Stage 10: The Wallflower

5606 Words
HOURS AGO "Avery!" Sigaw ng Ate Andrea ni Avery mula sa kusina. "Tumatawag si Liam sa phone mo! Pang-apat na'to!" Nilabas ni Ava ang ulo sa pintuan ng kwarto. "Si Liam?" Lumabas siya at bumaba sa hagdan. Tiningnan niya ang orasan. 10:00AM. Wala siyang maalalang may schedule sila ngayon na activity. "Nakikimusta siguro?" Kinuha niya ang phone sa mesa at sinagot. "Hello---" Liam: "Avery..." "Oh, Liam..." Sumandal si Avery sa railings ng hagdan. "You called? Pang-apat---" Liam: "If a woman is angry... what should I do?" Natigilan si Avery. "K-Kung galit? A-Ano.. depende? Kasi kung ako tatanungin mo, okay na sa akin maglambing sa akin yung taong kinaiinisan ko." Liam: "That's too general..." Avery can hear car horns and tires screeching. "Where are you?" Liam: "Driving. Figuring out how to say sorry without being an ass." Napangiti si Avery. Another first for Liam. Truth be told, Liam never asked anyone for help since he's too capable of his own. For her, it's so nice to see this part of him. "Okay, all girls are the same." Liam: "Well.. she's not just a girl 'girl'. She's on another level who is ready to ignore me the rest of her life." "Just treat her into something that could give you enough time to discuss kung anong problema ninyong dalawa... say nice things.. and make her feel.. special." Namulsa si Ava sa shorts niya. Liam: "Is that effective?" "Of course! Babae ako kaya alam ko kung anong nagpapasaya sa amin... Hindi material na bagay o pera, Liam. Kundi atensiyon.. at oras.." Avery trails off remembering her ex. Pinilig niya ang ulo. This is not about her but about her bestfriend's dilemma. "Effective yan, Liam. Trust me." Liam: "You're so sweet. Thanks, Ava. Bye." - BEEP – Ngiting umiling si Avery. Knowing Liam, he'll exert maximum effort on everything he does.    Malapit na mapasigaw si Isla mula sa pagbibihis niya nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pintuan niya. Umingos siya. "Tss! Bahala ka diyan.. wala ako sa mood makipag---" Pero nasira ang mukha niya dahil kumakatok pa rin ito at parang walang planong huminto. Tinakpan niya ang tenga. "Arrrghhh! Di ba niya gets na ayaw ko siyang kausapin?!!" Binuksan niya ito ng pinto. "Ano---" Bumungad sa kaniya ang hinihingal na si Liam. "L-Let's have a date..." . . "Huh?" Nawe-weirdohan niyang tiningnan ito. "Nangti-trip ka ba---" Hindi na siya nakapagsalita ng tapos nang hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya. "O-Oy..." "I'm serious... I-I'm asking you out on a date, Isla." Liam still breathing hard, trying to mutter the words clearly. 'Tama ba pagkakarinig ko? Date? As in date... date?' Pumasok sa utak niya ang nakikita niya sa pelikula. Yung nagtatawanan ang magkasintahan sa isang mesang may nakatirik na kandila tapos may lalapit na waiter para i-refill ang glass ng wine. 'Pwes... malas siya. Wala ako sa mood tumawa.' Umiling siya. "Tumalon ka kaya sa balcony---" Isasara na sana niya uli ang pintuan nang mabilis nitong sinilid ang kamay dahilan para maipit ito. "OW! OW!! ARAY! ARAY!!!" Hiyaw nito. "HOY!!! Ano ba!" Sigaw rin niya na di pa rin binubuksan ang pintuan. "ILABAS MO KAMAY MO!!!" "I WON'T GET MY HAND OUT UNLESS YOU SAY YES!!" Liam shouted from the other side of the door. "MAPUPUTOL TALAGA KAMAY MO KASI DI AKO MAKIKIPAG-DATE SA'YO!!!" Gusto man niyang isara ng tuluyan ang pintuan, sagabal lang ang kamay nito. "THEN I'D RATHER HAVE MY HAND CUT OFF!!" Gulat na pinagbuksan niya uli ito. "Ano?!" He exhaled. "I'm serious, Isla. Go out with me." "Bakit ba?" Niyuko niya ang namumulang kamay nito. Bahagyang siyang nakonsensiya. "Just wanted to take you out to someplace you love." "Love?" Ngumiti si Liam. Making his eyes shine. "Yes. A place you love." Ngumiwi naman si Isla. Sino bang makakapaghindi sa nakangiting mukha nito. Nainis siya uli sa sarili. "Saan ba 'yan para matapos na'to??"    Parang timang na nakatingala si Isla sa malaking pangalan ng restaurant sa labas ng tindahan nito. Akala niya kasi sa plaza lang sila pupunta kaya naka-pulang jersey lang siya at maluwag na pants tsaka tsinelas.. as usual, suot pa rin niya ang puting sombrero kung saan nakatago ang mataas niyang buhok. Kakaba lang ni Liam sa kotse nito na naka-shades lang. He didn't effort to wear a disguise to hide his identity. Nilingon niya ito. "Dito? Dito sa Ducasse?" "Yeah." He nods. "You love this dessert store to death, am I right?" Siya naman ang tumango. "O-Oo... pero..." Tiningnan niya ang 'Sorry, we are closed to today' na karatula sa may pintuan. "Sarado ang Ducasse basta Linggo." "I know." Tumingala si Liam sa kabuuan ng tindahan. The bell of the store's door ring. May lumabas na may-edad na matanda na magalang na ngumiti sa kanila. "Magandang umaga." Bati nito sa kanila. "Pasok kayo." Then Liam turns to her, the corners of his mouth slid upwards. "I rented the whole place for the whole day, Isla." "HA!!" Halos mahulog ang panga niya sa lupa sa gulat. "Seryoso ka?" "I am." Marahan nitong tulak sa kaniya papasok. "Which part of 'I'm serious' you don't understand?" "Pero---" Angal niya. "Pasok..."    Di pa rin makapaniwala si Isla habang nilalapag ng matandang babae ang mga matatamis na pagkain sa mesa sa gitna nila ni Liam. Nilibot niya ang paningin sa tahimik na tindahan. They are literally the only people inside. They have the whole place on their own. "Eat up." Ani ni Liam na sumubo na ng ice cream. "I-Isaiah..." Sa mahinang boses niyang tawag rito para di maringgan ng matanda. "A-Alam mo ba gaano kasikat ang tindahan na ito at gaano kamahal---" "I read the reviews on the internet too, Isla." He raises his blue-eyes on her. "I know." "A-Ano ka ba..." Nakaramdam siya ng hiya. "Sana dinala mo nalang ako silogan o sa lugawan... magkano bayad---" "If you won't shut up, I'll spoon-feed you the whole banana." Turo nito sa banana sundae na inulan ng maraming marshmallow. Lumabi siya. "Oo na." Sumubo siya ng tsokolate mula sa mini chocholate fountain. "OW s**t!" Pumikit siya para namnamin ang lasa sa dila niya. "Aanggggg sssaaarrrrraappp!" Sinubo niya ang sugar-coated na biscuits tapos uminom sa vanilla shake. "Pwede na akong kunin ni Lord." Lihim na ngumiti si Liam sa nakikita niyang kasiyahan sa babae. She won't care if she'll have a diabetes as long as she can eat all the sweets in the world. "Isla." "Hmm.." Tumingin ito sa kaniya na puno ang bibig ng iced fruits. "About what happened on the set---" Inisang lunok nito ang nasa bibig. "Okay lang yun." Nabuhayan siya ng loob. "Really?" "Oo.. trabaho naman talaga ng assistant ang alagaan ang amo nila pag nagkakasakit." Nawala ang ngiti niya sa labi. "I-I'm not talking about that..." "Huh? Ano---" Na-gets naman agad ni Isla. "Ah... yun..." Yuko nito sa plato nitong may malaking donut. "Kalimutan na natin yun.." Tinutusok nito ang donut gamit ang tinidor. "No." Isla looked at him. "I was insensitive. I shouldn't have..." He looks at the flowing chocolate syrup on the mini fountain in their table. ".. said that." "Alam mo..." Panimula ni Isla na tumingin naman sa labas. "Masakit, oo. Pero totoo naman talaga di'ba?" Her eyes turns to him. "Truth hurts kumbaga. Kasarian ko lang ang babae... Nagalit ako siyempre. May damdamin rin naman ako kahit papaano. Pero di mo na'to sana..." Nilibot nito ang tingin sa tindahan. "...ginawa." Isla smiles. A sad smile that didn't even reach her eyes. "Maging okay naman ako bukas, makalawa---" "I've hurt your feelings, Isla. There's no denying about that. And I was so slow to realize I've done a huge mistake. I'm sorry." He stared directly straight at her eyes. "I am so sorry." And his sincere apology touches Isla's heart. Di rin naman kasi niya ito masisisi kung ito talaga ang tingin nito sa kaniya. Kahit sino naman siguro mapagkakamalan siyang tomboy. Pero doon nagkakamali ang mga tao, hindi siya tomboy... hindi siya lesbian... kundi.. "Apology accepted." Liam handed the lollipop wrapped in pink which she rejected the other day. "Peace?" "Peace." Tinanggap niya ito. "Pero seryoso, Isaiah. Masyadong marangya 'tong ginawa mo para sa isang sorry." He chuckles. "Yeah right. As if you're not enjoying it." He pops a cherry on his mouth. Humagikhik si Isla na humigop ng chocolate. "Hehehe.. dalas-dalasin mo na lang ito." Biting the cherry's stem between his teeth, he asked her. "Do you have a proper singing lesson, Isla?" "Singing lesson?" Masaya niyang tanong habang nilulublob ang marshmallow sa chocolate fountain. "You have a nice voice. Maybe you are interested to hone that talent.. I knew some music directors who could---" "HEP!" Taas ni Isla sa isang kamay. "Ano ka ba... tsamba lang yun. Timing lang na maganda ang hangin ng araw na yun kaya mukhang magandang pakinggan ang boses ko. Isaiah... simpleng tao lang ako... Tsaka... tanggap ko na kaya siguro ako iniwan ng mga taong malalapit sa akin kasi... walang espesyal sa akin. Wala akong talento, hindi ako maganda, maangas pa kumilos..." Ngiti niya rito. "Why are you putting yourself down?" "Kasi kung may maganda man akong katangian... ba't nila ako binitawan?" "You are special on your own ways, Isla." "Sana makumbinse ko rin sarili ko na espesyal ako." Hagikhik niya. 'Then both of us are faking ourselves, Isla. You're not being honest yourself.' Tumango nalang si Liam at sumubo ng shaved ice. . . "Sana palagi ako galit ano... para palagi ka ring mabait." "Sira." -DING- Kinuha ni Isla ang cellphone sa bulsa at binasa ang message. Uminom si Liam ng vanilla shake niya. "Who's that?" "Mama mo." Napaubo siya sa sinabi nito. "S-Si Mama? Textmate kayo ni Mama?" Tumango ito habang nagrereply. "Sabi niya wag daw ko masyado kumain ng mga oily foods. Nakakasira daw yun sa matres." Napailing nalang si Liam. "Are you still on that issue?" Seryoso itong tumingin si Isla sa kaniya. "Para sa ikakaligaya ng mama mo, oo... bibigyan ko siya ng apo--- uhmmm!" Di na natapos nito ang sasabihin ng sinubuan ito ni Liam ng tinapay. "I told you, giving a baby and making a baby are different matters." Inisang nguya ni Isla ang tinapay at sa dalawang kamay, hinawakan niya ang isang kamay ni Liam. "Gawa na tayo." . . Namula si Liam at hinila ang kamay. "Quiet, will you?"    Dapit-hapon nang pinarada ni Liam ang kotse sa underground parking lot ng building. Kinalas ni Isla ang nakapulupot na seat belt at bubuksan na sana ang pintuan sa side niya nang nagsalita si Liam. "Isla?" "Oh?" Lingon niya rito. "Hindi ka na ba galit?" Ngumiti siya. "Hindi na. 'to naman.. parang bata." "I don't want you getting angry with me." "Bakit?" "Bec. I miss you." . . "Huh? Ano pinagsasabi mo?" "Miss ko yung paging maingay mo at yung mga hirit mong panis." Binalingan niya ito. At dahil sa posisyon nila, kung saan naka-abot si Liam sa handle ng pintuan sa side niya, parang nakulong si Isla at walang kawala dahil sa nakaharang na braso nito. "Wag ka ng mambola. Okay na tayo diba? quits na tayo so please--" "Also, I can't shake the feeling that I cause you to question yourself's worth... I wish you would stop putting yourself down." May dumaang kotse dahilan para mailawan ang side profile ni Liam. Napatitig ng husto si Isla sa mukha nito. Dinaklot niya ang damit niya sa may dibdib. 'T-Tae... bakit kumakabog ng malakas ang puso ko?' "I-Isaiah?" "Hmm?" "Sa tingin mo..." Sinalubong niya ang mga titig nito. "Aasenso pa ba ako?" . . Liam flicks her forehead. "Aray! Ano ba!!" Sapo niya sa noo. "Of course. You're working with the man whose name girls won't stop screaming for." He grins. Nawala ang ngiti ni Liam nang pinatong ni Isla ang kamay nito sa balikat niya. "A-Anong ginagawa mo?" Pumikit si Isla. "Ina-absorb ko ang self-confidence mo. Umaagos na kasi." "HAHAHAHHA!" He heartily laughs. "You're starting to have self-confidence." "Huh?" "You're wearing liptint. That's first step---" Mabilis na tinakpan ni Isla ang bibig niya. "HA! W-WALA 'AH! A-ANONG LIPTINT!!" "Meron. I've been working in the modelling industry, Isla. You think I won't recognize the change on your lips?" . . "Oyyyyyy..." Kiniliti ni Isla ito sa tagiliran. "Kaw ha.. Bakit? Ano ba kulay ng labi ko at agad mo napuna ang liptint?" "It's rosy pink. And now it's sunny orange." "Hehehe... may pagnanasa ka sa mga labi ko ha..." She pouts to tease him more. "Do that again and I'll literally taste your lips." -.- "LOKO KA HA!!!" Uminit ang mukha ni Isla. "DI TAYO TALO!" "I can bring out the woman in you, Isla." He winks. "Easy." "Subukan mo." Inambanan niya ito ng kamao. "Libing tong kamay ko sa gwapo mong mukha---" "See? You told me I'm handsome." "AH! ANONG PAG-UUSAP BA'TO!" Binuksan niya ang pintuan. Sinara naman uli ni Liam ito. "Isaiah!!! Utang na loob! Palabasin mo na'ko!" "I won't unless you told me I'm handsome." He pushes more. He's starting to enjoy Isla's reaction. "HA?!!!!!! NASOBRAAN KA NA SA HAMBOG!" Before she could reach the doorknob, Liam's hand is already covering it. "I'm not..." He laughs. Her reaction is just too cute. "Tell me... 'ISAIAH... IKAW ANG PINAKAGWAPONG NILALANG NA NAKITA KO.'" "PALABASIN MO NA AKOOOO!!! MAAWA KAAAAAAA!!!" Sigaw niya. "The magic word please." Tinakpan ni Isla ang mukha. "Come on..." He teasingly urges. " 'ISAIAH....' " "I-ISAIAH..." Sunod nito. " 'Ikaw ang...' " "I-IKAW ANG...." " 'Pinakagwapong nilalang na nakita ko..' " "EHHHH...." Namula ng husto si Isla habang takip pa rin ang mukha sa mga kamay nito. "IKAW ANG... PINAKAGWAPONG NILALANG NA...." "More..." "IKAW ANG... PINAKAGWAPONG NILALANG NA NAKITA KO!!!!!!" Mangiyak-ngiyak nitong sabi. "Good girl." Liam pats her head. "See? Di mahirap." "Palabasin mo na'ko, maawa ka..... diyos ko." Ayaw niyang makita ni Liam ang pulang-pulang mukha niya. "Buksan mo ang pinto!! Bilis!" Tumatawa pa rin si Liam na pinagbuksan ito. "You're free." Takip pa rin ang ni Isla ang mukha nito nang bumaba at mabilis na tinakbo ang direksyon ng elevator. "Mabagok ka sana!!!!" Sigaw nito.    Pagkasara ng pintuan niya sa kwarto, sumandal doon si Isla na nakapikit pa rin. > "Do that again and I'll literally taste your lips." Huminga siya ng malalim at niyuko ang hawak na lollipop. "Hoooo... ang init ng pakiramdam ko." Tiningnan niya ang repliksyon sa salamin. Her face was flushed. She feels hot yet she's sweating. "Kaaaiiiiiiiiiiiniiiiiiiiisssss!" Umupo siya at niyakap ang tuhod.    Kinabukasan, naghahalo ng harina at itlog si Isla sa isang mixing bowl habang nagbabasa ng recipe. "1 teaspoon of salt..." Kasalukuyan siyang naghahanda ng agahan. T-in-ext niya pagkagising niya kanina si Ms. Hailey at tinanong kung ano ang schedule ni Liam. Nag-reply ito na p-in-ostpone muna nito lahat ng schedule ni Liam para naman makapagpahinga ito ng husto. "Good morning." Tinaas niya ang tingin sa bagong pasok sa kusina na si Liam. "Good--- Uy? Okay ka lang?" Umupo ito sa high chair at tumango. "Yeah—ugh! Ugh!" Ubo nito. Namumutla ito at halatang inaapoy na naman ng lagnat. "Isaiah.. magpacheck-up ka kaya? Baka kung ano na 'yan." "Nah... Iinom ko lang 'to ng paracetamol." Nakatukod ang isang siko nito sa counter habang ang isang braso'y nakalatag sa hapag. 'Kahit nilalagnat, parang nag-po-posing pa rin ito.' Nilapitan niya ito at sinalat ang noo. "Isaiah... mainit ka na..." Ngumisi ito. "I'm always hot." -.- 'Kahit nilalagnat... mahangin pa rin.' "Really, Isla. I can manage—ugh! Ugh!" He covers his mouth. "Ang yaman mo pero ang kuripot mo pagdating sa kalusugan 'no?" Liam covers his ear. "Stop talking... you're making my head throb." "Making my head throb..." Inis na ulit niya. Lumapit siya sa lababo. "Diyan ka lang.. lalagyan natin ng bimpo ang noo mo para naman kahit papaano'y maibsan init ng katawan mo." "Ugh! Ugh! Ugh!" Patuloy nitong ubo. Matapos basain ang isang maliit na towel. Hinanap ni Isla sa paligid ang plastic bowl. "Hmm? Saan ko ba yun nalagay?" "The plastic bowl?" "Oo." "Nasa upper closet." Nguso nito sa aparador sa taas ng lababo. Inis na nilingon niya ito. "Seryoso??" "Oo. Nilagay ko diyan ko yung ibang bowls. Bakit kasi nasa lower closet lahat ng mga gamit sa kusina?" "Pasensiya na, mahal na hari 'ha. Hindi ako pinanganak na kasing tangkad mo. At pwede ba.. sa susunod, wag kang makialam sa kusina? Di ka taga rito." Tumingkayad siya at dahil nasa upper closet ito nakapwesto, pilit niyang inabot ng hintuturo niya ang handle. "Sasakalin talaga kita, Isaiah!! Umph!!" Pilit niyang abot. Humawak pa siya sa lababo para kahit papaano'y madagdagan ang taas niya. Then Isla feels heat emanating behind her. Liam touches her shoulder and in one move, he easily opens the closet and pulls out the bowl. Di agad nakakilos si Isla sa lapit ng katawan nito sa likod niya. As if opening the closet drains all of Liam's strength, he leans on her small body and whispers. Hot breath teasing her ear. "Here---!" "LUMAYO KA SA AKIN!" Namumula at malakas niyang tulak rito dahilan para matumba at tumama ang ulo nito sa corner ng counter. "HALA!" Napasinghap siya ng walang malay itong nakahiga sa sahig. "I-Isaiah?" Dahil sa advance siyang mag-isip, nakikita na ni Isla ang pangalan niya sa dyaryo: ISLANDA MACATUTO, SALARIN SA PAGPATAY SA IDOLO NG BAYAN NA SI LIAM ALEJO-TORRES. "ISAIAH!!!" Mabilis siyang dumulog at lumuhod sa tabi nito. "ISAIAH! ISAIAH!! WAG KANG MAGBIRO!!!" Yugyog niya rito. "GUMISING KA! OYYY..." Marahan niyang sinasampal ang mukha nito. "GISING!! PLEASE... WAG KA MUNA MAMATAY!!! AYOKONG MAKULONG!" Di pa rin ito nagigising. "ISAIAAHHHHHH!" Nilapit niya ang tainga sa ilong nito. Walang hangin na lumalabas. Doon na siyang nagsimulang kabahan. "PUTEK!!! PAANO BA MAGTAGO NG PATAY NA KATAWAN!!!" Kinagat niya ang kuko sa daliri niya. "ISAIAH.. PLEASE, PLEASE..." Yumupyop siya sa dibdib nito. "Gising... please..." Sumamo niya. Bigla siyang umupo ng maayos. "Wait! N-Nakita ko 'to sa palabas..." Nilingon niya ang walang malay na lalake. "Sini-CPR ang biktima para huminga." [A/N: Isla, CPR is only applicable kung may sagabal sa airways ng biktima tulad ng mga nalunod o nabilaokan. Hindi sa mga nabagok. -.-] "P-Paano ba yun ginagawa? Ah oo!" Hinawakan niya ang noo at panga nito para bumuka ang bibig nito. "Okay, Isla... Dapat mo siyang buhayin!" Lumapit siya sa mukha nito. Bago pa maglapat ang mga bibig nilam "Ohhh... Islanda's making excuses to kiss me."g nila. Their lips, micro-inch away from each other, Liam's eyes opens with his blue-iris dancing with naughtiness. Nanlaki ang mata ni Isla na titig sa nakangising si Liam. . . "AAAHHHHHHHHHHHHH!!!" Sigaw na kuha ni Isla sa plastic bowl at galit na winasiwas sa direksyon ni Liam. "MAMATAY KA NAA!!!!!!!!" "Oy! Oy!" Umupo si Liam at tumatawang umiiwas. "Matatamaan mo ko niyan baka matuluyan ako!" "SANA NGA MATULUYAN KA!!!!!!!!!!!!!!!"    Nakahiga na si Liam sa sofa na may malamig na bimpo sa noo. "Kamusta pakiramdam mo?" Tanong ni Isla na lumapit sabay lahad sa isang basong tubig. Umiling bilang pagtanggi si Liam at pumikit. "I feel nauseous." "Uminom ka naman kahit tubig man lang para magka-laman tiyan mo." Nag-aalalang sinalat ni Isla ang leeg nito. Mainit pa rin ito at labi'y namumutla. Parang di tumalab ang bimpo. "Kaya mo pa bang tumayo? Tatawagan ko si Boyet para ihatid tayo sa hospital." "I just want to... sleep.." Kahit pagsasalita'y napakahirap nitong gawin. -BZZT- Nilingon ni Isla ang direksyon ng pinto nang may nag-buzz. "Hmm?" "You didn't happen to call a doctor, did you Isla?" Iling niya. "H-Hindi. At kung doctor man 'yan, aba'y maganda." Nilapitan niya ang pintuan at binuksan ito. "Sino po---" At literal na natameme si Isla sa nakita. The man, on grey suit, looked quizzically at her. While his companion, wearing a checkered blue shirt and carrying a doctor's bag, smiled at her. "Si Isaiah?" Tanong ng mukhang masungit na lalake sa kaniya. "A-Ah... a-ano..." 'Andito ka na naman sa utal-utal mong dila, Isla!' Sino bang di mauutal 'eh may dalawang gwapo na namang nakatayo sa harapan niya. "...n-nasa loob po." Turo niya sa sala. . . Liam curses when he saw two men entering his pad. "Damn..." Pumikit nalang siya. Isaac slid his hand on his trousers' pocket and stares at his half-brother's state. "What the hell happened to you?" He groan. "Oh f**k off, Isaac..." . . Pinaglilipat ni Isla ang tingin kay Isaiah at sa nakatayong masungit na lalake na tinawag nitong si Isaac. 'Isaac? Isaac??? Iisang Isaac lang ang kilala ko 'ah.' "Hi." Ngiting lumapit sa kaniya ang isa sa bagong dumating. "I'm a doctor and I need a rope." "R-Rope?" Napakurap siya. "P-Pantali ho?" "Yeah. Or maybe a fabric I could use to tie someone's hand." "T-Tie? H-Hands? Anong ibig---" "Noah!" Inis na lumingon sa direksyon nila si Isaac. "The rope!" Kahit masakit sa katawan ay bumangon si Liam. "I'm gonna kill you if you touch me, Noah!" Nagkibit ang doctor. "I'm sorry, Isaiah. I am your doctor and you're sick. So I need to examine you." Nakangiti lumingon uli ito sa kaniya. "The rope." "P-Pero--" Nagdadalawang-isip si Isla na gawin ang sinasabi nito. "Anong gagawin niyo sa tali----" Napatalon siya ng sumigaw si Liam. "AH! f**k YOU, ISAAC!!" Hawak na ni Isaac ang dalawang pulso ni Liam sa likod ng ulo nito. Making Liam immobile. "NOAH, NOW!!" Utos nito. "Anong ginagawa niyo sa kaniya!!" Naguguluhang tingin ni Isla sa tatlo. Noah taps her nose. "Isaiah's afraid of needles." Mabilis nitong nilabas ang in-assemble ang injection na nilabas nito sa bag. 'Kaya pala nagmamatigas si Isaiah na huwag magpapa-check up...' Tiningnan niya ang nagpupumiglas na lalake. 'Kasi may takot siya sa karayom...' "ONCE I'M FREE, I'M GOING TO SMASH YOUR FACE, ISAAC!!" Pulang-pula na sigaw ni Liam. "YOU DON'T EVEN HAVE A STRENGTH TO KILL A FLY, ISAIAH!!" Sagot naman ni Isaac. Tiningnan naman ni Isla ang papalapit kay Liam na si Noah na may dalang injection. "Calm down, Isaiah. We can't locate your veins if you keep on struggling---" "DAMN YOU, TWO!!!!!" Bulyaw ni Liam. . . "TUMIGIL KAYO!!!" Umalingawngaw ang boses ni Isla sa buong bahay. Natahimik lahat. Noah and Isaac turns to Isla. Sa mabigat na hakbang ay pinalo ni Isla ang kamay ni Isaac na nakapulupot sa mga pulso ni Liam at ang kamay ni Noah na may hawak na injection dahilan para mahulog ito sa carpet. "Ano ba kayo!! Di niyo ba nakikita na natatakot si Isaiah?!!" Noah tilts his head sidewards. "I appreciate your concern, Miss but---" "Wag mo akong ma-miss-miss, Sir." Duro ni Isla sa dibdib nito, di alintana ang kaibahan nila sa tangkad. "Ayaw ni Isaiah, kaya wag niyong pilitin!" Amusement crosses Isaac eyes as he stares at the tiny woman bravely faced the Noah Benjamin Miller. Being the young and successful doctor of the family and known to be loved by woman and children because of his charm, it is rare for him to see someone not falling with one of Noah's reputable smile. "Miss.." Pahinahon ni Noah kay Isla. Isaac stopped Noah and challenged her. "Okay, Miss.. tell us how we could get a blood sample from calmly from him if he is afraid of needles." Huminga ng malalim si Isla at lumuhod sa harapan ng sofa kung saan nakaupo ang hinihingal sa init at nakapikit na si Liam. "Isaiah.." Tawag niya rito. Liam opens his eyes a bit to look at her, breath still heavy and hot. "I-Isla..." Maingat na dinapo ni Isla sa magkabilang pisngi ni Liam ang kaniyang mga palad at tumitig sa mga mata nito. "Nakagat ka na ba ng langgam?" Dahan-dahan niyang tanong. He reaches her hand on his left cheek and softly nods. "Parang ganun lang ang pag-tusok ng karayom sa'yo.." Dinikit niya ang noo rito. "Hindi naman masakit... parang kagat lang ng langgam." Isaac nods at Noah who approaches Liam, gently holds his arm and look for a place to stick the needle. Nakita ni Isla na nakaposisyon na ang doctor kaya tinitigan niya ang nakapikit ng si Liam. "Parang.. kagat lang.." Ulit niya ng dahan-dahan. "...ng langgam.." . Liam winces a bit when he felt the needle slowly creeps under his skin. "A little bit more, cous." Paalala ni Noah sa lalake. Then after filling half the syringe with blood, he pulls the injection and covers the tip with cotton. Ngumiti si Isla. "See, Isaiah? Ganun lang.. tapos na." Isaac smirks. When he was Liam's talent manager back then, pahirapan talaga ang pag-o-opsital o pag-pa-pa-check-up man lang rito dahil nga sa takot nito sa karayom. But now.. Nakita niyang pinahiga ng babae si Liam sa sofa at nilagyan uli ng bimpo sa noo. Isaiah, not just trusted her but also believed in her words that everything will be all well.    Nilapag ni Isla ang apple pie at mga platito sa counter habang nakaupo naman sa highchair si Isaac at Noah. "Since when did you start working with Isaiah, Isla?" Isaac sips a coffee from his cup. "Magdadalawang buwan na 'ata." Sagot ni Isla na noo'y hinihiwa ang pie. "You've done well appeasing Isaiah's fear of needles." "Nadadaan naman kasi sa mahinahong usapan lahat." Naglagay siya ng tig-i-isang hiwa sa mga platito nito. May kausap naman sa cellphone si Noah at halatang tungkol ito sa blood samples ni Liam na in-examine nito. Tinitigan niya si Isaac. "Mawalang galang na po, Sir.. ikaw ho ba si Isaac Miller?" Like Liam, she also saw his face on t.v. and magazines. Difference is Liam belongs to entertainment while Isaac belongs to the business. Tumango ito. "Ahhh.. may tanong po sana ako." Umakyat at umupo siya sa highchair kaharap ang dalawa. "Miller Estate kasi ang bumili sa isang lupa doon sa Brgy. Tagpi... umm.. gusto ko lang po malaman bakit niyo po binili ang lupain 'eh nasa squatters area naman po iyon." "Miller Estate is not directly under my supervision. Why don't you personally ask my brother?" 'Brother?' Nilingon niya ang doctor. 'Siya ba?' At para bang nabasa ni Isaac ang iniisip niya nang magsalita ito, "I'm not talking about Noah. Noah is our cousin." "S-Sino po kapatid ninyo?" Isaac c***s his head towards the living room. "The one you just calmed earlier." . . . .... "Si Isaiah?" "Yeah. Isaiah Clark Miller supervises the Miller Real Estate." . . "Si Isaiah??????" Kumurap siya. "Yeah---" "Isa siyang MILLER?!!!!" Hiyaw niya. "P-Pero... teka.. teka.. " Ginulo niya ang buhok. "Pero siya si Liam---" > Call me Isaiah... > I just want someone to call be my true name.. "HUMAYGAD!!!" Napasinghap siya sa naalala. "ANAK NG TETENG!!!! SHUTTAAA!!" 'Anong gulo ba tong pinasok ko!!!! Akala ko fans lang papatay sa akin pag nalaman nila na nagkasakit siya... hahabulin rin pala ako ng buong angkan nito na kilala bilang pinakamayaman sa bansa!!!' "IBIG MONG SABIHIN.. KAPATID MO SI ISAIAH NA IDOLO.. TAPOS IKAW CEO KA NG SMITH&MILLER.. AT SIYA NA ISANG DOCTOR.." Turo niya kay Noah. "PINSANG BUO NIYO.." Nilingon niya ang paligid. "..BAKA MAY ASSASSIN KAYO SA PAMILYA NIYO--" "Don't worry.. we don't kill. We just make our enemies lives misrable." Isaac chuckles. "Maawa kayo.. lumaki na ako sa impyerno kaya wag niyo akong--" "Isaac." Singit ni Noah. "Got the results from the lab." "What does it says?" Pinaglilipat ni Isla ang tingin sa dalawa. . . "Isaiah has a dengue."    Magkaharap si Isla at Noah sa sala habang dini-discuss nito ang oras ng pag-inom ng gamot ni Liam. Nagbigay rin ito ng instructions baka sakaling di pa rin bababa ang lagnat nito. Nakikinig si Isla pero ang mata niya'y nakatitig sa kaharap. Doctor Noah Benjamin Miller ay ang dahilan bakit hindi sinusunod ng mga kababaihan ang "AN APPLE A DAY, KEEPS THE DOCTOR AWAY." kasi "IF THE DOCTOR IS CUTE, DITCH THE FRUIT." kumbaga. Lumalabas ang mga dimples nito kahit di ngumingiti. Dagdag mo pa ang makakapal na kilay na mas nakadagdag pa sa mapupungay nitong mga mata. Nanlumo si Isla. Nakita niya si Liam, lumubog ang paa ni Isla sa lupa. Nakita niya si Ms. Hailey, hanggang tuhod na ang nakalibing. Nung dumating si Avery, nasa kalahati ng katawan na niya. Dinagdagan pa ng masungit pero malakas na dating ni si Isaac at ni Noah... aba'y quota na siya sa pagiging pangit, buong katawan na niya ang lubog sa lupa. Natauhan siya ng tumama sa mukha niya ang throw pillow. Binato pala iyon ni Liam na noo'y nakaupo na sa sofa. "Kung makatitig ka kay Noah.." Ingos nito. "Pakialam mo ba kung saan titig ang mata ko?" Binato niya pabalik ang unan. "Sadyang gwapo 'tong doctor mo." Ikinasira iyon ng mukha ni Liam. "Ang bilis mong maka-compliment sa kaniya pero sa akin, pinipilit pa kita." "MAGPAHINGA KA NGA ULI! Babangon ka lang para bwesitin ako." Liam groans as he sits properly. "Si Isaac?" "Nauna ng umalis." Sagot ni Noah. "You got a dengue, Isaiah. Isla told me here about the tent you were staying for your taping. That is where you might got bitten by a mosquito." "Will Dengue kill me?" Tanong nito. "We determined it early kaya--" Humiga uli si Liam at tumalikod. "Okay then... you can go. Ayaw kong nakikita ng doctor. Nasusuka ako.." Si Noah naman ang kumuha ng unan at direktang binato sa ulo nito. "Sabihin mo takot ka sa karayom!! Isla.." Bumaling ito sa kaniya. "Remind me next time to bring 18G needle." Tumayo ito at niligpit ang mga gamit. [A/N: 18G – One of the biggest/largest needle. This is commonly used on animals with thick skin.] Yumukod si Isla bilang pasasalamat. "Maraming salamat, Doc." "Always." He winks and easily catches the pillow thrown at him by Liam. "Isla?" "Po?" "He needs nutrition." Mala-demonyo itong ngumiti sa inis na si Liam. "Make sure to let him eat.. a lot.. A LOT OF VEGETABLES." "f**k you." At kung gaano ka dilim ang mukha ni Liam, siya namang liwanag ng mukha ni Isla. "Roger that, Doc!"    Di halos masikmura ni Liam ang daming pagkaing gulay na nakahanda sa mesa sa kusina. "What on earth... are those?"  Naglapag ng pang-apat na putahe si Isla sa mesa. "Tsada!! Relyenong okra!"  "I appreciate your dedication, Isla but no.. I'm not touching a leaf on your food." He grabs a glass and fills it with water. Medyo nagagalaw na niya ang katawan niya. He's still warm tho but at least bearable. "Ugh! Ugh!" Ubo niya sabay upo sa high-chair.  "Isaiah, pwede ba? Wag kang maarte? Dapat kumain ka ng gulay para bumalik lakas mo..."  Naglilitanya pa rin si Isla nang niyuko ni Liam ang tumunog na phone. 'There is no way I am going to eat a veggie.' He was about to scroll up the message on the screen when an email from Prima Nova arrived.  Subject: 2018 Prima Nova Sports Fest  Binasa niya ang laman ng email.  "Nakikinig ka ba?" Wagayway ni Isla sa palad niya sa harap ng mukha ni Liam. "Hellooow----"  Pumikit si Liam at hinilot ang sentido. 'Great.. I am a team captain. I'm invalid right now.. paano kami makakapag-practice?' "ISAIAH!" "What?" He lazily looks at her. "Sabi ko, ano bang dapat kong gawin para lang kumain ka ng gulay 'ha?" "Save it, Isla. Rule #1. I don't eat veggie." He looks down and started to compose a message saying he'll reject the team captain position. "Ganito... pag naubos mo 'to lahat... Gagawin ko lahat ang gusto mo kahit ayaw ko. Gusto mo tawagin kitang mahal na hari? O... Pinakagwapong nilalang sa balat ng lupa?" "You're just wasting your time." Attention still on the phone. Natigilan siya nang may sinend na litrato si Hailey sa Viber.   Hailey: "Liam, in case you're interested. Here's the color and number of your jersey." His jersey is Number 0 and it has the combination of red and black. The red seems to be.... familiar.... Nagtatatalak pa rin si Isla nang tiningnan ito ni Liam. . . The red reminds him of her hair. . . Then an idea pops into his mind. "Isla?" "Oh?" "Sabi mo... pag nakain ko lahat ng mga niluto mong gulay, gagawin mo ang sasabihin ko? Sa ayaw't sa gusto mo?"  Proud na nameywang si Isla. "Oo! Basta't makakain ka ng gulay, Isaiah. Handa akong isa-alang-alang ang dignidad ko." Umiiyak ito kuno. "You sure you want to place a dare with me?" Natigilan si Isla. "O-Oo... bakit?" "I'll take your challenge." He grins. "Walang atrasan." Nagdadalawang-isip na tumango ito. "O-Oo ba!Kung... KUNG!! Mauubos mo lahat. "  Liam's smiles grew wider. "Bring it on."  Parang nakaramdam ng takot si Isla. "B-Bakit? Ano ba ipapagawa mo?"  "Next week will be the Prima Nova Sports Fest. I happen to be one of the captain of the basketball team."  "T-Tapos?"  "How about supporting me by being my cheerleader?"  "Aysus! Kahit dalhin ko pa buong Brgy. Tagpi para suportahan ka---"  .  . "With matching cheerleading outfit." "HA---"  Aangal na sana si Isla nang tumayo siya at bumulong rito. "Can't wait to see you in skirt, Islanda."      AFTER ONE DAY Sinara ni Isla ang pintuan ng kwarto niya at humarap sa salamin. Kakatapos lang niyang maligo... "Bubuka ang bulalak---" Nanlaki ang mata niya nang may nakita siya sa repliksyon sa salamin na may nakasabit sa hook sa likod ng pintuan niya. Namutla siyang binalingan ito. "ANNOOOOOOO 'TOOOOO!!!!!" . . A red upper sleeveless cheerleader shirt with I LOVE LIAM print with shiny black, short skirt. Nanginginig na kinuha ni Isla ang damit at tinititigan. "ANO 'TO!!!!!!!! NATATAKPAN PA BA PEKPEK SA IKLI NITO?!!!!" . . Nakangiti namang nakasilip si Liam mula sa kwarto niya at lihim na tumatawa.   [STAGE 11 PREVIEW:] Pinagpapawisan si Liam na nag-di-dribble ng bola habang nagmamando sa mga ka-team-mates kung saan pumuwesto. They need to score 6 points to get ahead of the enemy's leading score. . . Then he heard a loud shout from the crowd. A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD