CHAPTER 26

1550 Words

VICTORIA'S POINT OF VIEW Halos tatlong linggo na mula nang magsimula ang pasukan. Wala namang pinagbago halos sa takbo ng araw ko. Papasok sa school nang may mga nakasunod ang tingin sa akin maging sa paglabas. Si Nastia naman paminsan-minsan 'pag nalalapit sa akin biglang bumabait. Napailing-iling na lang ako habang naaalala kung paano ko sakyan ang larong gusto niya. Kay Loave ko pa lang din nasasabi ang tungkol dito. Sa 'di malamang dahilan ay hindi ko masabi-sabi kila Prince ito. Sana na lang talaga ay maging maganda ang kalabasan. Huminga ako nang malalim at napangiti dahil naalala ko rin pagkatapos ng suspended class dati, bumawi na si Novheille kay Loave. Ayon na rin, magkaayos na sila pero minsan siguro naiinis at naaasar pa rin sa isa't isa. Siguro normal lang naman din iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD