Chapter 35 Ksenia's POV "Ilang weeks na lang pala matatapos na ang long vacation mo, Ksenia..." si Mama habang ang mga mata nito ay nasa daan at sa pagda-drive. Six o'clock nang magising kami ni Mama at seven o'clock nang gumayak kami paalis. Papunta kami ngayon sa village para mamalengke. Marami pa naman kaming stocks pero gusto ni Mama na magdagdag para hindi na siya maabala pa sa susunod na mga linggo. Gusto niya i-spend iyon kasama lang ako. It's been two days after I saw Lander with his ex-girlfriend, Kath. Hanggang ngayon, hindi pa kami nakapag-uusap muli. And I hate myself for being so hopeful after seeing them together inside his room, happy and talking, like break up didn't happened between them. Ni hindi niya ako kinibo nang muli ko silang makita sa harapan ng bahay nila, giv

