Sa kadahilanan nga na ayaw na ayaw ko munang makita si Tristan, ginawa ko lahat kahit na labag sa loob ko, kumuha ako ng permission with a help from Mikyle upang maiba ang block at schedule ko. Ayaw kong gumawa ng gulo, ayaw kong masira ang pangalan ni Tristan. Ayaw kong masira iyung memories at pagkakakilala ko sa kanya na isang mabuti na lalaki. Ayaw na ayaw ko talaga. Pero kung maya't-maya e maiisip ko ang ginawa niya, ginagawa niya at maaari niya pang gawin sa akin. Umiikot na kaagad ang sikmura ko. Iiwas na muna ako. Sana makaramdam soya, sana tumigil na siya. Ayaw ko na ng drama sa buhay ko. Ayaw kong makita nila na nanghihina ako pero parang wala namang katapusan ang problema ko. All this time... "Sho, matulog ka na muna. Huwag ka na munang pumasok sa trabaho mo. Sinabihan ko na

