Chapter 4: The Competition Day

1022 Words
Eazzi's POV This is the day. Maaga akong nagising para maaga ring pumasok sa school kasi babyahe pa kami patungo sa location kung saan gaganapin ang competition. Dahil wala pa ang bus na service namin ay naisipan ko munang pumunta sa room namin para tumambay. Habang papalapit ako sa room namin ay napatingin ako sa room nila Nexus. Nagulat ako kasi nakita ko siya sa loob ng room nila. Nang mapansin niya ako ay agad niya akong nginitian. Napakaganda ng ngiti niya na yun. Nakakatawa kasi kahit alam kong iba ang gusto niya ay patuloy pa rin akong umaasa. Umiwas nalang ako ng tingin bilang pagkukunwari na hindi ko siya nakita at dali-daling pumasok sa room namin. Simula nung araw na malaman ko na hindi talaga ako ang crush ni Nexus ay ginagawa ko ang lahat para umiwas sa kanya. Alam kong napakababaw ng dahilan pero masakit talaga sa akin lalo na at nahulog na talaga ako sa kanya. Agad kong hinanap ang upuan ko at bago pa ako makaupo ay may humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko ang nakakunot noong si Nexus. Bigla akong nakaramdam ng konting kaba dahil never kong nakita ang ganitong expression niya. "Bakit ka nandito?" tanong ko na medyo kinakabahan Sa halip na sumagot sa tanong ko ay hinila niya ako patungo sa room nila na walang katao-tao kundi kami lang dalawa. "Iniiwasan mo ba ako Eazzi?" seryosong tanong niya habang titig na titig sa akin. Napakagat labi ako dahil sa tensyon na nararamdaman ko. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at yumuko bago sumagot. "H-hindi. Bat naman kita iiwasan?" "Eazzi tumingin ka sakin" Hindi ako sumunod sa sinabi nya kaya marahan nyang hinawakan ang baba ko para mapaharap sa kanya ang mukha ko "Gusto mo ba ako? Kasi ako? Gusto kita. Gustong-gusto" sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko Hindi ko alam ang sasabihin sa kaniya at alam kong pulang pula na ang mukha ko sa kilig at tuwa sa mga narinig ko. Matagal akong hindi nakasagot kaya nagsalita siyang muli "Okay. Hindi kita pipilitin na sagutin ang tanong ko. I just want you to stop avoiding me. Pwede ba yun?" Tumango lang ako bilang sagot "Nexus? Anjan ka ba?" tawag ng isang babae na sobrang hinhin ng boses. Dahil sa narinig namin ay lumayo ako kay Nexus "Punta na ako sa room namin" paalam ko kay Nexus Tumango lang siya at tumingin sa babaeng pinagmulan ng mahinhin na boses. Tiningnan ko ng saglit ang babae bago ako lumabas at alam kong siya si Isaiah. Ang babaeng sinasabing tunay na crush ni Nexus. Dumeretso na ako sa room namin para kunin ang gamit ko at magtungo sa Math Department. Saktong pagdating ko ay naghahanda na ang lahat sa pag-alis. Pagpasok ko sa bus ay umupo ako sa dulong-dulo. Pagkaupo ko ay naglagay ako ng earphones sa tenga ko at nakinig na lang ng kanta. May umupo sa tabi ko at hindi ko na siya nilingon. Sa amoy palang ng pabango niya ay alam ko na kung sino siya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na naging dahilan kung bakit ako napalingon sa kaniya. Ngumiti lang siya na parang nahihiya "Aba naman Nexus, mukhang mananalo ka talaga ah" biglang sabi ni Alexander na paupo palang sa upuan na nasa harap namin "Oo naman, inspired e" nakangiting sagot nya "Sana all kaholding hands ang crush" malakas na sabi ni Alexander na may himig pang-aasar "Sana all" sambit din ng mga nasa bus Dahil sa magkahalong hiya, kilig at tuwa ay nilakasan ko nalang ang tugtog ng earphones ko at hinayaan syang nakahawak sa kamay ko Nang makarating kami sa venue ay natungo kami sa gymnasium kung saan magtitipon-tipon ang lahat. Hinanap nila ma'am Santos ang upuan na nakalaan sa amin. Nang mahanap na ni ma'am Santos ay pumunta na kami doon para umupo. Magkatabi pa rin kami ni Nexus sa upuan. Tuwang-tuwa naman ako at kilig na kilig. Noong time na para pumunta sa kanya-kanyang room kung san kami magsasagot ay bigla akong hinila ni Nexus palapit sa kanya. Mahilig ata talaga tong manghila. "Goodluck Eazzi ko" bulong niya sakin sabay pisil ng pisngi ko "Goodluck Nexus" sabay ngiti sa kaniya. ***Fast forward*** Tapos na ang lahat na magtake at nasa gymnasium na ulit kami para sa awarding ceremony. Nagsimula ang emcee sa mga first year students at nung nasa third year na ay biglang tinawag ang name ko sa stage as a second placer at first placer naman si Alexander. Tuwang-tuwa ang lahat sa amin. Lalo na si Nexus. At nung fourth year na ang tinatawag ay medyo kinakabahan kami dahil nasa top 2 na ay wala pang natatawag galing sa school namin. "Our first placer ay galing nanaman sa Allison High! Walang iba kundi si Nexus Jade Gutierrez!" announce ng emcee Dahil sa narinig namin ay agad kaming nagsigawan sa tuwa at pumalakpak. Halos lahat samin ay second placer at first placer kaya tuwang-tuwa si ma'am Santos. Pagbaba ni Alexander sa stage ay yinakap niya ako ng napaka-higpit at yinakap ko rin siya pabalik. "Ehem.. ehem" ubo ni Alexander Dahil sa sinasadyang pag-ubo ni Alexander ay bumitaw ako sa yakap at naupo na sa hiya dahil marami nga pala kaming students na kasama at from different schools pa. Matapos ang awarding ay umuwi na kami. Bago tuluyang bumaba si Nexus sa bus dahil nasa tapat na kami ng bahay nila ay nginitian niya ako at binigyan ng finger heart. Nang nasa bahay na ako ay tuwang-tuwa sila mama at isinabit ang medal ko sa sabitan. Matapos kong kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko. Dahil hindi pa ako inaantok ay naisipan ko na magfacebook. Habang nagsscroll sa f*******: ay nakita ko ang isang post ni Nexus. Isa itong blurred picture ng babaeng nakatalikod at ang nakalagay na caption ay "I really really like her" Zinoom ko ang picture at napansin kong ako ang nasa picture. Dahil sa nakita ko ay kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kilig. Tinamaan na nga ako ng todo sa lalaking ito. And I think dapat niya na ring malaman ang nararamdaman ko para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD