VICTORIA'S POINT OF VIEW “May dumi sa gilid ng labi mo,” bulong niya na halos at tumigil ang paghinga nang maramdamang alisin niya ang dumi. Gamit niya ang malinis na itim na panyong hawak-hawak. Pagkatapos niyon ay nanatili lamang kami sa ganoong posisyon hanggang sa tumikhin ako. Umiwas ako ng tingin lalo na noong maramdamang umiinit na muli ang magkabilang pisngi. “Uhm . . . Prince b-baka puwede mo na akong bitiwan,” ani ko at nahiya na ring tumingin pa sa kaniya. Napansin ko ang saglit niyang pagngiti bago maingat akong binitiwan mula sa kaniyang pagkakayakap sa aking baywang. Medyo lumayo rin ako at napayuko. “Ligo lang din ako. Palit ka na at kain ka na rin ng agahan,” saad ko pa at nanatiling nakayuko hanggang makapasok sa kuwarto ko. Napadausdos ako bigla pagka-lock ko nito at

