CHAPTER 3

1581 Words
VICTORIA’S POINT OF VIEW Pumasok na ang van sa loob ng hacienda. Napakaganda ng paligid habang nakatingin ako sa labas. Hindi ko maiwasang hindi humanga. Napakaraming tanim na mga halaman. Ang lawak ng hardin at mayroon pang malawak na espasyo kung saan may mga puno ng mangga, langka at santol.  Tanaw na tanaw ko rin ang malawak na swimming pool. May espasyo kung saan mayroong pwedeng tambayan o pahingahan, pwedeng laruan at marami pang iba. Siguradong presko ang hangin dito lalo na sa mga maliliit na bahay-kubo na malapit sa fruit’s farm.  “Sa maliliit na kubo, pwedeng tambayan o pahingahan. Pero karamihan diyan nananatili ang mga trabahador na nangangalaga sa mga pananim na puno at mga halamang gamot at mga bulaklak. Mapresko ang hangin dito lalo na sa gabi, may mga lugar kung saan pwede mag-picnic at iba pa. Bukas ka na namin siguro i-tour para malibot talaga ang hacienda! Ngayon, magpahinga muna tayo at ipapakilala ka namin sa anak namin!” saad ni Tita Prescila na halatang excited. Nakaramdam din ako ng pagkasabik lalo na nang lumabas na kami sa van. Malapit na gumabi kaya nakabukas na ang mga ilaw. Nakakaramdam na ako ng pagod sa haba ng byahe. “Pumasok na tayo, halina!” ani ni Tiyo Renci at naglakad na kami patungo sa front door kasama si Mang Cesar na bitbit ang bag ko. Pagkabukas pa lamang ng pintuan ay bumungad sa amin ang napakalawak na sala. Mayroong mini fountain sa isang fishpond at may mga iilang halaman sa bawat gilid. Habang naglalakad at namamangha ako ay natigilan ako nang may marinig na tunog ng gitara. Dumiretso ang paningin ko sa isang binatang umaawit habang nakaupo sa upuan. “Prince!” Naagaw ang atensyon nito dahil kay Tita Prescila at ako naman ay kaagad na napayuko. Ang gwapo niya at may katikasan din ang katawan. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan.  “Mom. Dad, Ate Christine,” ani ng binatang si Prince at nagmano.  “Prince, siya nga pala ang pamangkin ni Christine na sinasabi namin. Siya si Victoria! Hija, ito naman ang anak namin ni Renci, si Prince!” Pagpapakilala sa amin ni Tita Prescila habang si Tiyo Renci at Tiya Christine ay nakangiti lamang. Dahan-dahan akong nag-angat ng paningin at pakiramdam ko lalabas ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Bigla siyang ngumiti at lumitaw ang dimples niya, nakakaakit sa paningin ang mga mata niyang kulay gray na may tint ng green. Wala akong masabi habang nakatingin sa kaniya.  “Nice to meet you!” aniya at ang sarap sa pandinig ng boses niya. “N-Nice to meet you rin . . .” Nag-shake hands kami at agad kong tinapos iyon ng parang may kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Napayuko ako at iniiwas ang paningin dahil sigurado ako ngayong namumula ang magkabilaang pisngi ko. “Mahilig din siya magsulat ng kanta at saka umawit, magkakasundo kayong dalawa anak,”  wika ni Tiyo Renci. Tumingin ako kay Prince saglit at nakita kong nakatitig siya sa akin kaya muli kong iniwas ang paningin ko.  “Ma’am Prescila, nakahanda na po ang hapunan,” saad ng isang babaeng tila medyo bata lamang kay Tiya Christine. “Sige, Lean, susunod na kami sa kusina. Ihahatid lamang namin si Victoria sa kuwarto niya.” “Sige po, mam,” tugon ng babae na Lean naman ang ngalan. Kaagad kaming umakyat sa mahabang hagdanan habang naririnig namin si Prince na pinapatugtog pa rin ang gitara at nagpatuloy na umawit. Hindi ko maiwasang hindi mapalingon muli at nakatingin siya sa akin. Maya-maya pa ay tila nakaramdam ako ng lungkot nang umiwas na siya ng tingin kaya binilisan ko na lamang ang paglakad patungo raw sa silid ko.  Binuksan nila ang pinto at binigay din sa akin ang extra na susi. Napakalawak ng kuwarto at ang ganda. Mas malawak pa ang espasyo nito sa silid ko noon.  “Ang ganda-ganda po! Pero, a-ayos na rin naman po sa akin kung maliit lang din ang silid ko,” wika ko at huminga nang malalim. “Naku hija, ayos lang sa amin na rito ang silid mo. Saka, wala pa namang gumagamit nitong silid kaya pinaayos namin kaagad bago ka pa namin sunduin. Katabi lamang din pala ng silid mo ang silid ni Prince at lakarin mo lang ang hallway na iyan nariyan ang maid’s quarter. Malawak din iyan at diyan mo puwedeng puntahan si Christine. Sa sunod namang floor doon ang aming kuwarto at iilang guest rooms din at music room, library. Ang ilang silid naman dito sa second floor ay may kung saan puwede ka maglaro tulad ng billiard, chess at iba pa. Halina’t kumain na muna tayo ng hapunan!” tugon ni Tita Prescila.  Pagkababa namin ay diretso kami kaagad sa kusina at nakakatuwa din lalo na sobra pala talagang lawak niyon dahil halos lahat ng nagtatrabaho sa hacienda ay kasabay palaging kumain. Lahat ng tao ay hindi masama ang tingin sa akin, lahat ay alam nila ang tungkol sa magulang ko pero hindi nila ako hinusgahan.  Hindi ko halos lahat matandaan ang mga pangalan nila lalo na napakarami. Habang masaya silang nag-uusap ay palihim akong tumitingin kay Prince at tulad lamang kanina ay nahuhuli ko siyang sumusulyap sa akin. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nagpaiwan si Tiya Christine sa kusina at ganoon na rin ako para tumulong sa pag-aayos sa kusina.  “Magpahinga ka na lamang at siguradong maaga kang i-tou-tour nila Ma’am Prescila bukas,” ani sa akin ni Tiya at sumang-ayon din ang iba. “Pero po--” “Sige na, magpahinga ka na lamang.” Wala akong nagawa at pumayag. Nagpaalam ako saka umakyat sa hagdanan. Pagpasok ko sa aking silid ay hindi pa rin ako makapaniwala. Tuwang-tuwa akong tumalon sa kama sabay humiga. Sa kabila ng lahat ay nakakilala pa rin ako ng mga taong hindi ako hinihusgahan. Nakakatuwa na sa kabila ng kamalian na nagawa ko noon ay nararanasan ko pa rin ito. Nang maalala ko ang tsokolate ay napabangon ako bigla at kinuha iyon sa bag. “Tunaw na . . .” Napangiwi na lamang ako saka lumabas sa silid ko para sana ipaagay sa refrigerator pero natigilan din. “Parang nakakahiya,” bulong ko saka tumingin sa labas at natuwa ako nang may makitang duyan malapit sa garden. Bigla akong napatakbo pababa at nakasalubong si Tiyo Renci. “Hija!” “Ahm, p-puwede po ba akong pumunta sa may duyan malapit sa hardin? Saglit lang po ako,” ani ko na nagpapaalam. “Sige ba! Naroon din si Prince ngayon,” tugon niya at natigilan ako saglit. Nagpaalam na siyang tutuloy sa silid nito at ako naman ay nagdadalawang isip kung tutuloy ba o hindi. Hanggang sa namalayan ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo patungo roon. Hiningal ako dahil sobrang lawak ng espasyo na daraanan bago makarating doon. Pag-angat ko ng paningin ay muling nagtama ang paningin namin ni Prince.  “H-Hi . . .” “So, Victoria? The daughter of Kim Geon Wu and Victorina Kim. Napanood ko sila sa balita last month,” saad niya na dahilan ng pagkawala ng ngiti ko. Napalunok ako ng sarili kong laway at hindi alam kung paano tutugon sa kaniya. Hindi na ako nagulat pa na kakaiba ang tono ng pagkakasabi niya.  “Ahm, o-oo . . . babalik na pala ako sa l-loob. Pasensya na sa istorbo,” nauutal kong tugon saka nagmamadaling maglakad papasok hanggang makarating ng kuwarto ko. Kinandado ko ang pinto at kaagad na humiga sa kama habang yakap ang unan at doon tuluyang bumuhos ang mga luha ko.  Sigurado akong lalala pa ang ganitong pangyayari kapag nagpasukan na. Kung mangyari man, titiisin ko na lamang. Alam kong hindi lahat ng tao ay hindi mapanghusga. Darating din ang araw na hindi na ako luluha pa dahil sa panghuhusga ng mga tao. Darating din ang araw na balewala na lamang ito sa akin at mas iintindihin ko na lamang ang sarili ko at mga taong tunay na napapahalaga sa akin sa kabila ng lahat.  Nang wala na akong mabuhos pang luha ay doon lang din pumasok sa isipan ko ang hawak kong tsokolate. Hindi ko na ito hawak ngayon at mukhang nahulog ko sa labas. Binigay iyon sa akin ni Mang Isco. Pinaghirapan niya iyon, pinag-ipunan mabili lamang.  Kaagad akong bumangon at nagmamadali muling lumabas saka wala na akong pakialam kung naroon pa si Prince. Ang nasa isip ko na lamang ay ang tsokolate. “Nasaan na ‘yon? Hindi puwedeng mawala ang tsokolate,” bulong ko at hindi ko mapigilang hindi maiyak nang ‘di ko iyon makita. Siguro para sa iba tsokolate lang iyon pero para sa akin hindi basta lang iyon. Napakahalaga n’on dahil regalo iyon ng isang taong tinuring ko na ring ama ko. “Nasaan na ba kasi ‘yon . . .” “Ito ba ang hinahanap mo?” Kaagad akong lumingon at nakita si Prince na hawak ang tsokolate. Naglalakad siya palapit sa akin at inabot iyon. Nanginginig pa ang kamay ko habang kinukuha ito.  “Salamat.”  “I’m sorry pala sa k-kanina,” aniya kaya napatitig ako sa kaniya. Parang tumigil ang paghinga ko nang pinunasan niya ang pisngi kong basa na dahil sa luha. “Magpahinga ka na,” dagdag niya matapos at ngumiti.  “Salamat ulit, Prince.” Walang alinlangan ko siyang niyakap at pakiramdam ko gumaan ang mabigat kong pakiramdam nang yakapin niya ako pabalik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD