bc

ACCIDENTALLY IN-LOVE WITH YOU

book_age4+
3
FOLLOW
1K
READ
drama
comedy
sweet
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Accidentally in-Love With You

PROLOGUE

Na in-LOVE ka na ba?

Nagka- GUSTO ka na ba?

Nagka-CRUSH ka na ba?

Paano ko malalaman kung may crush ako sa isang tao?

Paano ko malalaman kung gusto ko siya?

At paano ko malalaman kung MAHAL ko na siya?

Sabi kasi nila, ang love daw ay nag-uumpisa sa CRUSH na kapag tumatagag ay nauuwi sa LIKE na natatapos sa LOVE.

Eh, paano ko nga malalaman kung crush ko siya? Sapat na ba ‘yong tingin lang ako nang tingin sa kaniya para masabi kong crysh ko siya? Eh, paano kung kaya ako tingin nang tingin sa kanya ay dahil naiinins ako sa kaniya? Dahil ayaw ko sa hitsura niya? Masasabi pa ba’ng crush ‘yon?

Anh hirap, ‘no?

Ngunit paano kung kabaliktaran naman ang nararamdaman mo? Paano kung sobrang DISGUSTO ang nararamdaman mo sa isang tao? Yong kahit na gusto mo na siyang burahin sa mundo hindi mo magawa dahil hindi ka naman pwede pumatay na lang ng tao.

Ang sabi ng mga kaibigan ko, “THE MORE YOU HATE THE MORE YOU LOVE”.

Well I don’t hate her! I just don’t like her? No way! She doesn’t even have money to buy her own needs! And in my eyes, she’s NONSENSE!

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses m places events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any

chap-preview
Free preview
ACCIDENTALLY IN-LOVE WITH YOU
CHAPTER ONE DOMINIC’S POV “HELLO?” kararating ko lang sa parking lot nang mag-ring ang cellphone ko. “where are you? You’re late,” anang bestfriend kong si Ivan. “Are you that excited to see me? Pasalubong ko?” “Get your fat a*s over here now, ‘dre!” then he hung up. Palibhasa’y sikat, mabilis kong naagaw ang atensyon ng mga estudyante nang maglakad ako papasok. Ang karamihan sa mga babae ay nagsipagtakbuhan pa papalapit sa gawi ng daraanan ko. Nakasanayan ko na ang mga bulungan at impit nilang kilig sa t’wing makikita akong daraan. Kaya naman gano’n na lang kadali para sa king bale-wlain sila. “Grabe, mas gwapo siya ngayon!” dinig ko pang sabi ng isa “Sinabi mo pa, bagay na bagay talaga sa kaniya ang uniform natin.” “Lahat naman ay bumabagay sa kanila.” Hindi ba nila naiisip na dumaraan ako at naririnig ko ang sinasabi nila? Tch. Napabuntong- hininga na lang ako saka nagpatuloy. Ngunit nahinto ako nang may maglakas-loob na humarang sa mismong daraanan ko. ‘Hi D-Dominic…” nakatungong bati niya. Napangiti ako. Sanay na ako sa pagiging utal niya sa t’wing kaharap o kakausapin ako. Hinawakan at ginulo ko ang buhok niya na siyang naging dahilan para umalma ang mga babaen nakakita. “Oh, my god! Did you see that, girls? Pinansin niyya si…? Hindi ko na hinintay pang matapos ang bulungan nila. Nagtuloy na ako sa pag-akyat. “Naks, new haircut,” mukha ng best friend kong si Ivan ang bumungad sa kinpagkarating ko sa floor. “Yan ba ang uso sa Japan?” Hinawakan niya naman ako sa balikatat sinuri ang labuuan ko. “Psh, wla man lang bago sayo?” “Mahirap baguhin ang pagiging grapo, Ivan,” nakangising sabi ko. “Where’s Alex?” “As usual, nasa washroom,” natatawang sabi niya. Napailing na lang ako. Nagunot ang noo ko nang malingunan ang mga kaklase kong nakapila sa labas ng classroom. “First day of class tapos late ang key holder?” reklamo ko. “Hi Dominic?” Walang alinlangang lumapit at bumati sakin ang kaklase kong si hart. Nainis ako matapos niyang hawakan ako sa braso. “Oh?” pasinghal na sagot ko. “Ang gwapo mo lalo,” malandi ang pagkakasabi niya. “So?” “Wala naman” “Ang landi mo lalo. Tch. Alis,” sinenyasan ko pa siya. Tatawa-tawang lumapit sakin si Ivan. “Ang aga-aga ay nagsusungit ka,? biro niya. Nginisihan ko lang siya saka ko nilingon ang field. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sa sobrang lakas niyon ay umaampyas ang tubig-ulan sa hallway. Kaya naman agad kaming humilera sa nakapila para hindi mabasa. Nasa gano’n naman kaming sitwasyon nang may mag-akyatang mga estudyante. Ang karamihan ay naka-uniform, old students. Ang ilan naman ay naka-civilian, transferees. “Dre, chicks,” inginuso ni Ivan ang isa sa mga babae. Pinagkrus ko ang mga braso ko at sumandal sa pader. “I don’t care. I’m taken.” Tinapunan ko ng nanunuyang tingin ang mga paparating. “Sus, alam kong si Eshie ang tinitingnan mo. Kunyari ka pa,” biro ko “Shut up!” Bianatukan niya ako. Isa sa mga campus chick si Eshie. She’s also rich and famous. First year high school pa lang ay pinapangarap na siya ni Ivan. Maganda, maputi at sexy. Maraming estudyanteng nagkakagusto sa kaniya. But not me. Ngunit sa hindi inaasahan may nakatawag sa pansin ko. Siya ang huling daraan. Matangkad, chubby, katamtaman ang kulay ng balat, nakatali ang buhok…hindi maganda. Oo, hindi siya pangit pero hindi siya maganda. Natawa ako sa sarili kong naisip. Kunot-noo ko siyang pinagmasadan at gano’n na lang ang gulat ko nang magtama ang paningin namin. Lalong nagsalubong ang kilay ko nang makita kung gaano siya kasamang tumingin. What are you looking at? Humakbang ako papalapit at nakangisi siyang pinatid. Agad na nangibabaw agn malakas na tawanan ng mga nakakita. Nangunguna si Ivan na siya ring may pianakamalakas na tawa. Maging ako ay natawa dahil sa lakas ng kalabog na idinulot ng pagkakabagsak niya sa sahig. Halos mapahalakhak ako nang makita kung gaano kasama ang mukha niya dahil sa sakit. “Loko nka talaga, Dom!” Bigla ay sumulpot ang best friend naming si Alex. Nagugulat kong pananood si Alex na lumapit doon sa babae. “Are you okay, miss?” nag-aalalang tanong niya he ooferes her a hand. “Let me help you.” Superman. Tch! Inis kong tinapunan ng tingin iyong babaeng pinatid ko. Matagal bago siya nakatayo pero hindi niya tinanggap ang tulong ni Alex. Pinanood ko siyang tumayo at pagpagan ang sarili. Ngingisi-ngisi akong nag-iwas ng tingin. Ngunit gano’n na lang uli ang aking gulat sa biglaang paglapit niya sakin! Hindi ko yon inaasahan at namalayan ko na lang ay hawak niya na ako sa kwelyo. “Gago ka, ah?” maangas ang malumnay niyang tinig. Mamngunot ang noo ko. Amoy chewing gum! Double mint! Nagtiim ang bagang ko. “Bibitawan moko o papatulan kita?” hamon ko. Panibagong gulat ang naramdaman ko nang dahan-dahan niya akong iangat sa pader gamit ang isang braso. Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay niya. “Bakit moko pinatid?” malumanay pa rin ang maangas na tinig niya. “Nangyari nna, eh. Ano pa ba ang magagawa mo?” sarkastikong tugon, dahilan para magtawanan ang mga kaklase ko. “Eto!” sinapak niya ako. “Oh, my god,” bulong ng isa sa mga nanonood. “She must be crazy. Now this is war.” Bakas pa rin ang gulat sa mukha ko nang dahan-dahang ibaba niya ako. Nakamaang akong nakipagtitigan sa galit na mga mata niya habang nakahawak sa pisngi ko. Nang maramdaman ko ang galit ko ay saka ako bumalik sa huwisyo. Pinahiran ko ang labi at nanlaki ang mga mata ko nang may makitang dugo. Damn it! “Miss, tama na,” malumanay na pakiusap ni Alex. Mukhang ang lahat ay nagulat sa nangyari at noon lang di nakapag-react. “Are you okay, Dom?” Baling sakin ni Ivan. Hidi ko siya sinagot dahil hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa babaeng ito sa harap ko. Maging siya ay hindi inaalis ang paningin sa akon. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakakainis sa mukha at hitsura niya. Tinabig ko ang kamay ni Ivan saka ko hinawakan ang babaeng iyon sa magkabilang braso. Pabagsak ko siyang isinandal sa pader saka konorner sa pagitan ng dalawang braso ko. “Bakit moko sinapak?” halos mamaos ako sa sobrang diin na pagkakatanong ko. “Nangyari na, eh. Ano pa ang magagawa mo?” pag-uulit niya sa kaninang sinabi ko. Napamaang ako. “What?” inis kong tanong. Hindi ko ko maipaliwanag ang inis na nararamdaman ko dahil sa paraan ng pagtingi niya sa mukha ko. Walang ekspresyong, emosyon o kung anu mang reaksyon ang mukha niya. Nananatili itong blanko na animong sa walang kwentang bagay nakatingin. Mukha pa siyang tanga na itinatabingi nang bahagya ang ulo na animong pinag-aaralan ang mukha ko. Abnormal! Damn it! Idiniin ko lalo ang mga palad ko sa pader at lumapit sa mukha niya. “Sumagot ka! Bakit mo ako sinapal? Ano ang akala mo sa mukha ko, ha?” galit nang tugon ko. Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko. “Iyang mukha mo…” Binitin niya ang sasabihin habang naka tingin sakin “Mukhang siopao,” patuloy niya. Kunot-noo akong natigilan saka ako inis na ngumisi. What b=the hell? Siopao? “What did you say?” seryoso nang yanong ko. “Iyang mukha mo…mukhang siopao.” Napamaang ako sa sagot niya. Inulit pa! Tibay! Wala pa rin siyang reaksyon. Malakas ang loob niyang makipagtitigan sakin. At kataka-takang hindi ko man lang maramdamang natatakot siya. Nararamdaman ko ang sarili kong galit, gusto ko rin siyang sapakin. Ngunut dahil batid kong mas matino ako ay iyong pader ang sinuntok ko. “Oh, my! Dominic really mad now! Who is that girl?” tinig nang kaklase kong babae. “Who knows? She looks new!” tugon ni hart. “Enough, Dominic,” humawak sa braso ko si Ivan at nagpumilit sumingit sa pagitan namin ng babae. Hindi ko siya hinayaan. Hindi ko rin maalis ang galit kong tingin sa babae. “Tama na, Dom, babae yan, eh,” bulong niya. “Miss, umalis ka na lang, please?” nahihiyang ani ni Ivan. Hindi na siya makatwa. At mukhang nararamdaman niya na ang tensyon sa pagitan namin ng babaeng ito. Bigla ay ngumisi itong babaeng kaharap ko, lalo akong iniinis. Noon lang nagbago ang reaksyon niya at iyong nakakaloko pa. Nanatili naman akong seryoso habang nakatitig sa kaniya. Ngunit ang ngisi niya ay napalitan ng masamang tingin bago niya ako tinalikuran. Walang kahirap-hirap niyang inalis ang braso kong nakaharang. Sandaling napako ang paningin ko sa pader bago ko siya nilingon. “You messed with the wrong bully, miss,” pahabol kong sabi pero hindi na siya lumingon. “Napakaaga mo naman yatang gumawa ng eksena, Mister Mendoza?” nangibabaw ang tinig ni Jesther, ang baklang presidente ng student’s council. “Oh, eh, ano naman sa’yo?” nabaling sa kaniya ang init ng ulo ko. “Wala naman,” nakangiwi niyang sagot habang binibuksan ang pinto ng classroom. “Graduating student ka lang naman at alam mo yan.” “Tch!” inis kong hinaral si Alex. “Bitiwan mo nga ko, Alex? Nabakla ka na naman, eh,” angil ko. Ngumiwi naman siya nang magtawanang mga kaklase namin “Hoy, bakla!” baling ko kay Jesther. “Para may pakinabang ka ay dalhin mo yong babaeng yon sa kin. Paluhirin mo sa harap ko at pahinhiin mo ng sorry. I nedd a public apology!” “ugh! Manners please?” mataray na tugon niya saka kekembot-kembot na naglakad papalayo. Nagsimula ang klase pero parang wla akong interes makinig. Hindi mawala sa isip ko ang nangyari. Marami sa akong inaway at pinag-trip-an dito sa Silay Institute. Marami rin ang nagreklamo sa pangit na ugali ko pero ni isa ay wala namang nanalo. Hindi ako makapaniwla sa isang to dahil ngayon lang may umalma. At lalong ngayon lang ako nasapak! Bukod doon ay napadugo niya ang labi ko. Nangyari pa ang lahat sa harap ng maramong estudyante. Tch. You mess with me, you mess with everyone. Pagsisisihan mong nag-aral ka pa dito. Nagmadali akong lumabas ng classroom nang mag-ring ang bell para sa lunch break. “Hey, dalian niyo nga?” sigaw ko sa best friend ko. “Hahanapin ko yong ugok na yon,” bulong ko. “Gutom ka ba, Dom?” banat ni Alex habang pababa kami. Lalo akong nainis. “Pwede ba, Alex? Anong gutom?” “Nagmamadali ka kasi kaya tinatanong ko kung gutom ka?” “Tch, hindi! Hahanapin ko si Taguro! Kaya dalian ninyo!” “Taguro? Sinong Taguro?” takang tanong ni Ivan. “Yong babae kanina! Tsk, ang daming tanong, tara na!” Agad kong iginala ang paningin ko nang makarating kami sa canteen. Malaki siyang babae kaya nasisiguro kong makikita ko siya agad. Pero ilang beses kong inisa-isa ang mukhang nakikita ko, wla talaga doon si Taguro. “Talagang hinahanap mo, auh?” nakangising banat ni Alex. Naka-order na sila ni Alex ay abala parin akong naghahanap. “Lintek lang ang walang ganti, dre,” sagot ko. “Wooh! Pero kapag nandiyan si Ellen, tamo dala-dalawa pa ang halo niyan sa ulo! Banat ni Ivan dahilan para matawa ako. Kapag nababanggit ang pangalan ng babaeng inspirasyon ko ay gumaganda ang mood ko. Pero hindi mawala sa isip ko ang nangyari, kailangan kong makaganti. Kailang makita ko siya dahil hindi ako mapapakali sa ganitong klase ng inis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Alpha's Instant Connection

read
649.1K
bc

Dominating the Dominatrix

read
54.6K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
8.4K
bc

Kaimana, Shemar & Emrys the powerful three

read
2.9K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
596.7K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
34.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
807.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook