Kinahapunan, matapos tanggapin niya ang alok na magtrabaho bilang assistant ni Liam, napagpasiyahan niyang balikan ang barong-barong niya para kunin ang natitira gamit. Pero laking gulat niya nang pagbaba sa tricycle, malinis na ang bakanteng lote at may malaking tarp. na may sulat "Private Property of Miller Estate Corp."
'Huh? Miller? Binili ng Smith&Miller? Ano meron rito at napag-interesang bilhin ng isang malaking kompanya?' Himutok niya at nilapitan ang isa sa mga engineer na nagmamando ng mga karpintero. "Excuse me po..."
Lumingon sa kaniya ang may-edad na engineer na nakasuot ng safety hard hat at orange jacket. "O?"
"Ah.. ako po ang may-ari ng.." Napatingin siya sa dating kinatatayuan ng barong-barong niya. "..ng bahay diyan dati. Ewan ko po kung naabutan niyo pero --"
"Ah, ikaw si Macatuto?"
"O-opo.."
"Bilin kasi ng amo namin na iligpit mga gamit mo." Sumipol ito at may sinenyas sa isang trabahante.
'Amo?' Palaisip niya. Amo?? Tumingin siya uli sa tarp. 'Miller Estate Corp... malamang Miller amo nito.' Inalog niya ang memorya. 'Wala akong kilalang mayamang tao maliban nalang kay Boss Martin.' Patungkol niya sa drug lord sa kabilang barangay.
"Heto." Lahad ng lalake sa isang paper bag.
'-.- Syet. Ganito talaga ako ka hirap na lahat ng ipinundar ko, kasya lang sa isang paper bag.' Sigurado di na nito sinalba ang unan niya na ginawa mula sa ginunting na balot ng mga junk foods at yung karton na higaan niya. Niyuko niya ang loob ng bag: Nag-iisang family picture niya kasama ang mga magulang, picture ni Coco Martin, ang kaniyang Ducasse magazine, at ang Nestle Ice Cream na tupperware kung saan may 300pesos. "Sir, ito lang po ba?"
"Yan lang ang nakikita naming pwedeng isalba. Yung mga damit, tinapon---"
"Tina-- ano?! Mga pamana yun ni Aling Bebang!!!"
"Pero miss--"
Umandar na naman init ng kaniyang ulo. "SINO BOSS NIYO HA!!!"
"Hoy, Isla!"
Napalingon siya sa kaibigang si Loloy.
-----
Inis na umiinom siya ng softdrinks sa isang plastic habang nakitambay sa tindahan ni Aling Nena. Bwesit na napakamot siya sa sombrerong puti na suot. "Kainis!!"
"Ano ka ba, aalis kang badtrip sa barangay natin?"
Natigilan siya at nilingon ang tatlong lalakeng kasangga niya sa katarantaduhan. Ngumiti siya kay Empoy. "Naks! Sabihin mo nalang kasi na ma-mi-miss mo ko."
"Kadiri ka." Sira ang mukha nito na nagtapon sa kaniya ng isang Maxx Candy.
Sinalo niya ito.
"May trabaho ka na?" Tanong ni Loloy na walang damit pantaas at kitang-kita ang maruming tattoo sa katawan.
"Oo 'eh." Nagbukas siya ng isang Muncher na chichirya. "Isang kasambahay." Assistant/Caretaker man ang sinabi na posisyon ni Liam, yaya iyon sa pandinig ni Isla.
"Woah! Magkano sahod?" Binaba ni Junrey ang iniinom na kape mula sa tig-li-limang pisong coffee machine.
'Oo nga 'no? Di ko natanong..' "5,000 kada buwan siguro?"
"Huh? Anliit lang niyan!" Singit ni Empoy.
"Ayssshhh... di na ako magrereklamo. Kesa magnakaw ako. Karge de Konsensiya ko pa yan habangbuhay---"
"Kanino ka magtatrabaho?"
Napalingon sila sa likuran nila. Nakatayo ang lider ng Batang Tagpi Gang, si Boss Rene o Tay Rene kay Isla.
Ngumiti si Isla. "Tay."
"Kanino ka magtatrabaho Isla?" Sumenyas ito sa may-ari ng tindahan para sa isang sigarilyo.
"Uhh.. k-kakilala po ng kakilala k-ko.." Iwas niya ng tingin.
"Hmm.." Tumango ito habang kagat ang sigarilyo sabay sindi sa lighter.
Di naman sa walang tiwala siya sa mga ka-tropa niya.. pero walang sinasanto ito basta't mayaman. At kung sabihin niyang sa isang mayaman at sikat na idolo siya magtatrabaho, ipapahamak pa niya si Isaiah.
> "Call me Isaiah, Isla."
.
.
*PAK!*
Nagulantang si Loloy, Empoy at Junrey nang biglang sinampal ni Isla ang sariling mukha.
"Putsa.. lumuwag turnilyo sa utak mo oy?" Halata ni Loloy na di lang pisngi nito ang namumula kundi ang buong mukha ni Isla.
Sinapo ni Isla ang noo. 'Langya! Anong kamunduhan 'yang pumasok sa utak mo, Islanda! Umayos ka! Umayos ka!' Pinaglitan niya ang sarili.
Tahimik namang nag-o-obserba si Boss Rene sa anak-anakan. "Saan ka magtatrabaho?"
"P-Po?" Iwas niya uli ng tingin. "S-Sa k-kabilang barangay ho.. t-tay."
"Sino?"
'Tang*na!' "A-Ah, di niyo po kilala--"
"Sino?" Sa oras na iyo'y hindi na ito tanong kundi utos.
Pumikit si Isla. "Kay---"
♪♫You can call me artist (artist)
You can call me idol (idol) ♪♫
Lahat sila napayuko sa bulsa ni Isla nang may tumunog na cellphone.
"May cellphone ka na?" Usisa ni Loloy.
♪♫I'm proud of it
Nan jayurobne
No more irony♪♫
Natatarantang kuha ni Isla sa cellphone sa bulsa at naglakad palayo.
Binalingan ni Empoy si Junrey. "Di'ba yun yung ninakaw natin ng cellphone?"
"Parang kilala ni Isla ang may-ari ng phone 'oh." Nguso ni Loloy sa kaibigang nakatayo sa may di-kalayuan at kausap ang tumawag.
.
.
"Galing talaga ng timing mo eh no?" Bungad ni Isla sa kausap.
Liam: "Huh?
"Wala, wala." Palihim niyang sinilip ang mga kaibigan sa likuran niya.
Nakatingin sa kaniya ang mga ito.
Liam: "I'm going out. I have a rehearsal. You got the card right?"
"Card-- ah oo!" Kinuha niya ang silver red na key card sa bachelor's pad ni Isaiah sa bulsa.
Liam: "Just tap that on the scanner near the doorknob. Gotta go. Bye."
Tiningnan ni Isla ang screen ng phone nang binaba nito ang tawag. "WOAH!" Manghang tingin niya sa Iphone. Dahil sa ngayon pa siya nakagamit nito, nakakatuwa lang. Parang bumulong lang sa kaniya ang malamig na boses ni-- 'Aytsss! Ewan ko sa'yo, Isla.'
-------
Habang naglalakad sa hallway papunta sa pad ni Liam, napatingin si Isla sa repleksiyon niya sa nakadesign na salamin sa dingding. Suot niya ang lumang color green na jersey at shorts. Naka-pusod pa rin ang buhok niya. Nanlumong niyuko niya ang paper bag. Wala na siyang pangbihis kung ganun.
Matapos idikit ang keycard sa may scanner sa doorknob, tinulak ni Isla ang kahoy na pintuan sa pad ni Liam at pumasok. Di pa rin siya maka-get over sa laki ng lugar. "Ang laki talaga.." Binaba niya ang paper bag sa carpet na sahig at mag-iinat na sana ng katawan nang makita ang isang damit sa likuran ng sofa... meron ring t-shirt na nakasampay sa t.v....
Nilingon niya ang bagong linis na kusina. May basang twalya sa sahig, ginamit na cereal bowl sa marble kitchen table at tatlo o limang pares ng sapatos sa sahig--- Nilibot niya ang tingin sa paligid.
.
.
Napanganga siya. Ngayon lang niya napagtanto...
.
.
ANG KALAT NG BUONG LUGAR! "TAKTE!, BAHAY BA'TO!!"
----
Liam checked his sportswatch in his wrist as he was walking in the hallway towards his pad. 2:30AM. He nonchantly twirling his car keys on his long fingers as he taps his keycard on the doorknob.
He was tired from his catwalk rehearsal ealier and all he needs right now is a warm soak in the tub and a sleep. Madilim ang pad niya pagpasok. "Isla?" Tawag niya sa babae. "You here?" Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid. "Isla---"
His tracks stop when the warm yellow light of the chandelier basks the whole place.
.
.
Nabitin rin ang pagtanggal niya sa mga butones sa may manggas niya at nilingon ang paligid. Halos lahat ng nakikita niyang mga gamit ay nasa maayos at malinis na porma.
His mouth was agape as he walked around to check his spic-and-span room. He started living here three years ago yet he never saw the pad this clean.
"Ow, s**t---" Napahawak siya sa sandalan ng sofa nang malapit na siyang madapa. Niyuko niya ang paanan niya at nakitang nakahiga sa carpet at mahimbing na natutulog si Isla.
Bumuka ang bibig nito at humilik.
He smiles as he squats to look at her closely. He wipes the traces of dust on her red hair which were kept in a messy bun. Halatang napagod ito sa paglilinis kasi hawak pa nito ang basahan at spray na ginamit pampunas. He grins widely when he taps his finger on her nose. Umingos kasi ito at nagkamot sa mukha. "You look like a lost puppy."
At para bang narinig nito ang sinabi niya kasi unti-unti itong nagdilat ng mata. Her sleepy eyes looks up to him.
He chuckles. "Hey there, red-head."
Umungol ito at dahan-dahang tumayong paupo. "A-Andito ka na pala.."
"Just enough to see you snoring loud." He clips her loose hairs on her ear.
Kinusot nito ang mga mata. "Kumain ka na? Nagluto ako ng hapunan mo. Anong oras na ba?"
Natigilan si Liam. "You m-managed to cook?"
Parang batang itong tumango. Pinilig pa nito ang ulo para isandal sa balikat. She looks so soft and innocent... far from the woman who almost killed him when he accidentally pulls down her shorts. "Kanina pa kita hinin..tay.." Dahan-dahang tumayo ito at nagpatiunang naglakad papuntang kusina, iniwang naka-squat pa ring si Liam na sinundan ito ng tingin.
After he left home to pursue his career, he was always welcomed by an empty, dark and quiet place. He never went home to a clean pad. He never went home with a food in the table. And most of all, he never went home with a woman waiting for him--- a small woman precisely. "Hey, Isla!" Tawag niya rito sabay tayo.
It somehow makes him... happy.
"Oh?" Sagot nito mula sa kusina.
"Sleep more. You look really cute when you sleep."
"Wag mo akong ma-cute-cute-an diyan, Isaiah. Di kita mapapatawad sa marumi mong pad 'ha! Mas malinis pa selda ng mga drug addict."
And oh, he never, ever went home with someone calling him by his name.
----------
Masaganang kumakain si Liam sa lutong sinigang na isda ni Isla. "You're also a good cook too..."
Nakapalumbaba naman si Isla na nakaupo kaharap siya sa marble center table. "Mag-a-alas tres na ng madaling araw 'ah. Ganitong oras ka ba umuuwi?"
"Most of the time? Yeah." Subo niya ng kainin.
"Paano pagkain mo niyan?"
Nagkibit-balikat si Liam. "Well, I eat the next day."
"Saan?"
"Fast-food."
"Ow?"
"Well, it's fast-food for my fast-paced life." Inubos niya nang higop ang sabaw sa bowl. "Woohhh, damn it's so good. Hey, Good job---"
Nakayupyop na pala ito sa mesa at nakatulog ulit. He pokes her head with the spoon his holding. "Isla?"
"Uhhnn?"
"If you were that tired, di mo na sana ako sinamahan kumain."
From burying her face on her arms, she looks up to him. "Gusto ko kasi makita reaction mo sa niluto ko..." Humikab pa ito.
"It was delicious." He winks. Tumayo siya. "In return, I'll carry you towards the bed so you could sleep---"
"Wag kang lumapit." Masamang tingin sa kaniya ni Isla.
"Huh?" Nabitin sa paglapit si Liam sa babae.
"Huma-hokage moves ka, boy..." Tusong ngumiti si Isla at umiling. "Tsk, tsk... alam na alam ko ang ngiting yan." Mukha itong lasing bumaba sa high-chair. "Di mo ako madadaan sa ngiti mong pang-Colgate na commercial. Akala mo 'ha."
"The hell you're saying? I'm just offering my arms so you won't tire yourself from walking..."
"HAHAHA!" Tumatawang naglakad itong papalayo sa kaniya. "Alam na alam ko ang galawang fuckboy..."
.
.
Namula si Liam sa hiya. Never in his whole life that his motives were questioned nor doubted. "WOW! At ikaw nalang talaga papatulan ko 'no?"
Ngiting-aso ang binigay ni Isla sa kaniya. "May pa-'carry'-'carry' ka pang nalalaman 'ah--"
"Oh shut up and go to sleep!!"
"Matulog ka uli sa sofa." Pahabol nito nang makapasok sa kwarto.
"Sa sofa talaga! Baka mag-assume ka na gusto kita pag tinabihan kita sa kama!" Inis na sagot naman niya sabay tapon sa kutsara sa kitchen sink. "Fuckboy, huh?" Nilingon ni Liam ang direksyon ng kwarto. "Me?!"
---------
Maagang gumising si Isla kinabukasan para ipa-laundry ang mga bed sheets at mga kurtina, pero nauna na palang naggising si Liam na noo'y nasa sala at may kausap na lalake. "Huh?" Sumilip siya mula sa pintuan ng kwarto habang pinupusod uli ang pulang buhok sa tuktok ng ulo niya. "Di ba siya natulog?" Inalala niya anong oras na silang natulog kagabi. "Mag-a-alas-tres ng madaling umaga kami natulog kanina 'ah."
The male visitor lends a photo to Liam. "We're planning to use that theme on the next cover."
His blonde hair still in a mess, Liam seriously stares down at the photo he's holding. "Isn't this a bit too colourful for an October issue?"
"You think so?"
"Yeah."
Ngayon lang na-obserbahan ni Isla kung paano ito magtrabaho. Buong akala niya kasi'y hanggang pag-po-pose lang sa harap ng camera ang alam nito...
Kumuha uli ng bagong litrato si Liam sa center table. "Kung ito gagamitin natin, I don't need to wear black accessories."
Yun pala'y tumutulong rin ito sa pagdedesisyon. Wala siyang ka-artehan sa katawan, kaya di niya lubos maisip gaano kahirap magdesisyon sa kung anong uso o nababagay para maging patok sa masa ang mga ini-endorso nitong produkto.
"He's good on his art, right?"
Napatalon siya nang biglang may nagsalita sa tabi niya. "S-Sino ka?"
The woman who had the darkest wavy hair she ever seen in her life softly smiles and lends her hand to Isla. "Hi. I'm Hailey. Liam's manager. You must be his new assistant?"
Niyuko ni Isla ang namumulang kamay nito. Parang nahihiya siyang hawakan iyon. "A-Ah oo.. yaya niya ako for short." Nagulat siya nang hinawakan nito ang kamay niya para makipag-handshake.
"Nice to be working with you."
'So ano? Mag-English-an kami? Masakit na nga ilong ko sa kaka-English ni Isaiah, dadagdag pa ang manager niya.' "A-Ako rin."
"For starters, I like what you did to his place." Tumingala ito at nilibot ang tingin sa buong bahay. "Nagmukhang bahay na rin sa wakas. Di na ako mahihiyang dalhin rito ang mga bisita ni Liam."
"Hehehe.." Napakamot siya sa ulo. "Kaya nga. Talo pa baboy sa kaniya 'eh."
"HAHAHAHAH!" Malakas na tumawa si Hailey. "I like you."
"Ang ganda niyo po." Nahihiya niyang amin. Kilala si Isla na taong nagsasabi ng totoo kahit masakit man ito. Di siya nagdadalawang-isip sabihin kung ano mang nasa isipan niya. At napakaganda nga naman talaga ng kaharap niya. Para itong modelong binuhay mula sa magazine. Kung siya parang hindi babae manamit, si Ms. Hailey nama'y di nababagay sa edad nito ang manang na pananamit. Kaya'y napalagayan niya ito ng loob.
Napalingon si Liam sa direksyon ni Isla at Hailey. 'Oho... at nagka-crush 'ata ang tomboy kay Hailey 'ah.' "Isla?"
"Oh?"
"Can you prepare us something to eat?"
"Oh sige. Uhh... gusto niyo juice? Kape?"
"Ikaw." Sagot ni Liam na nasa litrato ang atensiyon.
Uminit ang tenga ni Isla. "A-Anong a-ako?"
Lumingon ito sa kaniya. "Ikaw. Ikaw bahala kung anong gusto mong i-serve?"
.
.
"Ah!" Parang light-bulb na umilaw ang utak ni Isla. "Ah! A-Ako.. ako bahala sa kakainin natin---ninyo pala." Pinilig niya ang ulo na pumasok sa kusina.
---------------
Buong umaga nag-meeting sa sala si Liam, si Hailey at ang lalakeng nagpag-alaman niyang creative director ng isang TV Network. Pinag-tuunan nalang niya ng pansin ang pagpupunas sa maalikabok na kitchen closet, pagpa-plantsa ng mga damit ni Liam, paglalabas ng mga nakumpuning basura at ang paglilinis sa banyo.
Kinahapunan, nakatayo at nakapameywang si Isla sa harap ng bakanteng refrigerator ni Liam. 'Hmm... Dapat pala akong mamalengke nito. Dapat may gatas, karne...' Nilingon niya ang tatlo na nag-uusap pa rin sa sala – partikular sa nakatalikod sa kaniyang si Liam. '...tsaka prutas at gulay.' Naalala niya ang sinabi nito na nabubuhay lang ito sa fast-foods. Di pa nakakakain ng fast-food si Isla pero alam niyang masarap ang mga pagkain dun... at alam rin niyang di ito masustansiya kung araw-arawin.
Tiningala niya ang mga closet. 'Bibili rin pala ako ng mga gamit pang-luto.'
"You're thinking of re-vamping my kitchen?" Liam with his arms crossed infront of his chest, is leaning on the kitchen door.
"Oo. Para makapagluto ako nang maayos." Nilingon niya uli ang ref. "Prutas, karne, mga itlog---" Natigilan siya nang may nilahad ito sa kaniya. "A-Ano yan?" Yuko niya sa card na hawak nito.
"Credit card. May Php50,000 na laman 'yan. Buy anything you want for this house. Foods, appliances... whatever."
"Huh? Tatlong libo okay na para mapuno ko ng pagkain ang ref. mo. Tsaka paano ko gagamitin yan?" Di pa rin niya tinatanggap ang card.
"You just give it to the cashier and let her swipe this on a machine."
Lumukot ang mukha ni Isla. "Kayo.. puro kayo card-card... Pintuan, may card. Pambili, may card. Di ko 'yan magagamit sa palengke."
"Palengke? Pwede naman sa malapit na supermarket."
"Isaiah, lumaki ako sa palengke. Alam na alam ko na mas presko doon at napakamura pa ikumpara sa supermarket niyo." Sinara niya ang nakabukas na pintuan ng ref. "Tatlong libo at sinisigurado kong may sukli pa 'yun." Lahad niya sa kamay.
"You sure?"
"Oo nga."
-----------------
"This color combination looks good." Tango ni Liam sa hawak na litrato ni Hailey. Mag-a-alas sais na ng hapon ay nag-me-meeting pa rin sila para sa next month issue ng isang sikat na magazine. Aside from featuring him on the cover, Liam has the call on the design, color and theme.
"How about this?" Hailey pulls out another photo.
"I already scheduled your photoshoot next week sa Japan." Singit ng bisita na may kausap sa cellphone kanina.
Tumango si Liam. "Japan---"
Napalingon silang tatlo sa pintuan nang makarinig nang may parang nahulog. Agad ngumiti ng paumanhi si Isla na kakagaling lang sa pamamalengke at puno ang kamay ng mga plastic bag. Nahulog pala ang binili niyang mga de-latang pansahog tulad ng mushroom, beans, etc.
Tumayo si Hailey. "Let me help you---"
"A-Ah, wag na Ms. Hailey... ako na po bahala nito." Pinulot ni Isla ang nahulog at dahan-dahang naglakad papuntang kusina.
"O-Oh sige."
Sinundan nang tingin ni Liam ang babae. Marami-rami nga ang nabili nito sa dami ng dala nito.
--------------------
"What are you cooking?"
Nilingon siya ni Isla mula sa pagluluto. Her face twinkles with small ebads of sweat. "Ah! Beef steak!"
Umupo sa isang high chair si Liam at kumuha ng isang apple sa fruit basket sa gitna ng marble counter. "You've done it without looking at a recipe?"
"Di mo ba alam? Ang mga mahihirap ang pinakasarap magluto?" Binalikan ni Isla ang niluluto. "Kasi sa kahit isang butil ng asin, napapasarap at napapagkasya namin sa isang platong kanin? Dahil salat kami, kahit ano-anong ginagawa naming para mapasarap kain naming." She turns to him, smiling widely. "Kaya yakang-yaka ko na 'tong pagluluto."
Liam bites the apple he's holding. "If you say so.." Kakagat na sana uli siya ng napadako ang tingin niya sa likurang bahagi ni Isla.
.
.
He's blood boils remembering her soft, round butt. At even though she's wearing a large short, it's still bulging, teasing the fabric of the---
Pinilig niya ang ulo at kumagat uli sa mansanas. They have the same preference—they are both into women. 'Get a hold of yourself, Liam. You've been working with a lot of REAL women with great physical assets, sa tomboy ka pa nagnanasa.'
"Oh? Asan sila?" Isla tilted backwards to peek at the living room.
"They already left."
Umikot si Isla para harapin siya. "Ha?! Pero pinagluto ko sila---"
"Mauubos ko rin 'yan. Whole day akong walang kain."
"Ganun ba?"
"Luto na ba yan?"
"Di pa."
"Sit down, I have something to disscuss with you."
"Ano yun?" Hinubad ni Isla ang apron at umupo sa high chair kaharap si Liam.
"Here." Lahad ni Liam sa isang naka-folder na dokumento. "The contract."
Kinuha iyon ni Isla at binasa. "Kontrata? Ba't may ganito?"
"Para legal lahat."
"Ohhh.. 'Party A and Party B enters into a service contract wherein Party B will provide assistance and support to Party A...'" Panimulang basa niya. "Hmm.. So ikaw si Party A at ako si Party B."
"Right."
"May mali 'eh."
"Uh yes... that is still a draft contract. Meaning, we can still revise that and add some of our personal terms and conditions---"
"Hindi 'yun. Dapat Party L at Party I 'to. Hindi A & B."
"Huh?" Nabitin si Liam sa pagkagat sa hawak na mansanas.
"Dapat Party L kasi L ka... Liam. Tsaka Party I stands for "I"... Isla. Pfft!!! AHAHAHAHAHA!!! Joke lang." At ito rin lang tumawa sa sariling joke.
"You're crazy." Umiling nalang si Liam na pinagpatuloy ang pagkain sa mansanas. "Your salary will be Php70,000 per month, it could be higher depending on your performance---"
"T-Teka, teka..." Binaba ni Isla ang binabasa. "7-70???!!! 70,000?!!! A-Ang sahod ko 70,000?!!" 's**t! Ilang zeros ba 'yun?' Sinubukan niyang magbilang sa daliri.
"Yeah. Why?" Prente lang nitong sabi.
"B-Baka ma-bankcrupt ka pa dahil sa laki ng sahod ko--"
"Don't want to sound like an asshole but believe me, hindi pa naka 1/8 ang Php70,000 sa sahod ko, Isla."
"Pero---"
Bago pa maka-angal uli ito, inunahan na ni Liam si Isla. "Nakasaad rin diyan na pag nagdala ka rito ni isang Batang Tagpi Gang, tanggal ka agad sa trabaho."
Umingos rin si Isla. "Sana nakalagay rin dito pag nagdala ka ng babae, layas ka rin dito."
"Why is that?"
"Paano ako makakatulog kung malakas kayong umuungol, aber? Hindi kaya biro ang maglinis, dapat may sapat at maayos na pahinga."
A grin creeps on Isaiah's face. "Why will the woman moans loud?"
"Kasi halata naman malaki ang..." Agad yumuko si Isla at binasa kuno ang kontrata. "S-Saan ako rito pipirma?"
Tuluyan nang hinarap ni Liam si Isla. "Keep going." He teases.
"Ayssh! Tumigil ka..." Pilit na kinubli ni Isla ang mukha. "S-Saan mga k-kondisyon mo rito?" 'Traydor ka, utak! Traydor!' Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Bigla kasi niyang naalala ang hitsura nito nung naghubad ito ng pang-itaas. [A/N: Strangers No More scene where Isaiah lends his shirt to Isla.]
Di pa rin mawala sa labi ni Liam ang ngiti. "I sleep naked, Isla.. for sure. You can see it anytime."
Bwesit na tiningnan niya ito. "Isa pa... lalagyan ko talaga ng lason pagkain mo."
"Oh, potion? Lalagyan mo ng love potion pagkain ko? Oh, Isla.. you don't need to go such through lengths to make me fall inlove with you--"
"Ah! Hahantong sa walang kwentang usapan 'to!" Tatayo na sana siya ng pinigilan siya ng tumatawang si Liam sa braso. "Bitawan mo 'ko!"
"Okay, okay.. I'll behave." Liam suppresses his smile. "Now can we go back to the contract?"
"Tch!" Isla flips another page. "Oh, saan rito mga kondisyones mo, mahal at hambog na hari?"
"Page eleven, Section 20."
Nag-iba naman ng pahina si Isla. "Heto... Hmm? Tatlo lang condition mo?"
"Yeah." Kumagat uli si Liam sa mansanas.
"'Conditon 1: Party A doesn't like to eat vegetable---' P*ta! Anong klaseng---"
"I hate vegetables, Isla." Tango ni Liam.
"HUH?! Paano ka makakakuha ng lakas niyan kung puro---"
"That is my condition. Move on." Kagat nito ng mansanas uli.
"Sana sinabi mo kanina.. ang dami ko pa naming biniling gulay." Niyuko niya ang papel na hawak. "Condition 2: Party B should always be with Party A wherever he goes and follows his instructions....' Ano ibig sabihin nito?"
"You are my assistant so you basically need to be with me and do what I say."
"Subukan mong alilain ako, bugbog aabutin mo." Inambanan niya ito ng suntok.
"And you really think I'm the type of person who loves to e*****e others? Relax. I won't tell you strip your clothes off. It's not worth it."
"Hah! Kahit aso naglalaway sa katawan ko, Isaiah. Akala mo lang."
"May rabies ang aso kung naglalaway. May topak ka rin 'no?"
"Condition 3: Party B will not engage in any workplace romance..' ha? Ano raw?"
"Truth be told, I'm working with a lot of models. And I am restraining you to have any emotional and romantic relationship with them."
"Seryoso ka? I mean.. Okay lang naman ako sa kondisyong ito pero kailangan ba talagang ilagay sa contract?"
"Wait till you see the real world I'm working. Old-aged director falling inlove with a 16 years-oldfresh star, male model got an HIV/AIDS from having a s****l relationship with a cameraman.. stuffs like those exist on my world, Isla. I just don't want you to be a victim."
"Ohh... okay. Di mo ba ilalagay rito na bawal ako ma-inlove sa'yo? Kasi amo kita? Yung ganun?"
"Ow.. Bawal ma-inlove? Sa akin? There's no need to put that as a house rule."
"Bakit?"
"You'll eventually fall for me. Let's not waste time."
"Wow.. talo pa si Bagyong Ompong sa lakas ng hangin mo 'no?"
Liam's grinning as he shrugs his shoulder.
"Ba't blanko ang next page?" TIngin niya sa walang sulat na pahina.
"It's where you write down your terms and conditions.."
"Hmmm.." Isip ni Isla. "May tatlo rin akong conditions." Kinuha niya ang nilahad na ballpen ni Liam. "#1: Dapat walang marinig si Party B na 'height jokes' mula kay... Party.... A." Sulat niya.
"Height jokes?"
"Subukan mong kutyain height ko, gigising ka nalang na walang bayag."
"You're insane."
"#2..." Sulat ulit ni Isla. "Walang.. iwanan..." At tumingala si Isla sa kaniya. Meeting his gaze straight.
Di agad nakahuma si Liam. Seryosong nakatitig si Isla sa kaniya at halatang di ito nagbibiro sa sinulat. "Why?"
.
.
.
"A-Ayoko ng maiwang mag-isa." Yuko ni Isla. "K-Kaya... w-wag mo sana akong iwan—ibig kong sabihin" Tumingala uli ito para i-explain ng mabuti nang sumingit si Liam.
"I understand."
Yumuko ito para itago ang namumulang mukha.
"I know what you mean, Isla. Remember what I told you when I brought you here?"
Nakayuko pa ring tumango si Isla.
"Work for me... and I promise, di kita pababayaan."
Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan sa pagitan nila. "Your last condition?"
"#3..." Tumingin si Isla sa kaniya. "Ipakita mo sa akin si Isaiah. At hindi si Liam."
.
.
Liam's smile slowly fades away.
"Magaling kang mag-kunwari sa harap ng maraming tao, Isaiah. Kanina, kahit alam mong pagod ka at ilang oras lang ang tinulog mo, pinilipilit mo pa rin ang sarili mong maging okay. Ngumingiti ka pa para masabing okay. Halata namang pagod ka, ba't di mo sabihin yun sa bisita mo? Sa palengke, may nakita akong poster mo dun. Ang ganda ng ngiti mo pero sa likod noo'y taong nagkukunwari. Kabayaran ba sa kasikatan mo ang kalayaan mong ipahayag ang totoo mong damdamin?"
Nag-iwas ng tingin si Liam.
"Kaya gagawin ko 'tong kondisyon. Pag kasama mo ako, ipakita mo sa akin ang totoong ikaw. Sumigaw ka kung galit. Umiyak ka kung nasasaktan ka. Magpahinga ka kung pagod ka. At higit sa lahat, tumawa ka kung masaya ka. Ayoko ng plastikan, at mas maaalagaan kita kung alam ko ang totoo mong damdamin."
.
.
"Okay." Huminga ng malalim si Isaiah at tumango.
Isla smile sweetly. "Yan! Yan dapat! " Niyuko niya ang dokumento at nilagdaan ang pangalan niya.
"You can read through me?"
"Hindi naman... Parang ano lang... parang kaya kung timplahin kung anong iniisip mo?" Nagulat siya nang nilapit ni Isaiah ang mukha nito sa mukha niya. "A-Anong ginagawa mo..."
"So what do you think I'm thinking?"
Napatitig si Isla sa mga mata nito. The orange light of the setting sun is twinkinling his blue eyes. Napangiti na rin si Isla. She can finally see a glimpse of the real him. "Iniisip mo kung kalian ka na kakain kasi gutom ka na."
He chuckles. "Right." Pero laking gulat ni Isla na mas nilapit pa nito ang mukha nito sa kaniya. Their nose almost touching. They're breathing and exhaling the same air.
"I-Isaiah..." She caught his eyes looking down for a second on her lips then back to her eyes.
"How about now, Islanda..." His baritone voice is laced with a sultry deep timbre. "Can you guess what I'm thinking?"
.
.
And to Isaiah's amazement, Isla meet his gaze with same passion. "You wanted to kiss me."
.
.
Namumulang lumayo si Isaiah.
'"Ha!" Palo ni Isla sa mesa. "See? Gutom lang 'yan, Isaiah." Bumaba siya sa upuan. "Chill ka lang ng 5 minutes. Ihahanda ko pagkain mo." At nilapitan nito ang stove sabay suot sa apron.
.
.
Isaiah covers his mouth as he can't stop himself from blushing hard.
He then looks at Isla's back.
.
.
'She's scary...'
.
.
'She can definitely read my mind.'
[STAGE 7 PREVIEW:]
Liam was sipping his milk tea when he received a text from his mom.
Lizbeth: Go home.
He replies: I can't. I still have---
Di pa niya natapos ang pagtitipa sa phone ng may bagong message na naman itong s-in-end.
Lizbeth: And I mean in your pad. YOU NEVER TOLD ME YOU HAVE A WIFE!
"Pfft!" Naibuga niya ang iniinom sa kaharap na si Nicolo.
"What the f**k, dude!" Yuko ni Nico sa namantsahang damit.
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote. ⭐