VICTORIA'S POINT OF VIEW
Napatingin ako sa wall clock at napabuntonghininga na lamang sapagkat ala una na ng madaling araw. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit hindi ko makalimutan ang pagyakap ko sa kaniya. Mas lalong 'di ko rin maintindihan kung bakit ginagawa ko iyon eh hindi ko naman ginagawa iyon dati.
Huminga ako nang malalim at saka pinikit ang mga mata. Bigla ring pumasok ulit sa alaala ko ang masamang gawain ko noon na pinagsisisihan ko pa rin hanggang ngayon. Sa sobrang guilty ko noon kahit ang dami pang masasamang sabihin sa akin na 'di ko naman maitatanggi dahil sa mga nagawa ko at illegal na gawain ng magulang ko, humingi ako ng kapatawaran sa mga nagawan ko ng masama.
May ibang sinasabi na okay na raw sila at hayaan na lamang daw. Saka may ibang wala akong nakuhang tugon na naiintindihan ko naman kung bakit. Alam kong mananatili na sa kanila ang masamang ginawa ko, ang masamang salita na nabitiwan ko sa kanila. Siguro karma ko na rin nga ang mga masasamang nangyari sa buhay ko ngayon dahil sa kasalanan ko noon.
Muli akong humingang malalim at dinilat ang mga mata. Naisip kong maglakad-lakad o magmuni-muni muna sa labas ng silid hangga't hindi pa ako inaantok. Sinuklay ko lang ang buhok ko gamit ang daliri at inayos nang kaunti ang suot na damit bago lumabas. Pero noong isasara ko na ang pintuan pagkalabas ay nakarinig muli ako ng tunog ng gitara. Doon ko napansin si Prince na nakaupo sa lapag sa tapat ng pinto ng silid niya at busy magpatugtog ng gitara. Noong tumigil siya ay mukhang napansin niya ako dahil nilingon niya rin ako.
“Can't sleep?” tanong niya sa akin habang nanatiling nakatingin.
“Hmm-hmm,” tanging tugon ko at maingat na sinara ang pinto.
“Can you sing or play guitar?” Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. Medyo nakakaramdam pa rin ako ng hiya.
“Marunong naman ako, 'yong kanina pala, p-pasensya na at niyakap kita at pagkatapos umalis ako bigla. N-Nahiya lang din kasi ako sa nagawa ko lalo na kakakilala pa lang natin . . .”
“It's okay. Kalimutan na lang natin iyon. Do you want to join me? Can you play the guitar and I'll try to sing the song kung alam ko?” Saglit akong napangiti at nagsalita.
“Sige, pero try mo ring mag-suggest muna ng kanta, baka alam ko rin. S-Saka uhm diyan ba tayo? Sa may puwesto mo?” wika ko at hindi ko na rin maalis ang pagtitig ko sa kaniyang mga mata na kulay gray na may tint ng green.
“Okay, alam mo ba ang kanta ni Colina Lopez na Sinta?” tanong niya at tumango ako.
“Alam ko ang kanta pero 'di ko kabisado, pero mayroon siyang kanta na alam ko talaga. Iyong pamagat ay t***k ng Puso, a-alam mo ba iyon?” sagot ko sa kaniya. Tumayo naman siya saka napalunok ako noong lumapit siya sa akin.
“Yeah, I know that song. Come on, sa music room tayong dalawa, gusto mo ba o dito na lang tayo?” ani niya naman. Dahil na-excite din akong makita ang music room ay naisip kong pumayag. Isa pa pakiramdam ko ay safe kasama si Prince.
“Sige, doon na lang tayo. G-Gusto ko rin makita ang music room. Nabanggit lang din kanina ni Tita Prescila,” saad ko at ngumiti saglit.
“Okay, let's go at nasa susunod na floor ang music room,” sambit niya lang matapos niyon at pinauna niya ako maglakad habang nakaalalay siya sa akin.
Naging maingat ang bawat hakbang natin sapagkat baka makaistorbi kami kapag lumikha ng ingay. Medyo mahaba-habang paglakad ang ginawa namin lalo na malawak talaga rito sa mansion. Huminto kami sa tapat ng isang pinto na ang disenyo ay tila isang piano, kung namangha na ako sa itsura mas namangha ako noong makita ang loob mismo ng silid.
Marami silang musical instrument na pwedeng gamitin at mas kumuha talaga ng atensyon ko ay ang iba't ibang klase o disenyo ng gitara nila at ang pianong halatang makaluma ngunit maganda ang disenyo at mapapansing matibay ang pagkakagawa.
“Nararamdaman kong mas mahilig ka sa gitara at piano, tama ba ako?” Medyo napaigtad ako sa pagsalita niya sabay sinara niya ang pinto. Marahan ko siyang nilingon na medyo nahihiya pa rin.
“Tama ka, 'di lang sobrang galing pero marunong naman. Ikaw? G-Gitara tama ba ako?” Ngumiti siya saglit at para akong mahuhulog dahil doon. Maingat niya akong hinila patungo sa may upuan at naupo kami roon bago siya sumagot.
“Yeah, gitara pero medyo marunong din naman sa piano. Iyong ibang instrument kina Mom at Dad na iyan, medyo nahihirapan akong pag-aralan pero sinusubukan ko pa rin naman minsan. More on guitar talaga ako. Now, can we start?”
“S-Sige, akin na pala ang gitara,” ani ko at inabot niya naman sa akin ito. Napalunok muli ako sabay hugot ng malalim na hininga bago bumilang ng tatlo at nagsimula na magpatugtog ng gitara. Siya naman ay maya-maya lang, sinimulan na rin ang pag-awit.
Titig mo pa lang
Ako'y nabibighani na
Ang t***k ng puso ko
Tila maririnig mo na
Nakakabighani ang tinig niya, ramdam ko rin ang tingin niya sa akin habang umaawit. Pakiramdam ko bagay na bagay ang awit sa akin ngayon.
Bakit ganito?
Ngayon ko pa lang ito nadarama
Medyo naguguluhan pa ako
Senyas na ba ito?
Ako rin, ngayon ko pa lang naramdaman ang ganito, anong klase ng senyas na ba ito?
Ang pagtibok ba
Nitong puso ko
Palatandaan na ba
Na ako'y malapit ng mahulog sa iyo
Natigilan ako bigla sa liriko. Napatanong ako bigla na 'di ko ba talaga alam o sadyang 'di lang ako sigurado ngayon kung tama ang hinala ko?
Oh ikaw talaga
Ang tinitibok nitong puso ko
Ayaw talagang tumigil
Mas lumalala habang tumatagal
Nais kong sambitin
Puso ko'y nais na akong umamin
Na ikaw ang tinitibok nito
Ngunit sa isip ko'y huwag na muna
Tama, tumitibok talaga itong puso ko ngayon kapag ang lapit namin ni Prince o kaya makita ko lamang siya. Maging pakiramdam lang ng presensya niya o maalala ko lang siya. Nasa punto nga talagang pakiramdam ko huwag na lang sambitin.
Oh kay hirap . . .
Dama ko na lamang ito ngayon. Naguguluhan na parang alam ko na rin naman ito, ay aywan ko ngayon sa sarili ko! Ganito ba talaga kapag 'di na lang simpleng paghanga ang pakiramdam mo? 'Yong tipong nadarama mong lalalim din ito sa pagtagal?
Focus Victoria, baka mamali ka ng pagtugtog ng gitara! Kumalma ka lang! Pero para akong tanga ngayon sa mga naiisip ko kahit may ideya ako para pa rin akong aywan.
Titig mo pa lang
Ako'y nabibighani na
Ang t***k ng puso ko
Tila maririnig mo na
Senyas na ba ito?
Na nahulog na ako sa iyo?
May tumutulak sa aking bigkasin
Ngunit may pumipigil din
Oh ikaw talaga
Ang tinitibok nitong puso ko
Ayaw talagang tumigil
Mas lumalala habang tumatagal
Oh kay hirap aminin
Noong ako'y iyong tanungin
Sapagkat inaasam man
Ngunit malabo na rin
Malabong ako rin
Ang t***k ng puso mo
Sapagkat ikaw ay may sinisinta na
Inaasam na lang, na tumigil na ang puso ko sa pagtibok sa'yo . . .
PAGKATAPOS niyang umawit ay pinuri ko ang kaniyang boses at siya naman ay pinuri ang pagtugtog ko ng gitara. Ang kantang inawit niya ay inawit talaga ng isang sikat na teenager na singer ngayon sa Pinas. Marami ang humahanga sa kaniya at tila isa na roon si Prince.
“How about you, gusto mo rin bang kumanta?” tanong ni Prince.
“Uhm m-marunong naman ako pero hindi magaling katulad mo. More on playing instrument ako saka nagsusulat din minsan ng song lyrics, b-bakit?” wika ko.
“Sabihin mo ang kantang almost o kabisado mo talaga, susubukan ko kung kaya ko rin. Ako naman tutugtog tapos ikaw ang kakanta, o kaya naman mag-play ka ng piano?” Napangiti na naman ako pero ngayon ay 'di na saglit katulad kanina. Mas naging komportable na ako kasama si Prince habang tumatagal.
“Ahm, may alam akong kanta na korean pero gusto ko nag-pia-piano ako habang kinakanta iyon. Ayos lang b-ba sa iyo if ganoon gawin ko?”
“Sure!” aniya at umalis kami sa kinauupuan sabay lumapit sa piano. Naupo siya malapit-lapit sa akin habang ako sa tapat mismo ng instrumento. Muli akong humingang malalim saka nagsimulang mag-play ng piano habang inaawit ang korean sad love song. Pinag-aralan ko ito dahil nagkaroon ng contest sa dating paaralan pero hindi ko na tinuloy ang pagsali dahil sa mga nangyari noon.
NOONG tapos na rin ako ay pinuri din ako ni Prince at nagpasalamat ulit ako sa kaniya. Sunod ay siya naman ang umawit habang sinusubukan din ang piano. Saka nagdesisyon na kaming bumalik sa kaniya-kaniyang silid upang makapagpahinga na dahil dinapuan na ng antok.