CHAPTER 18

1817 Words
VICTORIA'S POINT OF VIEW “Class dismissed.” Kaagad na nag-ayos ng gamit ang aking mga kaklase pagkasabi niyon ni Sir Alfonso, ang teacher namin sa Math. Nang lumabas na ang guro namin ay sumunod na rin agad ang mga kaklase ko. Bumuga naman ako ng malalim na hininga habang tinitingnan ang mga numero sa notebook. Mathematics talaga ang subject na sobrang nahihirapan ako. Tipong luluha muna yata ako ng dugo bago ko ma-gets ito o matama ang dapat i-solve. “Hoy! Ayos ka lang ba?” tanong ni Loave sa akin at kababalik lang din niya ng gamit sa bag habang ako ay gagawin pa lang ito. “Oo, ayos lang naman ako. Sadyang nahihirapan lang ako rito sa iba. 'Di talaga ako mahilig sa math lalo na hirap na hirap ako rito,” sagot ko sa kaniya sabay zipper ng bag ko rin at marahang sinukbit. “Pareho pala tayo,” ani niya na medyo ikinatawa namin. “Nga pala, sikat na sikat ka na ah . . . Ang ganda mo talaga at talented pa!” ani niya sa pabulong na paraan at may padiin pa sa ibang salita. Napailing na lang ako sa kaniyang inasta at nagpapasalamat din dahil talagang mukhang mapagkakatiwalaan siya pagdating sa sekreto. “Doon tayo sa library ngayon, pero kain muna tayo sa canteen,” sambit pa ni Loave. “Loave, siguro dito na lang muna ako kakain at daan na lang ako sa library mamaya para puntahan ka. A-Ayoko na ring lumabas nang lumabas lalo na ngayon sa canteen,” sagot ko rito at binaba muli ang bag saka dahan-dahang naupo. Wala ngayon sila Prince dahil mga fifteen minutes bago matapos ang math class ay ipinatawag sila. Mukhang patungkol din ito sa foundation day. Sila lamang talaga. Paano ako makakasama kung nagpapanggap ako? Pero mas mabuti na iyon para 'di ma-issue-han ang Eternal Band. “Uy! Victoria, ang lalim na naman yata ng iniisip mo. May problema ka ba?” Napatingin ako saglit kay Loave at marahang umiling. “Sus! Hindi nga? Sigurado ka ba? Kasi sa nakikita ko rin ngayon mukhang problemado ka eh,” saad niya pa at naupo muli habang nakakandong sa kaniya ang bag. “Wala, sadyang ayoko na talaga muna Loave. Isa pa, nagbaon na rin ako kaya ayos na sa aking maiwan dito nang mag-isa. Susunod na lang ako sa library, promise?” tugon ko sa kaniya at nag-please sign din. Matagal niya akong tiningnan bago nagpakawala ng malalim ding hininga. “Fine, fine. Sige na at saglit lang din ako sa canteen siguro. May kikitain lang ding kabilang section, 'yong gay na friend ko rin na pamangkin ni Momsh F,” wika ni Loave at hininaan ang huling dalawang salitang binanggit. “Sige, eat well din. Siguro 12:30 pupunta na ako sa library,” saad ko at ilang segundo lang ay umalis na rin sa classroom si Loave. Ako na lamang ang naiwan dito at wala naman talaga akong ibang baong nadala maliban sa chicken sandwich. Kanina ay kinuha ko ito sa hapag kainan habang nagmamadali paalis. May bottled water na rin naman ako kaya 'di na sa akin problema ang pagkain at inumin. Lunch break na ngayon at dapat kanin ang kinakain ko subalit okay na rin itong dala ko. Babawi na lamang ako ng kain pagkauwi mamaya. TAHIMIK lamang akong umiinom ng tubig pagkatapos kumain ng dalawang chicken sandwich ngunit napahinto rin. “Look oh, mag-isa siyang kumakain.” “Oh my Gosh! Oo nga ano? Haha! Mabuti na lang din! Ang pangit na may anak ng kriminal na lumalapit sa Eternal Band, tsk!” “Tama, masyado namang makapal ang mukha niya para ang isang katulad niya ay mag-aral pa rito. Mas worst na magkalapit pa sila ni Prince! Nakakairita 'pag nakikitang magkalapit sila ng ultimate crush ko.” “Paano naman kami rin na crush lahat ng member ng Eternal Band? Kaloka ang basurang tulad niya. Victoria 'anak ng drug dealer' Kim, perfect!” Patuloy na nagtawanan ang apat na babae na mula sa kabilang section. Huminga ako nang malalim at ayokong makasakit pa kahit na may masasama silang pinagsasabi sa akin. Baka kapag nasaktan ko pa sila lalo na pisikal mas mayari pa ako. Ayaw ko magka-bad records dito sa school. “By the way, enough with the criminal's daughter. Nabasa n'yo na ba kanina sa dyaryo? Grabe! Ang galing daw talaga mag-play ng music instrument si Miss River! Unang araw pa lang niya iyon halos sa banda at unang gig din pero grabe na! Mas matatanggap ko rin kung sila pa ni Prince kaysa magkalapit silang dalawa niyang Kim na iyan.” “Tama ulit! Nakakainggit nga eh! Nakatulog ako kaya 'di ako kasama nila Auntie sa Daisy Restaurant. Nakita ko rin sana siya noon! Pero ang narinig ko, kasama na rin si Miss River talaga sa music performance sa foundation day! So happy!” “Oh my God . . . really?! I'm so excited!” “As I am!” NAKAHINGA lamang ako nang maluwag noong umalis na sila sa harap ng room namin. May tumulong luha mula sa aking mga mata pero agad ko ring pinunasan iyon. “Kalma ulit, Victoria. Walang magandang patutunguhan ang pag-iiyak mo at pagiging mahina sa ganitong bagay. Tama na iyan, tama na,” ani ko sa sarili at tinapik-tapik ang bandang dibdib. Nanalamin rin ako upang makita kung hindi naman halatang naiyak ako. Pagkasiguro ay saka ko inayos ang gamit saka sinukbit ang bag sabay labas ng classroom. Naglalakad pa lamang ako sa hallway ay naririnig ko na ang bulungan na naman ng iba saka titig na sinusundan bawat yata galaw ko. Sa paglalakad ay wala pa ring bago sa mga komento sa akin. Pare-pareho lamang na anak ako ng drug dealer, ng kriminal at kung ano-ano pa minsan. Nanatili na lang akong nakayuko at hindi sila pinapansin. Subalit noong bumababa na ako sa hagdan ay tila sinadya nilang mahulog sa akin ang nasa tabing basurahan malapit sa hagdanan. Nagdulot ng pagkapuwing ito sa akin at talagang maubo-ubo at hatsing nang hatsing. Mabilis kong nilabas ang panyo at iyon ang pinunas sa may ilong dahil halos sipunin na ako sa alikabok. Pinagpagan ko rin ang damit ko at may iilang kumapit ng dumi. Maging ang buhok at mukha ko ay aking nilinisan. Halakhak, iyan ang pumuno halos sa floor ng building na kinaroroonan ko at may umusyoso pa kaya mas lalong lumakas ang tawanan. Gusto ko na maiyak sa nangyayari ngunit pinigilan ko ito dahil ayokong makita nilang nagtagumpay silang masaktan ako. Huminga ako nang malalim at itinabi ang trash bin na na-shoot sa ulo ko bago nagpatuloy sa paglalakad. HANGGANG sa ilang hakbang na lang ay nasa baba na ako, first floor ng building naming grade ten ay may gumulong na lang na soda can na hindi ko napansin agad. Naglalakad ako niyon at mukhang sinadya muli noong nakasunod sa akin na dalawang babae. Kaya naman ako ay natapilok at halos gumulong na, mabuti na lang ay napahawak ako agad sa maaaring kapitan. Narinig ko pa ang munting halakhak ng dalawang babae noong makita akong nahihirapan na maglakad dahil sa kanilang ginawa. Imbis na makipagtalo ay tinapon ko na lang ang lata sa tamang basurahan. Saka pinalakas din ang loob na maglakad ng maayos-ayos kahit hirap na hirap na ako. Kaya mo ito Victoria, pagsubok lang iyan. Magpigil kang lumaban ng pisikal din dahil baka mabaliktad ka pa. Kalma lang, malalagpasan mo rin ito balang araw. Imbis na six minutes lang ang lakad mula sa building namin patungo sa library dahil magkalapit lang ito, naging fifteen minutes halos. Mabuti na lang ay isa at kalahating oras ang lunch break namin. Namumula na halos ako lalo na ang binti at paa ko na pakiramdam ko ay magkakaroon ng pasa maya-maya lang dahil sa nangyari. Inayos-ayos ko muna ang sarili ko saka nagpabango na lamang kaunti bago tuluyang pumasok sa silid-aklatan. Halos puno na ang pwesto malapit sa exit kaya naghanap-hanap pa ako ng iba. Mamaya siguradong nariyan na rin si Loave at baka kasama niya pa si Lea, ang pamangkin ni Momsh Feil. Leo talaga iyon pero wala rin namang problema sa akin kung Lea ang nais niyang itawag sa kaniya. Kahapon ko lang din siya na-meet at saglit lang dahil patapos na ang breaktime nang magkakilala kami. Hindi ko lang inakalang may pamangkin din pala si Momsh Feil dito. AS USUAL at dating gawi lang ang mga tao kapag nakikita ako. Noong may makita akong pwesto bandang dulo ay mukhang sinadya ulit ng iba makipag-unahan sa akin. Pinanatili ko na lang ang seryosong ekspresyon kahit maiyak-iyak na ako dahil dama ko na rin ang p*******t ng katawan at pamamanhid ng paa ko. Siguro dalawang minuto pa bago ako nakakuha ng maayos muling pwesto at dulong bahagi na ito ng unang palapag ng silid-aklatan. Kinuha ko ang keypad ko ng phone na pinadala rin kanina ni Tiya Christine saka nag-iwan ng mensahe sa numero ni Loave kung saan ako naka-pwesto sa library. Pagkatapos niyon ay nilabas ko ang librong kinuha ko rin kanina habang naglalakad-lakad dahil may kinalaman iyon sa susunod na subject, ang Science. Noong tumunog ang keypad phone ko ay agad kong nakita ang mensahe mula kay Loave na 'di raw siya makakapunta ngayon. Akala ko iyon lang ang text niya subalit may sumunod pa. I'm sorry talaga Victoria, pasensya na talaga, kasama ko rin kasi ngayon si Novheille at magkasabay kami sa canteen. Don't worry, papunta na riyan ang crush mo, si Prince! Sorry talaga, bawi ako sa iyo next time, I'm sorry! Napangiti naman ako saka tumipa rin ng reply ko. Ayos lang, huwag ka mag-alala. Enjoy ka lang, for sure tuwang-tuwa ka na ulit dahil kasabay mo rin ang crush mo sa breaktime. Kita na lang ulit tayo mamaya sa class! Pagka-hit ko ng send ay bigla kong napagtantong baka may makahalata ng pamumula ng paa saka pagkakaroon pa ng pasa sa binti ko rin. Anong gagawin ko rito? Siguradong mapapansin ito ni Prinsipe at ng iba pa! Mag-iisip pa lamang ako ng paraan kung paano. Ngunit ilang segundo lang lumipas ay napaigtad na lang ako noong may pabagsak na naupo sa aking tabi, si Prince. Bumilis ang t***k ng puso ko sa kaba. Ang seryoso rin ng kaniyang ekspresyon ngayon. “Prince—” “Bakit mo sila hinahayaan na pagkaisahan ka?” tanong niya at sunod-sunod akong napalunok. “A-Anong—” “Bakit mo hinahayaan saktan ka lang at tingnan mo nga ang pasa mo sa binti. Grabe pa pamumula maging ang paa mo!” sambit niya na naman kaya naputol ulit ang sasabihin ko sana. Wala na rin akong halos maisagot sa kaniya. Dahil din sa kaniyang ginawa, napansin kong nasa amin na ang atensyon ng mga medyo kalapit lang naming pwesto sa library. “Ria, please, fight for yourself too . . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD