Chapter 3 : New Crush + Fake News

489 Words
Eazzi's POV Sa loob ng isang linggo ay palaging nasa isip ko si Nexus at maging ang muntik na kissing scene namin noong nakaraang araw. Alam kong sa mga simpleng ginagawa niya na pagpapakilig, pagngiti at pangungulit sa akin ay nahuhulog na ako sa kanya. Kung may club ng mga mabilis ma-fall ay paniguradong ako ang President nila. Napaaga ako ng pasok kaya pagdating ko sa room namin ay ako palang ang tao. Kinuha ko ang cellphone at earphones ko sa aking bag at nakinig muna sa mga kanta ni Taylor Swift. Fan na fan niya kasi ako. Crazier ang nag-play at isa ito sa mga favorite songs ko. Sinabayan ko ang kanta na parang concert ko kasi confident ako na walang makakarinig dahil masyado pang maaga. Nang matapos akong kumanta, nagulat ako kasi may biglang pumalakpak. Pagtingin ko sa may pinto ay nakita ko si Alexander na ngiting-ngiti. "Galing mo talaga kumanta Miss chopping board" wika niya Ayos na sana yung sinabi niya kaso sinamahan niya pa ng pang-aasar. Dahil sa medyong inis na naramdaman ko ay nginitian ko siya ng pilit at kinuha ang purse ko para pumunta sa CR. Bago ako makalabas sa pinto ay hinila niya ang kamay ko para pigilan ako sa paglabas "Problema mo?" tanong kong may pagkamasungit "Bakit ba ang sungit mo sakin?" balik-tanong niya "Pake mo ba?" "Mas maganda ka kung hindi laging nakakunot ang noo mo at kung nakangiti ka" wika niya sabay bitaw sa kamay ko Anong nangyari dun? Biglang bumabanat ng ganun? Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at pumunta sa CR. Pagkapasok ko may dalawang babaeng nag-uusap "Oo tunay yun! Nagtruth or dare kasi kami tapos ang sabi niya dare" sabi ni girl 1 "O anong dare sa kanya?" tanong ni girl 2 "Sabihin ang name ng crush nya at guess what? Si Isaiah daw" sagot ni girl 1 "What?! Crush ni Nexus si Isaiah?" naghihisterya na wika ni girl 2 "Oo nga. Ayos lang yan. Bagay naman sila" wika ni girl 2 Biglang tumunog ang bell. Hudyat na magsisimula na ang mga klase at kailangan na naming bumalik sa Math Department. Last week of review na nga pala namin. Tunay na napakabilis ng oras at panahon. Matapos kong marinig ang usapan ng dalawang babae na kaklase rin pala ni Nexus ay nakaramdam ako ng pagkadismaya. Umasa kasi ako na gusto talaga ako ni Nexus dahil na rin sa mga actions na pinapakita niya sa akin. Hays. Sinasabi ko na nga ba. Fake news ang nasagap ni Nelly. Panay ang buntong hinga ko habang patungo sa Math Department. Pag pasok ko ay nakayuko akong nagtungo sa tabi ni Alexander. Pasimple akong tumingin sa pwesto nila Nexus at nagtama ang paningin naming dalawa, napansin kong parang nag-aalala siya pero hindi ko na binigyan ng malisya kasi baka guni-guni ko lang. Bigla kong naalala ang narinig ko sa girl's CR kaya bigla akong umiwas ng tingin kay Nexus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD