Sumisipol si Isla na nakalinya sa cashier booth ng isang supermarket at tulak-tulak ang isang push-cart na may lamang gamit na panlinis. Napahagikgik siya nang maalala niya ang mukha ni Isaiah kanina.
AN HOUR AGO
"Ah! Bibili pala ako ng mop!"
Liam, sitting on the sofa and reading a script, turns to her. "Mop? Floor mop?"
"Oo. Kailangan ko rin ng floor bleach, mga basahan..." Silip niya sa banyo. "Mga brush rin."
He waves a blue card to her while reading the script again for his upcoming cameo role in a drama. "Here."
"Credit card na naman?"
"I don't have cash on me, Isla."
"Tch!" Hablot ni Isla sa card. "Anong meron sa card na'to at pinagduldulan mo talagang ipagamit 'to sa'kin ha?"
"Well, for first timers like you, it's cashless. So safe siya kasi kahit ma-hold-up ka, wala silang makukuhang pera sa'yo. Also, it's hassle-free. Di mo na kailangan manghalukay ng pitaka kung may barya ka pa para maging buo sukli mo." Sagot nito habang may sinusulat sa script gamit ang lapis.
Tiningala ni Isla ang gawa sa kahoy na wall-clock. Magta-tatlong oras na itong nakasubsob sa script.
"Kaya ba nito bilhin ang kung ano-ano?" Tanong niya sabay kuha sa nilahad nitong card.
"From waste rags to diamonds, yes, Isla." Sumandal ito sa sandalan ng sofa at kinagat ang lapis. "Hmm.. there's something wrong in this scene.."
Biglang siyang may naisip na kalokohan. Kinuha niya ng pa-simple ang throw pillow sa sofa. "Kaya ba nito bilhin ang oras mo?"
Liam stops writing and turns to her. "Huh---" At biglang napapikit ito nang malakas niyang sinampal sa mukha nito ang unan. "WHAT THE ACTUAL s**t!!"
"HAHAHAHA!" Tumalikod si Isla at pinagpapalo ang pwet. "RELAX KA MUNA. 'TOL!!"
"GET THE f**k OUT OF HERE!" Pulang-pula ang mukha nito sa galit at pagkabigla.
"Talo-pikon... talo-pikon..." Kumekembot pa si Isla. Sadyang iniinis talaga niya ito.
Kinuha ni Liam ang tsinelas. "LUMABAS KA SABI!" Bago pa nito mabato ang tsinelas ay tumatawang tumakbo na si Isla palabas.
'What in the world has got into her head this time?' Magkasalubong ang kilay ni Liam sa inis at hinihimas ang masakit niyang ilong habang kumuha ng pitsel sa loob ng ref. "I think I should contact a mental hospital. May on-the-loose na baliw." He pours water on a tall glass. Before his lips touch the rim of the glass, his eyes landed on the wall-clock. 'Huh? It's 11:00AM?' Binaba niya ang baso sa counter. Di talaga niya namamalayan ang oras pag may ginagawa siya.
He massages the back of his neck.
> "HAHAHAHA!" Tumalikod si Isla at pinagpapalo ang pwet. "RELAX KA MUNA. 'TOL!!"
Liam caught himself smiling remembering Isla's gesture. Pero agad rin niyang pinawi ang ngiti sa labi niya. 'You should be angry with her, Isaiah.'
.
.
He resumes drinking the cold water on the glass. After he emptied the glass... a bright idea pops into his head. A cunning smile forms on his lips.
'No one messes a Liam Alejo-Torres.'
"That's Php 2,101.00, Miss." Imporma ng cashier sa kaniya.
Nilahad ni Isla ang card. Nakita niyang ini-swipe nito ang credit card sa isang makina tapos may pinindot ito na kung ano-ano. Ilang sandali lang ay binalik nito ang card sa kaniya. "Ohhh..." Kuha naman niya rito. "Ang bilis nga..." Tumango siya ng pasasalamat sa bagger nang nilahad nito ang supot ng kaniyang pinamili.
.
.
While walking, Isla's still staring at the blue card on her hand.
"Galing nito 'ah. Akala ko pera lang ang nakakabili ng mga gamit, pwede rin pala ang isang card 'no? Maraming inipong sim-card si Junrey, baka pwede yun gawing pambayad." [A/N: HAHAHA! Please forgive Isla's ignorance. Ang ibig niyang sabihing sim-card ay yung empty card kung saan naka-attach ang mismong simcard.]
Sumampa siya sa escalator pababa sa first floor. Napalingon siya sa paakyat namang dalawang babae na halatang kinikilig.
"Nakapag-selfie ako sa bagong poster ni Liam!" Tili ng isa.
"Patingin!" Hablot naman ng kasama sa phone nito.
'Liam? Si Isaiah ba ibig sabihin nila?' Bumaba siya sa escalator.
Lalakad na sana siya papuntang exit nang nahalata niyang excited o di kaya'y kinikilig na dumadaan sa harapan niya ang mga babae: bata, matanda o bakla man. "H-Huh? Ano meron?"
Sinundan niya ang mga ito ng tingin at halos mapalula siya nang makita niya ang tatlong naglalakihang bagong tayong poster sa gitna ng mall. "WWWOOOOWW...." Tanging sambit niya.
Di niya namalayang dinala na pala siya ng mga paa niya papalapit rito. "Ang gandaaaa...."
The poster on the right features a very beautiful woman wearing a sexy little black dress. She was laughing while touching her shoulder emphasizing a gold wristwatch.
But what caught Isla's attention was the familiar cocky, sideway grin of Isaiah on the left poster. He was wearing a black suit&tie, seductively touching his neck and obviously endorsing a silver black wristwatch. His blue eyes staring directly at the camera --- directly at the eyes of the bystanders aweing his gorgeous photo.
Tiningnan ni Isla ang mga nagkakandarapang fans na di mapakaling nag-pose o nag-selfie kasama ang mga barkada sa harap ng poster ni Liam. Nilingon niya ang buong paligid. His face is everywhere—in the shops' doors, on posters, magazine covers and even on the commercial ads played on the t.v. inside a*****e.
Oo nga pala...
Doon lang parang nag-sink in lahat sa kaniya. Tiningala niya ang higanteng poster ni Liam.
.
.
She's working for the Nation's Idol.
Di man siya die-hard fan ni Liam, pero alam niyang napakasikat nito. Napaka-gwapo naman kasi niya—walang halong biro. Lalo na pagtumatawa ito. Para kasing kumikinang ang mga bughaw nitong mga mata. Idagdag mo pa ang ngiti nitong pang-Colgate.
Napalunok si Isla. Ang laki pala ng responsibilidad na naka-atang sa balikat niya... parang dapat alagaan niya ng mabuti ang idolo ng bayan. Kundi...
Tumingin siya sa dumaraming fans ni Liam na nagpapakuha ng litrato sa harap ng poster.
Kundi... susugurin talaga siya ng mga ito pag may nangyari sa idol nila.
Pero ewan ba niya't sa halip na mangamba ay excited pa siyang magtrabaho para rito. Oo at h-in-ire siya nito ngunit sa dalawang linggo na niyang pagtatrabaho, di niya kailanman naramdaman na alila lang ang tingin nito sa kaniya. Napangiti uli siya ng maalala ang bwesit na mukha ni Liam nang hinambalos niya ang unan sa mukha nito.
Dapat nitong huminahon at namnamin ang araw-araw na biyaya ng Diyos. Di yung di pa nga nagsesepilyo, ang script agad nito ang inatupag.
When she looks up again, her eyes landed on the poster she saw first. Ang liit ng mukha ng modelong babae. Nawala ang mata nito sa ngiting ginawa. May kung anong aura sa mukha nito na nakaka-enganyong titigan ng matagal.
Di nga niya namalayang nakanganga na pala siyang nakatingin sa poster.
"Ang ganda talaga ni Avery!!!"
Nilingon ni Isla ang grupo ng mga estudyante na kinukuhanan ng litrato ang poster ng babae.
"Oo nga 'no! Nakakatunaw..." Komento naman ng isang binata.
"Alam niyo ba.. teacher siya ng nakababata kong kapatid." Singit ng babaeng ka-grupo rin ng mga ito. "Nung may time na ako ang sumundo kay Abby, siya ang sumalubong sa akin. Shems! Ang kinis talaga niya!" [A/N: To those who never got the chance to read #10RTLW, Avery is a kindergarten teacher.]
"Talaga?"
"Oo... walang ni isang pores kang makikita sa mukha niya. Tsaka nako! Ang bait pa!"
"Saan ba siya nagtuturo?"
"Nako, bawal kayo doon sabi ni Mama. May pinirmahan kasi silang Vicinity Protection Agreement. Ibig sabihin non, walang makakalapit sa eskwelahan kung wala kayong kakilala o estudyante na nag-aaral doon."
"Ganun ba?" , "Sayang..." Rinig na angal ni Isla mula sa mga ito.
'Avery...'
Tiningala niya ang gitnang poster kung saan nakayakap si Liam kay Avery habang nakapulupot naman ang mga bisig ni Avery sa braso ni Liam. Parehong itong tumatawa sa poster.
Alam niyang nag-po-pose lang ang mga ito sa harap ng camera... pero alam ni Isla na ang ngiting iyon ni Liam sa poster, habang nakatingin kay Avery, ay totoo.
Napaka-totoo.
Nang makauwi, sumisipol na naglalakad sa hallways si Isla, yakap-yakap ang supot ng mga binili nang makita niyang bagong labas sa isang elevator ang manager ng amo niya. "Ms. Hailey!" tawag niya rito.
Lumingon ito sa gawa niya at ngumiti. "Isla."
'Syete! Heto pa, isang magandang babae rin. Totoo nga ang sinabi ni Liam. Puro nga talaga biniyayaan ni Lord sa Looks Department ang nakapaligid sa kaniya.' "Bibisitahin niyo po si Liam?"
"Yup. Just wanna check his progress on memorizing his line on the script."
Sabay na sila naglalakad papunta sa pad ni Liam. "Ah, feel ko memoryado na niya yun, Ms. Hailey. Maaga kasing nagising yun tapos ang script lang nito ang inaatupag buong magdamag."
"Ganun ba?"
Sa loob, pumuwesto na agad si Liam sa tabi ng pinto na may hawak na isang unan --- kaibahan, malakin ang hawak niya. Yung pang-kamang unan talaga.
He grins when he heard Isla's voice on the other side of the door, tinkering the doorknob.
'It's payback time!!'
Nang nag-beep ang pintuan hudyat na pumasok na ito, mabilis siyang lumabas sa pinagtataguan at malakas ring sinampal ang unan sa mukha nito. "GOTCHA!!!"~
Yeah, revenge never felt this good----
.
.
"Liam?"
'Huh?' Napalingon siya kay Isla na nakatayo sa likod ng---- Nanlaki ang mata na tumingin si Liam sa harapan niya. 'S-Sino 't-to?'
"Anong ginagawa mo---- HALA!" Napasinghap si Isla nang makitang may unang nakadikit sa mukha ni Ms. Hailey. "ANAK NG SAMPUNG SILI!!!"
Di pa rin binaba ni Liam ang unan sa mukha nang kaharap. "I-Islanda... d-don't tell me she's---"
Galit na galit na dahan-dahang binaba ni Hailey ang unan sa namumulang mukha nito. "Don't tell you what, Liam???"
Tahimik na nagmamaktol si Liam na nagbabasa sa script niya habang hinihimas ang maliit na bukol sa ulo niya. Katabi niya sa sofa si Isla na tahimik humahagikhik at kumakain ng jelly ace.
Nasa harapang sofa naman si Hailey at may kausap sa cellphone.
"Isaiah..." Kalabit ni Isla ito. "Yun ba ang pinakagaling mong resbak?"
Pissed, Liam turns to her. "Shut up..."
"HEHE... Grabe superpowers ko 'no? Alam na alam ko kung kailan nanganganib buhay ko.."
"Wait 'till I'm done with my script—AH SCREW IT!" Tinapon nito ang script sa center table at malakas na pinisil ang magkabilang pisngi ni Isla.
"E-EREY! EREY! EYSEYEH, EREY!!" Hiyaw ni Isla sabay pinagpapalo ang braso nito. "EREY... ENEBE!!! EREEEEEEEYY!!"
Binaba ni Hailey ang cellphone niya matapos makipag-usap sa head photographer ng susunod na photoshoot ni Liam at tiningnan ang dalawang tao na matatanda na nga pero nag-a-astang mga bata sa harapan niya.
Liam's hands are pinching Isla's cheeks while Isla's hands are now buried on his blonde hair, pulling and trying to break free from the painful pinch.
Lihim na napangiti si Hailey sa kakaibang aura mula sa alaga niya.
Liam was never childish. He is always professional especially if he's within the public eye. People in the entertainment industry—fashion, media or theatre, dubbed him as the FAULTLESS NATION'S IDOL because never once he disappointed his fans and his co-workers. Liam always give his 110% on everything he do.. so much that it becomes exhausting even for Hailey to look at him.
Bilang idolo, he has an image to protect therefore it requires him to fake himself-- his smile, his words and his actions.
That is why it is so refreshing for Hailey to see him like this.... Genuinely happy.
Humihikbi kuno si Isla na sapo ang dalawang pisngi. "Wala kang awa sa mukha ko..."
"Look who's talking..." He sneered.
"Ang pangit ko na nga, papangitan mo pa ng husto." Sipa niya sa binti nito.
"Mabuti't alam mo--- ARAY!" Hiyaw ni Liam nang kinagat ni Isla ang kamay niya. "ANO KA, ASO?!"
"Ehem." Tikhim ni Hailey. "We'll be leaving at 12:30, Liam. May meeting ka sa Sports Illustrated magazine---"
"Tch." Kuha ni Liam sa script sa mesa at pinalo ang kamay ni Isla.
"HALA SIYA!!!" Dinala ni Isla ang napalong kamay sa dibdib nito. "NI SI TAY RENE DI AKO NAPALO!!"
Huminga ng malalim si Hailey. "Liam---"
"Oww? Saan mo gusto mo mapalo?" Liam grins.
"MALIBOG KANG P*TA KA!" Namumulang sigaw ni Isla.
"Enough!" Pasigaw namang singit ni Hailey.
.
.
Natahimik naman ang dalawa.
Matapos sinauli ni Lizbeth ang batang hiniram niya sa kapitbahay niya ay malungkot na naman siyang pumasok sa tahimik na bahay. Ganoon nalang palagi ang routine niya sa araw-araw: hinihiram niya ang 3 years-old at bibong anak na lalake ng kapit-bahay niya para aliwin ang sarili. Siya nagpapaligo rito, nagpapakain. Naglalaro rin sila ng bahay-bahayan o di kaya'y nagkukulay sa drawing book.
And because Lizbeth has always had this love for music, she plays the old grand piano as she puts the little boy to sleep.
Umupo siya sa piano bench at hinarap ang malaking kulay itim na piano. [A/N: Piano Bench – the chair used by pianist]. She drags her fingers on the shiny piano keys. Malungkot siyang ngumiti nang maalala niya ang araw na iniregalo ni Elijah sa kaniya ito.
Elijah Miller is Lizbeth's true love.
Lizbeth was just a poor girl who rose to fame when her voice was discovered by a musical director as she was singing while washing the dishes on the restaurant she was working. Angelic voice with an angelic face, stardom and popularity arrived in her life in a snap of a finger.
One night, as she was singing at Sydney Opera House, all the spotlight and spectators' attention are on her; Liz' eyes was then locked on the blue-est gaze she ever saw in her entire life among the crowd listening to her. [A/N: Sydney Opera's House is a famous opera house locate in Australia.]
Elijah Miller smiled at her.
She enticed the 24-year old heir to the biggest group of companies in Asia.
They fell inlove despite Lizbeth knowing Eli was destined to marry Charlotte Smith, daughter of a business magnate in Europe. Masakit man pero natabunan iyon sa kasiyahang nararamdaman niya pag kasama niya si Eli. Alam niyang mahal siya ni Eli. At siya rin sa lalake.
On her 23rd birthday, Eli gave her a grand piano. He knew she loves music and always wanted a piano for herself.
They were happy. So happy.
.
.
Until she discovered she was pregnant.
Excited na sana niyang ibalita iyon kay Elijah kung di lang niya nabasa sa dyaryo na nagdadalang-tao rin ang fiancée nitong si Charlotte. Masakit pero di niya dapat ipagpilitan ang sarili sa lalake. Eli is for Charlotte. She can never compete to someone who almost had everything --- face, money and the right to marry Elijah. She knew Eli loves his family dearly and her being pregnant will cause a scandal that will surely break him.
.
.
And just like that, she disappeared from the limelight and quietly born and raised Isaiah alone. Yes, all legal documents regarding her son's birth had the name Isaiah Clark Miller—birth certificates and all. Kasi kahit di man sila nagkatuluyan, ni minsan di siya sinaktan ni Elijah at alam niyang mamahalin siya nito habang-buhay, kaya't pinangalan niya sa unico hijo niya ang pangalang gusto ni Eli sa magiging unang anak na lalake nito – Isaiah Clark. The name of the first Miller, Elijah's great-great-great grandfather, the one who made the famous and biggest business empire the world had and will ever know.
Pero ang pinagamit ni Lizbeth nang lumaki si Isaiah ay Liam. Just to avoid people talking about it and refrain from causing uproar since at that time Eli and Charlotte are happily married with two kids --- Isaac Roe and Elaine Rosè.
Yet that never stopped Liam from making his own name in the entertainment industry. Inheriting his father's look – blue-eyes and golden curls and Lizbeth's smile and aura, he effortlessly charmed the masses. Kaya ganun nalang ang takot niya nung dumating ang araw na nalaman nito na anak pala ito sa labas ni Elijah.
All she wanted was just to protect Isaiah... and her pride.
.
.
Huminga nang malalim si Lizbeth at nilibot ang paningin sa tahimik na kabahayan. Her eyes landed on the wall full of pinned picture frames of little Isaiah as he was growing up—his first day of kindergarten school, his first ride on a bike, his 7th Birthday Party where Avery ate the first slice of his Spider-Man cake...
Bumigat ang dibdib ni Lizbeth. Na-miss niya bigla ang anak niya.
'I should pay him a visit.' Tumayo siya at kinuha ang susi ng kotseng ni-regalo ni Liam sa kaniya.
Beads of sweats are trickling down Liam's face searching for his favorite shoes in his room. "Where the hell is it?!" Sumilip pa siya sa ilalim ng kama niya. Wala doon. "ISSSLLLAAANNNDDDAAA!!!"
"...AYYYY MAAAGGAAANDDDAAAA!!!" Sumisigaw si Isla mula sa sala at patakbong lumapit sa kwarto niya. "Yes, your highness?"
"Where is my Black Air Jordan shoes?"
"Uhh... natural nasa may pintuan kasi sinuot mo yun kagabi???" Turo pa ni Isla sa direksyon ng pintuan.
Mula sa pagkainis, nahalinhan ng pagkagulat ang mukha ni Liam. "Oh?"
"Ulyanin ka na 'ata masyado. Ke-bata-bata mo pa."
"Shut up." Tinalukbo nito ang basang twalya sa ulo niya.
"AH! ANO 'TO!!" Diri niyang nilayo ito sa katawan.
"I'll be out until.. probably late at night. We'll be having a dinner with a magazine owner." Lumabas sa kwarto si Liam. "Don't wait for me!" Pahabol nito bago lumabas sa pad.
"Oooooo...kay?" Lalabas na rin sana siya nang makita ang marumi na namang kwarto nito. "Saan ba...." Pulot niya ng mga damit sa sahig. "..pinaglihi ang demonyong yon??" Ginagawa kasi nitong impyerno ang buhay niya sa pagiging makalat.
Kinahapunan, kasalukuyang nag-va-vacuum cleaning si Isla sa makapal na carpet sa sala. Tumatango siya kasabay sa tugtugin sa radyo. Dahil sa alikabok, nagsimulang siyang mangati. "Ang kati...." Marahan niyang palo sa braso niya. "Tsk." Pinatay niya ang vacuum cleaner. "Makaligo na nga muna."
Pagbukas niya ng banyo, doon niya napagtantong nilagyan pala niya ng muriatic acid ang sahig para bumalik ang kaputian ng bathroom tiles. [A/N: Muriatic Acid – A common cleaning household solution. Due to its acidity, it can 100% remove stains and dirt on tiles. It is dangerous for a skin contact since it will either burn your skin or cause severe irritation.]
"Hala oo nga pala.. kakalagay ko lang pala ng acid rito." Sabay kati sa likod niya. "Ang kati na talaga!!" Sinara niya ang pintuan ng banyo. "Ah! Sa banyo na nga lang sa kwarto ni Liam."
Pinindot ni Lizbeth ang 6th Floor button sa panel nang pumasok siya sa elevator at dinala siya pataas, papuntang pad floor ng anak.
"♪♬ Bubuka ang bulaklak.. papasok ang reyna. ♫♬" Kanta ni Isla habang naliligo sa ilalim ng showerhead. "♪♬ Sasayaw ng Cha-Cha, ang saya-saya! ♪♬" Nagngud-ngud pa siya ng sabon sa kili-kili.
Huminto si Lizbeth sa harap ng pintuan ng pad ni Liam at dinukot sa bag ang duplicate key card niya. Alam niyang tamad maglinis ang anak kaya napag-desisyunan niyang linisin ang pad nito at gawing natural air-freshener ang dalang mga bulaklak. Nag-grocery rin siya para magluto ng paborito nitong adobo.
Matapos ilapat ang card sa may doorknob, pinihit niya pabukas ang pintuan.
.
.
At nabitin siya sa pagpasok. Lumabas uli siya para tinginan ang numero sa pintuan. Pad 1223. Sinilip rin niya ang pintuan ng katabing pad. Pad 1224.
'Huh?' Pumasok siya uli. 'Pad ba'to ni Liam?' Di siya makapaniwala sa linis ng buong lugar. Naglakad pa siya papasok at manghang nilibot ang paningin sa paligid. 'Di ba mali ang pinasukan kong pad? Di naman siguro naglipat ng lugar si Liam kasi andito pa mga kagamitan niya.'
Na-estatwa siya sa kinatatayuan niya nang may lumabas na bagong ligo na babae sa kwarto ng anak.
"♪♬ Bubuka ang bulaklak.. papasok ang reyna. Sasayaw ng Cha-Cha, ang saya-saya! ♫♬" Kanta pa rin ni Isla nang lumabas siya sa banyo. Dahil nakatakip sa mukha niya ang mahabang buhok, kinapa nalang niya ang damit niya sa kalapit na upuan at sinuot. "♪♬Boom-ti-ya-ya, boom-ti-ya-ya, boom-ye-ye.. Boom-ti-ya-ya, boom-ti-ya-ya, boom-ye-ye♪♬" Pinulupot niya sa ulo niya ang twalya.
Presko na ang katawan niya ng lumabas sa kwarto. "♪♬ Sasayaw ng Cha-Cha, ang saya-saya! ♫♬ Yeah!!" Taas pa niya sa dalawang kamay.
.
.
Napakurap siya ng ilang beses nang may nakita siyang babaeng may-edad na nakatayo sa sala at nakatingin sa kaniya.
.
.
"Sino ka?" Sabay nilang tanong sa isa't-isa.
"Ow s**t!" Tinakpan ni Isla ang bibig. "Ba't di sinabi sa akin ni Liam na may sugar mommy pala siya!!" [A/N: Sugar Mommy – it means older woman giving money or expensive things to younger men and make them their boyfriends.]
Umupo si Liam sa upuan kaharap si Nicolo sa isang pribadong coffee shop. The set director of the drama he and Nico has a cameo on, gave them a 15 mins. coffee break.
Just like him here in Asia, Nicolo is Prima Nova's top star in United States. He was half-Filipino, ¼ Brazilian and ¼ Chinese though.
As he leans on the single settee he's sitting, he picks up a magazine and throws it on Nicolo who is smiling like a madman, texting someone on his phone. "Sino na naman 'yan, Nico?"
"Mind your own business." The bronze-skinned guy grins at him.
"It's that the woman you met on Hawaii or the flight attendant you shagged on Italy?" Napangiti na rin siya sa pagiging habulin nito ng babae.
"None of the above, my friend." Nico scoops a spoonful of cake from the plate on the table between them. "It's the blonde surfer WE MET on Florida."
"Woah! You got her number?" Pareho kasi nilang type ang babaeng beach-surfer na nakilala nila 3 months ago sa Florida.
"Connections, Liam." He winks. "Connections."
"Asshole." Iling na tawa nalang niya at tinanggap ang milktea na s-in-erve ng waiter. "Thanks." He nods and sips from the straw. He pulls out his phone from his pocket and started scrolling his schedule on the screen when he received a text from his mom.
Lizbeth: Go home.
'Why?' Still sipping his drink, he replies: I can't. I still have---
Di pa niya natapos ang pagtitipa sa phone nang may bagong message na naman itong s-in-end.
Lizbeth: And I mean in your pad. YOU NEVER TOLD ME YOU HAVE A WIFE!
"Pfft!" Naibuga niya ang iniinom sa kaharap.
Napapikit si Nico nang natamaan ang mukha nito ng milk tea. "What the f**k, dude!" Niyuko pa nito ang namantsahang damit.
Mabilis na tumayo si Liam at hinablot ang coat sa sandalan ng upuan. "Nico, tell the director I have an emergency call from home."
"Huh?"
At dire-diretso na siyang lumabas sa coffee shop.
"LIAM!!" Tawag pa ni Nico sa kaniya. "MY SHIRT, DAMN IT!"
.
.
"Boyet, sa pad ko bilis!" Utos niya sa driver pagsampa palang niya sa kotse. He bit the back of his index finger. 's**t! I forgot to tell her about Isla!'
Knowing her mom's desire of seeing him getting married and having children, this might not go and end well.
Habol hiningang binuksan ni Liam ang pintuan ng pad niya at naabutang umiinom ng kape ang mama niya at kaharap naman si Isla na parang batang nahulihang nagnakaw ng pagkain sa porma nitong nakayuko at maayos na pagkaupo. "M-Mom?" Pinaglilipat niya ang tingin sa dalawa.
Lumingon naman ang dalawang babae sa kaniya.
Unang ngumiti ng matamis si Lizbeth. "Oh, hijo...."
'She's acting weird.' Tapos nilingon si Isla. Awkward itong ngumiti na para bang nagpapasaklolo. 'And this one's acting weird as well.' Umupo si Liam sa tabi ni Isla. "Mom, what are you doing here?"
"Bawal ba akong bumisita sa anak ko?" Humigop uli ito ng kape sa tasang hawak.
"O-Of course not—I mean..."
"Naintindihan ko na gusto mo munang masolo ang asawa mo pero sana nama'y sinabi mo sa akin na dito na pala siya nakatira."
Gulat na nilingon ni Liam ang nakayukong si Isla at sa mahina pero mariing boses tinanong niya ito. "What the hell did you say to her?"
"W-Wala, okay?" Sinalubong nito ang tingin niya.
"Then why did she---"
"Aksidente ko kasing nasuot ang damit mo pagkatapos kong maligo sa banyo mo." Lumabi siya.
"What shirt are you talking---" Niyuko niya ang damit na suot ni Isla. "Oh damn..." He exasperatedly curses.
Isla's wearing the shirt his mom brought from Obando. [A/N: Obando Church – It is said to be that those couple who cannot conceive a baby should dance a fertility dance infront of the church in order for the saints to bless the woman's womb]. At dahil nga sa kagustuhan ng mama niya na magka-apo, binilhan siya nito ng pulang t-shirt na may basbas daw ng mga santo at kung ipapasuot sa isang babae'y madali lang daw ito makabuo ng bata.
He find it hilarious kaya bastang tinapon lang niya ito sa loob ng closet... pero muli pala itong nabuhay. Haunting him with a sick joke. "Why are you wearing that?"
"Nakiligo nga ako sa banyo mo tapos nung akala ko'y damit ko ang nahawakan ko, sinuot ko naman."
Sinapo ni Liam ang noo. Dahil siguro sa paghahalukay niya kanina para hanapin ang sapatos niya'y aksidente niya itong nailabas sa closet. "Shit."
Napalingon si Isla at Liam kay Lizbeth nang biglang humikbi ito sa harapan nila. "N-Nag-aaway ba kayo dahil sa akin?? Di-Di ko naman kasi sinasadya na i-inakala kong a-asawa mo siya..." at tuluyan na itong umiyak.
Napakagat si Isla sa labi niya. Kanina kasi nung sila palang dalawa, binahagi ng mama ni Liam kung gaano kalungkot ang buhay nitong mag-isa kahit may anak ito kasi di naman daw parati nasa bahay nila si Liam. Kaya ganoon nalang ito ka-atat magkaroon ng apo man lang para may kasama. At alam na alam ni Isla ano ang pakiramdam mamuhay mag-isa --- gumising, kumain, matulog ng mag-isa at ang umuuwi sa bahay na tahimik.
"Mom..." Tinabihan ni Liam ang ina. He pulls her closer. "Let us not rush things, okay? Magkakaroon ka rin ng apo balang araw---"
Sumingit si Isla na lumapit at hinawakan ang kamay ni Lizbeth. "Tita!" Napakurap sa gulat si Liam at Lizbeth na nakatingin kay Isla.
Liam felt the hairs on his arms rise up. May iba kay Isla. "What are you thinking, Isla---"
"Bibigyan kita ng apo kaya maghintay ka." Seryosong deklara nito.
Unti-unting umilaw ang mukha ni Lizbeth. "OH MYYYY!!!!" At niyakap nito si Islanda. "THANK YOU! THANK YOU!"
Ngumiti si Isla at niyakap ang matanda.
.
.
Si Liam nama'y parang naupos na kandila sa kinauupuan nito.
Hinawakan ni Lizbeth ang mukha ng babae at inulanan ito ng halik. "CALL ME MAMA FROM NOW ON!! THANK YOU!!!"
Wala pa rin sa sariling sinara ni Liam ang pintuan ng kotse ng mama niya nang hinatid niya ito sa parking lot sa basement ng building. 'What the hell just happened back there?'
Sinundan nalang niya ng tingin ang puting Mercedes Benz na lumabas sa underground parking lot.
At dahil masyadong advance mag-isip ang mama niya, binahagi nito kaagad ang balita sa kumare nitong Tita Aurora niya (Avery's mom). Naghabilin rin ito kay Isla kung anong dapat at iwasang kainin para daw palaging nasa kondisyon ang bahay-bata nito.
'I'm gonna kill that woman!!!' In heavy steps, he went back to his pad.
.
.
While walking towards his pad, Liam's thinking of million ways to break the real news to his mother that he's not getting married and there will be no grandchild anytime soon. 'May masamang hangin na namang sumapi siguro kay Isla.' Pinihit niya ang doorknob.
.
.
But before he could push the door open, he heard a voice singing...
"♪♬Every night in my dreams... I see you, I feel you...♫♬" The sweet voice sings Celine Dion's My Heart Will Go On. "♪♬That is how I know you go on. ♪♬"
'Isla?' Liam stops and listens.
"♪♬Far across the distance... And spaces between us. You have come to show you... go on♪♬". And as if the setting sun on the horizon loves the singing voice, it illuminates the lightest orange hue on him.
24 YEARS AGO | SYDNEY OPERA HOUSE
"♪♬Near, far, wherever you are...♪♬" Lizbeth sings the touching song infront of thousands of crowds in the arena. "♪♬I believe that the heart does go on...♬♪" And among the spectators listening to her, Liz eyes stopped on the man sitting directly across her. "♪♬ Once more you open the door... And you're here in my heart and my heart...." Elijah smiled at her. Despite his icy blue gaze, it gives warmth to Lizbeth's cold heart. "♪♬ ..will go on and on....♪♬"
PRESENT
"♪♬Near, far, wherever you are... ♪♬"
Liam pushes the door open afraid that the voice will disappear along the dimming light of the sun.
"♪♬I believe that the heart does go on... Once more you open the door... ♪♬"
Then he saw the woman, leaning on the railings of the balcony outside his pad. Singing carefree as her long red hair, on its darkest color, complimented the few stars on the light-pink night sky and riding the soft waves of the wind. "♪♬ And you're here in my heart...♪♬"
He finally found his own voice. "I-Isla?"
"♪♬And my heart will go on and on....♪♬" At doon lang parang naramdaman ni Isla na may nakatingin sa kaniya. Nilingon niya si Liam na nakatayo sa gitna ng sala at nakatitig sa kaniya. "Isaiah?"
"H-How did you know that song?"
"Huh— Ah! Sabi kasi ng mama mo na yun daw yung kinanta niya nung una sila nagkita ng papa mo?"
.
.
He nods. "Yeah."
"Tagos puso ng kanta 'no?"
He nods again. "She hums that song for me as a lullaby when I was a kid."
"Ow talaga? Napaka-tragic ng kanta para gawing lullaby sa isang bata."
"That songs resonates my mom's feeling." He can still remember his mother crying as she hums the song to him every night.
Ngumiti si Isla. "Maganda nga naman ang kanta."
.
.
And just like 24 years ago, as Elijah and Lizbeth's love story started and ended...
.
.
... History repeats itself.
Isaiah Clark walks towards her and smiled at her. "It is indeed very beautiful." Then he pokes Isla's forehead.
[STAGE 8 PREVIEW:]
Nakatayo sa di kalayuan si Isla nang makita niyang masayang-masayang tinakbo ni Liam si Avery at mahigpit na niyakap.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐