CHAPTER 19

1780 Words
VICTORIA'S POINT OF VIEW PINAGTITINGINAN kami ni Prince ng mga estudyante rito habang pa-bridestyle ang buhat sa akin at dala ang ibang gamit ko. Kanina ko pa sinasabi sa kaniyang ibaba na ako dahil nakakaramdam din ako ng hiya subalit 'di siya nakikinig. Hindi ko alam kung saan kami tutungo halos dahil hindi ko pa masyado kabisado rito kahit may map namang ibinigay. Isa pa, ibang direksyon ang tinatahak niya, hindi patungo sa building namin. “Prince, ayos lang ako at 'di mo na ako kailangang buhatin pa. Ibaba mo na ako, n-nakakahiya at pinagtitinginan tayo ng mga tao,” saad ko na pabulong lang halos. “Just shut up for now, Ria,” tugon niya na halos pareho lang sa kanina tuwing nakikiusap akong ibaba na ako. Napabuntonghininga na lamang ako. Hindi ako makasagot kanina kay Prince sa library at ilang segundo lamang ay bumuntonghininga rin siya. Saglit akong tumayo at napatalikod sa kaniya bago muling humarap. Nang siya ay makita ulit, akala ko kung ano rin ang kaniyang gagawin nang mas lumapit pa. Nagulat na lang ako noong kinuha niya ang backpack ko saka kukunin ko sana ito subalit binuhat niya agad ako. Pagkatapos niyang masigurong nasa kaniya na ang gamit na aking dala sa silid-aklatan, nagmamadali siyang lumabas habang karga ako. “Saan ba kasi tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya ulit pero hindi niya na ako sinagot. Hanggang sa nakita ko na lamang na pupunta kami sa clinic. Magtatanong pa sana ako ulit pero pinasok niya na ako at may nag-assist kaagad sa amin. Sa totoo lang, nahihiya lamang ako siguro kanina sapagkat pinagtitinginan nila kami ni Prinsipe. Baka ano rin isipin nila sa amin o ano na pa masabi kay Prince. Ayokong masira siya dahil sa akin. Pero at the same time, ipinagpapasalamat ko rin dahil nang nilapag na ako ni Prince napaigik na lang din ako sa sakit ng binti at paa ko. Siguradong nayari ito kanina sa hagdanan. “Pagamot naman po ng sugat niya sa likod,” sambit ni Prince sa doktor na naroon at nanlaki ang mga mata ko. Tila napansin niya rin ang reaksyon ko. “Hindi mo na rin namalayang nasugatan ka kanina dahil sa may matalim na bagay pala sa basurahang tinapon sa iyo. Mabuti na lang din at hindi sa ulo mo tumama pero delikado pa rin iyon. Napatakbo ako papuntang library nang tawagan ako ng ibang mga kakilala kong nakamasid sa iyo upang makita kung anong masamang nangyayari sa iyo. Tumawag din bigla ang nasa may security room na biglang nakita ang pangyayari. Agad nilang ipinatawag din ang lahat ng sangkot sa nangyari sa'yo ngayon. Inunahan ko lang sila kaagad na makalapit sa'yo. P-Pasensya na kung hindi nakarating kaagad dahil malayo-layo ang building kung saan naroon ang meeting,” wika niya at yumuko. “L-Lalabas lang muna ako, pupunta na rin dito si Ate Christine. Ayoko makialam sa iyo pero Ria, kailangan niya rin malaman ito at kailangang pumunta rin siya rito,” ani pa niya at nanlaki ang mga mata ko. May nais akong sabihin subalit nakaalis na agad siya sa loob ng clinic. Itinabing naman ng doktor ang kurtinang nakapalibot sa bed at saka kinailangang alisin ang pantaas ko halos lalo na ang blusa. Gagamutin niya kasi ang aking sugat. Kaya pala mahapdi ang bandang likod ko. Akala ko normal na lang halos dahil sa mas naramdaman ko yata ang sakit ng paa at binti ko. Tumulo ang mga luha ko na halos walang tigil. Pagkatapos akong gamutin ng babaeng doktor ay may pinahiram muna siya sa aking pantaas na damit dahil may dugo na ang blouse ko. Inabutan niya rin ako ng tissue upang punasan ang aking mga luha. “Salamat po,” ani ko at ngumiti naman siya saglit. Sinubukan namang niyang tingnan ang paa ko. Mabuti na lamang ay walang na-damage subalit sasakit pa rin daw at possible nga magkapasa. Baka ilang araw daw akong mahirapan na maglakad kaya dapat ko itong ipahinga at pagalingin muna. Tapos na ang breaktime halos at narinig ko ang tunog ng phone na itinabi. Mukhang may nag-message sa akin kaya tiningnan ko iyon. Victoria, I'm sorry! Sorry dapat hindi na lang kita iniwanan kanina! Sana hindi na lang ako umalis o ako na lang pumunta sa'yo sa room para sabay tayo patungo sa library. I'm sorry, sorry talaga Victoria, paumanhin talaga! Nagsisisi akong umalis pa ako sa tabi mo. Ngayon tuloy nakahanap pa sila ng chance na gawin sa'yo iyan. Nabalitaan ko lang din dahil kumalat na halos sa campus ang nangyari. I'm so sorry talaga, kailangan ko na pumasok ng room at baka mapagalitan pa ako kapag dumating na ang teacher. I-excuse ko kayo ni Prince, sorry talaga, super sorry talaga Victoria . . . Huminga ako nang malalim saka tumipa ng reply para kay Loave. Hindi naman niya iyon kasalanan—wala siyang kasalanan sapagkat ako ang nagpumilit ng desisyon kong maiwan na lamang. Ako ang nagdesisyong mag-isa pumuntang library saka hintayin na lamang siya roon. Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Loave. Wala kang kasalanan, wala. Hindi ikaw ang nagdesisyong magpaiwan na lang ako, ako ang may gusto niyon. Huwag mong sisisihin ang sarili mo dahil wala kang pagkakamali. Hindi ikaw nagkamali at wala kang kinalaman sa masamang nangyari sa akin. Salamat at kumalma ka na lamang dahil hindi kita sisisihin kahit kailan dahil wala ka naman talagang kasalanan. Focus na lang muna kayo sa lessons, muli, wala kang ginawang mali para humingi sa akin ng paumanhin. Pagka-send ko ng tugon kay Loave ay itinabi ko na ulit ang aking keypad phone. Umalis muna saglit ang doktor sa kinaroroonan ko upang ipaalam kay Prince na pwede na siya tumungo sa akin. Maya-maya lamang ay pumasok na nga siya at umupo sa may visitor's chair. Humugot siya ng isang malalim na hininga bago tumingin sa akin. Ako naman ang bumaba ang tingin. “Ria, magpahinga ka muna raw sabi ng doctor at nurse. Kakailanganin mo raw iyon at maipapaalam na rin sa mga guro natin ang nangyari. Inaasikaso na rin ni Ma'am Rodriguez ang lahat para siguradong matatanggap ng mga gumawa sa'yo niyan ang punishment sa kanila. Papunta na rin daw si Ma'am dito upang kumustahin ang kalagayan mo dahil sa nangyari,” ani niya at hinawakan ang aking kamay. Parang may dumaloy na kuryente sa aking sistema dahil doon. “Pasensya na rin kung hindi naging mabilis ang pag—” “Tama na, Prinsipe. Wala ka namang kailangang ihingi ng pasensya o paumanhin man o basta kung ano-ano. Wala ka ring kasalanan, okay? Nagpapasalamat nga ako dahil pinunta mo ako rito at hindi ka nakinig sa katigasan ng ulo ko. Salamat sa lahat Prinsipe,” sambit ko na dahilan upang maputol ang sasabihin pa niya. Saglit siyang ngumiti sa akin at medyo lumapit. Pagkatapos ay doon niya ako niyakap nang maingat at hindi rin iyon tumagal. Bumalik muli siya sa kaniyang pwesto at ako naman ay patagilid na paharap sa kaniya ang higa. Hindi ko kayang humiga nang straight talaga ang sa likod dahil nadidiin ang sugat ko. Kahit 'di naman daw malala sabi kanina ngunit masakit o hapdi pa rin. Pinikit ko ang mga mata ko at biglang 'di mapigilan ang antok na lumulukob sa akin. Sa sobrang pagod na rin siguro ito. NAGISING na lamang ako at nakitang narito na si Tiya Christine kasama si Uncle Ren at si Prinsipe ay 'di ko mahagilap. Dahan-dahan akong bumangon na kaagad nilang napansin kaya inalalayan ako. Tumingin pa ako sa orasan at halos malapit pa lang mag-isang oras ang tulog ko. “K-Kumusta ang pakiramdam mo, Victoria? Diyos ko, talagang yari sa akin ang mga gumawa nito sa'yo. Ang dapat sa kanila ma-suspend o hindi lang iyon, expel sana. Kulang na lang siguro patayin ka nila kanina!” wika ni Tiya at sinubukan naman muna itong pakalmahin ni Uncle. “Hindi ko kayang kumalma Ren matapos kong malaman, makita at mapatunayan ang nangyari sa pamangkin ko! Mabuti na lang talaga okay din ang security at hindi pinalampas ito kasi baka mamaya ano pang issue gawin kaya hayaan lang ito!” “Alam ko naman iyon, Tine. Pero huwag kang mag-alala, matatanggap ng mga estudyanteng may gawa nito kay Victoria ang nararapat na parusa sa kanila. Hindi natin hahayaang walang mangyari at patuloy lang sila magpakasaya,” ani ni Uncle Ren na mukhang gumana upang kumalma kahit paano si Tiya Christine. “Okay na po ako, huwag po kayong mag-alala. Kailangan ko lang po pagalingin ang paa at binti ko para makapaglakad muli ng ayos. Ipagpasalamat na lang po nating hindi naapektuhan ng malala ang paanan ko saka hindi ako napuruhan ng matalim pa lang bagay,” sabi ko at tipid na ngumiti ulit. “Victoria, kailangan nila maparusahan kahit na sabihing pang hindi naging komplikado nang todo ang nangyari sa iyo. Mali pa rin sila at paano kung nayari ka talaga? Kaya dapat lang managot sila at hindi puwedeng hayaan na lamang silang magsaya pagkatapos ng ginawa nila sa iyo! Ano sila, sineswerte?” Huminga ako nang malalim at nanahimik na lamang muna. Lumipas lang ulit ang minuto at narito na si Prince. “Okay na Ate Christine at Uncle Ren. Siguradong pagsisisihan nila ang ginawa nila kay Ria,” sambit ni Prince na ipinagtaka ko. May ideya ako ngunit ganito kadali iyon? Ang alam ko may proseso pa ito? “That's good,” tugon ni Uncle at nahalata ko ring nagtaka na rin si Tiya. “Isang taon silang hindi makakapag-aral dito o kahit saan man sila mag-enroll. At si Ria naman, sabi ni Ma'am Rodriguez kanina, bibisita na lamang ito upang ibigay ang mga kakailanganing gawin habang nasa mansion muna. Tulog si Ria nang bumisita si Ma'am Rodriguez kanina. Since hindi makakalakad agad-agad nang maayos si Ria at kailangang ipahinga ang mga paa, may mga iiwang sagutan upang makahabol pa rin siya. Hanggang sa makabalik na ulit siya sa school kapag gumaling na,” wika ulit ni Prinsipe. Sakto ring pumasok si Ma'am Sally at pangalawang beses niya na ito. Tulog lamang pala ako kanina noong unang dalaw niya. Inulit niya lang halos ang sinambit ni Prince at mas pinaunawa pa iyon. Ang mga sasagutan ko raw ay may kinalaman sa lessons na nasa libro. Pwede ko raw basahin iyon muna sa books bago sumagot. Ang mga kasagutan ko ay si Prince na ang mag-aabot nito sa mga guro din namin upang ma-check-an. “Maraming salamat po, Ma'am Sally,” ani ko at ngumiti naman siya. “Wala ito, muli akong humihingi rin ng paumanhin sa nangyari. Get well soon, Miss Kim,” saad ni Ma'am saka nagpaalam din ito kila Tiya Christine saka lumabas na ng clinic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD