“Manang found you at the bus station?” tanong ni Sir Akia. “And when you said that you planned to sleep there and would try to find a job in the morning, she asked for a police clearance and then offered you this job?”
It is early in the morning. Nakapag-almusal na naman ako pero dahil hindi naman ako sanay na gumigising ng ganitong oras ay nakakaramdam pa din ako ng antok.
Pero nababawasan na iyon dahil nakikipagkwentuhan si Sir Akia sa akin habang abala kami sa pagta-transfer ng mga katutubo lang na gulay mula sa greenhouse papunta sa mga malalaking paso na binuhat ko kahapon.
Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. “Sabi niya ay mas mabuti na daw na ako ang tanggapin niya dito kaysa iyong mga ipapadala ng agency gayong sigurado siya na hindi din magtatagal ang mga iyon.”
Natawa siya at umiling-iling. “Well, she has a point there,” aniya. “A lot of women know about the agency that provides the staff that I need in my property. And they applied there just to send here and, you know, try to flirt with me.”
Kumunot ang noo ko. “They flirted with you?”
Tumango siya.
“Aren’t they scared?” I asked. “You were known as a cruel prince of the Reveni Empire but they have the courage to flirt with you?” Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Kung ako nga ay halos mahimatay nang makita ko siya kahapon dahil sa takot ko sa kanya, nagawa ko lang itago at mapanatili ang poker face ko.
Pero sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kahapon.
At kung hindi pa siya nag-open ng conversation sa pagitan namin ay magpapatuloy ang kaba ko dahil baka mamatay ako ng wala sa oras kapag pumalpak ang trabaho ko sa mismong harap niya.
“Revenian women like dangerous men,” he said. “Well, wala din silang nagagawa kapag kaharap na ako kundi ang matulala kaya agad silang sinisisante ni Manang.”
“Oh.” Kung hindi sila natulala sa takot nang makaharap ang lalaking ito, siguradong dahil sa kagwapuhan na taglay nito.
“What about you?” tanong niya. “You are not scared of me?”
“Of course, I am scared,” I firmly said. “But fear will not help me keep this job, and I really need it, so I am trying my best to hide this fear.”
Natawa siya kaya tumingin ako sa kanya. “Not that I am surprised. Halos lahat naman ng tauhan ko ay may parehong reaksyon mo nang unang beses na makita ako dahil sa reputasyon na mayroon ako.”
“But it looks like they are not scared of you anymore,” sabi ko. “They respect you, not out of fear but out of appreciation.”
Ngumiti siya. “You think so?”
Tumango ako. “Kaya nga naguguluhan ako eh,” sabi ko. “You were known as cruel and a lot of people were scared of you. Pero nakita ko na halos parang barkada lang kung ituring ka nila Engko.”
“Let’s just say that I had to become the cruel prince so people would not look down on me, and no one would dare to fight me for controlling the food supply of this country,” aniya, “Anyway, enough about me.” Itinuro niya ako. “What about you?”
Kumunot ang noo ko at itinuro ang sarili ko. “What about me?”
“Why did you leave the place where you grew up?” he asked.
I was taken aback for a while. Iniisip ko kung tama bang sabihin ko ang dahilan.
“You are not hiding from the authorities, right?”
Mabilis akong umiling. “Of course, not!” sagot ko. “I am a good abiding citizen of this empire. And I left my hometown because my family died in a fire accident. All of our properties turned to ash and the only thing left with me was a couple of cash.”
Mataas ang cost of living sa syudad. Mahal na nga ang pagrenta sa bahay, mahal pa din ang bilihin. Higit pa doon ay mahirap makahanap ng trabaho dahil dumadami na ang lumuluwas ng syudad para makipagsapalaran.
Wala akong lakas ng loob na makipagkompetensya at sumubok na mag-apply sa mga walang kasiguraduhan na trabaho
Kaya naisipan kong pumunta ng probinsya dahil alam kong mas mura ang mga bagay dito at makakahanap agad ako ng trabaho na makakatulong sa akin para maka-survive kahit paano habang bumabangon pa lamang ako.
“Relax,” he said. “I was just asking. Siguro naman ay hindi mo kami masisisi kung iyon ang iisipin namin lalo na’t bihira sa mga taga-syudad ang lumuluwas sa probinsya para maghanap ng trabaho.”
Napanguso ako. I am aware of that.
“We just want to make sure that you are not in some kind of trouble with the authorities,” aniya, “I am still part of this imperial royal family, so I can’t hide someone who is possibly being pursued by the law.”
Huminga ako ng malalim para kumalma tsaka diretsong tumingin sa kanya. “Hindi ako tumatakbo sa batas, Sir Akia,” sabi ko. “You can check my background if you want. I am not hiding anything.”
Muli siyang ngumiti. “No need for that,” aniya. “Sapat na ang mga narinig ko mula sayo.” Itinabi niya ang huling supling ng halaman na nailipat niya ng paso. “You see, I have the duty to protect my staff so I had to know everything about them for me to know how to protect them.”
I nodded. “I understand.”
“Great,” sabi pa nya. “Dalhin na natin sa loob ng greenhouse ang mga pasong ito.” At nauna na siyang nagbuhat ng isang malaking paso.
Habang ako ay nakatitig sa likuran ng aking amo at sa aking utak ay paulit-ulit akong humihingi ng paumanhin.
Hindi ako nagsinungaling sa kanya tungkol sa pamilya ko. Mayroon lang akong hindi sinabi na tiyak magiging isang problema kapag nalaman nila na siguradong magiging dahilan para paalisin nila agad ako dito.
Wala akong planong magtagal dito dahil sigurado akong madadamay lang sila sa gulong humahabol sa buhay ko. Mag-iipon lang ako at kapag may sapat na akong pera ay agad din akong aalis dito bago pa makarating sa mga taong naghahabol sa akin kung nasaan ako.