SIMULA na naman ng panibagong pakikibaka ko bilang plastik na kaklase na kailangan makibagay. Hindi naman totally na makikibagay, ang kapal naman ng mukha nila kung ganoon ang mangyayari. Ano sila, gold? Kasama ko ngayon ang bodyguard ko na walang iba kung hindi si Mikyle. I know, gwapo mg bodyguard ko ano? Macho at wala kang masasabi. May character development na nagaganap, so saan pa ba ako? Chariz. I mean, he is a good guy now. Hindi ko alam kung consistent na nga ba ang pinapakita niya sa akin, or it is just a phase, but whatever it is, I am happy with a bare minimum at least he is kind enough, pero mga bakla, talagang ang effort sinasagad niya to the point na wala na talaga akong masabi pa. "Hindi ba siya iyung naano dahil kay Tristan? Hindi na nadala at pati ata iyung si Mikyle L

