CHAPTER 20

1530 Words
VICTORIA'S POINT OF VIEW DALAWANG ARAW na akong nananatili sa mansion at halos sa kuwarto ko lang ako naglalagi habang ginagawa ang mga kailangang sagutan. Paminsan-minsan naman ay lumalabas ako. Inaalalayan lamang ako nina Tiya Christine at Uncle Ren. Bumibisita rin sa silid ko minsan sina Tita Prescila at Tiyo Rohan simula nang dumating sila ulit sa mansion. Kapag pumapasok din sa silid ko si Prince ay hinahayaan lang ding nakabukas ang pinto. Saka kung naiisipan naming tumugtog, kaming dalawa man o buo kaming Eternal Band ay binubuhat niya ako patungo sa music room. Kapag paalis na rin ay bubuhatin niya muli ako at pagkatapos ay i-explain sa akin ang mga na-lesson din upang mas maunawaan ko ang sinasagutan. “Nakakaasar talaga itong math, paano ba ito? Hindi ko na alam ang gagawin,” ani ko at napabuntonghininga na lang sabay sara ng kuwaderno. “Bakit ba kasi nabuo pa ang subject na ito eh,” bulong ko pa at napanguso. Nakakaramdam ako ng pagka-bored ngayon habang nakatanaw sa labas ng kuwarto, dito sa may glass wall na parte. Sinusubukan kong i-relax ang utak at muling titingnan ang math problem na kailangan kong i-solve subalit parang dudugo lang talaga ang utak ko na may kasama pang pagpiga. Paano ko ba na-survive dati ang Mathematics? “Ito na nga lang munang English at isunod ko na ang expirement na gagawin ko para masagutan ang mga tanong sa Science subject,” saad ko pa at binuklat ang gawain sa English. Mayroong mga pinapabasang teksto at pagkatapos ay sasagutan iyon base sa naunawaan at impormasyong nakalap sa nabasa. Hindi naman ako masyadong nahirapan ngunit paulit-ulit ko pa ring tinitingnan kung tumutugma ba ang sagot ko sa teksto. Kung malaki ang possibility na tama ang aking sagot. Hindi ko rin namalayang inabot na ako halos ng tanghali kasasagot. Tiningnan ko ang oras at alas dose na. Ibig sabihin ay lunch break na ulit sa school. Naka-dismiss naman na siguro sila Prince? Tatawag kaya siya ulit sa akin katulad kahapon? Sana oo, pero maaari ding hindi. Kapag nangyaring walang tawag, siguradong busy lang 'yon saka kakain pa siya. Mamaya nag-a-advance reading din pala siya para sa mga susunod ulit na subject. Sapagkat katulad daw kahapon may pa-surprise short quiz. NAPALINGON ako sa may pintuan noong may kumatok at dahan-dahan itong bumukas. Ilang segundo lang ay nakita ko si Uncle Ren na dala ang isang tray na puno ng pagkain habang si Tiya Christine naman ang may dala sa inumin at baso. Hinayaan muna nilang nakabukas ang pinto saka nilapag sa inilagay nilang isa pang table sa silid ko. Para raw ito sa pagkain ko para 'di magulo ang aking mga gamit sa study table. “Maraming salamat po sa paghatid ng lunch, Tiya at Uncle,” sambit ko at ngumiti sa kanila. Inayos ko muna ang aking mga gamit saka tumayo. Mabilis naman akong inalalayan ni Tiya kahit sabi ko ayos lang at malapit lang ako sa kakainan ko. Hanggang sa ako ay makaupo at uminom muna ng tubig. “Kung may kailangan ka, text o mas okay kung tawagan mo ako ha? Lalo na kung nahihirapan ka lumakad tapos kunwari pupunta ka ng banyo. Kumain ka rin diyan. Lahat iyan paborito mo at hinanda namin ng iyong Uncle Ren,” saad ni Tiya Christine at pansin ko ulit na kinikilig si Uncle kaya mas lumawak ang aking ngiti. “Opo saka salamat po ulit sa inyong dalawa. Sige na po, mag babe time po muna kayo ni Uncle since breaktime n'yo rin po ngayon,” tugon ko at natawa na lang ako noong dedepensa na naman sana si Tiya pero agad na ring nagsalita si Uncle. “Eat well, Ria. Salamat sa pagbibigay ng babe time ulit sa aming dalawa ni Tine,” ani niya at tatampalin sana siya ni Tiya ngunit nasalo nito ang kamay at hinalikan ang likod ng palad. Nakita ko naman muli kung gaano itago ni Tiya ang kilig niya hanggang sa makalabas na ulit sila at masara ang pinto. Bagong lutong kanin ang nasa harapan ko at ang ulam ay gulay na langka na may halong alimango. Mayroon din na pritong lumpia at timpladong suka, melon juice at tubig. Dagdag pa ang bowl na maaari kong paghugasan ng kamay at iyon na nga ang ginamit ko upang makapagkamay sa pagkain. Mas masarap kapag nakakamay talaga lalo na ganito ang ulam. Enjoy na enjoy ako sa pagkain hanggang sa maubos ko ito. Talagang nabusog ako at kulang na lang umulit pa ng pagkain subalit medyo kinokontrol ko rin ito. Baka masobrahan naman ako at makasama rin kaya naman naghugas na lang ulit ako ng kamay saka naglagay ng hand sanitizer pagkatapos ayusin ang pinagkainan. Matapos ay nahihirapan akong bumalik sa study table ko. Sakto ring tumutunog ang aking keypad phone. Mabilis kong tiningan kung sino ang tumatawag at hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig at saya dahil tumatawag si Prince. Mabilis kong kinuha ang gadyet saka sinagot ang tawag niya. “Prinsipe, n-napatawag ka ulit,” sambit ko na medyo nautal pa. “Hmm, kumusta na ang pakiramdam mo Ria? Medyo maayos na ba ang paa mo?” tugon niya sa kabilang linya. “Oo, kahit paano hindi na siya tulad noong nakaraang araw saka kahapon. Next week mukhang makakabalik na ako ulit sa pagpasok sa school. Ikaw, kumain ka na ba riyan? Kumusta ang classes?” wika ko at saglit na kinagat ang ibabang labi. “Mabuti naman kung ganoon. Kumain na rin ako ng lunch kasama sila Ismael at as usual medyo nakakapagod sa klase. Pero ayos naman ang lahat. Ikaw, kumain ka na rin ba Ria?” “Hmm-Hmm, katatapos ko lang halos actually noong tumawag ka. Mabuti naman kumain ka na rin at wala kang problema riyan.” “Kumusta naman ang pagsasagot mo sa mga iniwang activity?” Doon na ako napabuntonghininga ulit sa tanong niya. “Hirap na hirap na talaga ako sa Mathematics! Hindi ko talaga hilig ang subject na ito! Tipong hindi ko talaga maiwasang hindi magreklamo bago i-solve ang problems! Sana ma-survive ko ito kahit paano tulad noon—oo nga pala may tutor ako dati,” sagot ko sa kaniya. “Don't worry, tomorrow darating na ang tutor na na-hire nila Mom para makatulong sa'yo kahit paano,” ani niya at nanlaki ang mga mata ko. Wala akong ideya sa aking narinig at mukhang napansin ni Prince na bigla akong natahimik. “H-Hello? Ria, are you still there? May hindi ba magandang nangyari—sh*t! Ria, please answer—” “Prinsipe.” Kaagad siyang tumigil at mukhang nakahinga ng maluwag nang magsalita ako. “Natakot ako,” sabi niya na mahina lamang. “P-Pasensya na at natahimik lang ako bigla. Wala rin k-kasi akong ideya na kukuha o kumuha na pala ng tutor sila Tita Prescila. Nakakahiya na ito Prince pero nagpapasalamat din ako sa inyo at the same time. Subalit nakakahiya pa rin talaga,” wika ko at napanguso. “Oh? S-So Mom didn't tell you . . . Well, kanina ko lang din nalaman kay Uncle Ren. Sabi niya sasabihin naman daw sa'yo ni Mom pero baka na-busy. Saka, 'di mo kailangang mahiya, Ria. It's okay, okay?” “'Di ko rin maiwasan Prinsipe eh. Pero kapag nagkita kami ulit ni Tita Prescila mamaya ay magpapasalamat ako sa kaniya. Nabigla lang din siguro ako ngunit malaking tulong nga lalo na hirap na hirap ako sa Mathematics. Aminado naman akong may tutor din ako rito dati—palihim nga lang dahil baka mapagalitan pa. Nanibago lang muli siguro ako lalo na ilang buwan na rin ang nakalipas.” “It's okay, Ria. By the way, may ibibigay ako sa'yo mamaya pagkauwi ko. For now, I need to hang up. Magpahinga ka muna,” sambit niya at nanatili lang ang ngiti sa labi ko ngayon. “Sige, salamat. Hihintayin ko ang ibibigay mo mamaya,” tugon ko at nakailang paalam ulit kami sa isa't isa bago binaba ang tawag. PINAGPATULOY ko ang paggawa ng mga activity pagkatapos ng pag-uusap namin ni Prinsipe. Halos ala una na rin noong bumalik sina Tiya Christine at Uncle Ren upang kunin ang pinagkainan ko. Nagpasalamat ako ulit sa kanila bago sila lumabas ng kuwarto ko. Tinapos ko lang din nga ang mga dapat sagutan sa English at medyo kinalahati naman ang Filipino bago nagdesisyong magpahinga muna at paggising gagawin na ang expirement sa Science. DALAWANG ORAS lamang din ang lumipas ay nagising na ako at inayos nang kaunti ang sarili. Ala singko na halos ng hapon kaya mabilis kong inayos ang mga kagamitan para sa ekspiremento. Nasa tabi lang din halos ng study table iyon kaya hindi ako masyado nahirapang i-set up sa may lapag na mismo upang mas malawak ang espasyo. Habang nag-aayos ay bumukas ang silid at natuwa nang makita si Prinsipe. May dala siyang street foods tulad ng isaw, barbecue, calamares, kwek-kwek at itlog pugo na naging paborito ko na rin. Nais ko na nga kumain kaagad ngunit nagpaalalay muna ako patungong banyo sa silid—para makapaghilamos at mumog. Matapos ay iyon ang naging meryenda naming dalawa habang masayang nag-uusap sa kuwarto ko at ginagawa ko rin ang eksperimento.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD