Stage 8: Insecurity or Jealousy?

4283 Words
Lumabas si Isla sa kwarto at nakitang nakaupo sa isang rocking chair si Liam. "Liam?" Tawag niya rito. "Li---" Naputol siya nang may tumakbong dalawang bata sa harapan niya. "Huh?" Sinundan niya ng tingin ang mga ito na nawala nang pumasok sa kusina. "B-Bakit may mga bata?" "Gising ka na pala, mahal." Nilingon niya si Liam. "Mahal—ha? Anong mahal?" Tumayo ito sa rocking chair na may kargang natutulog na sanggol. Nanlaki ang mga mata niya. "M-May anak ka?!!" " 'Ka'? Anak natin 'to..." "Anong anak---" "MAMA!!" Iyak ng isang batang babae na bagong labas sa banyo. "SI KUYA AYAW AKONG PAGGAMITIN NG SHOWER!" Naguguluhang tiningnan ni Isla ang bata. "Sino ka?" "Mahal." Binalingan niya uli si Liam na ngumiti sa kaniya. "Gutom ka na ba? Bawal magutom ang buntis okay?" "B-Buntis?!" Turo niya sa sarili. "Ako buntis?!" Sabay yuko sa tiyan na malaki. "H-Hindi... HINDI!" Umiiling siya. "H-HINDI.. PAANONG.. HIN---HINDIIIIIIIIIIII!!!!" . . "HINDI!!!" Pinagpapawisang bangon ni Isla sa kama. "HINDI! HINDI!!!" Hinihingal na binaba niya ang kumot na nakatakip sa katawan at dire-diretsong lumabas sa storage room ni Liam na ginawa niyang sariling kwarto. Sa sala, takot niyang nilibot ang paningin sa paligid na parang baliw. "ISAIAH! ISAIAH---" "Anong klaseng topak na naman ang sumanib sa'yo?" Agad niyang nilingon ito. Liam, half-naked and sweaty from doing push-ups, is holding up a fork with a strawberry poked on it. "SABIHIN MO SA'KIN NA HINDI AKO BUNTIS!!!" He eats the strawberry and munches it slowly while looking strangely at her. "What???" "HINDI BA MALAKI ANG TIYAN KO?!!" "You should really need to see a psychologist." Liam pointed the fork on her direction. "May sayad ka." Niyuko ni Isla ang tiyan at kinapa iyon. Walang umbok. Nahulog ang mga balikat niya sabay huminga ng malalim. "P-Panaginip lang pala lahat 'yun... salamat..." Napailing nalang si Liam na kumuha ng kitchen tissue at nagpahid sa mga daliri niya. Lumapit si Isla sa kusina at umupo sa high chair. "Katakot panaginip ko, Isaiah." "Ow?" Nagbukas ng ref. si Liam at kinuha ang isang botelya ng fresh milk. "..Buntis raw ako..." Lumbaba nitong bahagi sa panaginip. Yumupyop pa ito sa marble counter table. "Tapos?" Nagbuhos siya ng gatas sa baso sabay dinala sa bibig. "Tapos may limang anak raw tayo..." "I see." Inom niya sa gatas. "Tapos... tapos...." Tinaas ni Isla ang mga mata at tiningnan ang kumikinang na abs ni Liam dahil sa pawis. "... malaki ang tiyan mong nag-ra-rocking chair." Tumayo mga balahibo niya sa katawan. "Ehhh... katakot talaga." Liam wipes the milk stain on his mouth. "That's what you get from lying." "Anong 'lying'?" Tiningnan niya ito. "Masama bang gustuhin maging masaya ang mama mo?" "Making up a lie to make someone happy is still a lie, Isla." He crosses his arms and leans on the silver refrigerator. "You wanted to give Mom grandchildren yet here you are... afraid of the nightmare of having kids." "Ayssshshhh!!" Ginulo niya ang buhok. "Bakit? Hindi ba't madali lang gumawa ng bata?!" . . Di makapaniwalang tumingin si Liam rito. "Huh?? Anong madali? Saang planeta ka ba galing?" "Huh? Di ba mag-aalaga ka lang ng bata? Pakakainin? Bibihisan?" "You're talking about taking care of a child. WE are talking about making a child." "Eh di gagawa ng bata!!" She even scoffs as if conceiving one is easy. "Do you know how?" Naghahamong tingin ni Liam rito. Bumaba ang tingin niya sa lantad na legs ni Isla at agad binalik sa mukha nito ang mata niya bago may iba't-ibang imahe na naman ang pumasok sa isip niya. "Uhh.. magkatabing matulog?" Napailing nalang si Liam na naglakad palabas ng kusina. He can't tell whether she's innocent as a baby or just simply naïve of the things around her. "Hindi ba, Isaiah?" Pahabol pa nitong tanong. "No, Isla." Kinuha niya ang cellphone sa center table at tiningnan ang schedule niya sa araw na 'yun. "It doesn't end in sleeping together. It involves sex." "s*x?" He lazily looks at her. "A lot of sex." . . Sinapo ni Isla ang mukha. "P*TA--- So ibig mong sabihin.. magsisiping tayo---" Mabilis na tinaas ni Liam ang isang kamay. "Hold that thought! Hanggang diyan lang ang sasabihin mo!" "Oo nga." Tango ni Isla. "Kadiri isipin." Tumalikod si Liam sa kaniya at inatupag ang cellphone nito. "Wala ka bang gagawin ngayong araw na'to?" "Ako?" Nilingon niya ang direksyon ng sala kung nasaan ito pero di na niya narinig ang sumunod na sinabi ni Liam nang napatingin siya sa maputi at makinis nitong balikat... His arms and back muscles even ripples on slightest movement as he rubs a towel on his neck. At kasamang bumaba ang mga mata niya sa mga butil ng pawis na naglakbay mula sa likod pababa sa garter ng jogging pants nito. . . Liam definitely has the cutest, tight butt. Parang hugis--- "Strawberry..." Wala sa sariling sambit niya. "Huh?" Nilingon siya nito. Mabilis siyang tumingin sa kisame at nagkamot ng pisngi. "Wa-wala... S-Sabi ko hilig ka pala sa strawberry." Tingin niya sa dalawang strawberry sa platito. "M-May sinabi ka?" "Sabi ko gusto mo bang sumama sa akin sa photoshoot ko." At kung may buntot lang si Isla ng tulad sa aso, tumaas na iyon at yumagayway na sa tuwa. "S-Sa photoshoot mo?!! Sa trabaho mo?!" "Yeah. I hired you as a caretaker and an assistant. Since mabilis mo namang nalinis ang pad ko, it's time for you to be my assistant." Tumayo siya at nag-salute na parang sundalo. "Roger that, Sir!" "Aalis tayo ng 11:00AM. May kakausapin lang ako sandali." Lumabas ito sa balcony at may tinawagan. "Yiiiiiiiihhhhh!!!" Masayang takbo ni Isla papuntang kwarto. "At akala ko dito lang ako!! Ah teka, magluluto muna ako ng tanghalian niya." Bumalik siya sa kusina at mabilis na nagluto.    While waiting for someone to pick up his call on the other side of the phone, Liam looks at the cars stuck on the traffic at the highway as if they are insects—beeping and bumping in order to get out from the sticky situation. At dahil nasa 6th floor ang pad niya, kitang-kita niya ang buong siyudad. He taps his fingers on the steel railings, patiently waiting. Avery: "Hi Liam..." Matamlay nitong sagot sa tawag niya. Napaayos ng tayo si Liam. "Hey, Ava." Avery: "You called?" "Yeah, I'm just checking up on you. Kamusta?" At kahit di man nito sagutin ang tanong niya, ramdam niya ang lungkot sa boses nito. Mula kasi nung naghiwalay ito at ang nobyo nitong si Isaac, naging malungkutin ito at palaging nagkukulong sa bahay. As her best-friend, Liam felt responsible on making her happy especially these trying times of her lovelife. Avery: "H-Heto.. naghahanda para sa photoshoot natin mamaya." "You sure you can make it? I mean... if you don't feel like it, pwede naman unahin muna namin ang solo shots ko---" Avery: "I'm fine, Liam." He heard her laugh faintly. "I need to divert my mind as well." "I-If you say so. Well then, see you later?" Avery: "See you later." Tumango si Liam. Ibaba na sana niya ang phone... "Ah, Ava!" Avery: "Yes?" 'I love you. Please smile.' "I uhhh... uhhmmm... Please take care." And somehow, Liam feels relief when he senses that Avery smiled on the other end of the line. Avery: "Oo na po... Salamat, Liam." "Anytime, sweet." -BEEP- Liam taps his phone on his lips and smiles. He immediately clears his throat and enters the pad again. . . "Isla!" Tawag niya sa babae. "Isla! Let's go!" "3 minutes!" Sigaw nito. Naglakad siya sa direksyon ng kwarto nito kung saan nagmula ang boses. "10:30AM ang call ko." Binuksan niya ang pinto. "We need to leave early or we'll be stuck on the traf...fic---" Then his voice trails off when he caught her doing something. Naramdaman siguro ni Isla ang presensiya niya kaya mabilis nitong hinablot ang hinubad na t-shirt para takpan ang sarili. "PUCHA!! Anong ginagawa mo rito?!!" Namumula nitong hiyaw. "Sabi ko nga 3 mins. di'ba?!" "Take away your shirt." Utos ni Liam. "HA?!" "Shirt. Away." Ulit niya. "NABABALIW KA NA BA---" "Take it off!" He strongly repeats. "AYOKO!" Dinalawang hakbang lang ni Liam ang pagitan nila at hinablot ang nakatakip na t-shirt sa dibdib ni Isla. At lumantad sa kaniya ang tube-binder na nadatnan niyang pinulupot ni Isla sa dibdib nito at ginawang bra. [A/N: Tube-Binder – Or some call it breast bandage. A wide garter also used for first-aid or those who have broken bones.] Stunned, Liam looked at her. Sa mabibigat na hinga, kinagat ni Isla ang labi at nag-iwas ng tingin sabay yakap sa sarili. "Why are you wearing a bandage as a bra?" "P-Paki mo.." She pouts. "How long have you been doing this?" Di ito sumagot. "Isla.. do you know that compressing your chest – especially women's breast is harmful?" Tumango ito ng marahan. Hinigpitan pa nito ang pagyakap sa sarili para takpan ang katawan. "Then why are you doing this?" "K-Kasi wala akong pambili ng bra, okay?!" Halong hiya at inis na tiningala ni Isla ang kaharap. "A-Akala ko kasi di na ito lalaki..t-tsaka..." Yumuko ito. "... sa t-trabaho ko... dapat akong makagalaw ng mabilisan... kaya di na ako bumili ng bra." Liam forgot. He forgot that Isla grew up literally alone that no one told her what to do especially on female stuffs—sensitive things that only women knew. Wala man siyang babaeng kapatid, alam niyang nakakasama ang ginawa nitong pag-be-benda sa dibdib. [A/N: If you are a fan of watching fashion shows, have you observed that models' breast and n*****s are nearly visible on their clothes even though they can simply wear a bandage? It's because fashion designers advice models not to wear one because of its harmful effect on the chest like trouble in breathing, broken ribs and suffocation] He saw Isla buries her fingers deep on her arms due to embarrassment. "Things have changed, Isla." Habang nakayuko ito, tinaas nito ang tingin sa kaniya. "You're now working for me. You're not required to lift heavy things... or shout until your throat runs dry... or beg someone for food..." "Pero---" He sighs and looks up. "Sana nilagay ko sa contract na pag hindi ka nag-bra, tanggal ka rin sa trabaho." "Wag kang magbiro--" Liam stares at her intently. "If your health is concerned, then I'm not joking." "O-Oo na. B-Bibili na ako---" "Take that bandage off." He looks at her wristwatch. "We still got time." "Huh? P-Para saan?" "Don't wear anything under your shirt." "MAY SIRA KA BA?!!!" Namula uli si Isla. "AT AKALA MO SIGURO MAGAAN DALHIN 'TO---" "You're breaking my Rule #2." At tumalikod na ito palabas ng kwarto. > "Condition 2: Party B should always be with Party A wherever he goes and follows his instructions...." Sinapak ni Isla ang noo. "Ah! Blackmail tawag nito 'eh!!"    After driving for few minutes, away from the bustling traffic in the city, they stopped infront of a clothing shop. "I-Isaiah naman 'eh." Angal ni Isla habang hila-hila siya ni Liam papasok sa mamahaling tindahan. Sumalubong naman sa kanila ang dalawang babaeng saleslady. "Hi, Sir Liam. How can we help you today?" Tanong ng isa. Halos madapa si Isla nang hinila siya ni Liam papunta sa harapan ng mga saleslady. "I need you to find a proper and fit undergarments for this lady." Inis na nilingon niya ito sa likuran niya. "Kaya kung mag-isa---" Di siya nito pinakinggan. "Don't let her decide. She might choose a sports bra or worse.... a baby bra." Nag-dirty finger si Isla rito. Ngumiti si Liam at tumalikod. "Enjoy shopping!" At lumabas sa tindahan. Doon na nakaramdam ng pagkabahala si Isla. "H-Hoy!! Sa-Saan ka pupunta!? Oy! Wag mo akong iwan rito!!" Hinila siya nang isa pang saleslady. "Good morning, Ma'am. Please follow us to the dressing room." "T-Teka.. saan niyo ako dadalhin???!!" Piglas niya pero mahigpit nakahawak ang dalawang babae sa mga bisig niya. "ISAIAAAAHHHHHHHHH!!! ISAIAAHHHH!! PAPATAYIN TALAGA KITA!!!" Tanging sigaw nalang niya.    Lumabas si Isla matapos ang dalawang oras na may bitbit na dalawang kulay pink na paper bag. Pasimple niyang pinakiramdaman ang sarili. Para ngang umaliwalas ang katawan niya. At kahit nasa sidewalk siya kung saan may manginlan-ngilang mga taong dumadaan, hinila niya ang kwelyo ng kaniyang t-shirt at sinilip ang dibdib kung saan nakasuot na siya ng kulay itim na bra. "Woah!" May dumaan na mag-ina na kung saan ang bata ay napatingala sa ginawa niya. 'Lumuwag nga ang hinihinga ko.' Sinapo niya ang dibdib. Napatalon siya nang may bumisina sa may di-kalayuan. Nilabas ni Boyet ang ulo nito sa sasakyan at kumaway.    "Si Isaiah?" Tanong ni Isla sa katabing driver ni Liam. "Isaiah?" Nagtatanong ang mga mata nito na nilingon siya. "Ah--- si L-Liam. Si Liam." "Andun na sa set ng photoshoot niya. Tinawagan niya ako kanina para sunduin ka raw." "Ahhhh.." Tango niya at tumingin sa labas ng bintana. Namangha siya sa nakitang mga naglalakihang at nagtataasang mga buildings. Malayo sa kinagisnan niyang squatters area sa gilid ng riles ng tren. Parang bata niyang nilapat ang mga dalawang kamay sa salamin ng bintana. Her eyes, like the glass she's touching, is shining because of awe to the vast place she saw. The world is big. She knew that. But never in her life had she imagined she'll get to see this. Then her eyes caught the large billboard in the highway. Liam laying on the bed and endorsing a brand of expensive perfume. Everything around Liam is expensive—and it doesn't end on perfume. His pad, his shoes, his phone, his lifestyle... yet... Isla smiles. ... yet the man the world idolizes was just a boy. A boy of whose childhood was stolen from him.    DAYS AGO | LIAM'S PAD Nakangangang natutulog si Liam sa sofa na may bowl ng popcorn sa tiyan nito. There's a movie playing on the large television set. Sakto namang dumating si Isla mula sa pag-go-grocery niya ng mga pansahog sa lulutuing Bicol Express. She hisses and grabs the remote to turn-off the t.v. "Kuu! Kesyo mayaman nagwawaldas na ng kuryente. Tsk!" At lalakad na sana siya nang makita ang nakangangang bibig ni Liam. . . "AH s**t! s**t! s**t! FUUUUUUUUCKK! WATERRRRRRR!!" Kinagat ni Isla ang bibig para wag tumawa habang naglilinis ng stove nang marinig niya ang sigaw nito mula sa sala. "ISLA!!!" "Oh---" Di na siya nakailag nang lumapit ito, blocking all the exits she can escape to. "NILAGYAN MO NG SILI ANG BIBIG KO NO!" Sumipol si Isla at tumingin sa labas ng bintana. "Sabi ko na nga ba 'eh.. may kakaiba rito sa pad mo. Magpa-bendisyon nga tayo sa isang pari, may multo--- Whooops!" Mabilis niya naakyat ang kitchen counter para umiwas sa hablot nito. Kinuha ni Liam ang may bowl na may harina at tinapon rito. "WALANG KA TALAGANG TRIP SA BUHAY KUNDI ANG MAGTRIP NG IBANG TAO!!" "EH SA TRIP KO ANG MANG-TRIP NG IBA!!—AHH!!" Tatakbo na sana siya nang madulas siya sa harina at malakas nauntog ang pwet sa sahig. "ANAK NG---" "Ha! Bilis ng karma 'no?" Pang-iinis ni Liam na tingin sa kaniya. Isla scoops a handful of wasted flour on the floor and throws it to his face. And they spent the whole afternoon covering the whole place with flour.    PRESENT Napayuko si Isla nang nag-vibrate ang phone niya. May message siya galing kay Liam. Liam: "You done? Did you prepare me lunch? I'm hungry." Pa-sikreto siyang ngumiti. At sa unang pagkakataon ng buhay niya, may nangangailangan sa kaniya. Ang sarap pala sa pakiramdam. Nilingon niya si Boyet. "Boyet... balik muna tayo sa pad ni Liam. Naiwan ko kasi ang niluto kong pananghalian niya."    Nakaupo si Liam sa director's chair sa ilalim ng isang puno habang nakatingin sa mga staff na inaayos ang magarang hardin para sa ikalawang round ng photoshoot. He yawns and touches his stomach. 'Gutom na'ko...' Sinilip niya ang orasan sa Iphone. 'She's late.' Bagot niyang binalik ang paningin sa harapan. . . Matapos pinarada ni Boyet ang van sa entrance ng isang eskwelahan, tinuro nito kay Isla ang direksyon ng hardin. "Pumasok ka sa canteen, tapos may pintuan doon papuntang garden sa likod ng gymnasium." "Okay." Tango niya at lumabas sa kotse bitbit ang isang putting lunchbox. "Ah.. heto." Nilahad nito ang isang I.D. "Suotin mo 'yan. Baka akalain ng mga guard na paparazzi ka o isang fan. Di ka pa papasukin." Sinuot niya iyon at kumindat kay Boyet. "Salamat' ah." At tumakbo na siya papasok. . . Naubos na ni Liam ang tubig sa hawak na bottled water. Sinilip niya uli ang orasan sa phone. "Tsk.. Where is she?" "Liam." Tawag ng make-up artist sa kaniya. "Oh?" "May bisita ka." Huminga ng malalim si Liam. "Just about time. I'm so hungry." Tumayo siya mula sa kinauupuan. "Isla---" "Surprise!" Patalon na lumabas si Avery sa likod ng tent. Di agad nakahuma si Liam nang makita niya ang kababata. She looks so pretty in a sky blue sunny dress and on her neck is a black choker making her look like a teenager. The last time he saw her was three weeks ago. "A-Ava..." "Miss me?" She smiles. "Huh? Ah! Y-Yeah!" Alanganin niyang tango. Salubong ang kilay ni Avery na tiningnan niya ito. "Are you expecting someone?" "Uh no! No! You just caught me o-off guard..." Avery then opens her arms wide. "Give me a hug. I missed you!!!" And just like that, Liam's heart swells with love. Tinakbo niya ang distansya nila at mahigpit na niyakap ito. "God!!! I miss you!!" And buries his face on her shoulder. "Halata nga!!" Sumagot naman ng yakap si Ava rito. . . Tiningnan muna ni Isla ang repliksyon niya sa salamin ng canteen. Inayos niya ang pagkapusod ng buhok niya tsaka sinuot ang puting sombrero. Paglabas niya sa backdoor, kitang-kita agad niya ang maraming tao sa likod ng gymnasium. Pawang naka-headset, o di kaya'y may dalang mga papel o may camera ang mga ito. 'Ahhh.. ganito pala ang hitsura ng isang photoshoot...' Nilapitan niya ang isang staff na naninigarilyo kung saan si Liam. Nagdududa pa itong tumingin sa kaniya kaya tinaas niya ang I.D. Doon palang ito tumango at nagbigay ng direksyon kung saan niya mahahanap ang lalake. Pagliko niya, naharangan siya nang iilang mga babae. "OMG! Si Avery yan no!" "s**t ang ganda talaga niya!" "Bagay sila ni Liam ano!" "Aweeeee~ tingnang niyo silang dalawa." Kumabog ang dibdib ni Isla. Gandang-ganda kasi siya rito nung nakita niya ang malaking poster nito sa mall. [A/N: Stage 7 scene.] Dahil hindi siya katangkaran, tumatalon-talon si Isla para silipin ang pinagkakaguluhan. Excited siyang makita ang babae. Sa pagtalon, sakto namang nahawi ang tao sa harapan niya. Dahan-dahang nawala ang ngiti niya sa mga labi. Nakita niyang masayang-masaya tinakbo ni Liam si Avery at mahigpit na niyakap. He even lifted her off the ground and spin her around. Tumatawa namang tumili si Avery. . . 'Ay? Bakit ang sakit?' Dinaklot niya ang dibdib. Tiningnan niya ang mga nakapaligid na tao na panay ang kuha ng litrato sa dalawa. "Ka-inggit, beshy!" Maktol ng isa. "Di yan scripted 'ah pero parang nag-ta-taping lang sila sa ganda nilang tingnan." "Sakit sa mata, besh! Parang tinusok ng pako ang mata ko!!!" Nilingon niya uli ang dalawa na noo'y tumatawa na. Avery playfully pokes Liam side. Liam answered by pressing both her cheeks with his hand. . . Then she realizes... She's not the only one who can bring out the kid on Liam. Unlike her, Avery did it without pissing him off. Napalunok siya at niyuko ang dalang lunchbox.  Kinalabit niya ang isang babae. "M-Miss, Miss..." Taray nitong nilingon siya. "Ano?" "Pabigay nitong lunchbox kay Isai—Liam." Lahad niya rito. "Huh? Kay LIAM? As in KAY LIAM?" Gulat nitong titig sa kaniya na pina-head-to-toe. 'Paulit-ulit lang???' Tumango siya. "May iba pa bang Liam rito?" "Obviously wala na. At obviously sino ka ba para kainin ni Liam ang niluto mo?" Tumaas ang isang pekeng kilay nito. 'Kalma, Isla... Kumalma ka...' Hinahon niya sa sarili. Dala ng disappointment, wala sa mood si Isla makipag-barahan. "Ibigay mo nalang to sa kaniya. Sabihin mo galing kay Islanda." "Islanda? What kind of name is that?! ISLANDA?!" 'Trip nitong ulit-ulitin ang sasabihin ano?' "Miss..." Buong pagtitimpi niyang singit. "Kilala ako ni Liam, kaya kung okay lang na ihatid---" "Wow ang swerte---" "ABA KUNG NAGDUDUDA KANG MAY LASON YAN! EH DI TIKMAN MO!" Halos binato niya ang lunchbox rito. "SWERTE KA KUNG DI KA MAMAMATAY!" Sa mabibigat na hakbang ay nagmartsa siya papalyo sa lugar.    Tumatawa si Liam na noo'y nakatingin kay Avery na nakaupo sa upuan at inaayusan para rin sa photoshoot. Kasama niya ito sa set pero inakala niyang di ito makakadalo dala ng dinaramdam sa paghihiwalay nito at sa kapatid niyang si Isaac. "You look like a stick!" Umirap si Avery. "Hmp! Kung di lang ako mini-make-up-an ngayon, kanina pa kita sinuntok." "Seriously.. kumakain ka pa ba?" Hinawakan niya ang braso nito nang umungol ang tiyan niya sa gutom. He clears his throat and looks away. Tiningala siya ni Ava. "Seryoso..." Ngumiti ito. "... kumakain ka pa ba?" Balik na tanong nito sa kaniya. "Sir Liam?" Sabay sila napalingon sa b****a ng makeshift tent kung saan may pumasok na isang babaeng staff. "Yeah?" "May kilala po ba kayong Islanda?" "Isla? Yeah.. yeah. Where is she?" "Umalis na po. May pinabibigay na lunch box." Lahad ng staff sa kahong plastic. "Umalis? Why?" Habang nagtatanong si Liam. Lihim namang nagmamasid si Avery sa tono at galaw ng kaibigan.'Hmmm...' -DING- Di namalayan nito namalayan na may dumating na message sa phone nito kaya kinuha ni Avery ang phone sa mesa at ilalapit sana sa lalake nang mahagilap niya ang wallpaper. Isang babaeng may hawak na dalawang donut sa may mata. 'Oho!' Ngumiti si Ava. 'This is new...'    Nakasimangot si Isla na nakasandal sa labas ng nakaparadang van na minamaneho ni Boyet at hinihintay ito kung saan man ito umalis. Naka-park ang saskyan sa parking lot kaya napagitnaan ito ng ilang mga kotse. Okay na rin sa kaniya na kahit papaano'y matakpan siya sa kinatatayuan niya baka may masabi na naman ang mga mata-pobreng staff sa set kung makita siyang naghihintay sa van ni Liam. Yumuko siya at sinipa ang mga maliliit na bato sa lupa gamit ang tsinelas na suot. Napahinto siya. Naalala niya ang damit na suot ni Avery kanina. Napaka-feminine nitong tingnan. Yung hindi pilit. Tiningnan niya ang repliksyon sa tinted na bintana ng katabing kotse. Magulo ang tingnan ang ulo niya dahil sa kumawalang buhok sa puting sombrero niya. At para siyang batang pilit na maging matanda sa laki ng t-shirt niya. Pinaresan pa niya ng short at tsinelas. Tsaka.. walang nga siyang maayos na damit panloob. . . Di naman sa kinokompara niya ang sarili sa babae. Eh halata namang lamang na lamang ito. Ang di lang niya mapagtanto ay kung bakit nakaramdam siya ng... . . Selos? . . Selos saan? Himutok niya. Di niya gusto ang nararamdaman. Lumaki siyang salat sa buhay... at halos araw-araw siyang kinukutya ni Matilda sa mga bagong damit, kotse at nobyo nito pero ni isang pagkakataon, di siya naiingit. Ngayon lang? Ano kasi ang pinagseselosan niya? . . > Liam smiled genuinely as he met Avery's open arms for a hug. "Ay nababaliw ka na, Islanda!!" Pinilig niya ang ulo ng malakas. "Lumayas ka sa utak ko!! Aysh! Aysh!! ALIS---" At sa pagtalikod niya'y di niya nalamayang van na pala ang sa likod kaya malakas na bumangga ang noo niya sa bintana. "Araaaaayyy... saaakiiittt..." Napaupo siya at sinapo ang noo. 'Saan masakit, Isla?' Tanong ng utak niya. 'Ulo mo o puso mo?' "AHHHHHHHHHHHH!!!" Malakas na sigaw niya na nagpatalon sa kakarating lang na si Boyet na may kagat na siopao.    Pagod na pagod si Isla na pumasok sa pad ni Liam kinagabihan. Di niya alam kung bakit nakaramdam siya ng hapo 'eh wala naman siyang ginawang buong maghapon kundi sumasama lang kay Boyet sa paghahatid kay Ms. Hailey sa mga meetings nito kaugnay kay Liam.  Sumandal siya sa bagong sarang pinto at nilingon ang dalawang paper bag ng bagong biling mga underwears sa may sofa.    Mag-a-alas onse ng gabi na nang umuwi si Liam sa pad. "Isla?" He was welcomed by a dark room. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at d-in-ial ang numero nito. He's been calling her earlier yet all he heard are endless rings. "Where is---" ♪ You can call me artist (artist) You can call me idol (idol) ♪ He heard the ringtone of her phone. Nilingon niya ang paligid. 'Andito siya?' Dahil madilim ang loob ng pad, sinundan niya ang direksyon ng ilaw ng cellphone nito sa may sala. Her phone is still ringing when he walks near the sofa. Liam flicks the lampshade on. Nakita niya ito itong mahimbing na natutulog sa sofa at yakap-yakap ang paper bag ng mga pinamili nito kanina. As if her life depends on it. He smiles as he cancels the call on his phone, making Isla's phone lit up. Nilingon niya ito sa center table. . . But before the phone light dims, he saw his face on the wallpaper. No. It's not literally his face. But it's a photo of Isla making a peace sign and having a selfie with his newly release poster of the wristwatch he is endorsing. [A/N: Stage 7 shopping mall scene where Isla saw a huge poster of Liam] [STAGE 9 PREVIEW:] "Isla---" Nilagpasan lang siya ni Isla na dire-diretsong lumabas sa kusina. .... 'Uh? Did she just ignored me?' Nillingon niya ito. [STAGE 9 PREVIEW pt. 2:] Tiningnan ni Isla ang hawak na liptint na bigay ni Hailey. "Liptint? Anong magagawa nito sa mga labi ko?" Nagkibit nalang siya ng balikat at tumingin sa salamin para ilagay iyon. A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD