Eazzi's POV
***Makalipas ang dalawang araw***
Late na akong pumasok dahil puyat ako kakaisip kung paano ko sasabihin kay Nexus na mahal ko na siya. Lunes na lunes pa naman. Pagpasok ko sa room namin ay nagdidiscuss ang English teacher namin
"I'm sorry ma'am, I'm late"
"O Miss Cruz bakit ka pa pumasok? It's fine na hindi ka pa pumasok kasi may excuse letter kayo for today" sagot ni ma'am
"Ganun po ba? Hayaan niyo nalang po ako ma'am. Para na rin po maka-catch up" wika ko
"Okay. Please be seated"
Umupo na ako at nakinig sa klase.
Matatapos na ang maghapon ay hindi ko nakita si Nexus. Baka bukas pa ang pasok niya since may excuse letter.
Umuwi na ako sa bahay namin pagkauwian at maaga akong nakatulog.
***Tuesday****
Starting this day ay balik aral na uli kami. Start na rin ng pag-iintindi namin sa mga na-missed naming quizzes at activities dahil sa pagre-review. It means busy ako at busy din si Nexus. Dahil sa parehas kaming naging sobrang busy ni Nexus ay dumating sa point na hindi na kami nagkikita sa campus. Mabilis na lumipas ang mga araw at nagulat ako ng mapansin na dalawang linggo na pala kaming hindi nag-uusap simula noong competition.
"Eazzi!" tawag sakin ni Nelly
"Namiss kita! Anong balita na?" dagdag niya
"Ito tapos na sa mga activities at quizzes. Thank you nga pala sa mga notes mo"
"Hindi yan ang balita na gusto kong marinig gaga! Yung sa inyo ni Nexus! So ano? Kayo na nga? Bali-balita na kasi sa campus" tuloy tuloy niyang sabi
"Hindi kami. Hindi pa nga ako nakakaamin sa kaniya e" pabulong kong sabi upang masigurado na hindi maririnig ng mga malapit sa amin
"Ay gaga! Bilis-bilisan mo at baka maagaw pa sayo"
"Parehas kasi kaming busy nitong mga nakaraang week tapos siya ay mas busy kasi nga graduating na remember?"
"Sabagay-- well, speaking of" sabay turo niya sa bandang likod ko.
Paglingon ko ay nakita ko si Nexus na nakatingin samin at kasabay niya si Isaiah
Hindi ko pinansin si Isaiah na kasama nya at nakaramdam ako ng tuwa kasi miss na miss ko na siya. Nginitian ko siya at ngumiti rin sya pabalik. Biglang sinundot ni Nelly ang tagiliran ko kaya napatingin ako sa kaniya. Pag tingin ko uli sa likod ko ay wala na si Nexus.
"Ikaw haaa. Btw, kelan ka aamin" tanong ni Nelly
"Ewan ko"
"Alam ko na girl kung kelan! This coming Friday!" suggestion niya
Biglang nangunot ang noo ko
"Bakit sa Friday?" tanong ko
"Girl naman! Birthday ng mahal mo hindi mo alam?!" gulat na sabi niya
"Ang ingay mo naman. Wow Nelly ha grabe na pagka stalker mo" asar ko
"Stalker ka jan. Nakapost kasi sa f*******: nya yung invitation sa birthday party niya"
"Ah talaga ba?" gulat na sabi ko
"Oo dzai. Tara na nga umuwi" yaya ni Nelly.
Pagkarating ko sa bahay ay binisita ko ang f*******: ni Nexus. Nakapost nga sa timeline niya ang invitation
"Himala! Online ka" chat ni Nelly
"Hi Eazzi " chat ni Nexus
Eazzi lang? Samantalang nung competition ay 'Eazzi ko' . Well hayaan na nga natin at ni-replayan ko siya
"Hi! Birthday mo pala sa Friday?"
"Oo punta kayo dito ni Nelly sa bahay. 8 PM yun"
"Nakakahiya. Pero ita-try ko, hindi kasi ako pinapayagan ng parents ko na umalis ng gabi"
"Ah ganun ba? Sayang naman." reply nya
"I miss you so much" sunod na reply niya. Agad kong kinuha ang unan ko at umirit ng paglalakas-lakas. Pagtingin ko sa screen ng cellphone ko para replyan sana siya ay nakita kong active a minute ago at I decided na wag ng magreply pa.
Mabilis na lumipas ang mga araw. Friday na nga, nagtry akong magpaalam sa parents ko pero hindi nila ako pinayagan kaya eto ako ngayon nagmumukmok sa room namin.
"Girl pwede ng sabitan ng kaldero yang nguso mo sa haba" pang-aasar ni Nelly
"E kasi naman hindi nila ako payagan. Bumili pa naman akong gift tapos alam mo na" nakasimangot na maktol ko
"What if ipagpaalam kita? Sabihin natin na sa bahay ka tutulog kasi magpapatulong ako sa math project natin pero pupunta talaga tayo kina Nexus" suhestiyon ni Nelly
"Baka magalit sila satin pag nalaman"
"Hindi naman nila malalaman e. Ano G?"
"Sige. Ikaw bahala"
"Okay. Sasamahan kita sa inyo pag-uwi mo" ani nya bago tumingin uli sa salamin na hawak nya para maglagay ng liptint.
***Sa bahay***
"Ma! May sasabihin daw sayo si Nelly" tawag ko kay mama
"Anjan si Nelly? Aba ay bumili ka ng miryenda doon sa tindahan" utos ni mama
"Hi Tita Ellissa" bati ni Nelly
"Ano po kasi--"
Yun nalang ang narinig ko dahil lumabas na ako papuntang tindahan.
"Aling Nena pabili nga pong 1.5 na Coke at isang balot na Lemon's Square Cheesecake"
"175 pesos lang Neng"
"Eto po" sabay abot ng bayad
Habang nasa daan ako pabalik ng bahay ay kabang-kaba ako. Alam ko kasing hindi ako papayagan nun.
Pagpasok ko sa bahay dere-deretso ako sa sala. Laking gulat ko nung nakita kong nakaready na ang mga damit ko at gamit ko para sa overnight.
"Heto, dalhin niyo para may ngutngutin kayo" wika ni mama habang inilalagay sa bag ko ang isang box na Bengbeng
"Ma--"
"O lumakad na kayo para maaga kayong makapagsimula ng project niyo. Eazzi dapat 8 AM andito ka na ha" putol ni mama sa sasabihin ko
Napangiti nalang ako sa tuwa at kiniss si mama bago tuluyan lumabas ng bahay para sumakay sa kotse nila Nelly.
***At Nelly's House***
"Maligo na tayo girl! 8 PM ang start ng party" excited na sabi ni Nelly habang paakyat ng hagdan patungo sa kwarto nya
"Teka! Wala akong masusuot"
"Ano ka ba! Nasa kwarto mo na" natatawang sabi ni Nelly.
Ang kwarto na tinutukoy nya ay ang kwarto na katabi ng room nya na lagi naming tinatambayan noong elementary pa kami. Dahil parang kapatid na ang turing niya sa akin ay sadyang pinaayos nya ang kwarto na yun para sa akin.
"Go! Go! Go!" sabay tulak sakin papuntang CR
Matapos kong maligo ay nagtungo ako sa kwarto ni Nelly.
"Halika. I-blow dry natin yang hair mo at aayusan na kita" wika ni Nelly
"Wag sobrang kapal ha. Hindi ako ang may birthday"
"Okayyy"
After 30 minutes...
"Ganda talaga ng bestfriend ko"
"Mas maganda ka timang" natatawang sambit ko sabay tingin sa salamin
Masasabi kong magaling talaga si Nelly when it comes to make up. Napakaganda ko nga tonight
"Onga pala advance happy birthday sayo. Babatiin na kita kasi baka may hangover ako tomorrow" singit ni Nelly
"Thank you. Akala ko nakalimutan mo na" nakangiting sabi ko at yinakap ko sya
"Gagi! Meant to be talaga kayo ni Nexus. Biruin mo magkasunod ang birthday niyo" kinikilig na wika nya. Hindi na ako nag-react pa sa sinabi nya.
Alam kaya ni Nexus na birthday ko bukas? Excited na akong batiin siya.
Dumating kami sa bahay nila Nexus ng 9:00 PM. Nasiraan kasi yung sinasakyan namin.
Pagkapasok namin ay kinakantahan na si Nexus ng Happy Birthday song.
Habang papasok kami sa loob ng bahay nila ay inilibot ko ang paningin ko. Nakakamangha. Sigurado akong mas mayaman sila Nexus kina Nelly. The designs of his place naman kasi is very elegant at halatang malaking pera ang ginastos.
Iniabot ni Nelly ang gift niya sa isang babae. Akmang kukunin ni Nelly ang hawak ko pero iniiwas ko.
"Gusto ko sanang ako ang magbigay nito kay Nexus" sabi ko na parang nahihiya
"Paspecial ka girl?" natatawang bulong ni Nelly sakin
"Okay po ma'am" wika nung babae
Ini-escort kami ng isang lalaking nakasuit sa isang table at agad akong umupo. Hinanap ng mga mata ko si Nexus at nakita ko siya na may kausap na matatanda. Ang gwapo niya sa suot niya.
"Pwede na po tayong kumain" announce ng emcee.
Mga 10:00 PM na nung natapos ang lahat sa pagkain. Nag-uumpisa na rin na umalis ang ibang matatanda at halos mga ka-edadan nalang namin ang natira.
"Eazzi may swimming pool party pa pala si Nexus. Ang bongga naman" masayang chika ni Nelly
"Ha? E gabi na ah"
"Ayos lang yan. Samin ka naman tutulog tsaka hindi ka pa nakakaamin kay Nexus. Hindi mo pa rin nga nabibigay ang gift mo e"
"Oo nga pala. Ang hirap nyang lapitan at hanapin. Napakarami niyang bisita"
"Hinatayin mo nalang. Mamaya available na yun. Nga pala, dun muna ako sa iba nating classmates ha" paalam niya
"Okay. Basta bumalik ka dito"
"Oo gaga para kang batang ayaw mawala sa tabi ng ina" patawa-tawa niyang sabi.
Pagtingin ko sa relo ko ay 11:00 PM na. Isang oras na akong nakamasid lang sa mga nagsasayawan at medyo sumasakit narin ang tenga ko sa sobrang lakas na tugtog. I decided na lumabas muna at maglakad lakad. Habang naglalakad ako ay may nakita akong swing. Umupo muna ako kasi nananakit na rin ang paa ko.
"Boo!" panggugulat ni Alexander sa akin
"Ay palaka ka!" gulat na wika ko
"Sa pogi kong to palaka ako?" nakangising sabi ni Alexander
"Bakit ka kasi nanggugulat?!" singhal ko
"Nagsesenti ka kasi. Hindi bagay sayo ang malungkot"
"Senti ka jan! Si Nelly kasi hindi ko makita tsaka nakakarindi na sa loob e"
"Ang ganda mo ngayon ah. Mukha ka ng tao" wika niyang patawa-tawa
"Mukha ba akong timang noon?" naniningkit na tanong ko
"Chill. Magsusungit ka nanaman. Alam ko namang hinahanap mo si Nexus" wika niya sabay inom ng wine na hawak niya
Nang marinig ko ang name ni Nexus ay medyo kumalma ako
"Asan siya?" tanong ko
"Nasa may pool" sabay tayo niya at tuluyan ng umalis
"Teka! Di ko alam kung san ang pool dito!" sigaw ko
Kumaway lang siya ng nakatalikod sa akin. Bwisit na Alexander to.
Nag-umpisa na akong maglakad-lakad para hanapin ang swimming pool na sinasabi niya. Mukhang napakalawak pa naman ng bahay na ito. Pagtingin ko sa relo ko ay 11:50 na. Paghakbang ko ay bigla akong natapilok kaya napaupo ako.
Hinimas himas ko ang paa ko ng may narinig akong boses. Sinundan ko ang boses at nakita ko ang likod ni Nexus at nasa harap niya si Isaiah
"Isaiah ano kasi.."
"Pwede na ba kitang ligawan?" pagtutuloy ni Nexus sa sinasabi niya
Para akong nabingi sa sinabi ni Nexus at biglang may kumirot sa bandang dibdib ko.
Nakatitig lang si Isaiah kay Nexus at bigla siyang ngumiti.
Nang ngumiti si Isaiah ay mas sumakit ang kirot na nararamdaman ko na naging dahilan na ng pagtulo ng luha ko.
At saktong pagtulo ng luha ko ay ang pagputok ng fireworks na hudyat na alas dose na.
Nakatayo lang ako. Masyadong masakit ang nararamdaman ko kaya hindi ko na naramdaman na masakit din ang paa ko.
Nagyakapan ang dalawa at tumingin sa langit ng nakangiti upang panoorin ang fireworks. Samantalang ako ay nakatingin sa kanilang dalawa na lumuluha.
Akmang aalis na ako ng malaglag ang regalo na hawak ko na naging dahilan ng paglingon ni Nexus sa pwesto ko. Agad akong tumalikod at pinunasan ang luha ko. Dali-dali akong naglakad hanggang sa tumatakbo na. Wala na akong pakialam sa sakit ng paa ko hanggang sa mabangga ako sa isang lalaki.
"S-so-rry" humihikbing wika ko
Bigla akong niyakap ng nakabangga ko.
"Tahan na Eazzi. Sssh"
Dahil sa sinabi ng lalaki na nakayakap sa akin ngayon ay mas bumuhos ang luha ko
"Bakit ganun? B-akit kung kelan mahal ko na siya-- Bakit-- bakit ngayong birthday ko pa?" garalgal na sambit ko.