Three

1119 Words
Akia let me have my day off after one week of working in his garden and greenhouse. At dahil wala naman akong alam na lugar dito ay naisipan ko na lang na maglibot sa farm dahil hindi ko pa nararating ang ibang parte nito. Nagbaon na lang ako ng makakain ko para hindi ko na kailanganin na bumalik sa mansyon pagdating ng tanghalian at merienda. Nakahiram nga ako kay Engko ng bisikleta na siyang sinasakyan ko ngayon para sa paglilibot ko dahil masyadong malaki ang lupain ng amo ko. Bihira lang daw niya itong ilabas sa garahe para gamitin kaya kailangan kong ingatan. Hanggang makarating ako sa fences na tingin ko ay siyang indikasyon na ito na ang dulo ng lupain. At mula dito ay naririnig ko ang malakas na lagaslas ng tubig. Siguro ay may malapit na ilog o talon paglagpas dito kaya agad kong binuhat ang bisikleta ko at umakyat ng bakod para makalabas. Maingat kong tinahak ang mapunong daan hanggang sa tuluyang bumungad sa akin ang isang maaliwalas na talon. Ito ang unang beses na nakarating ako sa ganitong klaseng lugar. Bihira lang naman kasi kaming umalis ng syudad but I like nature. Agad kong itinabi ang bike at ang bag na dala ko pagkuwa’y lumapit sa tubig. Namangha ako sa sobang linaw nito. Hindi pa masyadong malalim at pwedeng-pwedeng paliguan ng mga tulad kong hindi marunong lumangoy. Kaya naman agad ko nang hinubad ang t-shirt at pantalon ko. May suot pa akong sando at cycling. Itinabi ko iyon sa mga damit at salamin na suot ko at agad na lumumblog sa tubig tsaka binasa ang buhok ko na naging dahilan kung bakit muli itong naging tuwid. Hinilamusan ko din ang mukha ko upang alisin ang mga make-up na nilagay ko dito at nang tuluyang mawala ang lahat ng disguise ko ay tumitig ako sa repleskyon ko sa tubig. Ito ang totoo kong itsura. I had to disguise myself not to hide from the authorities but from the people that had been harassing me because of my parent’s debt. It is true that my whole family died in a fire. That fire was not an accident. Sinadiya niyang sunugin ang bahay namin para makakuha ng pera sa insurance nito. Iyon sana ang plano niyang gamitin para makapagbayad sa mga loan shark na naghahabol sa kanya. Pero nagkaroon ng kumplikasyon sa plano niya. Naipit silang lahat sa loob ng bahay at huli na nang makaresponde ang mga bumbero. Maliban sa nanay, tatay at dalawang kapatid ko, nadamay din sa sunog na iyon ang kapatid ng tatay ko, ang asawa nito at ang tatlo nitong anak. Ako lang ang hindi nadamay dahil lumabas ako ng araw na iyon. At nalaman ng mga awtoridad na sinadya ang pagkakasunog ng bahay. Suspect ang tatay ko pero wala naman silang makuhang kahit anong ebidensya kaya pending ang kasong iyon. Pending din ang insurance para sa bahay at hindi ko din maaaring galawin ang lupa dahil on going pa din ang kaso kaya nang malaman ng mga loan shark na may naiwang pamilya ang nagkautang sa kanila ay ako na ang hinabol nila. Nakahanap ako ng trabaho para suportahan ang huling dalawang buwan ko sa school at ang dalawang buwan na iyon ay parang impyerno dahil sa pangha-harass na ginawa sa akin ng mga loan shark na iyon. Lagi silang pumupunta sa school para salubungin ako. Kahit sa trabaho ay inaabangan nila ako at sapilitang kinuha ang lahat ng importanteng bagay na mayroon ako. Kaya hindi ko din magawang makitulog sa mga kaibigan ko dahil natatakot ako na madamay sila sa pangha-harass na ginagawa sa akin. At para tuluyang makaiwas sa kanila ay ginawa ko ang ideyang binigay sa akin ng mga kaibigan ko. Sinabi nila na pumunta ako sa probinsya, magpakalayo-layo at magsimulang muli. At para walang makakilala sa akin ay mag-disguise ako. Kaya matapos ang graduation ceremony ko ay agad akong tumungo sa pinakamalapit na bus station at sumakay sa pinakaunang bus na paalis. Hindi ko na tiningnan kung saan ako nito dadalhin. At nang magbayad ako ay sinabi ko lang na bababa ako sa kung saan aabot ang pamasahe ko. At dito nga ako dinala sa probinsya ng Henciel ng pagkakataon. I let my body float in the water and stare in the sky. Pero agad din akong napabalikwas nang makarinig ng yabag ng paa na palapit dito. Nanlaki ang mata ko nang makita si Akia na bakas din ang gulat nang makita ako. “What the hell?” s**t! Anong ginagawa niya dito? Did he see my face? Damn it! Akala ko ay walang nagagawi dito kaya naging kampante ako na alisin ang disguise ko. Nakalimutan ko na malapit pa din ito sa farm at hindi nga imposible na may mapadaan dito. Mabilis akong umahon at pinulot ang mga damit ko. “Teka!” sigaw ni Sir Akia. Pero hindi ko na siya pinansin. Hindi na din ako nag-abala pang lingunin siya at tumakbo na lang pabalik sa pinaglagyan ko ng bike. Sa ganitong ayos ay siguradong hindi ako maaaring bumalik ng farm. Baka may makakilala sa akin kaya naman pinaandar ko ang bike sa kabilang direksyon. Iikot na lang muna ako at maghahanap ng mapagtataguan hanggang sa matuyo ang buhok ko. ____________________ “Lumen!” Agad akong sinalubong ni Manang Cleo. “Saan ka ba nagsuot at kanina pa kami nag-aalala sayo.” Napakamot ako ng ulo. “Naglibot lang po ako sa farm,” sagot ko. “Bakit po? May nangyari po ba?” Nakita ko kasi na para bang hindi mapakali ang mga tao dito. Para bang natataranta pa at makailang ulit na mayroong grupo ng mga babae ang pumapasok at lumalabas sa garden ni Sir Akia. Bumuntong hininga siya. “Hindi ko alam. Umalis lang siya kanina para maligo sa talon na nasa dulo nitong farm. Tapos pagbalik ay ipinapatawag ang lahat ng babaeng empleyado sa buong farm. Wala namang sinabi kung bakit. Tinitingnan lang niya ang mga iyon pagkatapos ay agad ding pinapaalis.” Shit! Did he recognize me? Agad ba niyang naisip na posibleng empleyado niya ang nakita niya sa talon na iyon dahil malapit iyon dito? Napahawak ako sa buhok ko. Hindi pa ito lubusang nakukulot pero naibalik ko na naman ang lahat ng disguise ko kaya tingin ko ay magiging safe naman kung sakaling humarap ako sa kanya. Ibang-iba ang itsura ko ngayon sa kung ano ang totoo kong itsura. Iyon ang siniguro ko upang masiguro na walang basta makakakilala sa akin. “Kailangan ko din po bang pumasok doon?” tanong ko. Umiling siya at bumuntong hininga. “Pumunta ka na sa kwarto mo. Siguradong npagod ka sa paglilibot mo.” Ngumiti ako at tumango. “Salamat po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD