HINDI naman gaano mahirap ang work, maayos ang pasahod, actually sobrang laki pa nga kaya wala akong reklamo, iyon nga lang medyo strict especially at hindi basta-basta kung sino-sino lang ang mga customers namin. Today is another day, ayos naman sana kaaso maulan na naman. Mukhang may bagyo na naman, pero tuloy pa rin ang work, kaso e mukhang papunta na talaga sa exciting part at half day lang kami ngayon. Wala rin sense dahil cancel lahat ng reservations. Sinundo naman ako ni Mikyle, alam niyo naman na mala-live in partners na kaming dalawa. Kung ano ang mayroon sa amin? Basta smooth lang kami, ayaw ko munang pangalanan kung ano man ang mayroon kami, baka mamaya e biglang bokya. Men, masyadong masakit iyon to the point na ayaw ko ng maulit ang na-fall pero umasa lang. Hindi kasi isang

