bc

Seducing Mr. Smith (Widower Series 1)

book_age18+
94
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
powerful
single mother
sweet
bxg
single daddy
affair
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sa dami ng nanliligaw kay Sydney Faye hindi niya alam kung bakit sa balo pa siya nagkagusto.

Kay Kingsley Aragon Smith.

Ang lalaking ayaw ng magmahal muli dahil hanggang ngayon ay mahal pa raw nito ang namayapang asawa kahit ilang taon na ang nakalilipas. 

Kahit tahasan nitong ipinapakita sa kaniya ang pagkadisgusto nito ay hindi iyon naging hadlang para lumayo siya. 

Sa halip ay mas lalo niya pang inilapit ang sarili niya, hindi lang dito kung hindi pati sa nag-iisa nitong anak na si Lucas. Hindi nga siya nabigo dahil nakuha niya agad ang loob ng batang Smith. Mommy na kasi ang tawag nito sa kaniya dahil inaalagaan niya ito at itinuturing na parang anak niya.

Ang tanong, makuha niya rin kaya ang loob ng ama nito o habang buhay lang siyang aasa sa wala? 

May happy ending kaya sa pagitan ng balo at dalaga o hanggang pangarap na lang ang lahat?

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Yaya Lorie, ano po ang tinitingnan niyo riyan?" tanong ni Sydney sa yaya niya nang makita niya itong nakatayo sa labas ng gate nila. "Kanina ko pa po kasi kayo tinatawag pero parang hindi niyo po ako naririnig." Sinenyasan siya nito na 'wag maingay kaya naman kumunot ang noo niya. Na-curious tuloy siya kung ano ang tinitingnan nito. "Ang cute nang bata," anas nito pagkuwan. "Sobrang guwapo niya, hindi ba? Ang sarap kagatin ng pisngi, 'no?" Tumango siya. "Oo nga!" sang-ayon niya. "May bagong nakatira na pala diyan, Yaya Lorie? Kailan pa po?" "Noong nakaraang buwan pa sila riyan." "Eh, ba't hindi ko po alam?" "Paano mo malalaman? Eh, hindi ka naman umuuwi rito madalas?" Sa condo niya kasi siya naglalagi kung saan malapit lang sa clinic na pag-aari niya. Isa kasi siyang dentista at sa Quezon City ang location ng clinic niya. Tuwing day off niya ay saka lang siya umuuwi rito sa bahay nila sa Bulacan. "Ba't parang galit po kayo sa akin?" "Nagpapaliwanag lang," wika nito. "Alam mo ba na tatlo lang sila sa bahay na iyan? Si Baby boy, 'yong daddy ni baby boy at 'yong yaya niya?" "Hindi rin po kayo tsismosa, eh, 'no? Partida kalilipat lang nila last month pero alam niyo na agad ang tungkol sa buhay nila. Tsk! Magbago na po kayo, Yaya!" sita niya rito pero mayamaya ay may tanong na pumasok sa isip niya. "Yaya, nasaan po ang mommy nang cute na batang lalaki?" Inirapan siya nito. "Hindi ka rin tsismosa, eh, 'no?" Ibinalik nito ang sinabi niya kanina pero sinagot pa rin naman siya. "Namatay na raw. Two years old pa lang daw 'yong batang lalaki ay namatay na ang asawa ni Mr. Smith. Simula raw noon ay naging iritable na ang lalaki at hindi na tumingin pa sa ibang babae. In short, hindi na nag-asawa pa." "'Yon po ba ang apelyido no'ng lalaki?" curious niyang tanong dahil parang narining niya na ang apelyidong iyon. "Kingsley Aragon Smith. 'Yan ang buo niyang pangalan." Tumango-tango siya. "Limang taon na ang anak niya at nag-aaral na rin ng kindergarten." Natawa siya kay Yaya Lorie dahil ang dami nitong alam tungkol sa mga taong bagong lipat malapit sa bahay nila. "Lucas!" Bigla silang nagulat ni Yaya Lorie nang may sumigaw na lalaki na sa tingin niya ay ang batang lalaki ang tinatawag nito kung saan naglalaro ito malapit sa kinatatayuan nilang dalawa. "Why are you so hard-headed? Yaya Lena says you didn't drink your medicine!" Napatingin bigla ang bata sa gawi niya na para bang humihingi ito ng saklolo. Mayamaya pa ay tumakbo ito sa gawi niya at nagtago ito sa likuran niya. "Can you save me from my father?" tanong nito kaya naman tinapunan niya ito ng tingin. "He's a monster! He is forcing me to drink medicine that doesn't taste good!" Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa bata na halatang makulit pero cute. "Can you help me?" "What will I do to help you?" tanong niya. "Just let me hide here behind you." Ano'ng akala nito Hindi ito makikita ng ama nito? Pasaway talaga! "Lucas Andrew!" "He's already mad! Maybe I will call the police to seek help!" wika pa ng paslit. "Naku! Papasok na ako sa loob! Maiwan na kita dahil ayaw kong madamay!" wika ng Yaya Lorie niya sabay bira ng alis kaya ngayon ay dalawa na lang sila ni Lucas na nakatayo dito sa labas ng gate nila. "Lucas!" Nakakatakot ang boses ng lalaking tumatawag sa batang nagtatago sa likuran niya. 'Yon siguro ang dahilan kung bakit takot na takot ang bata sa sinasabi nitong ama nito. "He's coming!" wika ng bata at mahigpit pang hinawakan ang laylayan ng damit niya kaya naman binuhat niya ito para mawala ang takot nito. "He will surely kill me!" "Who the hell are you?!" Nasa harapan na niya ngayon ang lalaking tumatawag kay Lucas at sobrang sama ng hilatsa ng mukha nito na para bang isa siyang killer at isang dekada ng pinaghahanap ng mga pulis. Imbes na matakot rito ay parang nakararamdam pa siya ng kilig dahil ito na yata ang pinakamagandang lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. "Are you a kidnapper?" tanong nito dahilan para matawa siya. Marami ang nagsasabi na kahawig niya raw si Marian Rivera tapos itong lalaki na nasa harapan niya ay iniisip lang na isa siyang kidnapper? "Are you?" "Mukha ba akong kidnapper? Sa ganda kong 'to?" "You are not beautiful," pambabara nito. "You're not sexy as well." Imbes na mainsulto at napangiti siya. "Eh, ano ngayon kung hindi ako maganda at hindi sexy sa paningin mo? At least ako virgin pa samantalang ikaw hindi na." "Do you think I prefer girls who are still virgins?" "Halata naman sa mukha mo na kung sino-sino lang ang pinapatulan mo, eh," aniya sabay irap. Inismiran siya nito habang nakapamulsa at kunwa'y hindi apektado sa kaguwapuhan nitong umaapaw. "Baby, if you need anything, just press the doorbell, okay?" pagkausap niya sa bata pero ang ama nito ay bigla na lang itong hinablot mula sa pagkakakarga niya. "I will not allow him to come to your ugly house," wika ng ama ni Lucas. Hindi lang ito suplado kung hindi ubod din ng pintasiro. "Ayaw kong mahawa siya ng mga kagaya mong baliw." "Ako baliw?" Itinuro niya pa ang sarili niya. "Mabilis akong mabaliw sa pag-ibig kaya mag-ingat ka. Siya nga pala, ano nga pala ang pangalan mo? Kanina pa kasi tayo nag-uusap pero hindi pa natin alam ang pangalan ng isa't isa." Tiyak kasi na iisipin nito na isa siyang tsismosa kapag sinabi niya na alam na niya ang pangalan nito. Kanina kasi ay nabanggit na ni Yaya Lorie ang pangalan ng ama ni Lucas. "My father's name is Kingsley." Ang bata ang sumagot. "He was a good man yet arrogant sometimes. I love my father even though he's a monster when mad." "'Wag kang gagaya sa daddy mo, ha? Ayos lang na manahin mo ang kaguwapuhan niya 'wag lang 'yong ugali, okay?" Wala sa sariling tumango-tango ang bata kaya pinisil niya ang pisngi nito at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa pisngi nito. "What the hell? Why did you kiss my son?" "Sino'ng gusto mong i-kiss ko? Ikaw?" "What? No!" "Nagsepilyo ako ng ngipin bago ako lumabas ng bahay kaya kumalma ka, Mister. Saka ka na magreklamo kapag ikaw ang hinalikan ko." "Let's go, Lucas! Next time don't talk to crazy people like her!" anito at tinalikuran na siya. "She's not crazy, Dad," apela ng bata pero ang ama nito ay ipinagdidiinan talaga na baliw siya. "She looks like a goddess to me." "She's not!" "She is!" Natawa siya dahil habang papasok ang mag-ama ay nagtatalo ito. Mabuti na lang at hindi nagmana ang anak nito sa ama nitong masyadong pintasero. "Ano'ng nangyari?" usisa ni Yaya Lorie sa kaniya. "Pinagalitan ka, 'no?" "Hindi, 'no." "Hindi raw! Alam mo ba na lahat ng tao na kinakausap ng anak ni Mister Smith ay pinagagalitan niya? Ultimo yata aso kapag nadikit sa anak niya ay itinataboy niya, eh. P'wede mong kausapin 'yong bata basta 'wag ka lang magpapahuli dahil tiyak na sisitahin ka ni Mister Smith. Pero alam mo, kahit masungit siya mukha siyang masarap. Aminin mo, nakakaakit siya." "Hindi, 'no!" Pinigilan niya ang sarili na hindi mapangiti dahil totoo ang sinabi nito. "Hindi ko type ang mga kagaya niya." "Weh? 'Yong totoo? 'Di nga?" Pinamaywangan niya ito. "Aanhin ko ang guwapo niyang mukha kung masama naman ang ugali niya?" Umiling-iling ito. "Hindi naman daw dating ganiyan si Mister Smith sabi ni Lena. Nagbago lang daw ang lahat simula nang maaksidente ang asawa nito kasama ang mga kaibigan nito. Ang masaklap daw sa lahat ay napag-alaman ni Mister Smith na tatlong buwan pa lang buntis ang asawa nito nang maaksidente dahil lumubog daw ang barko na sinasakyan nito. Ang sabi pa ni Lena, hanggang ngayon daw ay sinisisi pa rin ni Mister Smith ang sarili dahil kung hindi niya raw nito pinayagan ang asawa na magbakasyon ng hindi ito kasama ay buo pa sana ang pamilya nito. 'Yon daw ang dahilan kaya ayaw niyang umalis dahil siya lang daw ang nakakakilala sa ugali ni Mister Smith. Isa pa sa iniisip niya ay baka raw mapabayaan si Lucas dahil workaholic daw si Mister Smith." "Kawawa naman pala ang mag-ama, 'no?" "Talagang kawawa. Si Lucas bata pa pero wala nang ina." "Nakakaawa naman si Lucas, Yaya. Mabuti at hindi niya hinahanap ang mama niya?" "Minsan daw tinatanong ni Lucas si Lena kung nasaan daw ang mommy niya. Siyempre, sinasabi ni Lena na nasa heaven na ang ina niya. Alangan naman na magsinungaling pa siya, 'di ba? Masasaktan ang bata kapag nagsinungaling pa siya dahil alam natin kung gaano kasakit ang umasa." "Kaya siguro masungit ang lalaking 'yon dahil sobrang mahal nito ang asawa nito, 'no?" "Eh, kasi 'yon daw ang greatest love ni Mister Smith." "Kaya pala. Kawawa naman pala si Kingsley. Sa tingin mo ba papasa ako kapag nag-apply ako bilang second mother ni Lucas, Yaya?" "Hindi! Tumigil ka nga riyan, Sydney Faye! Dalaga ka kaya binata ang hanapin mo hindi 'yong balo tapos broken-hearted pa. Mamaya niyan kunin lang ang puri mo tapos hindi ka naman panagutan. Kurutin ko 'yang singit mo, eh."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

His Obsession

read
73.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook