CHAPTER 24

1670 Words

VICTORIA'S POINT OF VIEW Hindi ko alam kung sasabihin ko na kay Prince ang narinig ko kanina kay Nastia. Nagdadalawang isip pa ako at wala ring kasiguruhang papaniwalaan niya ako rito. Pero hindi naman siguro masamang subukan sabihin sa kaniya, 'di ba? Subalit . . . huwag na muna nga. Huminga ako nang malalim habang nakatitig lamang sa kisame. Kasalukuyang nakahiga lamang ako sa kama ngayon at 'di makatulog. Kanina ko pa sinusubukang ilibang ang sarili ngunit 'di talaga ako madapuan ng kaantukan. Sinubukan ko ring magsulat kanina kaya lang nawawalan ako ng gana kaya 'di ko na pinilit. Pangit kasi nagiging kalabasan kapag pilit lamang. “Mag-advance reading na lang ba ako ulit? Baka sakali ring antukin ako lalo na kapag Mathematics ang subject,” saad ko sa sarili at naiinis na bumangon s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD