CHAPTER 2

833 Words
VICTORIA’S POINT OF VIEW Nakapagtapos ako ng ika-siyam na baitang na may karangalan at ‘di na ako nanibago pa sa mga taong patuloy akong pinag-uusapan. Naiinggit ako sa mga schoolmate kong kasama ang mga magulang nila pero nawawala iyon dahil kasama ko si Manang Julie. Wala man si Mang Isco noon pero pagkauwi niya ay binigyan niya ako ng paborito kong tsokolate bilang regalo.  Ngayon, ay hawak-hawak ko ito. Hindi ko pa kinakain ang tsokolate hanggang ngayon. Wala ring problema dahil matagal pa ang expiration date. Nalulungkot ako habang inaayos ang mga gamit ko na dadalhin.  “Maayos na ba lahat ‘nak? Nariyan na ang lahat ng mga gamit mo?” tanong ni Manang Julie sa kuwartong tinutulugan ko. “Opo, maayos na po lahat,” sagot ko at tuluyang pinasok sa bag ang tsokolate at sinarado iyon. Pagkatapos ay kaagad ko siyang niyakap nang mahigpit. “Maraming salamat po talaga sa lahay-lahat! Ma-mi-miss ko po kayo pati si Mang Isco . . .” malungkot kong wika at niyakap niya ako pabalik. “Wala ‘yon, ang importante ay pinahalagahan mo rin kami ni Isco,” tugon niya at pagkatapos ay narinig namin ang silbato ng sasakyan sa labas. “Victoria, ‘nak, narito na sila!” malakas na saad ni Mang Isco kaya nagdesisyon kaming lumabas na mula sa silid. Pagkarating namin sa sala ay kalalabas lamang ni Tiya Christine sa sasakyan. Sumunod naman ang isang babae at lalaki na sa tingin ko ay iyon na sina Mr. at Mrs. Davis. “Magandang umaga po!” Pagbati ko kaagad at ganoon din sila Mang Isco. Kaagad ko ring niyakap si Tiya Christine at matapos ay nanatili ang paningin ko sa taong magpapa-aral sa akin. “Magandang umaga po, Mr. at Mrs. Davis!”  “Magandang umaga rin hija! Tawagin mo nalang akong Tito o Tiyo Renci!” Pagbati ni Mr. Davis pabalik na may ngiti sa labi. Wala kang makikita o mapapansing kaplastikan doon. Purong tunay ang kanilang pinapakita. Ngayon pa lamang ay alam kong mabuti talaga silang mga tao, “Ang ganda naman ng batang ito! Siguradong magkakasundo kayo ng anak namin! Tawagin mo nalang din akong Tita Prescila” wika ni Mrs. Davis habang pinanggigilan ang magkabilaang pisngi ko. Gumaan kaagad ang pakiramdam ko at hindi maipaliwanag ang kasiyahang nadarama. “Sige po, T-Tiyo Renci at Tita Prescila . . .” ang tanging sagot ko. “Salamat din po pala sa pag-aalaga kay Victoria, Mang Isco at Manang Julie. Kung mayroon po kayong problema ipaalam niyo lang po sa amin at handa rin kaming tumulong,” dagdag ni Mr. Davis.  “Naku, wala po iyon Sir, salamat din po sa tulong niyo sa amin,” tugon ni Mang Isco. Naaalala kong nagpadala ng tulong sila Mr. Davis nang nakaraang araw. “Salamat din po sa pag-aalaga sa pamangkin ko, utang na loob ko rin po ‘yon sa inyo! Tawag lamang din kayo o kami po tatawag din sa libre oras para magkumustahan. Maraming salamat po at mag-iingat po kayo rito!” ani ni Tiya Christine. “Salamat din po ulit, hindi ko po kayo makakalimutan!” Niyakap kong mahigpit ang dalawang taong itinuring ko na ring parang tunay na mga magulang. Pagkatapos niyon ay napabuntonghininga ako pagkapasok sa van.  “Victoria, ano mga hobbies mo hija?”  “Ahm, magsulat po ng kanta, mga tula at maikling kuwento saka . . . pati na rin po ang pag-awit minsan,” sagot ko kay Tita Prescila. “Magkakasundo nga sigurado kayo ng binata namin! Mahilig ‘yon umawit at may banda siya! Baka isali ka niya roon at magtulungan kayo ni Kellix, ang kaibigan ng binata namin. Magaling din sumulat ng lyrics ‘yon! Pero more on novels din siya sa pagkakaalala ko,” ani niya at tuwang-tuwa. Matapos ay tanging musika ang naglilikha ng ingay sa loob ng kotse. Napatingin naman ako kay Tiya Christine. “Tiya, salamat po muli,” mahinang bigkas ko saka niyakap siya. “Walang anuman ‘yon,” tugon niya at hinaplos ang buhok ko. Pangatlong beses pa lamang ulit na nagkita kami. Naaalala ko noon na sabi niya mas pinili niya pa ring magtrabaho sa hacienda ng pamilyang Davis kahit na mayaman na sila Mama at Papa noon. Kapatid siya ni mama sa ama. Mahirap lamang sila noon hanggang sa dumating daw ang araw na nakilala ni Mama si Papa at nagpakasal sa Korea at sunod ay dito sa Pilipinas.  Mula nang makulong sina Papa at Mama hindi ko pa sila nakakausap ulit. Hindi ko rin kasi alam kung kakayanin ko sa ngayon. Siguro kapag handa na talaga ako saka ko sila haharaping muli. Iba ang sakit na dinulot sa akin ng ginawa nila.  “Hihinto muna tayo at kakain ng pananghalian,” ani ni Tiyo Renci at pinagbuksan kami ng driver na si Mang Cesar ng pinto ng kotse. Pagkatapos ay kumain kami sa isang karenderya at pagkatapos ay bumili ng ilang snacks bago muli tumuloy sa byahe. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD