ginagawa mo para sa akin. Kaya ako na baklang marupok na tanga, minahal na kita. Ang hirap ano? Sorry, hindi ko rin naman ginusto ito e," aniya sa akin na umiiyak na. Pero imbes na mandiri ako sa kanya. Imbes na magalit at mambugbog ay nakaramdam ako ng tuwa. So hindi niya gusto ang Travis na iyon? "Oh, gusto mo ako? Iyon lang pala e. Bakit kailangan mo pang umalis? Baliw ka ba? Ayos lang sa akin kung magustuhan mo ako. Hindi ka naman iba sa akin, Sho. Ikaw si Sho e. Saka hindi mo ba naisip? Baka kapag nagkasama tayo, matutunan mo rin na ma-turn off sa akin, tapos hindi pa.masisira pagkakaibigan natin." Mukhang siya mismo ay nqbigla siya sa sinabi ko. "Okay ka lang ba? Gaho, nag-confess ako sa iyo ng nararamdaman ko.'' "Narinig kita, hindi ako bingi, Sho. Okay nga sa akin! Isa pa ay single naman ako. Malay mo ma-develop din ako sa iyo." Sinamaan niya ako ng tingin. "Baliw ka na. Iyan ang huwag mong gagawin. Ang papaasahin ako sa wala. Sige, fine, okay na magkasama tayo! Papatunayan ko sa iyo na may expiration date din ito nararamdaman ko para sa iyo," aniya pa. Niyakap ko naman siya. ''Hindi mo ako kailangan na takbuhan. Lagi kitang pakikinggan Sho. Tandaan mo sana iyan." Naramdaman ko naman na namamasa na ang damit ko. Tahimik na namang uniiyak ang iyakin na ito. Protacio Sho Juanito ANG baklang may award, walang iba kung hindi ako. Sino pa ba? Alangan naman kayo, e ako ang bida rito. Sino ba ang may mahabang buhok? Talaga sinundan pa rito para lang hindi pakawalan! Grabe ka na, Protacio! May ganda kang hindi napipinsala ng kahit anong bagyo! And as I was saying, nabigla ako sa bilis ng pangyayari. From drama to kilig. Iba 'yung impact talaga na hinabol at hindi talaga ako pinakawalan ni Mikyle. Bonus pa na tanggap niya na may gusto ako sa kanya. Pero focus ako sa goal. Siyempre nangako ako na makakapag-move on din ako sa kanya. May mga mas malalaki oang isda diyan, 'yung sure na macho-choke ako. UMAGA nga at masarap ang gising ko. Sa iisang kama na kami natutulong ni Mikyle. Balak ko sana na bumili ng isa pang comforters, kahit na sa lapag na lang ako. Kaso ayaw naman ni Mikyle, tabi na lang daw kami. Ano pa raw ang silbi ng laki ng kama namin? Siyempre, wala. Partida kay laki na ng kama namin tapos ganon? Paggising ko daig pa ng gago ang nakayakap sa paborito niyang stuff toy. "Huy, Mikyle! Yakap ka naman ng yakap sa akin, anong akala mo sa katawan ko? Bakal? Kahit bakal mayuyupi sa yakap mo," reklamo ko sa kanya. Pero thamk goodness, kahit perwisyo ang gago sa akin, masaya ako na gigising sa tabi niya. Pinakawalan naman niya ako. Ako naman ay maghahanda na ng kakainin namin habang naliligo siya. Wala akong work and klase. Wala rin akong activity, project and assignment. Alam niyo ba ang ibig sabihin non? Mahal ako ng Diyos. Ganoon siguro kapag may favoritism ano? Maganda na nga ako, maganda pa ang kapalaran ko. Sana kayo rin hindi nare-reject ng tuluyan! Huwag na kaying bitter sa akin. Pwede ba na maging masaya na lang kayo? Mga bwakangshit kayo. Matapos akong magluto ay ako anman ang maliligo. After maligo ay inabutan naman ni Mikyle sa akin ang isang T-shirt. "Pasalubong ko sa iyo iyan. Partner tayo ng damit, alam mo na! Labas tayo ngayon." Aba, at mukhang may plano ang gago. "Hoy, huwag kang ano diyan a? Baka ano na naman ang binabalak mo," sabi ko rito. "Hindi, lalabas lang tayong dalawa." Hindi ko naman maiwasan na hindi kikigin. Bakit ba? Kayo lang ba may karapatan maging marupok?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD