OSWL (BOOK 1) Chapter 122

3096 Words

Chapter 122 Lander’s POV “Supreme is our son, Ksenia...” ulit ko sa hindi nagmamaliw na emosyon. “Siya ang anak nating inaakala nating matagal nang patay... Umamin na sa akin si Ramces... Ginawang pamalit si Supreme sa iyo sa pamilya Venezia...B-Buhay ang a-anak natin...” hagulgol ko sa dulo. Nang maalala ang kalagayan ng anak namin ngayon at ang tungkol sa nalaman kong pagkakaroon din niya ng cancer sa dugo nang bata ito ay ikinalma ko ang sarili. “Kaya nagkaroon din ng cancer si Supreme dahil parehas tayong cancer survivor, Ksenia... Hindi iyon natanggal sa DNA niya... Namana sa atin ng anak natin iyon...” Maamong mukha ang una kong nasilayan sa asawa ko na unti-unting nakararamdam ng kalituhan at sakit. Nakatitig siya sa aking mga mata habang pakapal nang pakapal ang tubig ng luha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD