Stage 9: So Feminine

4758 Words
"Isla! Bilis!" Sigaw ni Boyet mula sa pintuan ng pad. "Heto na! Heto na!" Mabilis na pinusod ni Isla ang buhok, hablot sa isang paper bag na may lamang damit ni Liam at ang itim na pares na running shoes nito. Mag-da-dalawang araw na niyang di nakikita si Liam dahil sa taping ng pelikula kung saan may cameo role ito.  [A/N: Cameo Role – a small role in a movie, play, etc. that is performed by a well-known actor. It is either that the role is important on the flow of the story of the movie or it is used to attract movie goers because an famous actor will be seen on the movie acting.]  Doon na kasi ito natutulog sa set at tumatawag lang sa kanila kung anong kinakailangan nito. "ISLA!" Tawag uli ni Boyet. "TANG*NA! HINTAY NGA!" Sinuot niya ang tsinelas at mabilis na sinara ang pintuan.    Hinihingal na sumakay sa van si Isla katabi si Hailey. "Good m-morning, M-Ms. Hailey.." "Good morning, Isla." Ngiti nito sa kaniya at yuko uli sa hawak na tablet kung saan ina-arrange nito ang schedule ni Liam. Sinapak niya ang ulo ni Boyet na noo'y nagmamaneho. "Sa susunod! Wag mo akong madaliin! Malapit na ako maipit sa elevator!" "Bagal mo kasi kumilos!" Reklamo nito. "Nag-je-jebs nga ako di'ba? Oh! Oh! Amuyin mo daliri ko!" Duldol niya sa daliri sa ilong ng driver. "PUTSA KA, ISLA!!!" Iwas nito. "NAGMAMANEHO AKO!" "Hehehe.. biro lang." Ngisi niya at kinuha ang mga damit ni Liam sa paper bag para tupiin ng maayos. Dahil sa pagmamadali'y basta-basta lang niya itong tinapon sa loob ng bag. "Isla?" Tawag ni Hailey. "Po?" Lingon niya rito. "Turn around." "Ho?" Ngumiti ito at pinatalikod siya. "As a woman, hair is their crowning glory." Hailey pulls Isla's black rubber band which kept her hair in a bun, releasing her red tendrils down. Lihim na namula si Isla at yumuko habang sinusuklay nito ang buhok niya. "O-Opo.." "You should handle it with love. It defines how a woman takes care of herself." May nilagay itong kung anong mabangong ointment sa buhok niya. "Kaya wag mo lang basta-basta itong ipupusod ng hindi sinusuklay." In few strokes of her finger, Hailey made a proper and neat hair bun atop of Isla's head. "There." Nahihiyang nilingon ni Isla ang babae. "S-Salamat po." "Anytime." She smiles, making her eyes slit. Yumuko uli ito at pinagpatuloy ang ginagawa sa tablet. Pasimpleng tiningnan niya ang katabi. Hailey is wearing a white coat and skirt. Her legs are sophisticatedly crossed and her long, nail-polished fingers are tapping the tablet screen softly. Nakalugay ang maitim at mataas nitong parang alon na buhok at tanging lipstick lang ang meron nito sa mukha tulad ni Avery, pero napakaganda pa rin nila tingnan. Lumabi siya at sinandal ang ulo sa bintana. Simula nung nakita niyang masayang yakap-yakap ni Liam si Avery, masyado na niyang iniisip ang panlabas na anyo niya. 'Masaya at kontento naman ako sa hitsura ko noon, di'ba?' Lumabi siya. 'Tama nga siguro ang sinabi nila na pagnapapalibutan ka ng mga magaganda, gusto mo ring maging katulad nila.' Doon kasi sa Brgy. Tagpi, walang pakialamanan. Naglalakad na walang damit pang-itaas ang mga lalake at nakabuyangyang ang mga malalaking tiyan. Ang mga bata, tumatakbo na walang saplot sa katawan. Ang mga babae'y kahit halos kita na ang dibdib sa numipis na mga damit dala ng paulit-ulit na paglalaba'y di alintana ang hitsura. Huminga siya ng malalim. Na-miss niya tuloy ang Brgy. Tagpi. Sila Loloy, Junrey, Empoy.. ang baklitang si Chichi.. si Tay Rene... 'Kamusta na kaya si Aling Gloria at Matilda ano? Sana bumubula na ang bibig nila. JOKE LANG PO, LORD! JOKE LANG PO!' At para siyang baliw na humagikhik. "Nako, Ms. Hailey." Ani ni Boyet na sumilip sa rearview mirror. "Iba po pala mag maayusan si Isla ano?" Sabay tumingin si Isla at Hailey sa harapan. "Nababaliw." Patuloy nito. "Tingnan mo, ngumingiting mag-isa." Kinuha ni Isla ang paper bag at pinaghahambalos sa ulo nito. "MAG! MA! NE! HO! KA! NA!"    Pumasok si Isla sa make-shift tent sa set kung saan pansamantalang ginawang kwarto ni Liam. Napailing nalang siya sa kalat. 'Kahit saan talaga lumugar ang lalakeng iyon, bagyo ng kalat iniiwan niya.' Napansin niyang dalawang kama ang nasa loob. 'At may kasama rin siyang....' Ngumiwi siya. '..makalat rin.' Lumapit siya sa kung saan may mga gamit ni Liam at nagsimulang mag-linis. . . Nasa kalagitnaan siya ng pag-aayos ng maliit na closet na andun nang may pumasok na morenong lalakeng naka-bathrobe. "Oh! Hi there!" Napatingala siya at napanganga. 's**t! Totoo pala si Adonis!' Sinundan niya ito ng tingin na umupo sa kabilang kama at kinuha ang isang t-shirt sa bag nitong ginawang unan. Nicolo smiles at her. "I'm Nico." Showing his perfect set of teeth. "A-Ako nga pa-pala si Isla." 'Isla, anak ng teteng! Umayos ka! Bakit ka ba nauutal?!!' Eh sino ang di mauutal sa gandang lalakeng ito. His perfectly baked skin, ripped muscles and deep-set eyes, plus his proud jaw.. all girls will swoon to his feet. Isali mo pa ang tattoo nito sa balikat. Pero kahit ang gwapo nito, ewan ba't hanggang pag-hanga lang ang nararamdaman ni Isla. "Isla?" Nag-isip ito. "Your name is familiar." Ngumisi si Isla. "Sus! Pa-unang linya ng mga playboy." Iling niya. "Style mo bulok..." "Kinakalawang na 'ata moves ko." Parang nasapo si Nico ng ngumiti at nahihiyang umiling. "You got me there. So you are??" "Ah! Assistant ni Liam." "Assistant ni Liam? Manager you mean?" "Ah hindi, hindi. Si Ms. Hailey ang manager niya." "Hailey?" [A/N: On this timeline, Nico never met Hailey yet. To those who never got the chance to read #10RTLW, never mind this author's note.] "Di mo pa nakikita si Ms. Hailey? Ha! Doon ka magpa-cute. Wag sakin. Baka sa kaniya tumalab linya mo." "I like you." Sabay inom nito sa dalang bottled water. "I like myself too. Heheheheh.." "But I never heard Liam got an assistant----" "Pa-sosyal na term lang yun sa 'yaya'." Kibit-balikat niya. "Ohhhh.." Tango ni Nico. "Well, if you'll work for me, I'll make you a princess." He winks. "HA! Nako, kung ako maging prinsesa, si Mulan ako tiyak." [A/N: A Chinese Disney Princess who disguised herself as a tomboy to join the military against her father's strict disagreement.] "I like Mulan." He pointed his water bottle at her. "She's feisty." "GATHER UP!!!!" Sigaw ng director sa labas hudyat na magsisimula na uli ang taping. "I got to go." He grunts as he stands up. "Nice meeting you, Isla." "Ako rin--- ah! Nico!" [A/N: First name basis agad... close kayo Isla? xD] Lumingon ito. "Oh?" "Gusto mo linisin ko rin higaan mo?" Ngiting alok niya. "You will----" "10,000." Agad nawala ang ngiti ni Nico. "Seryoso?" "Joke. Kay Liam lang ako." Humarap ito sa kaniya. "Ohhhhh... kay Liam ka lang?" Doon lang na-realize ni Isla ang sinabi. "E-Este... A-Ano... ano.. kay Liam lang--" "I get it, I get it. No need to explain." Tusong tango nito. "Kay Liam ka lang..." "NAGTATRABAHO! Kay Liam lang ako nagtatrabaho..." Namumulang dugtong niya. "Nagtatrabaho." Tumalikod ito. "Noted!!"    Dahil sa busy si Liam, nakikimasid lang si Isla sa may di-kalayuan. Nakikita niya itong um-a-acting, pagkatapos noon ay ni-re-retouch uli ang costume nito tapos taping uli.. tapos basa sa script. Nakapalumbaba si Isla na sinusundan ng tingin si Liam. Halatang pagod ito pero ngumingiti pa rin. 'Tch! Ano ba naman 'tong lalakeng ito. Di ba siya marunong humingi ng pabor sa director at magpahinga muna?' "LIAAAAAAAAAAAAAMMMMMMMMMM!!!" "DITTTTTOOOOO!!!!" LIIIIIIAAAAAAAAAAAAAMMMMMMMM!!!" "LIAAAAAMMMMMM!!! MARRY MEEE!!!!"  Parang lumabas sa katawan niya ang kaluluwa niya nang malakas na sumigaw ang mga fans sa barikadang ginawa ng mga staff para di ito makalapit sa set. May dala dala pa ang mga ito na banner, bulaklak at regalo. May ibang nakapayong na parang handang maghintay doon para lang makita ng malapitan ang idolo. "LIAAAAAAAAAAAAAMMMMMM!!!" "NICOOOOOLLLLLOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!" Nakita ni Isla na may lumapit na isang staff sa barikada at pilit pinapahinahon ang mga nag-wa-wild na fans dahil ongoing nga ang pagta-taping. The shout grows louder when Liam turns to their direction and waves a hand. "LIIIIIIIIIIIIIIAAAAAAAAAAAAAMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMMM!!!!!!!" 's**t! Parang sinapian ng pinapatay na baboy ang mga babaeng 'to!' Tinakpan niya ang tainga. "Makaalis na nga. Baka pag-uwi ko sira na pandinig ko." Tumayo siya sa kinauupuang bench at nag-inat ng katawan. "Di naman niya alam na andito ako kaya uuwi muna ako sa pad at magluluto ng panghapunan niya mamaya." Bago siya makatalikod ay tumunog ang phone sa bulsa niya. "Hmm?" Kinuha niya iyon at binasa ang text. Isaiah: "Where are you going?" "Huh?" Binalingan niya ang direksyon nito. "Wrong sent 'ata siya---" Pero napaurong ang dila niya nang makitang nakatingin ito sa kaniya habang inaayos ang damit nito ng mga staff. Nakita niya itong niyuko ang cellphone nito at may tinipa. -DING- Niyuko niya uli ang sa kaniya. Isaiah: "Don't go." Isla saw him staring at her. He smiled weakly but his blue eyes are in pale brilliance. Para bang naghihina ito. Biglang malakas na kumabog ang dibdib niya. 'T-Teka... teka.. parang may mali 'ah... may mali...'  At mabilis niyang tinakbo ang direksyon nito. Malayo-layo ang distansiya nila at maraming mga nakasabal sa daan—camera, mga upuan, mga ilaw at mga tao. Di niya alintana ang ano o sino mang nababangga niya basta't makalapit lang siya kay Liam. . . Few feet away from her, Liam raises his hand to reach out to Isla. Before he passed out, Isla immediately hugs him in time – to everyone's shock --- to stop him from falling to the ground. "I-Isaiah!!" Natahimik lahat. Kahit si Nico na noo'y tumatawa kasama ang isang babaeng staff. Liam, in his tired voice, tighten his hug as if drawing strength from her. "I-Isla..." Ungol nito. Kahit di niya sinasapo ang noo nito'y ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula sa katawan nito. "O-Oy! Inaapoy ka ng lagnat!! Isaiah!" Yugyog niya rito. "Your hair...." He buries his face on her neck. "Your hair... it-it smells... nice..." "A-Anong buhok---" Then he eventually lost consciousness. Giving all his weight on her. "Oh! T-Teka! Teka!! Mabigat ka, oy!!"      Sa makeshift tent, nakaupo sa isang monobloc chair si Isla habang nakamasid sa natutulog na si Liam. Kausap naman ni Nicolo ang doctor. Awang-awa si Isla sa nakikitang kalagayan ni Liam. Kita kasing kulang ito sa tamang kain at tulog. Nilibot niya ang paningin sa tent. Rain or shine kumbaga ang sitwasyon ng mga ito rito sa set. Walang tulugan 'ata ang trip ng mga ito kasi mula nung dumating siya kanina'y di talaga niya nakitang nagpahinga man lang si Liam. Hinawi niya ang bangs na nakatakip sa mga nakapikit na mata nito. Sa paghinga palang nito'y rinig mo na ang paghihirap nito dahil sa lagnat. Biglang umalsa ang inis niya. 'Ganito ba talaga nila itrato si Isaiah?!' Sakto namang pumasok uli si Nicolo. "Isla--" Matulis na tingin na nilingon niya ito. "Sino pwede kong makausap rito, Nico." "What do you mean---" "Baka kailangan nilang sigawan ko sila sa pinagagawa nila ni kay Liam!!!!!" Namumula at hinihingal niyang bulyaw. Nico clears his throat. "Uhmm... Isla... t-this is how we work..." "Seryoso ka?! Nakita mo ba kalagayan ng kaibigan mo?!!" Nilingon ni Nico ang pinagpapawisang tulog na si Liam. "Nangigigil ako, Nicolo! Ipapa-Batang Tagpi ko talga ang director na yan!" "Batang—what?? W-Wait, look here, Isla..." Naghuhumerenatdo pa rin ang loob ni Isla na tiningala ito. "It's just that... the director has no responsibility on what happened to him." "ANO?!" "Makinig ka muna.. okay? Last month, Liam was busy with the fashion show... last-last week may meet-and-greet siya sa Singapore and at the same day, umuwi rin siya ng Pilipinas.. then ngayon, halos magdadalawang linggo kaming nag-te-taping.. If you're going to blame the director here, then you might as well blame all the people who wants to see Liam because that what makes Liam overworked. Burnt out." Kinagat ni Isla ang mga labi. "And maybe.. that's why you came into the picture." "Huh?" Tiningnan niya ito. "Liam needs you. This is the right time he NEEDS someone to tell him he's body can't take everything because it will affect both his mental and physical health. People expect a lot from him. Siya, bilang idolo, ginagawa niya lahat para ma-meet ang mga expectations nila. Isla, I may have met you literally seconds ago, but please.. I trust you to remind him there's a limitation. Instill on his mind that he's a human. Not a robot." Huminga ng malalim si Isla at nilingon ang natutulog na si Liam. 'Bakit, Isaiah?' . . 'Anong meron at pilit mong pinapatunayan sarili mo sa mga tao? Ang sikat mo na... kaya bakit Isaiah?'      "Uhnnn.." Ungol ni Liam nang magising kinahapunan. "W-Where am I?" Pilit niyang inaninag ang paligid ng makeshift tent. Babangon na sana siya nang biglang umikot ang paningin niya kaya pabagsak siyang humiga uli. "Ah f**k!" "Gising ka na pala." Nilingon niya si Hailey na nakaupo sa katabing kama. "Hail.." Hailey, sitting on the bed, with her long legs crossed looked at him apologetically. "Liam, I am so sorry I wasn't here earlier, I was at a lunch meeting with Armani representative regarding your trip next week. I apologize for not..." She clears her throat. "F-For not knowing that your body had enough. I kept on accepting invitations and failed to---" "Hail.. Di mo kasalanan, okay?" He showed a tiny smile. "Kasi if may bagong invitations, pinapadala mo naman sa akin yun di'ba? Ako pa rin nag-a-approve nun kaya ako pa rin sa huli ang nag-de-desisyon." Nakayuko itong tumango. "So don't blame yourself..." Dahan-dahan siyang bumangong paupo sa kama. ".. I'll get back to shape in no time." "Ah! About that---" Tatayo na sana si Liam nang maramdamang may malamig na bakal na nakapulupot sa isang kamay niya. "A-Ano 'to?" May posas sa isang pulso niya at nakakabit iyon sa railings ng kama niya. "What the hell?" Hinila niya ang nakaposas na kamay para tingnan na siguradong naka-lock ito. "What is this?" Gulat na nilingon niya si Hailey. "A handcuff?!!" Ngumiti ng paumanhin ito. "I'm sorry, Liam.." "Who did this to me?!!" Hinila-hila niya ang kamay. "She told me she won't un-cuff you until you rest well." "Who?" "Isla." "HUH?!" "... and she has the key." . . Liam gritted his teeth. "ISSLLLAAA!!!!"      Sumisipol si Isla na pumasok sa pad ni Liam at ikot-ikot sa daliri ang susi ng posas. "Hmm.. ano kaya masarap iluto para sa panghapunan ni Isaiah? Ayaw niya ng gulay so paano ko mapapasustansiya ang luto ko... Hmmm..."      Nakahiga sa kama niya sa makeshift tent si Liam at bagot na nag-so-scroll ng phone gamit ang isang kamay kasi.. bwesit.. ang isa'y nakaposas pa. Pumasok ang noo'y tapos nang mag-taping na si Nico at napatawa nalang sa nakitang hitsura ng kaibigan. "How's the patient?" "Shut up." He kept scrolling. "I really like the attitude of your assistant." Hinubad nito ang sapatos. "Isla?" "Yes." "Nagkita na kayo?" "Kanina. She came here to clean your mess." "You're talking as if I'm the only one making a s**t out of our pigsty." "She's cute." Nabitin sa pag-so-scroll si Liam at nilingon ito. "Sira ba mata mo?" Nico pulls his t-shirt off his upper body. "Nope. She really is cute." "Pfft!" Napailing si Liam. "She's a tomboy, Nico." "Isla is?!" Napa-angat ang tingin ni Nicolo mula sa pagsuot ng diver's wristwatch nito. "No way!!" "She is." Binalik niya ang tingin sa cellphone na tinaas nito malapit sa mukha. "Di kayo talo." Di man sa nagmamayabang, pero nung unang pagkikita ni Nico at Isla, nakita niya sa mukha ni Isla ang karaniwang ekspresyon ng mga babae pag nakita siya.. ang pagkamangha. Why would she have that expression if she is what Liam is claiming to be.. a tomboy? "You've been living in one roof yet you never see the real her?" "Real her? Oh trust me, Nico.. I did. It always end up us having a cat-dog fight." Magsasalita ulit sana si Nicolo nang may nakitang siyang nakatayo sa b****a ng tent. Di siguro nahalata iyon ni Liam dahil nakahiga pa ito sa kama at nakaharang ang hawak na Iphone nito sa mukha. 'Oh s**t!' "Uhh... L-Liam?" "I already see the real Isla, Nicolo." Nagbabasa na ito ng article sa internet. "Tsk.. there's even a fake news that I passed due to a heart failure?? What the...." Nilingon niya uli si Nicolo. "Okay, like I said Isla is--" Pa-simpleng umiling si Nico kay Liam na wag ipagpatuloy ang sasabihin. "L-Liam... stop..." "What? Isla is a 100% tomboy, Nico. Di mo ba masabi sa pananamit pa lang niya? And the way she acts?" "Dude..." Nico facepalm-ed. "Stop." "Wait till you know her more.. mas lalaki pa yung gumalaw sa'tin." "Oh God..." Parang si Nicolo ang natatakot kung masisilayan pa ba ng araw si Liam sa matatalim na matang nakatitig rito. Nahalata ni Liam na parang namumutla at pinagpapawisan ang kaibigan. "Hey..." Binaba niya ang hawak na phone. "You okay---" Napatingin siya sa entrance ng tent. "Isla? Thank God, you're here!" Umupo siya sa kama. "Did you bring me food? Why did you--- UGH!" Napaubo siya nang malakas na binagsak ni Isla ang lunchbox sa.... alaga niyang.. natutulog sa pagitan ng mga hita. "Owww.." Napapikit si Nico sa nakita. Di niya ma-imagine gaano kasakit nun. "Enjoy your food, Sir!!!" Bigay-diin ni Isla sa bawat kataga at nag-martsa palabas. "ISLA!" Piglas ni Liam. "THE HANDCUFFS! LET ME GO!!! Ah s**t!!" Sinapo niya ang pagitan ng pants niya. "Tinopak na naman siguro yun..." "You deserve that." Tanging sabi ni Nicolo. "Huh? What did I do?" Tiningala niya ang kaibigan. "Hina ng connection mo ano? Ano yan? 2G? 3G? 4G o LTE? O baka naman free data lang..." "Ano ba pinagsasabi mo?"      > "What? Isla is a 100% tomboy, Nico. Di mo ba masabi sa pananamit pa lang niya? And the way she acts?" Sa mabibigat at mabilis na hakbang, binabagtas ni Isla ang damuhan papunta sa kung saan nakaparada ang sinakyang taxi. Ewan ba't nakaramdam ng sakit si Isla. Paki niya kung yun ang nakikita ni Liam sa kaniya. Ano naman sa kaniya di'ba? Galit siya. Galit siya sa sarili kung bakit nakaramdam siya ng ganun. Ano bang inaasahan niya? . . Biglang may humawak sa braso niya. Galit niyang binulyawan kung sino man ito. "ANO BA?!!!" . . Gulat nakatitig sa kaniya si Hailey. "You okay?" "M-Ms. H-Hailey.." At humupa ang inis na nararamdaman niya. "S-Sorry.." "I was about to go to Liam's tent when I saw you walking towards..." Nilibot ni Hailey ang paningin sa paligid. "...towards.. nowhere?" Di niya namalayang lumihis pala siya ng daanan. Nasa matataas na damuhan na pala sila. "Hala..." "Anong ginagawa mo rito?" Doon siya parang nakaramdam ng hiya sa pagiging childish niya. "A-Ah.. naghatid lang ako ng pagkain ni Liam." "Luto mo?" "O-Opo.." "So you cook? That's great!" Niyuko nito ang dalang McDonalds na take-out. "Was supposed to feed him this. Kumain ka na ba?" "Di-Di pa po..." "Wanna share dinner with me? Total, may pagkain na si Liam." Taas nito sa supot sabay matamis na ngumiti.      May kagat na manok si Isla habang kasama niyang kumakain si Hailey sa likod ng van. "May manok pa." Nguso ni Hailey sa isang bucket na fried chicken. "Sarap nito 'ah..." Kuha uli ni Isla ng manok at nilantakan ito. "HAHAHA! Marami pa kaya dahan-dahan lang." Unti-unting huminto nang pagkagat si Isla at nilingon ang katabi. Pinagmasdan niya paano humawak ng manok si Hailey, nakataas ang hinliliit nito.. so feminine. Ang panguya nito na dahan-dahan at walang ingay.. so feminine. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. Napaka-unrefined niya kung ikokompara--- 'Ay Islanda! Nag-co-compare ka na naman!' Kagat niya sa labi. "Isla.. don't bite your lips." "Po?" Lingon niya kay Hailey. "Nahalata ko.. pag may malalim kang iniisip.. kinakagat mo labi mo." Nag-iwas siya ng tingin. "May problema ba?" Umihip ng mahina ang hangin dahilan para masamyo ni Isla ang bango nito. Gusto niyang maiyak... kahit ang buhok nito'y mabango.. so feminine. "M-Meron po, Ms. Hailey. K-Kaso di naman masyadong mabigat. Nag-iisip lang siguro ako ng masama." "Babae sa babae, Isla. Kung handa ka na, wag kang magdadalawang-isip na mag-share ng problema mo sakin." 's**t! At ang bait pa... so feminine.' "Opo, Ms. Hailey." "At para di masugatan ang labi mo sa kakakagat mo.." May hinalukay ito sa bag. "I'll give you this." Lahad nito sa kulay orange na maliit na liptint. Kinuha yun ni Isla at tinitigan. "A-Ano 'to?" "Liptint." "Liptint—para sa mga labi? Ay nako! Ms. Hailey..." Lahad niya pabalik. "Di ako marunong gumamit niyan." Kinuha iyon ni Hailey, binuksan at hinawakan ang mukha niya. "Open your lips a bit." Na siyang ginawa naman ni Isla. "Isla.." Pahid nito sa kulay orange na tint sa mga labi niya. "The reason why I'll give you this because every time you bite your lips and tastes the flavour of the tint, you'll remember na sayang ang tint na nilagay mo.. at para pumasok sa isip mo na masama ang kinakagat ang labi. Also, to tell the world that as long as you have a color on your lips, you'll be the proudest version of yourself." She taps a finger on Isla's lips and smiles. "All done." Kinuha ni Hailey ang kamay niya at nilagay doon ang liptint. Lumabi si Isla. "Ms. Hailey.." "Hmm?" "B-Babae po ba tingin niyo sakin?" Nag-aalinlangan niyang tanong. . . "HAHAHAHHA!" Tumawa ito ng malakas sabay pahid sa luhang namumuo sa mata niya. "What kind of question is that?!! Of course, Isla. You are a woman. Own it!" Siko pa nito sa kaniya. "Pero---" "Use that tint and look straight into the mirror.. straight into your eyes. Then tell yourself, 'I am maybe a caterpillar now but soon I will be a colourful butterfly. So I need to be patient.' " Ngumiti si Isla at tumango. "Opo." "Babae ka, tang*na 'to, oo!" Tumatawang uminom si Hailey ng softdrinks. Nagulat si Isla nang nagmura ito. "Hala! Nagmura ka po---" Naputol ang sasabihin niya nang dumighay ito ng malakas sabay tawa ng malakas. "I curse and I burp. So what?" Kibit nito ng balikat. "Babae sa babae, Isla... Nakakapagod maging babae. Tama?" Masayang tumango si Isla. "Tama!" ... so feminine.. hanga niya sa babae.      Kinabukasan, pawisang nilatag ni Isla sa sala ang binilad niya sa rooftop na mga bedsheets. "Aruuuuyy.. sakit sa likod...." Nameywang siya. "Ang bigat pala nito pag nabasa." Naalala niya ang b-ini-bake niyang pie. "HOOOLLLLOOO! Ang apple pie!!" Mabilis niyang tinakbo ang kusina. Sinuot niya ang kitchen mittens at kinuha sa overhead oven ang pie. "Ang bango, bangoo.... ang bango, bangooo ng apple pie.." Kanta niya. Ilalagay na sana niya ang baking pan sa kitchen counter ang niluto ng bahagyang nadikit ang daliri niya doon. "ANAK NG... P*TANG*NA! BWESIT!! F****CCKK!" Malulutong na mura ang nasambit niya habang kinakaway sa ere ang kamay. > "Wait till you know her more.. mas lalaki pa yung gumalaw sa'tin." Natigilan siya at nakaramdam uli ng sakit. Kakagatin na sana niya ang mga labi niya nang may naalala siya... > "Own it!" Siko ni Hailey sa kaniya. Mabilis niyang tinakbo ang kwarto niya at kinuha ang liptint na bigay sa kaniya ni Hailey. > "Also, to tell the world that as long as you have a color on your lips, you'll be the proudest version of yourself." Tiningnan ni Isla ang hawak."Liptint? Anong magagawa nito sa mga labi ko?" Nagkibit nalang siya ng balikat at tumingin sa salamin para ilagay iyon.      Pagod sa pagtatapos ng taping pero masayang umuwi si Liam sa pad niya kinahapunan. "Oh! Home sweet home!!" Humiga siya sofa. Sakto namang lumabas si Isla mula sa kwarto nito. "Hey! Islaaa...aa..." At bumitin ang tinig niya ng di siya nito pinansin at dire-diretso lang pumasok sa kusina. "O..kay?" . . Lumabas ang bagong ligong si Liam sa banyo at nadatnang sinasabit ni Isla ang mga damit niyang naka-hanger sa closet. "Isla, masarap yung niluto mong apple---" Lumabas ito sa kwarto niya. "..pie." . . He saw Isla reading a cookbook in the kitchen. Sinilip niya ang ulo sa pintuan ng kusina. "You're trying a new recipe?" Parang wala itong narinig na kinuha ang isang condensed milk at binasa ang label ng lata. Lumapit siya rito. "Isla---" Nilagpasan lang siya ni Isla na dire-diretsong lumabas sa kusina. '.... 'Uh? Did she just ignored me? Bluntly?'      THE NEXT DAY "Isla!" Masayang bati niya rito na nagdidilig ng halaman sa balcony. No response.      THE NEXT DAY Nagulat si Isla ng pagbukas niya ng pintuan ng kwarto niya ay bumungad sa kaniya ang malapad na ngiti ni Liam. "Good morning---" Nilagpasan uli siya nito. Bumagsak ang balikay ni Liam at sinundan ito ng tingin. 'What's up with her---"      THE NEXT DAY Niyuko ni Isla ang lollipop na lahad ni Liam sa kaniya. Nakatayo na naman ito sa harapan ng kwarto niya ng umagang iyon. Tiningala niya ang mukha nitong nakangiti. "Tch.. magpakamatay ka.. Gigil mo ako." Sabay malakas na sara sa pintuan. . . Nanlaki ang mata ni Liam. 'Did she ignored a sweet?!' Knowing Isla is a sweet-tooth, laking gulat lang talaga niya na tinanggihan nito ang lollipop. 'This is serious...'      Nagmamaneho si Liam habang pilit niyang tinatawagan si Nicolo gamit ang dash monitor ng Ford Ranger. After 5 rings, a pissed off Nicolo answered him. Nicolo: "s**t!! I'm tired, okay?!" "I need your help." He turns the car on the left and speeds up. Nicolo: "Can't it wait later?? Di pa ako tapos sa pagta-taping ng part ko at kakauwi ko lang kaninang 2AM sa bahay ko so please? Call me later---" "Isla's been ignoring me these past few days!" He swiftly avoided the traffic and finds another route. Nicolo: "So???" "Since you're good with girls, a little insight? Please?" Nicolo: "f**k you... girl? Sa iyo na galing mismo na hindi babae si Isla, Liam. Why woo a girl in a 'girly' way if is she's not a 'girl' in the first place?" "Stop with the mind games, Nico."  N icolo: "Saan ka ba ngayon?" "Looking for something to give to her as a peace offering? She's a 100% sweet tooth, Nico, yet she rejected my offered lollipop." Liko niya sa isang kanto. Nicolo: "Ohh... that means you screwed up.. big time, dude." "I get that. Okay?? So tell me what's up with her?" Nicolo: "You're being an insensitive jerk, Liam. Tomboy man o hindi si Isla, babae pa rin siya. At ang babae, napaka-sensitive nila. You're dubbed as the Nation's Idol because of your perfect face.. which I like to punch sometimes... tapos maririnig niya galing sa pinakagwapong nilalang sa mundo na di siya karapat-dapat na sabihang cute dahil sa tomboy siya? Who the f**k wants to hear that? It made her feel like less of an admirable person. Na para pang di siya kaaya-ayang paglaanan ng oras para gustuhan o purihin man lang.." Liam immediately hit the brakes. "She heard that?" Nicolo: "I tried stopping you while we are talking. Pero bagal nga kasi ng connection sa utak mo.." "Thanks, Nico. And stop lying... you are not tired. You're just busy f*****g a girl. I can hear her moan." Sabay pindot sa cancel button sa dash monitor bago pa ito makasagot. Inalala niya ang sinabi nun. > "Sira ba mata mo? Isla? Cute?" > "What? Isla is a 100% tomboy, Nico. Di mo ba masabi sa pananamit pa lang niya? And the way she acts?" > "Wait till you know her more.. mas lalaki pa yung gumalaw sa'tin." Uh-oh. At mabilis niyang minaobra ang sasakyan pa-U-Turn para bumalik sa bachelor's pad.        Inis na inis na tinakpan ni Isla ang tainga niya sa sunod-sunod na katok ni Liam sa pintuan ng kwarto niya. "Arrrghhh! Di ba niya gets na ayaw ko siyang kausapin?!!" Binuksan niya ito ng pinto. "Ano---" "Let's have date." Liam said it between breathes. . . "Huh? Nangti-trip ka ba---" Hindi na siya nakapagsalita nang hinawakan nito ang mukha niya. "O-Oy..." "I'm serious... I-I'm asking you out on a date, Isla."        [STAGE 10 PREVIEW:] "So pag nakain ko lahat ng mga niluto mong gulay, gagawin mo ang sasabihin ko?" Proud na nameywang si Isla. "Oo ba! Kung... KUNG!! Mauubos mo lahat." He grins. "Bring it on." Parang nakaramdam ng takot si Isla. "B-Bakit? Ano ba ipapagawa mo?" "Next week will be the Prima Nova Sports Fest. I happen to be one of the captain of the basketball team." "T-Tapos?" "How about supporting me by being my cheerleader?" "Aysus! Kahit dalhin ko pa buong Brgy. Tagpi para suportahan ka---" . . "With matching cheerleading outfit." . . PATAY. A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD