Chapter 4

2591 Words
“Mates never leave each other. Kahit kailan ay hindi sila mapaghihiwalay kapag nawala ang isa mangugulila ang natira hindi kaya ng magkapares na malayo sa isa't-isa. Being far away from each other is torture for them, they will certainly feel sad and would feel emptiness. Tatagal lamang nang ilang buwan o pwedeng isang taon ang itinatagal ng isang magkapares na mate kapag nawala ang isa. Mangugulila sila o ’di kaya naman ay nalulungkot hangga't hindi nila naamoy o nahahawakan ang mate nila. It's their only way to ease the pain and the emptiness they felt. Mahal na mahal nila ang isa't-isa hindi nila sa mabubuhay ng wala ang isa. But, there are rare cases of mates which is the rejection. Rejection is rare because it only happen when one of the mate doesn't want the other. Rejection is fatal. Ang na-reject na mate ay napakasakit kaya minsan ay hindi na ito nagtatagal nang ilang araw mismong ang na-reject na mate ang kumikitil ng buhay niya dahil hindi kayang magtagal ng isang mate na mabuhay na wala ang kanyang kabiyak." Isinara ni Everdeen ang libro na pagmamay-ari ng kanilag pamilya narito siya sa lawa malapit sa eskwelahan maaga siyang namasyal rito dahil gusto niyang magpag-isa. Isang oras bago ang klase niya kaya'y ninais niya na muna na narito at nagbasa. Matapos niyang ipinta ang lawa gamit ang kanyang mga paminta ay itinabi niya na muna iyon upang magbasa sandali. Ilang araw na rin siyang ganito malungkot at lalo pang nagiging malungkot. Alam ng babae na may mga bagay na hindi nararapat sa kanya, hindi na maipagtataka iyon dahil ayon na rin sa librong binasa niya na akda ay kanyang ama ay wala talagang mangyayari sa kanya lalo na kapag ganito ang nangyayari sa kanyang kapalaran. Hindi kayang magtagal ng isang mate na mabuhay ng walang ang kanyang kabiyak. Paulit-ulit 'ong nag-e-echo sa utak ng dalaga. Matagal ng patay ang katawang lupa nito dahil sa nangyayari sa buhay niya. Akala ni Everdeen muling mabubuhay o sisigla ito nang dumating ang lalaki ngunit nagkamali siya. Lilisanin niya rin ang mundo. Sandali na lamang ang itatagal niya lalo na at ayaw sa kanya ng lalaki. Sa ilang araw na iyon ay naging isa siyang dakilang estranghera sa sarili niya. Wala itong ginawa kundi ang sundan ang lalaki habang nakikihalikan ito sa iba. Oo, masakit ngunit kailangan niya iyon upang tumagal ng konti pa hanggang sa tuluyan na niyang bitawan ang mga salitang dapat binitiwan na nito mula noong una silang nagkita nais na ni Everdeen na sabihin niya ito upang masundan niya na ang kanyang pamilya. Upang hindi na siya magtagal pa na nasasaktan habang nakikita ito sa iba't-ibang babae. Iwas nang iwas si Everdeen sa lalaki upang hindi ito siya makitang kasama ng ibang babae ngunit hindi mapigilan ang sarili. Ang lalaki nalang sana meron siya ngunit ito din ay hindi pagmamay-ari niya. She doesn't own him maybe the Moon Goddess herself put her and him in the wrong destiny, in the wrong time and place. Moon Goddess -ito ay ang Dyosa ng mga werewolves. Ang Dyosang gumawa sa mga werewolves. Ang Dyosa kung bakit naghihirap ang loob niya ngayon. Bakit pa nito inilagay ang babae sa sitwasyon ito gayong alam niya lang na masasaktan ang dalaga? Inilagay nito ang dalaga sa sitwasyon hindi niya makakayang i-handle. It's her creation. Dapat nilagay niya din ito o ipares niya din ito sa gawa niya hindi sa kanya na mahina at walang kuwenta. Ngayon ay mas lalo nilang pinalala ang buhay ng dalaga nais ba talaga nilang mawala na siya? Kung ganoon malapit na siguro malapit na malapit na, konti nalang. She stayed here on her favorite spot for awhile nais niya munang damhin ang kapayapaan at katahimikan ng lugar nang walang istorbo. Nais niya munang damhin ang lamig ng paligid pati na rin ang katahimikang nais niyang madama ito nang panandalian. He did a great job of making her the most useless person in the world. He did a great job of making her the idiot person she is. Useless. Pathetic. Weird. Lahat ng 'yon ay pinalala ng lalaki mas lalo niya lang nararamdaman na mali ang ginawa ng Dyosa ng buwan na ipinares siya sa binata. She smiled bitterly looking at the lake. Mabuti pa ang lawa kahit nag-iisa sa gitna ng gubat na ito ay may pakinabang pa sa iba na may kasama pa din ito kahit hindi nito kauri ang mga nasa paligid nito. Sana maging katulad din siya ng lawa. Iba man ang uri nito naayon pa din ito sa mga halaman at gubat na narito at nakapalibot rito. Sana maging ganoon din si Everden. Sana maging katulad din siya ng lawa na ito. Tumayo na ang dalaga mula sa pagkakaupo sa damuhan at kinuha ang mga gamit niya; ang mga pangpinta at ang libro pati na rin ang sling bag. Nakakaawa ang mga pulubi dahil hindi lang emosyonal at pisikal ang iniisip nila gutom at pagod iniisip nila maswerte pa rin siya kahit papano buhay siya at naglalakad. Mas pinili niya ngayon ang maglakad dahil para makapag-isip siya at makapagmuni-muni. Tanggap niya ng papanaw siya nang nag-iisa hindi na siya naniniwala na may mga bagay pa sa mundo na makapagpapasaya pa sa kanya. Oo, marahil ang pagpinta at pagbabasa ay nakakapaglimot sa dalaga ng kalungkutan ngunit hindi pa din nito matatanggal ang kakulangan sa puso nito. Lumabas na ang dalaga sa gubat kung nasaan ang lawa. Bago siya pumasok sa eskwelahang nasa harapan ay muli niyang tinanaw ang gubat kung nasaan ang lawa. Inayos nitong muli ang hood na suot. Nagdadalawang-isip ang babae kung hahakbang pa ba siya o babalik nalang. Hindi nito alam kung papasok pa ba siya o hindi. Kung makakaya pa niua ba ang nakikita o tumakas nalang at bumalik sa bahay niya -magmukmok at antayin na lamang na mapagod ang katawa niya at kusang sumuko. No, she doesn't know what to say or she doesn't know what should she do. All her life she didn't do anything wrong. Puro kabaitan at mabubuti lang ang ipinapakita niya sa iba gaya ng sabi ng mga magulang niya kahit pa halos hiyain na siya ng iba at halos patayin na nila siya sa mga ginagawa nila. hindi pa din  nagagalit ang babae bagkus iniiwasan na lamang sila at lumalayo sa kanila hangga't maari. Ganoon ang ginagawa ng dalaga kapag kaharap ang lalaki o kaya nasa iisang lugar sila sa loob ng University kailangan niyang gawin iyon. Puso niya ang nakataya rito at kung ang tanging paraan lang ay iwasan siya, gagawin niya ito. "You need to do this Everdeen, patunayan mo sa kanya na hindi ka naapektuhan patunayan mong hindi mo siya kailangan, patunayan mong okay lang na mawala ka kahit na siya talaga ang dahilan." Pagpapalakas ng loob niua sa sarili at unti-unti nang inihakbang ang  mga paa tinignan muna ang magkabilang direksyon sinisiguradong walang sasakyan dadaan. Okay lang mamatay siya sa kalungkutan, huwag lang sa daan kawawa naman kasi ang drayber makukulong pa sa katangahan niya. She sighed, wala nga palang masyadong dumadaan pa dito dahil maaga pa usually nga mga late comers ang mga estudyante sa University na ito.  Ano pa ba ang aasahan sa mga estudyanteng walang alam kundi ang magsaya at magpabonggahan narito sila dahil sa mga dahilan na ’yon samantalang siya narito upang mag-aral kahit na alam niyang alam na niya ang tinuturo nila. Ipinagpapatuloy pa din ni Everdeen kung anong nasimulan niya kahit na pwede na niyang makakuha ng diploma at medalya nang ganito kaaga. Maraming nagagawa ang kaalaman lalo pa at pinaghirapan ito. Binigyan sila ng mga utak hindi naman nila ginagamit. Useless lang ang pagbigay sa kanila ng Maykapal ng puso at utak wala naman palang kuwenta para sa kanila. Nagpalingon-lingon si Everdeen. Certainly, wala pa talagang masyadong tao halos mga Propesor pa lamang ang nakikita ng dalaga kung may nakikita man siyang estudyante sila ’yong mga student assistants or mga scholars ng School. Mga may utak palang ang narito. From her daily routine, agad na siyang pumasok sa Music Room kung saan ang una nitong klase. She is taking up Bachelor of Arts kahit pa hindi ’yon bagay sa kanya sabi ng mga guro noong na-perfect niya ang mga exam. They wanted her to take up Business Course or ’yong talagang bagay sa isang katulad niya pero sa ikalawang pagkakataon tinaggihan niya sila dahil hindi naman ’yon ang hilig nito at hindi naman ’yon ang gusto niya. Music and Arts are her favorite doon pinapaklma nito ang puso niya kaya niya rin gamitin ang lahat ng music instruments. She can sing, dance and draw basta may kinalaman sa pagiging artistic kaya niyang gawin basta ba kaya niya o basta ba gusto niya. Henyo nga sabi ng iba hindi sa kanya ngunit hindi pinapansin 'yon ng dalaga dahil simula noong nasa Primary School palang siya ay lutang na ang talento niya kaysa sa iba mas lalo nga iyong nahasa nang wala siyang mapagkakaabalahan nang simula ng kailangan niyang mabuhay para sa sarili. Ginugol ni Everdeen ang buong buhay upang makalimot sa buhay ngunit sa isang iglap lang nawala na naman ang focus niya sa sarili nang biglaan na namang may pumasok sa buhay nito. Naging isa na naman siyang dakilang loner at malulungkutin kailangan niya nang mapaglalabasan ng sama ng loob at dito sa Music Room kaya niyang ilabas ’yon lahat. Pumasok ito sa loob ng Music Room napakalaki ng kuwartong ito at halos lahat ng instrumento ay nakahilera sa gilid na pwedeng magamit o mahiram. Bumuntong-hininga ang dalaga at pumili ng instrumentong gagamitin. Nag-iisa lang siya rito sa loob ng Music Room at magagawa niya ang lahat ng naisin rito. Kinuha nito ang violin, ang paborito nitong instrumento sunod sa saxophone. Napakatahimik sa lugar kung nasaa siya ngayon isang bagay na napakagusto nito sa isang Music Room. Makakapag-focus siya at mailalabas niya ang saloobin sa pamamagitan ng musika. Pinikit ng babae ang mga mata ipinatong ang violin sa balikat nito, ipinatong din nito ang baba rito. Hawak-hawak din niya ang stick sa kabilang kamay. Inumpisahan na niya ang pagtugtog, ibinuhos ang lahat ng emosyon roon. Ang una nilang pagkikita na siyang ikinasaya at ikinalungkot ng puso ng babae. Ang unang pagtatama ng mga mata nila na siyang bumuo at siya ring nagwasak sa mundo ng dalaga. Ang unang pagtibok ng puso ni Everdeen na siyang nagpamahal at nagsugat rito sa puso niya Ang sakit-sakit lang, ang sakit-sakit lang na ang taong dapat nag-aalaga sa kanya ay siya namang taong nagpapasakit ng kalooban niya at nagwasak ng buo niyang pagkatao. He never notices her sadness and loneliness. He never wiped her tears when she saw him lip-locking with his bitches when she is watching them. ‘Ghad! Puso ko konti-konti na lang alam kong susuko ka na. Huwag kang mag-alala kasama kita palagi mula noon magpakailanman.’ She painfully told herself. Hindi siya karapat-dapat sa kanya dahil naiiba ito. Hindi siya karapat-dapat sa kanya dahil ayaw nito sa kanya. Hindi siya karapat-dapat dahil wala siya sa kalingkingan ng mga nagagandahang mga babae na gustung-gusto ang lalaki. Hindi niya naman kailangan pang manghila ng babae upang magkaroon lang siya ng bagong nobya dahil mismong mga babae na ang lumalapit sa kanya. ‘I am just me. I am just beautiful me. I am not ugly but, I am me. No one will ever change what I am today. Lilisanin ko man ang lugar na ito, wala namang akong maiiwan rito bukod sa puso kong wasak na wasak na. I don't know if my broken-heart will ever be fix.’ Her emotions were heavy as they pour it into her music. Ang alam lamang ni Everdeen mula noon hanggang ngayon ang presensya lang ng pamilya niya ang narito at hanggang ngayon ay inaalagaan siya mula sa kabilang buhay. Napatawa ang dalaga ng pagak noong nakaraang gabi kung saan ang lalaki ang laman ng panaginip niya. Hindi mangyayari ang bagay na ’yon hindi mangyayari ang inaasam niyang iyon. Kaya nga tinawag na panaginip dahil kahit kailan ’di mangyayari. Dreams are dreams they will never become reality. Her last strum ended, the next thing she knows she heard claps. Iminulat ni Everdeen ang mga mata. She saw students rather than her classmates and her Professor Vampire smiling widely and grinning at her  Nakita din ng dalaga ang lalaki na nasa likod ng mga klasmeyt nila na pumapalakpak. Nakatulala ang lalaki habang nakatingin sa direksyon ng babae. Para mini concert hall ang Music Room nasa mini stage ang dalaha at nakaupo sa upuan sa gitna nakaharap sa mga upuan kung saan nakaupo ang mga audience. Hindi niya inaasahang may nakikinig pala sa kanya, hindi niya naman napansin kasi nakapikit siya. She blushed when her Professor compliments her. He apologized for what he did last week because of his actions natakot siya. Alam din niyang alam ni Everdeen na isa siyang bampira, tinakot pa siya nito pero pabiro lang ’yon. Hindi naman siya tanga upang sabihin &yon sa lahat dahil baka mas sasabihin nilang werdo at baliw siya. "Ms. Woods, I am impressed. Ano pa ba ang intrumento na kaya mong tugtugin?" He asked proudly. She sighed. Ito ang pinaka-close niyang Professor rito para  na siyang kung dalaga. Alam din nitong mate niya si CRATER CRESENCE NIGHT. Ang bampira ang umaalo at napapatahan kapag umiiyak o nalulungkot siya sa tuwing mararamdaman niya ang sakit. Tanging silang dalawa lang ang nakakaalam kung ano pa ang nalalaman niya sa mga Supernaturals at sekreto nila itong dalawa gaya ng sabi nito dahil ikakapahamak niya raw ’yon. Nakayuko niyang sinagot ang Propessor. Nahihiya pa din siya kapag may mga tao hindi siya sanay lalo pa at nasa harapan niya sila. "I could play all the instrument you see here, Professor Sir." Mahina ang boses niya na sagot sa Propesor. Nararamdaman ni Everdeen ang mga titig ng lalaki pero hindi niya ’yon pinansin. He still the mate who doesn't want her. Professor Adam Leech is her best friend here. He's the one making her life easy especially when they are bullying her. "Brilliant, Everdeen! Isa-suggest ko sa Admin na patugtugin ka kapag may mga palabas rito sa University." He excitedly said making her frowned. He knows she can't stand with the crowds pero pinipilit pa siya nito para daw magkaroon siya ng tiwala sa sarili. She may consider him as her best friend but if looks could kill he will probably die with her death glares. She hears him chuckled making her frowned again. She mentally pulled her hair. ‘Damn this vampire! Pinapahamak niya ako!’ Lumapit pa ito sa kanya at pinat ang ulo niya. ‘Aba, aba, hindi ako aso ’yong ibang estudyante niya pwede pa pero hindi ako.’ Nais niya sanang magreklamo pero tumahimik na lamang siya. Adam her Professor makes her smile for awhile. Mapagbiro ito at kahit papano pinapatawa siya nito para daw makalimutan niya ang malulungot na pangyayari sa buhay niya. "Alam mo naman hindi ako humaharap sa ibang tao. Mapilit ka pa." Mahina at madiin niyang wika sa kanya. He shrugged and let out a small laughed. Nagulat naman ang ibang estudyante dahil hindi talaga tumatawa si Adam ngayon lang nila nakita ito na ganito. Ang sumunod na pangyayari ang hindi nila inaasahan. Lumagabog ang pintuan ng Music Room at ang huli niyang nakita ay ang likod ni Crater kasunod nito si Margaret Goldreech. Adam smirked and gives her a thumbs-up. "I did a great job. Right?"  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD