Okay, on the way na kami sa apartment ni Tristan, and to be honest kinakabahan ako for unknown reason, like hindi ko ma-gets. I am always comfortable to him, but suddenly may nagbago e. Ewan, baka na-mindset na ata ako ni Mikyle. Lakas din maka-demonyo ng lalaki na 'to e. "We are here," wika niya. Sabay na kaming lumabas, and surprisingly e naghihintay na si Tristan sa amin doon. Yumakap pa siya sa akin, and medyo awkward. Na-alarma naman ako nang itulak siya ni Mikyle. Muntik na naman silang mag-away! Partida at wala pa silang isang minuto na magkasama sa iisang lugar. "Ano na naman bang balak niyong dalawa? Kapag nagsuntukan talaga kayo rito, magtatawag ako ng referee, bahala na kayo sa buhay niyo," inis na sabi ko sa mga hunyango na mga 'to. Hindi ata sila maka-intindi na cease fire m

