bc

W SERIES THREE: PRINCE DAVIS’ JAGIYA

book_age16+
204
FOLLOW
1K
READ
billionaire
brave
self-improved
band
drama
sweet
bxg
highschool
first love
classmates
like
intro-logo
Blurb

Sa kabila ng masamang nakaraan niya, may lalaki pa ring umibig kay Victoria Kim, si Prince Davis. Ngunit nililihim lamang nila ang pag-iibigan sa mga magulang ng binata at sa tiyahin ni Victoria. Natatakot silang umamin lalo na wala pa sila sa legal na edad.

May mga pagsubok silang pagdaraanan habang pinapanatiling lihim ang kanilang pagmamahalan. Magagawa kaya nila itong puksain ng magkasama, sa hirap at ginhawa kahit sa mura nilang edad, o mauuwi rin ang lahat sa hiwalayan? 

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
VICTORIA’S POINT OF VIEW “May pa kadiri-kadiri pa siya kay Ilyana, mga magulang din niya pala eh ilegal ang negosyo!” “Sa totoo lang!” “‘Di ba parents niya ‘yong nakulong lang kahapon dahil sa illegal business?” “Oo nga eh, napakaano ng ugali. Ayan tuloy, siya naman ngayon ang pinag-uusapan. Mas grabe tuloy ang balik sa kaniya.” Nagpatuloy ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa paligid habang ako’y naglalakad sa campus. Pinipigilan ko ang aking luha na tumulo habang naririnig ang mga negatibong sinasabi nila sa akin. Tama nga siguro ang isa, grabe ang balik sa akin ng aking mga maling nagawa noon na ngayon ko lang napagtanto.  Lahat ng mga tinuring kong tunay na kaibigan ay nilayuan ako. Pinutol nila ang pakikipagkaibigan sa akin simula nang malaman na sangkot sa ilegal na gawain ang mga magulang ko. Doon ko lamang din nalaman na nakipagkaibigan sila sa akin sapagkat mayroon akong pera.  Habang naglalakad sa may hallway kung saan patungo sa classroom ay walang ibang pinag-uusapan kung ‘di ako. Kung sa dyaryo lamang ay masasabing parang ako ang headline ng buong pahina nito. Paupo na sana ako sa aking pwesto sa seating arrangement ng first subject nang biglang hilahin ng mga dati kong kaibigan ang upuan kaya napaupo ako sa sahig. Naging katatawanan naman iyon sa karamihan. “Nakakahiyang naging kaibigan ka namin. Akala mo kung sino, parents niya rin pala ay isa sa mga gumagawa ng ilegal! Hahahahahahaha!” nang-aasar na sabi ni Trina at sinundan pa ng iba. Doon ko na hindi napigilan na tumulo ang aking mga luha na pinagtawanan lamang nila. Nahinto lamang sila nang dumating ang guro sa first subject at sinaway sila.  “Ayos ka lang ba, Victoria?” tanong ni Ma’am Loreen sa akin. Hindi ko alam kung bakit mabait pa rin siya sa akin matapos kong maging sakit sa ulo niya.  “Maupo ka na, mag-uumpisa na ang klase,” mahinahon niya pang wika at inalalayan ako. Isang nakakabinging katahimikan ang lumamon sa buong sulok ng classroom. Nabasag lamang ‘yon nang magsalita si Ma’am Loreen at pinagsabihan ang mga kaklase ko lalo na si Trina. Pagkatapos ay nagsimula na kaming mag-review sa nalalapit na fourth quarter periodical test at ganoon din sa ibang subjec teacher. Nalalapit na matapos ang school year 1997-1998.   Nang uwian na ay nanibago ako. Wala na ang mga tinuring kong kaibigan na kasama palagi palabas ng classroom hanggang makarating sa parking lot. Wala na si Mang Isco na siyang family driver noon na laging naghahatid at nagsusundo sa akin sa paaralan kasama si Manang Julie na asawa nito. Dahil sa nangyari ay lahat ng mga taong importante sa akin ay isa-isang nawala sa ‘king tabi maliban kay Mang Isco at Manang Julie maging si Tiya Christine.  Nag-commute na lamang ako patungo sa maliit na tahanan nina Mang Isco at Manang Julie. Kasalukuyang nananatili ako roon dahil nagkausap na kami ni Tiya Christine. Sa susunod na pasukan ay doon na ako sa eskwelahan malapit sa hacienda na pinagtatrabahuhan niya ako papasok. Katulad lamang kanina ay ako p rin ang usap-usapan ng karamihan. Nakakita pa ako ng dyaryo na ang headline ay sina Mama at Papa.  “Kumusta, ‘nak?” tanong kaagad sa akin ni Manang Julie pagkapasok ko sa kanilang tahanan. “Ayos lang po,” maikling sagot ko at nagmano. “Si Mang Isco po?” “Ah, natanggap siya ‘nak sa trabaho at pauwi na rin. Bukas magsisimula na siyang security guard sa isang mall! Sa wakas!” Tuwang-tuwa na bigkas ni Manang Julie at napayakap pa sa akin. Masaya ako na nakahanap agad si Mang Isco ng trabaho pero nalulungkot din dahil sa nangyari ay napagkamalan pa silang kasabwat ng mga magulang ko. “Ako na po ang humihingi ng pasensya. Sorry po talaga sa nangyari. H-Hindi ko rin po alam na ilegal pala--” “Shh! Tama na, ayos lang. Hindi mo kailangang humingi ng pasensya o paumanhin dahil ‘di mo kasalanan. Nadamay ka lamang din sa gulo na nangyari. Sigurado akong ikaw ang usap-usapan kapag nasa labas ka o kahit wala pa. Alam ko na halos lahat puro masasama ang sinasabi sa’yo. Alam mo, hanga nga ako sa’yo dahil hinarap mo lahat ng ‘yon kahit alam mo sa sarili mong masasaktan ka. Ayos lang naman umiyak at masaktan pero huwag na huwag mong hahayaang matalo ka niyon. Huwag kang papayag na pati pangarap mo sa buhay lalo na ang pag-aaral mo ay maapektuhan, ha? Manatili ka lamang matatag, matapang at manalangin palagi,” ani ni Manang Julie na siyang nagpaiyak sa akin muli. Mahigpit ko siyang niyakap. Sobra-sobra ang bigat na nararamdaman ko. “B-Bakit ang bait niyo pa r-rin po sa akin sa kabila ng l-lahat ng sakit sa ulo na binigay ko sa inyo?” nauutal kong tanong habang naaalala ang mga pinaggagawa ko noong kalokohan din na nagpapasakit ng ulo nila ni Mang Isco. “Gaano ka man kasakit sa ulo noon, ikaw pa rin ang minahal kong maloko na makulit na alaga. Sampong taon akong nagtrabaho sa inyo at nasanay na rin ako sa kalokohan mong bata ka,” sagot niya na nagpagaan din kahit paano sa pakiramdam ko. Sa ganoong senaryo kami naabutan ni Mang Isco pag-uwi niya.  Kinausap din niya ako nang masinsinan at pagkatapos ay masaya naming pinagsaluhan ang pagkain ng hapunan at ang dala ni Mang Isco na ulam na pritong manok at pansit. Naninibago rin ako sa uri ng pamumuhay na ito pero sigurado akong masasanay din ako. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook